Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AIA May 2017
Kaya pala ayaw na akong pansinin,
Kaya pala bigla na lang ako sineen,
Kaya pala hindi nya na binabasa mga mensahe ko para sa kanya.
Kaya pala pakiramdam ko ayaw nya na ako kausap.
Kaya pala pakiramdam ko ayaw nya na sa akin,
Kaya pala bigla syang nanlamig,
Kaya pala balewala na ako.
Kaya pala kinalimutan na ako.
Kaya pala..
Kaya pala..
Kasi may bago ka na.
Haha Tangina.
Dedicated to Jayvee Vallejos.
How are you, my Kurimaw? Been wanting to **** you all this time. :)
Taltoy Sep 2017
Bakas ng nakaraan,
Mga kinalimutan,
Sa tinahak, iniwan,
Nasa ating likuran.
JL Dec 2020
Ang bilis lumipas ng oras at panahon
Parang kahapon lang kung iisipin
Nakaraang buwan iyong kinalimutan
Kasalukuyang buwan, muli'y nakalimutan.

Nakatutok pa rin ako sa aking telepono
Nagbabakasakaling sana maalala mo
Espesyal na araw sa ating dalawa
Na patuloy **** hindi inaalala.
It's okay not to be okay.
Kurtlopez Oct 2020
Pinilit lumaban, ngunit sadyang nahirapan,
Isinuko sa tadhana,ang sitwasyong β€˜di na tama,
β€˜Di na kailangan na itong emosyon ay mahirapan,
Kaya’t itong iyong kamay na hinahawakan,
ay kusa ko nang binitawan…

Kusa ko nang hinayaan.
Kusa ko nang pinabayaan…
sa hangin kung saan man,
ang kamay na ito’y ramdam ang kalayaan,
Ang kaginhawaan… ang kapayapaan.

Nagparaya, Nagpaubaya, Nagpalaya.
Bakit tila hirap akong ito’y maunawaan?
Tila hindi mapalagay itong puso’t isipan…
At tunay na umasa sa kamalian…
Kawalan ay tila tinakasan…
Balakid ay aking kinalimutan…
Naglakas loob dahil nasasaktan,
Ininda ang natatanging kahinaan,
At hinarap ang tatlong kalakasan.

NAGPARAYA
Sa tadhana ako’y nagparaya…
Nagparaya na sa kanya’y maging taya,
Nagparaya sa kanyang maging tanga,
At nagparaya sa larong kayduga.

NAGPAUBAYA
Nagpaubaya nang natatanging biyaya,
Nagpaubayang ang luha ay tumulo sa lupa,
Nagpaubayang ang puso ay magambala,
At lamunin ng takot sa muling pagkikita.

NAGPALAYA
Ang huli ngunit kaysakit na aking magagawa,
Nang umabot sa puntong ako’y nagpalaya,
Nagpalaya kahit nagmistula nang kawawa,
Ang pusong nagmahal lamang…
ngunit β€˜di nakamit ang laya.
Kaya’t sa huling pagkakataong ako’y gagawa,
Nang aksyong sa salita ko ay aakma,
Ay yun ay ang panahong ako ay…
Nagparaya, Nagpaubaya, at Nagpalaya.
Jessa Asha May 2018
Saksi ang buwan
Kung paano kita kinalimutan
Saksi ang mga bituin
Kung paano kita pinakawalan
Saksi ang kalangitan
Kung paano ako tuluyang lumaya
Saksi ang buong mundo
Kung gaano ako kasaya
Nang
Tuluyan ko nang pakawalan
Kinalimutan
Palayain
Ang taong naging sanhi
Ng aking kalungkutan.
#tuluyan na kitang kinalimutan at di na ako babalik pa para muli **** saktan.
gift Aug 2020
noon, tayo ay nag mahalan
bumuo tayo ng mga pangakong aking pinang hawakan
gumawa tayo ng mga bagay na nag resulta ng sobrang kaligayahan

ngayon, wala na; wala ng tayo
kinalimutan at binalewala mo ang ating mga pangako
pero sinta, ako'y hayaan mo
tutuparin ko kung ano man ang ating na plano

at sa hinaharap, patuloy kitang mamahalin
ang ating sinimulan, itutuloy ko parin
kahit ako nalang mag isa, at ikaw ay hindi na akin
β€”g.l
here’s to all my filos out there <3
bartleby May 2018
Sabi mo, walang magbabago
Pero ngayon, halos hindi na kita makilala
Hindi mo lang ako basta isinabay sa iba
Ipinagpalit mo pa ako
Hanggang sa tuluyan mo na akong kinalimutan

Sabi mo, walang magbabago
Pero ngayon, ibang-iba ka na
Minsan, tinatanong ko ang sarili ko
Katulad ng pagtanong ni Liza Soberano kay Enrique Gil
β€œPangit ba ako?”
β€œKapalit-palit ba ako?”
β€œAm I not enough?”

Dati, halos walang makapaghiwalay sa ating dalawa
Ang sabi mo pa, β€œIkaw lang at wala nang iba pa”
Ako mismo ang naging kaagapay mo sa pagkilala mo sa kanila
Pero bakit ako mismo ngayon ang nawalan ng halaga?
Bakit ako mismo ngayon ang hindi mo na binibigyang pansin?
Nagpaka-layo-layo ka’t ibinaon ako sa limot
Ibinaon mo ako sa kahapon
Kung saan kasama ko ang mga iba mo pang itinapon

Pero tama na
Tama na ang pagiging Liza Soberano
Hindi na kita kukulitin at magtatanong ng isang milyong bakit
Hindi rin ako magiging si Piolo Pascual
Na hihingi ng explanation at acceptable reason
At lalong hindi rin ako magiging si Bea Alonzo
Na hihilingin na β€œsana ako na lang ulit”

Dahil tanggap ko na
Hindi ko na hihingin pang ako lang ang piliin mo
Magpaparaya ako’t papayag na isabay mo sa iba
Isa lang ang hihilingin ko
Na sana β€˜wag mo akong tuluyang kalimutan
Na sana β€˜wag mo hayaang tuluyan akong mawala sa buhay mo
Dahil gaano man kahabang panahon ang lumipas
At gaano man karami ang nagbago sa pagitan nating dalawa

Ako pa rin ang tunay na laging andito para sa’yo
Ako pa rin ang Wikang Filipino na kahit nagbago man, ay nandito pa rin at nananatili para sa’yo
A poem about the Filipino Language written for my students to perform on our celebration of Buwan Ng Wika, year 2017
l May 2016
'di mo lang alam,
na sa bawat ngiti mo'y
para akong unti-unting pinapatay
sapagkat sa dati-rati
ang mga ngiting 'yan, sa iyong labi
ako ang dahilan -
ngunit ngayon,
'tila tuluyan na akong kinalimutan.
Maggie Dec 2020
Ang nais ko lang naman ay iyong maging tahanan
Sa tuwing ika’y nasasaktan, nanlalamig, at nahihirapan
Kaya’t bakit ako’y ginawang panandaliang silungan?
Iniwan at kinalimutan nang natapos ang ulan
Kasabay ng paglabo ng ulan ay ang kasabay na paglaho mo rin
Joseph Floreta Jul 2022
Ipag paumanhin mo kung natatawa ako, dati kasi isa akong pulubi,
Haha! sige tawanan mo muna ang aking sinabi,
Habang umiinom ng coke para magka enerhiya,
Nakasandal ako sa pader habang nagbibilang ng barya,
Isa, dalawa tatlo kelan magiging kuntento?,
Sapagkat hindi naman talaga barya ang binibilang ko,
Kundi ang bawat pag patak ng segundo,
Isa, dalawa tatlo "may halaga pa ba sayo?",
Yung oras niya ang nililimos ko noon,
Ngunit nagbago na ngayon.

Naalala ko pa tumaya ako noon sa lotto,
Isa't pangalawang taya ngunit ako parin ay talo,
Muli akong tumaya sa pangatlong beses at sabi ko "Huli na to",
Sa di ko inaasahan tumama na nga talaga ako dito.
Ang lotto ay simbolo lamang ng pag-ibig,
Yan ang nais kong ipahiwatig,
Sayo ako nanalo, Sayo wala akong talo.
Yan ang nagbago  ngayon.
Kinalimutan ko na ang noon.

Napaka swerte kong hindi ko na kailangan mamalimos,
Ng oras at atensyong naghihikahos,
Sapagkat nariyan kana at handang magbigay,
Handang umintindi at handang mag alay,
Mag-alay ng pag-ibig na walang kapantay,
Walang pag aalinlangan at walang hinihintay,
Na ano mang kapalit na sayo'y ibibigay.

Marapatin mo akong sumandal muli,
Hindi sa pader, kundi sa balikat mo kahit sa isang sandali,
Upang maipadama ko sayo kung gaano ako ka saya,
Isa, dalawa tatlo ikaw ay mahalaga,
Marapatin mo akong sumandal sa iyong tabi,
At sa muling pagbibilang ng aking mga labi,
Isa, dalawa, tatlo,
Sayo ay kuntento.
071522- Salamat sa panlilibre mo ng sine, Alam mo kung gaano ako ka sayang makasama ka, Salamat at hinayaan mo akong sumandal sa iyong balikat, Ang kaginhawaan sa tabi mo ay walang kapantay.... Baka masanay na ako sa presensiya mo, ini spoiled mo ata ako.... hahahaha
ang nag iisang tiyak
sa isang libong duda

ang uuwiang tahanan
sa mainit na araw
sa malamig na ulan

parang alaalang kinalimutan
parang pintong tinalikuran

ang nagpakawala sa rehas
ang nagpagaan sa dala

hindi ka lang tala sa kadiliman
ikaw ang buong kalawakan
Twelve Jan 2020
F26
hala
akala mo ba
ako'y babalik pa
kinalimutan mo ba
na ikaw ang sumira sa ating dalawa
teka teka
akala ko ba masaya ka na
pero bakit nandito ka pa
hanap-panakip butas habang ika'y nagiisa
hindi na
masaya na akong ikaw ay wala na
ayan na
sinabi ko na
baka kulang pa..
haha tangina
Akala ko noon, sapat na ang mahalin,
Na kapag totoo ka, 'di ka sasaktan.
Ngunit natutunan kong kahit gaano kabuo,
May pusong pipili pa ring lumayo.

Pinili kitang mahalin sa bawat araw,
Sa bawat paghinga, ikaw ang dahilan.
Ngunit kahit anong pilit kong hawakan,
Ang isang pusong sawa, 'di na mapipigilan.

Akala ko ang β€œtayo” ay pangmatagalan,
Na kaya nating lagpasan ang bawat sugat at lamat.
Pero hindi pala laging sapat ang dasal,
Kung ikaw mismo, ay ayaw nang lumaban sa ating pagmamahalan.

Ang sakit, hindi lang sa pagkawala mo,
Kundi sa tanong na: β€œSaan ba ako nagkulang sa’yo?”
Ginawa ko ang lahat, pati sarili'y kinalimutan,
Pero sa dulo, ako pa rin ang iniwang luhaan.

Walang perpektong pag-ibigβ€”oo nga, totoo.
Pero sana, hindi ko nalang inialay lahat sa’yo.
Sana natutong magtira kahit kaunti,
Para may natira sa sarili kong muli kong buuin.

Ngayon alam ko na,
Ang tunay na trahedya ay hindi ang pag-iisa,
Kundi ang manatiling umiibig
Sa isang taong kayang mabuhay na wala ka.

— The End —