Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
sulat dito, sulat doon,
inaalala ang pait ng kahapon.
mga gusot na papel sa ibabaw ng mesa,
iniiyak ang bigat ng dibdib sa mga letra.

nagpupuno ang mga salitang nagkakagulo,
kahit isang mensahe lamang ang nais iparating nito.
dudukutin sa isip lahat ng natitirang alaala,
hanggang ang lahat ng pag-ibig ko’y mawala na.

hindi pansin ang nangangalay na kamay,
pinapagod ang damdaming taglay.
sulat nang sulat gamit ang tintang paubos,
hanggang sa ang hinagpis ng puso'y matapos.

sa aking pagsulat ng huling salita,
at sa huling pagpatak ng aking tinta,
iiwan sa papel lahat ng poot at sakit,
kakalas sa plumang mahigpit ang pagkapit.
my last act of love, i think...
nilalamig, nanginginig, nanghihina, at humahangos,
sa siksikan na lugar, pinipilit kong umusad at makaraos.
ang sakit ng puso’y nagpaparamdam sa paos niyang sigaw ng “tigil!”
sa mga matang hindi alam ang ginagawa pero ayaw magpapigil.

naghahanap ng sagot, nangungulila sa gustong pagmulan nito,
ang mga paa’y hinahatak palayo sa direksyon mo.
paurong-sulong ang isip na tanging laman ay ikaw,
nagmamakaawang nakaluhod, pilit nang nag-aayaw.

nananakit na ang leeg kakahanap sa kanyang noo’y sandalan,
naiiyak na inaalala ang nagtapos kamakailan lang.
ngayo’y naglalakad mag-isa sa gitna ng maiingay na tao,
dahil sa manhid, wala nang pakialam kahit natutulak at nabubunggo.

bagsak ang mga balikat, ang mga tuhod ay sumusuko,
paubos man ay lumalaban ang mahinang bulong ng puso.
umaasa na sa konting sakit at hintay pa, baka ako pa rin—
na sa aking paghahanap ay makita ka at ang iyong mga matang naghahanap din sa akin.
tulad ng himig ng mga awit ng pag-ibig,
ang tamis at lambing ng mga ito.
kung may tinig ang pagmamahal,
maaaring ito ay boses mo.

bigla akong pinasaya,
ngunit bigla ring nagbago.
sapagkat parehong boses din
ang nagtapos sa ugnayang mayroon tayo.

ang tunog na noo’y nagbibigay-kalma,
ngayo’y iniipit ang pusong nagdurusa.
tinatakpan nang mahigpit ang mga tenga
kapag naririnig ang iyong musika.

ngunit kung ako ang papipiliin,
ayaw kong bumalik sa tahimik kong mundo.
at sa gitna ng ingay ng paligid,
sadyang boses mo pa rin ang hahanapin ko.

hirap sa pagtanggap
tungkol sa awit na nagtapos.
marinig lamang ang iyong pangalan,
ang hininga'y kinakapos.

nagsusumamo, nagmamakaawa,
magbigkas ka ng ilang salita.
hiling ng tenga at puso ko,
maari bang marinig ulit ang boses mo?
parinig ulit pt. 2
unknown Jan 9
Sa bawat lirikong iyong sinasambit,
At sa mga himig na iyong inaawit,
Tila anghel mula sa kalangitan,
Kahit ang isip ay puno ng katanungan.

Ikaw ang nagsilbing lakas,
Sa bawat araw na hirap na dinaranas,
Tila isang matibay na sandata,
Na sa puso ko’y nagbibigay pag-asa.

Sa bawat kanta, ikaw ang dahilan,
Sa bawat tunog, ikaw ang nilalaman.
Kahit hindi ka kailanman akin,
Sa puso’t isip, ikaw ang paboritong awitin.
scarmaya nicole Dec 2024
tulad ng himig ng mga awit ng pag-ibig,
ang tamis ng lambing na hatid ng mga ito.
kung may tinig ang pagmamahal,
maaaring ito ay boses mo.
tulad ng sinabi ko sa'yo, mas mapagmahal ang mga tulang isinulat sa lengguwaheng filipino.
balrogEX Nov 2024
muling nalustay
isip, diwa't katawan
at uwing pagal
haiku
balrogEX Nov 2024
alam ko na sa simula,
dambulahang pasakit
naghihintay sa akin
sa unang araw ng sigwa
kalakip ang pagpapagal
s'yang hampas ng kalbaryo
doo'y hihimlay na lamang ako
sa mundo ng kabagalan
dahil alam ko na ang kahihinatnan
tatagal lamang, oras ng wakas
isang mahabang pagbabagtas
s'yang aking mararanasan
dahil pilay ang pugad naming kawan
gapang, gapang, gapang lamang...
hangga't may lupang matatapakan
hangga't may krudong susunugin
tanggap ko na ang lahat
aabutan ko din sa huli,
pagkagat ng dilim
huwag ko na lamang intindihin
upang maging manhid ang diwa
pagdapo man ng pagkabalisa
sakyan ko na lamang ito
bahala na sa kinabukasan ko
free style
balrogEX Nov 2024
ikaw, s'yang
lawak ng
gabing ito

ngiti mo'y
sinag ng
'sang buwan

mata mo'y
ningning ng
mga tala
a tricube format
balrogEX Nov 2024
ilan pang mga paalam
at mga luha pa
na kailangan ko nang
tanggapin
sa pait nitong katotohanan
na syang humubog bilang
bago kong sarili
upang ako'y makausad na
rito sa bagong yugto
na aking buhay na hindi ko na
matatakasan pa?

bakit kay kagyat kang lumisan?
buhat ba nang ika'y iniwan?
'lam kong 'di mo tanggap ang lahat
at 'yong tamo, lihim **** sugat
bubura sa tamis **** kulay
at syang kikitil sa 'yong buhay
tangi **** handog sa 'king diwa:
ang iyong pambihirang luha
a jamb-jitsu format
Louise Oct 2024
"𝑴𝒂𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒏𝒊, 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏 𝒃𝒂 𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈𝒂𝒍 𝒊𝒕𝒐𝒏𝒈
𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒈-𝒖𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏?"
"𝒀𝒆𝒔 𝑱𝒐𝒔𝒊𝒆! 𝑨𝒉 𝑱𝒐𝒔𝒊𝒆 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚ㅡ𝒀𝒆𝒔, 𝑱𝒖𝒏!"

Magkamali man ang iyong labi
ng pangalang masambit
magkamali man ang iyong ngipin
ng pagkagat at pagbanggit,
sa dulo ng iyong pag-uulat,
ako pa rin ang bida at balitang isisiwalat.

"𝑺𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒘𝒊𝒏𝒅 𝒎𝒂𝒑, 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚-𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒃𝒂𝒈𝒂𝒕, 𝒂𝒕 𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒈𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑱𝒐𝒔𝒊𝒆."

Itago mo man ang iyong mga tawa,
ikubli ang ngiti sa pag-ubo at paghinga,
ilibing mo man ang aking pangalan,
sa'yong dila at diwa ay nakaukit na ito
magpakailanman.
From the POV of "Bagyong Josie", addressed to Mang Tani (an ode to THAT specific weather report moment. #iykyk)
Next page