Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"baraha" poems
mga tao sa kasalukuyan mga dayukdok sa kapayapaan pagkat bitbit sa kung saan ang paroroonan hatid na bigat ng ating kapaligiran oo, patuloy ang progreso nating mga tao taon-taon may mga bagong mapangusad na mga plano unti-unting nasasagot mga sigaw ng pagbabago ...kahit papano kahit gaano ito katagal lahat ng baraha para dito'y handang isugal pagkat lahat ng mga dumadaan na pagsusulit ang bawat paglagpas at wakas nama'y lubos ito na sulit sa ginagalawang mundo na abala sa munting paglabas, di na maiwasan ang pagalala bawat pilak parehong pang-hulma at resulta para sa mga gyera marami namang mas makahulugan pa upang igasta bilyon-bilyon na mga pera panloob na kapayapaan sa paghanap nito'y isang paghahanap sa karagatan lumulutang lamang ay katanungan kung ito'y katotohanan o isang kasinungalingan makakamit ba hangga't may natatapakan o madadama lamang ba pag tanaw mo na tanaw ng kalangitan o habang sa paglalakbay ba matututunan kung papano hulihin ang nasusulyap panandalian sumisikip, napupuno mga kulungan sumasagitsit ang mga bulong-bulungan kaysa sa tulungan, pinagtutulong-tulungan humihinga pa aking paniniwala sating patutunguhan, wala pa tayo sa kalahati sa nagmamasid sa itaas, aking tiwala pagkat hindi pa ito ating wakas patuloy mabubuhay ang pagasa hangga't may nabubuhay na umaasa simulan sa sarili, wag sa iba i-asa pagmamahal sa sarili't sa iba'y ipasa di kahinaan ang pagtakas minsa'y kinakailangan din nating maghilom, kumalas sa mapangwasak na mundo, patunayang ika'y mas malakas hindi upang ipakita'y pagkamanhid kundi magkaroon ng sapat na lakas upang kayanin pang hatakin sarili't ibang tao pataas
0
Oct 21, 2019
Oct 21, 2019 at 1:32 PM UTC
panloob na kapayapaan

Continue reading...
56
Paglisan Pinangangambahan kong lubos na malaman kung meron nga bang pangalawang buhay, saan kaya ako tutungo? gagala kaya ang aking diwa o baka makukulong ito sa naaagnas at walang buhay kong katawan habang buhay. ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang alikabok na hinipan sa mesa? , o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa. Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?, kung may dumalo man,ano ang pakay nila?, narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?, o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan? Narito kaya sila upang lumasap ng kape at tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa? o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?, Natatakot akong malaman. Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito, hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal kundi ang pagsisisi na aking dadalhin sa bigong pag-usal at pagpaparamdam kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na sapagkat ang pinakamasakit na paglisan ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at hindi naipaliwanag.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:16 PM UTC
Paglisan
#030417 Kabiyak -- Yan sana ang pinag-iipunan ko Dyan ko sana ihahanay ang "Ikaw" Sa larawang hinayaan kong mabuo. Buo -- Hindi ako buo Alam kong Siya ang bubuo sa ating dalawa Bubuo sa magkalayong Ikaw at Ako Sa pinaglayong Tayo. Kapareha -- Par ba ang labanan sa baraha nating dalawa? Parehas nga ba ang lihim na pagsinta? O sadyang -- Pares lamang tayo Para punan ang pagkukulang ng bawat isa. Kalahati -- Kalahati ng buhay ko'y siyang pinagbuksan ko para sayo Ni hindi ako umibig ng iba Wala kang kahati sa puso ko Siya ang nasa tuktok Pero ikaw ang panalangin ko. Mabubuo ba ang Tayo Kung tanging Ako na lang? Kung ang sanang kahati'y nakalimot na parte pala sya -- Parte pala sya ng kabuuan Oo, parte ka ng buhay ko. Kapiranggot na pagtingin, Kalahati ang Ikaw Kalahati ang Ako Siya ang Kabuuan ng parteng Ikaw at Ako -- Paano? Paano ang Tayo? Kung ngayo'y nagkanya-kanya na ang sanang Tayo.
0
Mar 4, 2017
Mar 4, 2017 at 1:17 PM UTC
Kalahating Naglaho
Ngayon ikaw ay masaya Dahil sa muli **** naipunyagi ang madalas mo ng ginagawa. Kailangan ko pa bang i-klaro para sa'yo? Sige, sige para 'di ka na malito. Nais **** ika'y matuto, ngunit tamad ka. Kaya naman ang mga pagkukulang mo'y sa **** mo ipinasa. Ngayo'y ikaw ang nagmumukhang malaking tanga. Maari naman sigurong gawin mo 'yong bagay na makakapagsalba sa'yo. Pero utak-ipis ka kaya ikaw ay nagpabibo. Akala mo sa ginawa **** yan mababago mo ang ihip ng hangin at ika'y magiging pasado? Sorry ka nalang dahil magigipit ka pa lalo. Ang ating mga guro'y hindi perpekto. Kagaya **** may kahinaan na likas na sa tao. Kung may pagkukulang man siya dapat mo itong punan, Dahil sa paaralan, istudyante at guro'y nagtutulungan. Ngunit 'di nga maipagkakailang 'di mo 'yon alam. Tiwalang tiwala ka sa sarili **** kakayahan. Sana nga magtagumpay ka, Mag-ingat ka, halatadong wala ka ng natitirang baraha. Dahil ang huling alas na babagsak sa harap ng mukha mo'y nasa kamay na ng KARMA.
0
Oct 28, 2018
Oct 28, 2018 at 10:20 AM UTC
TULA NG KARMA
Ang bawat salitang bibitawa’y Mistulang mga butil ng ulan. Dahan-dahang tutuksuhin ang damdaming Hindi mawari kung saan nga ba lulugar. At unti-unting magtatago at maglalaho, Gaya ng mga imahe sa panaginip Na minsa’y nagigising na lamang -- Kupas na ang mga alaala. Naglaho at nagbago, Tulad ng gabing mapanlinlang. Tulad ng pag-aalinlangan Kung bubuhos na ba ang unang patak ng ulan O mananatili’t makapaghihintay Kung sino ang taya; kung sino ang handa na. Hindi ko lubos maisip Na ang tadhana pala ay may katapusan, At ito’y matagal nang dumaong Sa kawalan ng tiwala. At gaya ng mapanuksong dahong Sumasalo sa luha ng langit, Siya rin pala'y bibigay at mapapagod -- Mapapagod at lilihis hanggang pangako'y mapako. Naubusan ang bawat katauhan Ng sandatang  mas masakit pa sa ligaw na bala. Hindi na rin nila naggawang humanap ng paraan Para likumin ang minsang mga butil Na ngayo'y karagatan na. Naubusan na rin ng mga salitang maibibigkas Pero minsan din naman nilang sinambit, Na “ako’y handa na." Nagtuturuan at nagtutulakan, Kung sino ba ang may sala. Ang rosas na alaala, ngayo'y tinik na sinusuka. Humahampas ang agos ng nakaraan Sa mga pusong nanamlay habang naghihintay. Marahil, napagod nga sila O talagang naubos na ang alas Sa kani-kanilang mga baraha. Naulit nga lang ba ang nakaraan? O ito ang katapusan ng kanilang sumpaan? Pagkat minsan na ring nalumbay Buhat sa distansyang pumagitan sa kanila Ngunit sa pagitan ng “oo” at “hindi,” Hindi na nila nagawang sumabay. Ang bigat na kargo ng isa’y Hindi na kinayang pasanin ng isa pa. At sa sabay na pagtalikod Ay namutawi ang poot at tampo. Hanggang sa dulo ng sinasabi nilang “simula” Ay naging hangganan na. At naputol ang pulang lasong itinali nang sabay. Sabay nga silang nangarap, Ngunit sabay din silang naubos.
0
May 22, 2021
May 22, 2021 at 3:07 AM UTC
Pulang Laso

53
Tuliro't nakatingala tinatanaw ang mga tala sa langit, iniisip na kung bakit 'di pinilit. Napagod sa'yong mga palaisipan, kahit bali-baliktarin ang mga pangangatwiran. Lumisan... sa kinagisnan na tahanan, sa pag-luwas at pag-uwi nahihirapan. Nangangambang ika'y muling masilayan, hindi alam kung pighati, o galit ang mararamdaman. Sinabi mo na sa mga bagong mukhang kinilala mo, ako parin ang hinahanap mo. Ngunit sa tuwing gusto kong sulatan ang saradong libro, ayaw mo. Ayaw mo.... Pero ang gulo mo, at magulo rin ako. Sa mga sandaling gusto kong sumugal uli, pangit ang baraha mo. At sa mga oras na ika'y nag babalasa muli. kulang ang barya ko. Oo, magulo. Parehas tayong tuliro.
0
Jun 5, 2024
Jun 5, 2024 at 8:52 AM UTC
Tuliro
O kay rami ng mga bilang, O kay rami ding kabilang, Sa kumpol ng mga braha, Isasalaysay ang aking storya. Sampu, sampung taon siguro ang hihintayin ko bago ka maligawan, Siyam, ika'y naumpisahang magustuhan habang nasa ika syam na baitang, Walo, palitan mo lang ang letrang o ng a, yan ang pag-asa ko, Pito, dahil nung ika pitong baitang, di agad nakilala, Anim, at sana sa anim na taon sa aking sekondarya ang bawat araw ay mahalaga, Lima, at sana sa ikalimang taon, ikay mas makilala pa, Apat, apat na araw nalang ang natitira sa linggong ito, Tatlo, at mahigit pa sa tatlong oras ang naigugugol ko sa pagsulyap minsan sa iyo, Dalawa, dalawang taon nalang ang natitira na ikay makakasama, Kahit di man ako ang iyong hari, ituturing naman kitang reyna, sabihing ako'y tuso man, o yung madalas na nagpapatawa, Ang hiling ko'y maging alas mo aking sinta.
0
Sep 11, 2017
Sep 11, 2017 at 8:15 AM UTC
Baraha
Akos ba suklon han akon rapadapa An distansya nga nagpabutnga ha aton nga duha? Akos ba balasahon han akon mga kamot Adton baraha han oras nga makuri maabot? Tatagan ko ba hin higayon Hin gutiay nga tiyansa it akon kalugaringon? Nga kalimtan an kamatuoran Nga di ka na mabalik bisan san-o pa man. Tatagan ko ba hin higayon Iton akon kalugaringon? Nga tumuod kon ano'n may-ada haat nga duha Ngan maglaom nga ha urhi may-ada pa "kita". Pero kay tinagan ko na liwat hin higayon An akon kalugaringon nga dire na lanaton An naglabay nga makuri madakpan Ngan an rason nga makuri hibilngan. Pupruybahan ko pagbalik, uutrohon ko pagtaya Iilubon an kasakit mahibalik ka la Kay bangin la ha urhi nga takna, ha pugtot hit panahon An ak' ginhalaran hin gugma bumalik ha akon.
0
May 5, 2024
May 5, 2024 at 8:42 AM UTC
BANGIN LA