Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bumibitaw" poems
Ikaw at ako, tayo Magkahawak kamay na naglalakbay Sa mahiwaga at walang kasiguraduhan na mundo Magiliw na nakatingin sa taas, upang mga tala ay magsilbing gabay Magkasabay nating nilakbay ang gabi Di alintana ang mga nakikita sa paligid Walang pakielam sa mga sabi sabi Walang makakapigil sa mga pusong umiibig Ngunit habang nagalalakbay Unti unting bumibitaw ang 'yong kamay Unti unting lumuluwag ang 'yong hawak Unti unti, habang ako'y nabibiyak Ikaw at ako ay pinaglaruan ng tadhana Tayo na niloko at pinaikot ng mga tala Tayo na pinaniwala ng kalawakan Tayo na na umasa sa walang hanggan Ang mga pangakong walang hanggan Lahat sila'y naging kasinungalingan Ang dating naglalakbay na "tayo" Ay nawala, naging mag isa, naiwan nalang ang "ako"
0
Nov 19, 2016
Nov 19, 2016 at 2:12 AM UTC
Tayo
Pagkatapos ng takipsilim Bumabalot ang dilim Ilang oras maninimdim Ang gabi ay lalalim. Nag aantay sa iyong pag dating Naiinip, kung minsan pa'y napapailing Matagal na ring humihiling Katotohana'y gusto ka nang makapiling. Nakasilip na ang haring araw Hindi pa naman ako bumibitaw Habang sa mga pangako mo'y ako'y nakadungaw 'Andito pa rin ako, hindi gumagalaw. Wari ko nga'y ako'y maghihintay Sa pagibig **** walang humpay Pusong ginawa nang alay Sa pagibig **** nakamamatay Narito pa rin ako, hindi makagalaw wari'y napako na sa pangako **** nakakasilaw.
0
Mar 3, 2019
Mar 3, 2019 at 8:10 AM UTC
takipmata
GISING! mainit na kape natutumbang mga mata nanghihinang katawan isip ko'y nawawala isang tinik ng ingay agad ng napatingin sa gawing banda roon anong takot sa dilim balik tayo sa mga salitang mala-linya na ang ukit sa utak kong sabaw lahat sa paningin na'y marikit maski nag-iisang ilaw nagmumukha ng tutubi pagkat sa pagdating ng bukas bawal ang magkamali ilang pahina nalang kaya't konti pang tiis minimithing tagumpay aking makakamit kaya't higop pa ng kape puta, dila ko pa'y nasunog dasal na lamang ang katapat maliban sa luha at uhog kakayanin, kakayanin hindi nais magtagal habang sila'y nagsasaya narito kang nag-aaral kung ayaw **** maiwan sa kwartong maputi kasama ng demonyo gisingin ang sarili walang alay na magaganap hindi maaaring ipabahala bawal tayong magtawag diyos-diyosan dito sa lupa itong mga matang bumibitaw, bumibitaw sa gabing ito, walang susuko maski budhi ko na'y sabaw
0
Oct 4, 2015
Oct 4, 2015 at 2:17 AM UTC
Sabaw
Gusto mo ba 'yun" Gusto mo ba 'yun, lagi ka na lang pampalipas oras? Gusto mo ba 'yun, kahit ilang beses ka na niloko bumabalik ka pa rin sa kanya? Gusto mo ba 'yun, pinaglalaruan ka nang paulit-ulit? Gusto mo ba 'yun, lagi ka na lang niya sinasaktan? Gusto mo ba 'yun, nagmumukha ka nang kaawa-awa? Gusto mo ba 'yun, wala na nga siyang oras sa'yo, nagpapakatanga ka pa rin? Gusto mo ba 'yun, 'pag galit ka, galit rin siya sa'yo? Gusto mo ba 'yun, bumibitaw na siya, kumakapit ka pa rin? Gusto mo ba 'yun, kahit pagod na pagod ka na? Gusto mo ba 'yun, kahit hindi ka na pinapahalagahan? Gusto mo ba 'yun, pangako niya laging napapako? Gusto mo ba 'yun, kahit pagod na pagod ka na? Oo, gusto ko 'yun, mas masaya 'pag ganun.
0
Oct 9, 2016
Oct 9, 2016 at 12:11 AM UTC
Gusto
Sige lang sanay na ako sa tunog ng mga paang papalayo sa mga kamay na basta na lamang bumibitaw sa mga pangako ng pagbabalik na walang katotohanan sa mga bagay na hindi kayang panindigan Sige lang Baka hindi naman masama ang muling pagguho
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 10:19 PM UTC
walang bago dito
Sa ating pagsakay, tayo'y magkahawak kamay walang bumibitaw, kahit tayo'y psrehong malumbay sa ating pag upo, ika'y hindi nagkasya ako'y nag pa ubaya, upang ika'y lumigaya tayo'y nagkaroon ng tampuhan, na sadyang hindi maiiwasan pareho nating iniyakan, ang ating mga kamalian sa paglipas ng panahon, tila ika'y pinanghihinaan ika'y walang bukang bibig, kundi ang aking mga kamaliang hindi naman ibig Gusto mang magpatuloy, ngunit mukhang hindi na muling liliyab ang apoy Ayaw mang sumuko, ngunit mas ayaw kong ika'y mapako Tama na, ang iyong isinigaw Ayoko na, ang iyong huling hirit Ang iyong mahal kita, ay napalitan ng ayaw ko na Ang ating sumapaan, ay napunta sa wala Para po, hangang dito nalang kami Para po, kami'y hindi na uusad pa Para po.
0
Feb 12, 2017
Feb 12, 2017 at 9:59 AM UTC
Para Po
112622 Balikan natin ang mga pahina ng kasaysayan Bagamat may iilang tekstong isinawalang-bahala na. Mga pahinang hindi na nagawaran Ng konkretong kalinawagan Bunsod sa kusang pagpapasakop natin Sa mga banyagang hayagang dumidikta Sa ating kultura maging adhikain. Hindi man natin nalimot Na tayo’y minsang nakipisan sa mga bahay kubo, Tayo pa rin ay tumawid sa lubid ng kamangmangan — Ilang ulit na‘t tila ba hindi na tayo natuto sa mga kamalian ng nakaraan Hindi lang tayo basta nabitag, Bagkus rehas ay atin pang ipinagtibay. Oo, tayo lang naman ang bumihag sa ating mga sarili Kusang sumiping at nagpatali Hanggang huli na nang mamalayang Hirap na pala tayong kumawala Sa mga buhol na tayo mismo ang may sulsi. Iniibig natin ang Pilipinas gamit ang ating bibig Ngunit ang bandilang ating iwinawagayway Ay hindi na pala ang sariling atin. Hindi masamang makisabay sa uso Ngunit wag nating kaligtaan na tayo’y mga Anak ng Bayan. Hindi rin mainam na tayo’y magpasakop Sa samu’t saring ideolohiyang inihahain sa atin. Pagkat hindi porket nasa hapag na’y Ito’y para sa ating upang nanamnamin. Wag kang hangal, Inang Bayan! Isinisiwalat natin na tayo’y tunay na mga kayumanggi Gamit ang mga sandatang hiram Ngunit sa ating pakikibaka’y Hindi ba sapat ang ating armas At kailangan pang umasa sa kanilang lunas? Pluma ang naging sandata noon Ngunit maging ang ating Bayani’y Hinayaan na nating maging pipi. Mga lata’y maiingay Sa araw-araw nating pakikipagkalakal. Kahit saan tayo sumipat, Tayo’y natutukso pa rin — Bumibigay at bumibitaw, nalilimot maging tapat. Aahon nang nakapikit, Maging lenggwahe’y pahiram na rin. At kung tayo ang huhusga Sa ating walang modong mga nagawa’y Linisin natin ang sarili nating mga dumi’t Wag nang hayaang maging pabigat sa iba. At Bandilang ginula-gulanit Ay sama-sama nating susulsihing muli Nang ang mga galos ng nakaraa’y Maging umaapaw na pabaon sa ating mga iiwan. Sa pamamagitan ng ating pagbubuklod, Tayo’y magiging isang buong Pamilya. At magbabalik ang sigla Na minsan nating hinayaang kainin ng mga bukbok At anay ng ating pagkawatak-watak.
0
Nov 28, 2022
Nov 28, 2022 at 9:45 PM UTC
Blazing Passion

Continue reading...
57
Gabi-gabing tinitiis ang lamig Ng pusong binibigo ng pag-ibig Unti-unting bumibitaw ang mga kamay Sa relasyong unti-unti na ring namamatay Sa bawat bitaw ng buntong-hininga Kalakip ang malaking panghihinayang Sa bawat luha na tumulo mula sa mata Kalakip ang mga alaalang puno ng lumbay at ligaya Pilit mang itulog na lang ang lahat Pilit mang ibaon ang sakit sa limot Pilit mang magpakalunod sa nadaramang lungkot Sadyang hindi magawa ng pusong nayayamot Kailan kaya gigising sa umaga Na kayang tanggaping wala ka na? Kailan kaya gagalaw muli ang oras Na tumigil nung bigla kang nawala? Kailan maghihilom ang mga sugat Na dulot ng mga hinagpis ng kahapon? Kailan kaya ako makakalimot ng lubos Para puso'y matutunang umibig muli? Bathalang Maykapal na sa langit ay nagmamasid Dinggin ang aking mga panalangin ng hinagpis Ako po'y nagsusumamo't dumudulog sa inyo Pawiin ang lungkot na pinagdurusahan ko O Pag-ibig na mahirap mahagilap Na hanggang ngayo'y nananatiling mailap Sana'y ang susunod siya na ang huli Ang babaeng makatatagal sa aking mga bisig
0
May 19, 2019
May 19, 2019 at 2:52 PM UTC
Dalangin
Patawarin mo sana kung akin pa ring pinagpipilitan, Nagbabakasakaling maibalik pa ang tamis ng ating pagmamahalan, Hindi naman siguro masamang mangarap, Kahit na sintaas pa ito ng mga ulap. Pilit inuunawa, may pagkukulang ba o sadyang nagsawa ka na lang talaga. May mali bang nagawa o may nakahanap ka na ng mas maganda. Mga katanungang gumugulo sa aking isipan. Ninanais na sana ito na'y matuldukan. Hinayaan ang sariling magpakatanga, Umasa na ang nakaraa'y maibabalik pa, Mga alaalang ubod ng saya, Tila ba hindi na masusundan pa. Mga pangakong pilit na pinanghahawakan, Kahit na nagkabuhul-buhol na ang hawakan, Mistulang kamay mo na unti-unting bumibitaw, Pumipiglas kahit na pilit hinahawakan. Matatapos din ang lahat, kailangan lang ng pagtyatyaga. Maglalaho ang pag-asang magkakabalikan pa. Pagmamahalang paglilipasan din ng panahon, Mga mumunting alaala'y tinangay na ng alon.
0
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 10:18 PM UTC
May katapusan din ang lahat
Pumatak ang ulan, unti-unti Kasabay ng pagbugso nito ay ang musika na ikaw lamang ang nakakarinig Sinubukan **** silipin ang mga tala na nagtatago sa likod ng mga ulap Ngunit ngayong gabi, maging sila ay mailap Isang awit ang nagwakas at isa pa ang muling nagsimula pero nandito ka pa rin Hindi pa rin maihakbang ang mga paang tila nagapos sa kalungkutan at pag-iisa Masyado na ata silang nasanay na walang naghahanap, na walang tumatanggap Kaya heto’t kahit usigin mo ay hindi bumibitaw sa kawalan na tila walang nakakaramdam kundi ikaw Wala pa rin ang iyong hinihintay Titila na ang ulan at maaari ka nang magtampisaw sa naiwan nitong buhay Ngunit wala pa rin ang iyong tinatanaw
0
Nov 14, 2019
Nov 14, 2019 at 12:46 AM UTC
kulimlim
maglalayag sa hiwaga ng hiraya simula sa sulok ng maharlika hanggang sa dulo ng maginhawa alapaap na bang maituturing itong kalsada? humahawak, bumibitaw magpupumiglas ngunit hindi aayaw sanga’t daho’y sumasayaw pusong puno’y sumisigaw sigurado sa bawat yapak ng paa ligaya sa kislap ng mga mata bawat ngiti sa iyong pagtawa langit ang makasama ka babalik tayong muli sa maginhawa
0
Sep 3, 2020
Sep 3, 2020 at 12:32 AM UTC
m a g i n h a w a