Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Jan 2018
Pagkatapos kumain ay napansin ng ina ni Butchoy na agad itong pumanhik sa kaniyang kuwarto.

Dala ng pagkamausisa ay tinungo niya ang silid ng anak. Doon ay nakita niyang nagsusunog ito ng kilay gamit lamang ang isang pirasong kandila.

"Ang sipag naman ni Butchoy ko."

"Kailangan ko po mag-aral, 'Nay. Ayoko pong matulad sa ibang bata na palaboy-laboy at wala sa eskwela," aniya.

"Ganoon ba? Magbabago rin sila, anak" usisa ng ina.

"Kasi po ang batang tambay ay walang mararating sa buhay," sagot ni Butchoy. Napangiti na lamang ang ina.
Tamad man ito sa gawaing bahay, masipag naman sa pag-aaral.
Lecius Dec 2020
Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw, sasambitin ko sa kan'ya na alam mo ba, ikay isang batang maraming talento. Mapapahanga sa'yo ang mga tao nang dahil sa pag-kanta mo.

Hahanap-hanapin nila boses na napakaganda, mistulang anghel ang umaawit kapag narinig na. Lahat ng kanilang mata'y sa'yo titig kapag inumpisahang umawit, 'di sila kukurap kahit saglit.

Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw,
papayuhan ko s'ya na marami kang makikilala kaibigan man at kaaway, mayroong mananatili at aaalis, may mamaalam at 'di na muling babalik.

May makikilala ka na isang pag-ibig, mamahalin ka niya. Gabi't araw  ka niyang ipapanalangin na sana maayos kalagayan mo. Siya sa'yo mag-aalala kung kumain kana ba o may sakit ka.

Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw,
Ipapaalam ko sa kan'ya na kay raming paghihirap ang dinaranas mo, pero sa kabila nito ay hindi ka sumusuko, parati mo kinayakayanang lampasan.

Isa kang napakatatag na babae na hindi agad aatras sa ano mang pag-subok sa harap, parati kang nag-papatuloy na may bitbit na ngiti sa mukha na hindi basta-basta mabubura.

Kung makakausap ko man ang batang ikaw,
babanggitin ko sa kan'ya na huwag kang mag-alala ang hinaharap mo ay nasa maayos na kalagayan. Kasama n'ya iyong pamiya at minamahal siya.

Huwag kang mag-alala sa kinabukasan, pag-tuunan mo ng pansin ang kasalukuyan, sulitin mo ang bawat araw para maging masaya, dahil ang kinabakusan ay malayo pa ang kasalukuyan ay nasa harap na.
Marthin Sep 2018
Magising ka sa ganda ng umaga ba
Pero babe, mas maganda ka parin,
Tara kain gud tayo, kainin ko yang
ngabil mo at inumin ko katas mo,

At kung gutom ka rin, pwede mo man
kainin tung pandesal ko,
kung gusto mo samahan mo na rin
konti ng bear brand ko,

Labas tayo mamaya, ang kinis ng ulap
pero mas kinis man kamay mo babe oy,
Gusto ko tikman talaga ba
yung mala marshmallow mo gung kutis,

Pero, hintay muna tayo ha
hindi paman gud lunch,
Pag alas dose na ay pwede na kita kainin
ay este pwede na tayo kumain,

Ano gusto mo kainin?
Yung mga egg meal o yung akin?
San rin tayo magkain?
Sa lamesa or sa bed natin?

Mahirap man mag pili babe oy
Gusto ko sa sala pero bad man gud ba,
Di man gud yan tinuro nila mama
Dapat man daw na kainin kita sa lamesa,

Baka gusto mo dessert?
Busog ka na ba babe?
Baka pwede na tanggalin yang skirt?
Naka feel pa kasi ako ng crave,

Kain tayo ng pina sosyal-sosyal sa dinner
Yung may pa wine-wine tayo,
Yan lang gud kailangan natin
Basta bukas ha ikaw naman ang cleaner.
Davao-Tagalog poem.
It's a bit sensual
Ashari Ty Jul 2018
Lasang kay tamis,
bubulok ang ngipin
Lasang kay asim,
titigas ang pisngi
Lasang kay pait,
bubukas ang mga labi

Lasang kay alat,
pangalan ay bubulungin
Lasang kay anghang,
sa init mapapadaing
Lasang nakakabusog,
ngunit gusto pang kumain

Ang Katakawan ay isang kasalanan lamang

Ang Kalibugan ay isang istorya.
istoryang sa amoy palang ay lasap na lasap na.
Sanch Oct 2020
Pagod ka na,
Gumising at bumangon
Gusto mo nalang mamahinga
Sawa ka na,
Mag-isip nang mag-isip
Para lang malibang ka
At ayaw mo na,
Mabuhay,
      maglakad
            at kumain
Nang mag -isa

Pero baka kasi bukas
    Okay na
Sana bukas
    Okay pa
Euphrosyne Feb 2020
Katabi kita
Masaya tayo ngayon
Sabay tayong kumain
Sabay tayong pumasok
Sabay tayong humihigop ng kape
Sabay tayong umuwi
Nagtatawanan tayo
Akap akap kita
Para matanggal lahat ng kalungkutan mo
Pinagsasabihan mo ako ngayon
Tungkol sa mga binebenta ko
Tinutulungan mo akong
Mapukaw lahat ng kalungkutan ko
Ngunit
Lahat ng ito'y
Imahinasyon nalamang
Dahil parang mga mata ko nalamang
Ang tayo dahil
Malabong mangyare na muli lahat ng iyon
Sana sa susunod maging totoo na lahat ng ito diane miss na kita.
Jun Lit Mar 2018
Kumukuti-kutitap
kumain-dili, al-tang-hap
lamparang maliit, apuhap
basuraha’y bubungkalin
makakai’y hanap.
Title translated: "Poor Firefly"
Prince Allival Mar 2021
( MAHAL PARA SAYO TO )
UNTITLED 🥴

Sa araw-araw na di ka nakikita,
na di ka nakakausap, di ka nakakasama.
sa araw-araw na naglalakad mag-isa,
iniisip-isip ka,hinahanap hanap ka lalo
ang iyong presensiya.

Sa araw-araw na dumaraan sa aking harapan.panibagong mga araw na siyang aking pinipilit na silayan.hinahanap yung araw na muli akong sisikatan ng iyong araw, ng iyong liwanag,na siyang magbibigay ng init sa nanlalamig kong kalamnan.

Sa araw-araw na ginugulo ako ng aking isipan, kung ano na nga ba ang lagay mo;
ayos ka lang ba?sana naman oo.
kumain ka na ba?sabihin mo na oo.
masaya ka ba? oo? o baka hindi rin siguro.

Pero tandaan mo,nandito lang ako.
nandito lang ako sa mga panahon,
na sa tingin mo wala nang tutulong sayo.
nandito ako sa mga oras na kailangan mo,
ng isang tao na handang makinig sayo.
nandito ako, handa nang makinig sayo,
sa lahat ng iyong mga kwento,
sa lahat ng iyong mga pagod at problema.

Sige, sabihin mo sakin at makikinig ako.
dahil nandito na ako, handa nang makinig sayo,
Nandito na ako,patuloy na maghihintay sayo
at nandito na ako,patuloy na magmamahal sayo.
Tagalog translation:
Hindi pa nga nagsisimula, tatapusin na agad?
Kesyo daw baka ibang trabaho ang aapplyan ko na hindi daw tugma sa kursong kinuha ko
Puna ng nanay kong talak ng talak na parang pinaglihi ang bungaga sa pwet ng manok
Hindi pa nga nakapagpasa ng application letter at resume negatibo agad ang nasasabi at naiisip
Ika nga nila pride does not pay your bills.
Importante ba talaga yun? Na pride ang pinapairal at hindi na lamang lunukin ang pride
Kaya hindi umaasenso ang bansa eh dahil sa negatibong pananaw ng mga tao sa lipunan
Na imbes tulungan kutyain pa lalo
Ano bang pinpupunto mo? Ano ba ang ikinakagalit mo?
Na matulad ako sa ibang tao na sapat na ang isang kahig, isang tuka
Gusto ko naman mamuhay sa mundong ito na hindi sapat ang kakarampot lang
Ngunit ibahin mo ako sa iba, ayaw kong umasa sa salitang survival of the fittest
Gusto kong maniwala sa salitang comfort of the fittest
Ayaw ko nang ma experience ulit yung ulam na toyo, suka at mantika na ihahalo sa kanin pangtawid gutom lamang
Ayaw ko nang gawing ulam ang sabaw ng noodles na abot hanggang leeg na walang kalasa-lasa para makakain lamang kaming lahat
Ayaw ko na nung mga panahon na minsan lang ako makaranas kumain sa fastfood restaurants
Ngayon hindi na tuwing birthday o kahit anong okasyon makakakain kami, kundi kung kailan may extra sa pera ko
Hindi kahihiyan ang makakamatay sa atin kundi uhaw at gutom lamang
Mamamatay nang nakadilat ang mata mo
Kahit alam **** may oportunidad na dumadaan sa mga panahong lumilipas
Mas pinili **** tumunganga na lamang sa hangin nang walang laman ang sikmura
Imbes na magsipag para may maipakain sa pamilya kahihiyan ang inuuna
Tandaan mo, wala kang laban sa sikmura **** kumakalam at dila **** uhaw
Kung hindi ka magtyaga at maghanapbuhay.

English translation:
You haven’t even started, yet they’re already shutting you down?

They say you might apply for a job that doesn’t match the degree you took. My mom, always nagging like she was born with a rooster's mouth, keeps voicing her concerns. I haven’t even submitted an application letter or a resume, and negativity is already in the air.

They say, pride doesn’t pay the bills. But is that really important? Is pride really the issue here? Should I just swallow my pride?

This is why the country doesn’t progress—because of the negative outlook of people in society. Instead of lifting each other up, they choose to mock and tear others down.

So what is the real point here? What exactly are they angry about? Do they want me to end up like others who live paycheck to paycheck, barely scraping by?

I just want to live in this world with more than the bare minimum. But unlike others, I refuse to rely on the saying "survival of the fittest." Instead, I want to believe in "comfort of the fittest."

I never want to experience another meal where soy sauce, vinegar, and oil mixed with rice are our only options just to get through the day. I never want to rely on watered-down instant noodles that stretch to feed everyone but have no real flavor.

I never want to go back to the days when dining at a fast-food restaurant was a rare treat, reserved only for birthdays or special occasions. Now, it’s no longer just a once-a-year thing—it happens whenever I have extra money.

Shame is not what will **** us—it’s thirst and hunger. You’ll die with your eyes wide open, knowing opportunities pass you by. And yet, instead of reaching for them, you choose to sit idly, stomach empty. Rather than working hard to provide for your family, you let shame control you.

Remember this—you stand no chance against a growling stomach and a thirsty tongue if you don’t hustle and work for a living.
Louise May 2024
Kumain ka na ba?
Anong oras na.
Oras na para kumain.
Umupo ka na, 'wag mahiya.
Para sa'yo lahat itong nakahain.
Isang oras lang.
Pero busog ka na ba?
Isang oras pa.
Merienda lang, mahal.
Kahit pa hanggang almusal.
Pasensya ka na, ito lang ang hiling.
Hindi na nanaisin pa na ito'y patagalin.
Pwede na ba akong umalis?
Hindi na aasamin na lalong magkamali.
Boses mo ang siyang multo at baon ko.
Ang mga mata ko'y suki ng alaala mo.
Mali ang ito'y piliting maging tama.
Tama na siguro ang muntik na.
Plato at kubyertos ay iligpit na.
At ang basura ay aking susunugin na.
Kutsara at baso ay itago na.
At ang alaala natin ay kalimutan na.
Merienda cena, hindi na sana.
Sandy Macacua Apr 11
Sometimes love isn’t loud.
It doesn’t always arrive with flowers,
or surprise visits,
or hours spent side by side.

Sometimes,
it’s in the late replies that still feel warm.
In the tired voice that still says “I love you.”
In the silence that doesn’t feel empty
because we know—deep down—we’re still choosing each other.

It’s in a random meme sent at 2AM,
just to say, “I saw this and thought of you.”
In a soft “pagod ako,”
not as a complaint, but as a quiet letting in—
letting me be part of your exhaustion.

It’s in the everyday check-ins:
“kumain ka na?”
“nakauwi ka na ba?”
Not just questions,
but little reminders that say:
I care. I’m with you. Even from far away.

It’s in the way we stretch time,
make space,
find light in the middle of our chaos.
In the way you pause your busy day
just to make me feel remembered.

Love, for us,
isn’t always about presence—
it’s about intention.
It’s about showing up
in small, quiet ways
that matter more than anyone else sees.

We’re not always available.
But we’re always trying.
And that trying,
that choosing,
even in between work, sleep, and everything in between—
that’s where love lives.

Because even when we don’t say much,
even when we’re tired, busy,
or miles apart—
I still feel you.
And somehow,
that’s more than enough.
reyftamayo Aug 2020
isa pa, itagay mo pa
tatlong ikot na lang ubos na.
hindi malamig,
ubod ng lamig.
iisa lang pala ang tama.
ibigay ang pulutan
doon sa malakas kumain.
pagkatapos nito, isusuka rin.
85 Dumating na ang bisperas ng kasalan
Abalang-abala ang buong kaharian

86 Gayundin ang mga kawal na nagbabantay
Sa prinsipeng hina na parang lantang gulay

87 Buong araw nakatalukbong ng kumot
Ayaw kumain, sa lahat nayayamot

88 Sa parang bata na may sumpong
Nakaantabay ang nilalang na buhong

89 Sa may tsimineya
‘Di randam, ‘di amoy, ‘di rinig, ‘di kita

90 Lumitaw, lumubog ang buwan
Paggising ng lahat kinabukasan

91 Wala na ang prinsipe! Wala na!
Walang nakapansin! Naglahong parang bula!

-06/21/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 139
nabigay ko na yung kailangan mo
pero Naasar ka sa akin
ikaw pa ang galit
matay matay ako
para mabigay ko ang gusto mo
pagod na pagod ako
Andami ko na lang ba yan
naisip mo ba kung kumain ako
Di ba hindi na isip mo lang yung kailangan mo
ngayon na sayo na
naisip mo ba ako
hindi diba
ganito ang pakita mo sa akin ang kailangan mo
totoo scene lang wala kang pakialam sa akin.
Hulyo 2015 –
Ika-13, sa 3 Kids muli nananghalian
Libro ng pabula hinandugan
Ika-18 sa Roxas City nagtungo
Inalam kung pwede maging magnobyo
Ika-25, sa 3 Kids muling kumain
Handog unang kathang fairy tale na babasahin!

-11/11/2015
(Dumarao)
*3rd MiJo poem
My Poem No. 399
Oras,simpling Salita lang pero ang laking bagay sa buhay ng tao,Lalo na sa buhay mo.
kapag marunong ka ng magbasa ng Oras,don mo malalaman na sobrang halaga pala nito sa buhay mo.
kasi nong musmus ka palang,d mo pa alam ang salitang Oras.
Kaya wala kang pakialam kung tumatakbo ang mga kamay nito sa orasan nyo.ang mahalaga lang sayo maglaro,kumain,matulog,maligo sa ulan,maligo sa ilog,makipaghabolan sa mga kalaro at umakyat sa puno ng bayabas.
Ngunit ngayong alam mo na ang Oras at napagtanto mo na sobrang halaga pala nito.kaya bawat sigundo hinahabol at pinapahalagahan mo na,halos wala ka ng maitira sa sarili mo kasi naibubuhos mo na lahat ng oras at panahon mo sa kakahabol sa mga nais mo.
Tipong Kape na lng ang pahinga mo pero tuloy parin ang pagkilos ng kamay mo, tulad ng sa Orasan.wala din tigil ang pag-ikot nito,tuloy-tuloy lang.paulit ulit lang.parang ikaw.paulit ulit lang din ang takbo ng buhay mo.tulog-bangon-trabaho.araw-araw ganito lagi.
dahil ayaw **** masayang yung mga oras n dumadaan sa buhay mo.
paano nga ba papahintuin ang oras para makapagpahinga naman sa araw araw na pare-pareho lang ang takbo?
Pwede kayang bumalik na lang sa pagiging musmus na walang alam sa takbo ng Oras,para naman makatulog ulit ng mahaba at gigising ng walang iisiping bayarin at suliranin.
Pag natutunan mo na ang pagbabasa  sa kamay ng Orasan,magiging abala ka na sa buhay mo.
Maligayang kaarawan "Happy Birthday to me"
Ihanda na ang pulutan, baso, yelo at empe
Imbitado ang lahat pati ang mga LGBT
Kahit walang pang regalo pwedi makipagparty
Pero bago ang inuman ay ating pagsaluhan
Ang masarap na pagkain dito sa hapag-kainan
Mayroon cake, palabok at macaroni salad
Lumpia at tinolang manok na may tanglad
Dahil minsan lang 'to sa isang taon dumaan
Kaya sulitin na ang handaan at kasiyahan
Habang sinasabayan ng birthday song sa videoke
Akin nang paputukin wine na nasa bote
Kinabukasan maraming platong huhugasan
Pero ang alak 'wag na nating ipagpaliban
Kung sa babae, disiotso ang debuhan
Pagsapit ng kinse, ako na ay twenty one

Ako'y bente uno na ang bilis ng panahon
Parang kailan lang ano? Dumedede sa tsupon
Gatas sa kahon 'pag madaling araw tinitimpla
At ang iniinom na gatas ay mula pa sa ina
Ako'y nag evolve sa itsura, boses at katawan
Ang manuod ng bold ay hindi maiiwasan
Uminom ng alak, magpausok ng sigarilyo,
Kumain, koljak, magmahal at magtrabaho
'Di na natin magagawa 'pag sa mundo tayo'y nawala
Kaya gawin ang nararapat habang may buhay pa
Kahit ang oras at buhay sa mundong ito'y mahalaga
'Di natin alam kung kailan tayo mawawala
Ako ang bida't kontrabida at tema sa aking kaarawan
At wala ng iba kaya diretso lang ang kantahan
'Di na mahalaga kung gaano kagara ang handaan
Mahalaga naidaos ng maayos at 'di nakalimutan

Sa paglipas ng panahon kasabay ng pagtanda
Oras at lakas na naipon unti-unting humihina
Ang dating mga kababata isa-isa nang nawawala
Pagbabagong nagaganap dapat laging handa
'Di maikakaila isa sa mga the best na okasyon
Ipagdiriwang ang kaarawan kahit saanman lokasyon
Tawid dagat ang pagitan kahit walang imbitasyon
Matikman lang ang pagkain iyon ang intensyon
'Di pa tapos ang misyon natira iyong balutin
Kasama ang kutsara sa loob ng pagkain
Lahat uuwing busog mula sa biyayang hinain
Mahalaga nakatikim kahit walang regalo sa akin
Madagdagan ng edad ay okay lang sa akin
Dahil hindi ko naman kaya itong harangin
Mabuti pa rin sa kapwa aking hangarin
Para sa buhay lagi tayong pagpalain

— The End —