Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Aris May 2016
Natagpuan kita sa lugar kung saan ka nya iniwan.
At nang bumalik sya ulit sa lugar na yun at nagtagpo ang inyong mga mata, ako naman ang iniwan mo.
Aris Apr 2016
We fight.
I cry.
You scream.
I leave.
You chase.

But at the end of the day,
it won't end up like this--
We won't let it end up like this.
Coz I will always return in your loving arms,
And you will always wait for me to comeback home
No matter what happened.
Aris Apr 2016
Blankong papel
Ano na naman ba ang isusulat?
Eto na naman tayo sa walang kamatayang drama
Pasensya kana
Ikaw na nanahimik ay ginagambala
Ng pagtangis ko buhat sayong pagkawasak.
Sinisigawan na ako ng utak ko
Na kesyo tama na
Suko na
Di na yan babalik
Tumigil kana
Nililinlang mo lang ang 'yong sarili
Sa patuloy na paghahangap
Sa taong alam mo namang
Matagal ng namaalam.
Sana kaya kong itigil
Ang paglathala ng kalungkutan kong di matapos tapos
Sana kaya kong lipulin itong sakit na nararamdaman ko na di maubos ubos
Sana pala'y sinama ko na sa hukay ang lahat ng sentimiyentong ito
Nang sa gayon ay di ako nalulunod sa luha bungad ng pagkawala mo.

Blankong papel ano naman ang saiyo'y isusulat,
Hayaan sanang dugo ko naman ang tumulo sayo at yumakap.
Aris Mar 2016
Mahal ka ni Lord,
Tiwala lang.
#6w #love #god #Him #tagalog
  Mar 2016 Aris
Poti Mercado
Parang may pagasa.
Parang.
Parang gusto ko na siya.
Parang.
Parang mahal ko na siya.
Parang.
Parang lang.
Oo.
May pagasa daw ako.
Oo.
Gusto ko nga siya.
Oo.
Mahal ko na nga siya.
Pero siya ba?
Naging oo na ba ang mga parang niya?
Baka naman ako lang pala.
Baka naman parang lang ako sa kanya—parang tanga.
Oo. Tanga nga ako.
Aris Mar 2016
"Time waits for no one."*

But I'm not time, so I'll wait for you.
Next page