Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jan Carlo Ramos Oct 2016
Ikaw si "Ligaya" pero lungkot ang iyong dala
Ikaw yung nagpapatunay na hindi lahat ng nakangiti masaya
ikaw yung dating nagbibigay sigla
kaso unti untiang nabura.
Yung imahe mo na dating buo
na palitan ng mga linya na sobrang gulo
Di ko tuloy alam kung ikaw si ligaya o si lungkot
sinamahan mo kong umakyat pero iniwan mo pag dating sa tuktok.
Kumapit sa bisyo at doon nalugmok.
napaaway, nag maoy, at doon nasuntok.
Nasuntok ng katotohanan na wala kana
at yung ligaya ni "Ligaya" ay nahanap sa iba
Pero maligaya ako na maligaya kana
kahit yung sarili kong ligayay mawawala na.
sa dinamidami ng ligaya sa tulang to
kabaligtaran ang nadarama ko.
kasi nga ikaw si Ligaya pero lungkot ang dala mo.
President Snow Oct 2016
3:45 ng umaga
Pero hindi ako makatulog o makahinga
Hindi ko kayang masaksihan na ikay masaya

Yung mga tawa na dati ay sa akin
HAHAHA diba sila ang mga labi na dati kong inaangkin

Wala na, wala na sila
Wala na ang ikaw at ako at ang tayo na salita

3:45 ng umaga
Sana makatulog na ako
Nawala na rin ang antok ko

*Sana ikaw din, mawala sa sistema ko
Natatakot ka kung saan tayo dadalhin.
Natatakot ako kung hindi tayo makarating.

Hindi tayo makakarating kung hindi ka magpapadala.
Hindi tayo madadala kung di tayo makakarating.

Nakakatakot mabuhay sa takot, mahal ko.
Hawakan mo ang aking kamay, at tatalon na tayo

Palayo mula sa takot. Saan man tayo dalhin, kahit hindi makarating.
Para sa iyo, C.J.
Una, akong natutong magbilang ng saya sa dagat,
Habang ginagawa kong kwintas ang mga puka shells
Sa dalampasigan.


Natutu akong lumaban sa sigalot ng buhay,
Sa pagtalon habang ang mga rumaragasang alon
Ay ginuguho ako.

Ang   hangin
Ay bumubulong sa akin ng uyayi
Dinuduyan ako upang mahimbing.

Natuto akong magbawas ng kalungkutan
Sa mga tuyom
Sa baybayin.

Natuto ako ng kolektibong paggawa
Sa pagmasid sa mga mangingisda sa paghugot
ng lambat mula sa dagat
Na taglay ang isang araw na huli
at hatiin sa kanila
Nang pantay-pantay.

Umuwi sila sa kanilang pamilya na may
Kasiyahan sa kanilang dalang
Paghahatian sa paminggalan.

O kay sarap sa pakiramdam
Tuwing huhubarin ko ang aking tsinelas
At namnamin ang mapipinong buhangin sa aking mga paa.

At sa tuwing ako ay nakakaranas ng kasalatan
Akin lang alalahanin-
Ang mga araw ng aking pagbibilang  sa dagat.
President Snow Oct 2016
Naging ganito ako dahil sayo
Dahil nandyan ka para mahalin ang buo kong pagkatao
Tanging kasiyahan ang naramdaman ko
Ikaw na laging sinisigaw ng puso
Laging nandiyan para iparamdam ang kahalagahan ko

Naging ganito ako dahil sayo
Dahil ang lahat sa akin ay iyong iyo
Sa lahat ay lumaban ako
Pagmamahalan natin ay pinaglaban ko
Pag iibigan ay inalagaan ng husto

Naging ganito ako dahil sayo
Dahil sa mga mata mo
Mga mata na iba na ang titig sa mga mata ko
Mga kamay na lumuluwag ang hawak sa mga kamay ko
Mga labi na hindi na ang binabanggit ang pangalan ko

Naging ganito ako dahil sayo
Dahil sa iyong pagsuko
Ganoon ba kahirap na ipag laban ako?
Ganoon ba kadaling saktan ang puso?
Ganoon ba kahirap na pumasok sa iyong mundo?

Naging ganito ako dahil sayo
Winasak ko ang sarili ko
Tulad ng pagwasak mo sa aking puso
Bakit ba ikaw pa ang minahal ko?
Bwisit na kupido, palapak na pana't palaso

Naging ganito ako dahil sayo
Oo, ikaw na walang ginawa kung hindi saktan ako
Ikaw na madaling sumuko
Ikaw na hindi kayang panindigan ang mga pangako
Ikaw na may pag ibig na mabilis maglaho
Susulat ako ng isang libong tula
Kung ito ang magpapahilom sa pusong pagal
Sa pag-ibig

Isusulat ko ang tula sa dalampasigan
ng alaala
Na kasing haba ng aplaya
Hanggang sa maghilom ang pusong sugatan
Dulot ng iyong paglisan

Huhugot ako ng maraming tayutay at saknong
Na may lantay at tugma

Sakaling anurin ito at mabasa mo
Sa dalampasigan ng aking puso.

Ikaw ang hugot
Ikaw ang sagot

Susulat ako ng isang libong tula
Dito kung saan taya unang nagsimula.
kiko Oct 2016
Pagpasensyahan mo na ko,
hindi ako sanay sa mga yakap at lambing
bago kita makilala, nakakahiya mang aminin
ang pagdampi ng mga labi at ang init ng mga yapos
ay alam ko lamang sa salita, sa bawat paglipat ko sa panibagong pahina ng mga aklat kong minamahal.

Mas masarap pala sa totoong buhay.
Dahil konkreto ka,
ang iyong mga mata ay hindi lamang habi ng aking kaisipan
at ang iyong mga salita ay hindi akin.

Totoo ka.
Masarap pala sa pakiramdam ang paglapat ng dalawang katawan,
dahil kahit kailan hindi ako naging komportable sa paglubog ng kama sa aking likudan
alam ko din na ayoko ng bigat ng ibang braso sa aking baywang
pero noong unang gabi na nakapatong ang ating mga ulo sa iisang unan
at ako’y tila bihag sa braso **** kulungan
Napatanong ako sa aking sarili “Ganito ba ang tahanan?”

Pero mahirap din kapag nakatikim ka ng ginhawa,
nakalimutan ko na tayo nga pala’y dalawa
at ito ay hindi lamang para sa akin.
Ang kalayaang kong pumili ay taglay mo din
Hindi mo nga pala utang ang mga sagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin
at malaya ka.
Malaya kang tanggalin ang pagkabuhol ng ating mga daliri
Dahil hindi iisa ang ating mga kamay
at hindi din tayo iisa ng kaisipan.

Posible nga pala na magkaiba ang bilis ng daloy ng dugo at ritimo ng bawat tibok

Kaya naiintindihan ko at pagpasensyahan mo ako.
Masyado lang akong uhaw sa pagmamahal.
Sa tagal na panahon na pinagkait ko sa sarili ko,
sa pamamagitan mo, kaya ko nang tumingin sa salamin
at hindi makaramdam ng galit na sa tuwing umaga
meron pa ding hininga,
meron pa ding pagtaas at pagbaba ng dibdib.

Masarap palang huminga at ayoko lang ng tikim.
President Snow Oct 2016
Gusto mo ba 'yun"

Gusto mo ba 'yun, lagi ka na lang pampalipas oras?
Gusto mo ba 'yun, kahit ilang beses ka na niloko bumabalik ka pa rin sa kanya?
Gusto mo ba 'yun, pinaglalaruan ka nang paulit-ulit?
Gusto mo ba 'yun, lagi ka na lang niya sinasaktan?
Gusto mo ba 'yun, nagmumukha ka nang kaawa-awa?
Gusto mo ba 'yun, wala na nga siyang oras sa'yo, nagpapakatanga ka pa rin?
Gusto mo ba 'yun, 'pag galit ka, galit rin siya sa'yo?
Gusto mo ba 'yun, bumibitaw na siya, kumakapit ka pa rin?
Gusto mo ba 'yun, kahit pagod na pagod ka na?
Gusto mo ba 'yun, kahit hindi ka na pinapahalagahan?
Gusto mo ba 'yun, pangako niya laging napapako?
Gusto mo ba 'yun, kahit pagod na pagod ka na?


*Oo, gusto ko 'yun, mas masaya 'pag ganun.
100716 #ElNidoPalawan #PamilihangBayan

Sisiksik ka sa eskinitang
Talamak ang mga choosy
Aalukin ka pero ika'y tatanggi
Kasi iba naman ang dinayo mo.

Pero doon ka pala matututong magpatawad
Kasi pag gusto mo't pag mahal,
Hihingi ka ng tawad.

Pero minsan, kahit buo pa ang ibayad mo,
Di ka pa rin masukli-suklian.
At doon mo mapagtatantong
Ikaw na lang ang nasa eskinita --
Gabi na, umuwi ka na!
Amethist Jude Oct 2016
Ang saya matulog
Ang saya managinip
Walang problema
Hindi masama ang ihip

Ang saya matulog
Para lang akong nahuhulog
Nahuhulog sa ideyang tayo
Pero di masasabihing totoo

Pagtulog na mag-isa ka
Sa panaginip kasama ka
Naka-ngiti,
Magkahawak ng kamay,
Nakatawa.

Pagkagising mag-isa ka.
Nakahiga sa kama
Malungkot,
Walang kayakap,
Marahil na nagdurusa.

Nagdurusa sa ideyang dapat may tayo,
Kung hindi lang ako bumitaw sa kung ano ang totoo.
Naniwala at nagpaloko
Sa mga sinasabi nilang kuro-kuro

Minsan gusto ko nalang matulog
Kase nakakapagod na mahulog
Mahulog sa kalungkutan
Mahulog sa kasawian

May oras na ayoko nang gumising,
Sa tulog kong mahimbing.
Dahil alam kong kapag ako'y namulat,
Gugustuhin ko ulit sumulat.

Sumulat ng aking nararamdaman,
Sumulat ng bagay na ipinaparamdam,
Sumulat ng mga bagay na di mo nararamdaman
At sumulat ng bagay na di ko mararamdaman.

Pagkatapos sumulat muli akong mapapagod
Mapapagod sa nararamdaman
Mapapagod sa katangahan
Mapapagod sa kabiguan

Pagdating ng gabi ako'y hindi makakatulog
Dahil sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan
Pagdating ng alas dos ako'y makakatulog
Dahil malinaw na ito'y isang katangahan

Sa susunod na pagtulog
Sana hindi na ikaw ang laman
Ng panaginip
At Laman ng puso't isip

Dahil masaya matulog
Ang saya managinip
Walang problema
Hindi masama ang ihip
Mala-slam poetry ang nais ko pero fail
Next page