Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ms Oloc May 2020
Tagutaguan maliwanag ang buwan
Wala sa likod wala sa harap
Pagkabilang ko ng tatlo
Kakalimutan na kita.

Isa, dalawa...
Pero teka lang
Pagkabigkas ko ng isang numero
Yung masasayang alala hanggang litrato nalang ba

Pagkabigkas ko ng pangalawa
Siguro tama na, ang sakit sakit na.
Pagkabigkas ko ng pangatlo sapagkat...
Teka lang wala pala akong numerong sinabing tatlo

Uulitin ko ang pagbibilang
Dahan dahan ipipikit ang aking mga mata
At kakalimutan kana
Sasandal sa pader para di na lalong mahulog pa

Paano kita mahahanap aking mahal
Kumay nahanap kana palang iba
Paano kita matatagpuan
Kung may natagpuan ka ng iba

Anong silbi ng pagbibilang ko
Kung sa panaginip ika’ Namamasid
Hindi na kita iniisip
Sapagkat ikaw ang hinahanap ng kaluluwa ko sa aking panaginip

Eto na itutuloy kona ang pagbibilang
Mahal
Isa, dalawa...
Nabigo nanaman ako

Kahit ituloy ko ang pagbibilang
Kahit umabot ako ng bukas
Kahit umabot ako sa kamatayan
Kahit umabot ako sa kinabukasan

Hindi parin pala kita
Kayang kalimutan
Hayaan mo  darating din ang panahon
Na makakalimutan din kita

Sa mga binitawan na pangako
Bat parang ako nalang
Yung kumakapit dito
Asan kana?
Hinding-hindi ko maintindihan
Ang nararamdaman ko ngayon
Walang kasing bigat
Walang kasing lamig
Walang kasing init
Walang kasing sakit

Ang dibdib ko'y parang sinasaksak
Ng sampung libong karayom
At daan-daang tinik ng rosas

Muli na naman akong naglalakad
Sa apoy ng imypernong ginawa ko
Para sa aking sarili

Unti-unting dumadagdag
Ang aking mga sugat at pasa
Dahil sa mga latigo ng mga demonyo
Na sumusunod sa aking paglalakbay
Sa impyernong ito

Sana'y malapit na ang panahon
Na makita ko muli ang liwanag
Kasi hindi ko na kaya
Eindeinne Moon Aug 2023
Singkislap ng mga tala ang iyong mga mata
Sa tuwing ikaw ay nakatingin sa akin
Sa tuwing tayo ay magkasama
Anong saya aking nadarama

Di ko maipaliwanag
Sadyang aking mundo’y lumiliwanag
Ibubulong ko na lamang sa hangin
Ang aking nararamdaman na hindi ko maamin

Aking mahal, sana ay ikaw na nga
Ang aking makakasama hanggang sa pagtanda
Sana ay ako lamang ang iyong mamahalin
Ikaw lamang ang aking mahal

Ikaw lamang ang aking minamahal
At ikaw lamang ang aking mamahalin
Ikaw lamang ang aking mahal, minamahal at mamahalin, sinta
At wala nang iba pa

Hindi man kita kasama araw man o gabi
Walang ibang papalit sa’yo dito sa puso ko
Ikaw lamang ang aking gustong makatabi
At sa iyo lamang umiikot aking mundo

Saksi ang Panginoon sa ating pagmamahalan
Dahil alam niyang sa iyo ako nakalaan
Ito ang iyong pakatatandaan
Na kahit ako ay magkamali man, pangakong hindi kita sasaktan

Singdami nang mga tala ang mga taon
Na gustong tayo ang magkasama hanggang sa huli
Kahit na tayo man ay magkalayo ngayon
Alam kong makakasama’t mahahagkan kitang muli

Sana ay pagbigyan ng panahon
Kahit sa gabi lamang ikaw ay makatabi

Ikaw lamang ang aking mahal
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw lamang ang aking minamahal
Mula noon hanggang ngayon

Ikaw lamang ang aking mahal
Ang aking minamahal
At aking pipiliing mamahalin
Sana ay ako rin
Jun Lit Nov 2019
Noong musmos pa’y sabaw
sa isang malukong na pinggan
puno ng kaning may kaunting tutong
pagkaliban ko ng bakod, ika’y nakasalubong
kalooban ko’y kimi, dila ko noo’y urong

wala sa aking hinuhà,
walang sinangguning manghuhulà
sino ba’ng mag-aakalà
marmol **** bantayog
gatô palang kahoy ang loob
nang katotohana’y nabantog
sa kaunting yanig, gumuho ang moog

huwag daw sasamba sa mga d’yos-d’yosan
ngunit tila larawan ka ng may-kabanalan
haliging inasam na masasandalan
sa ilaw ko pala’y naging tampalasan

imaheng nadurog ay dagok sa aking likod,
at tila balisong na sa puso’y kumadyot
kulang ba ang hikbi ng pusang malambot?
labis bang nagmahal ang asong malikot?

Mahabang panahon ginugol, dumaan
Ang kapeng mainit lumamig,
Napanis na’t nakalimutan

Sa paglalakad, dinampot, hinimay
ang duming iniwan ng mga alamid
matiyagang pinagyaman
Isinangag ng paulit-ulit sa nagmumuning isipan
Giniling sa puso tumanaw sa pinagmulan
Tinimplahan ng matam-is na kapatawaran
Paglagok ng mainit, aking naramdaman
Tiwasay ang dibdib, may kapayapaan.
My ninth in my Brewed Coffee Poems series - poems much influenced by my memories of my old home and childhood in Lipa, Batangas.
Labis nating inaalintana ang ating kinabukasan.
Natutulero sa pweding kalabasan,nang mga kilos na hindi pinag-iisipan.
Masyadong padalos-dalos sa ating mga hakbang.
Nababagabag, nauubos ang oras at panahon sa kakaisip ng ating kahihinatnan.

Nang hindi namamalayan,na ang Halaga ng Kasalukuyan ay atin ng nakakalimutan.
Sa pagnanais na makarating agad sa bukas,ang Ngayon ay hindi na napapahalagahan.

Kung hindi na alam ang nangyayare sa takbo ng ating buhay,Huwag kalimutan na anjan ang Maykapal.Laging gumagabay at nagbibigay ng tamang daan.
Manalig at magdasal at tayo'y Kanyang Papakingan.
Struggle
Worries
Just Pray
Hanzou Jun 2019
Hindi ko maunawaan
Mga katagang napagdaanan
Na marahil totoo nga,
Walang personal na pangmatagalan.

Musika ang naagapay
Naapuhap ko kung saan nakalagay
Sa musika naging karamay
Pero sa kasalukuyan, siya ay sumakabilang-buhay.

Nawaglit man sa panahon
Pansamantala man ang pagkakataon,
Lahat mananatili sa memorya
At 'yun ang magsisilbing alaala.
8 Ang panday na si Birio
Ang natatanging iho

9 Mula sa pamilyang gumgawa
Ng mga punyal at espada

10 Bilang kaisa-isang anak na lalaki
Maagang tinuruan ng gawaing pangmalaki

11 At sa paglipas ng panahon
Siya’y naging bihasa sa nayon

12 Kung may magpapagawa ng itak o espada
Lumalapit lamang sa kanya

13 Itong si Biriong kay agang natutunan
Ang pamamanday sa kanluran

14 Sa pamilya ni Alyna bumabaling
Tuwing kinakailangan ang uling.

-07/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 170
janel aira Sep 2020
munting salamin sa ‘yong mga mata
sarili ko’y nakikita
salitan sa paghinga
puso mo’y kinikilala

babagsak ang mga luha
isa isa’t dahan-dahan
malayang magtatampisaw
tuwing sasapit ang ulan

panahon ang kalaban
sa bawat kinabukasan
hindi mag-aalinlangan
hindi rin magkukulang

tahimik ang gabi
puso minsa’y humihikbi
sa pagtulog ikaw ang dalangin
nag-iisang hiling sa mga bituin

ikaw ang tanging dahilan
kahapon, ngayon at kailan man
pangarap kong tahanan
ikaw at ako sa iisang larawan
Apple Mae Aug 2020
Isang bukod tanging espasyong maaliwalas,
Kung saan dito ako nagkamalas-malas.
Madalas ako ay napapabulong,
Hanggang kelan ako makukulong.

Aminadong dito sa loob ay nahihirapan,
Sapagkat sarili ang kalaban.
Malalim ang iniisip,
Sa maliit na bintana’y napapasilip.

Kalayaan kaya’y makakamit?
O pag-asa ay ipagkait.
Mga pangarap ang siyang naibaon,
Mga oras at panahon ang siyang naitapon.

Ngunit hindi rito matatapos
Kahit na ako’y nakagapos
Sapagkat naniniwala ako na may Diyos,
Na tutulong upang pighati’y ang siyang matapos.
para sa mga nawawalan ng pag-asa
myONE Sep 2017
Maging mahirap man sa'tin bumagay ang panahon at pagkakataon
Ikaw pa din ang nasa isip at puso ko
Maging mainit o malamig ang gabi
Sana ay manatili 'yung pagmamahal na napaparamdam mo sa'kin
Dahil mananatili ako na ikaw lang ang aking iibigin.
9/11/2017
14:11
Sa ‘twing mauuntog ako't magbabalik ang ulirat,
hahalikan ng oras sa pisngi
na parang pinapamukha na sa hindi mabilang na muli,

nag-iisa 'kong...

nangangarap ng dilat sa lumalangitngit na kama.
kumakain ng nilutong laing para sa dalawang sikmura.
naghahanap-buhay.
naghahanap ng buhay.

Hindi ako naghahangad ng labis.
ng titulo o karatulang nagsasabing itinadhana tayo
dahil hindi naman.
Hindi naman talaga sa bahagi ng mundo ko.

Pero,

natagpuan mo'ko,
nakasayaw sa Maginhawa,
naduraan ng iyong mga biglaang tula,
natitigan habang hinaharana mo,
napasaya sa mga munting biro,
nayakap habang nagpapaalaman.

hindi man sa habang panahon,
bagkus sa miminsang mahabang magdamag.
mga minsang hindi tayo saklaw ng oras.

At sa bahagi ng mundo ko,
iyon ay sapat na.

hinga
Eindeinne Moon Aug 2023
Ikaw ang simula at ang wakas
Panahon man ay lumipas
Sa iyong yakap ako’y walang takas
Aking pag-ibig sa iyo ay wagas

Ang ating pagmamahalan sa isa’t isa
Lumiliwanag nang parang mga tala
Hindi ko ninanais na ikaw ay magtaka
Huwag ka nang mag-abala pa

Ikaw ang kinang sa ‘king mga mata
Ikaw at ako’y iisa
Ikaw ang laman ng bawat pahina
Ang pamagat sa aking tula

Ang musika sa aking kanta
Kung ang pag-ibig ko sa iyo, sinta
Ay magiging isang sumpa
Habangbuhay akong manunumba sa dambana

Ayokong lumayo sa’yo
Ikakalungkot ng puso ko
Ika'y aking naging mundo
Sa iyo, mahal ay ako'y natutuliro

Hawakan mo lamang ang aking kamay
Ikaw lamang ang aking pipiliin sa habangbuhay
Ang aking minahal ng tunay
Ang makamit ka ay isang tagumpay

Ikaw ang aking biyaya
Ang dumating nang kusa
Ikaw ay mahalaga
Huwag kang mag-alala

Ikaw ay minamahal kong talaga
Ang aking puso'y sa iyo mas sumasaya
Ikaw ang aking dinalangin sa Poong Maykapal
Ang hinintay ko nang kaytagal
reyftamayo Aug 2020
kasama ni Lisa si Jojo
sa loob din ng kahon
kapiling ang libong mukha roon
magkaakbay at yakap ang isa't-isa
walang problema
kundi ang mga panahon na iniwan nila
pero wala ng pag-asa
dahil tila unti-unti nang nasusunog
itong larawan nila
kasama ang bulok na bahay at alabok
kasama itong mga uling at usok
ngunit parang walang problema
nakangiti pa rin sila.
fe Dec 2019
Ako’y biktima ng tadhanang malupit,
Sa tindi ng hagupit di alam kung saan kakapit.
Minsan lang nabigo itong puso ko sa pag-ibig
Parang gumuho itong aking daigdig.

Nang dumating ka at nakilala,
Sugat sa puso’y  unti-unting nawawala.
Ano nga bang mayroon ka
At puso ko’y napapatalon sa tuwa?

Paglipas ng panahon, sa tagal ng ating pagsasama
Puso ko’y nakadama ng kakaiba
Pakiramdam ko’y ligtas ako sa tuwing kasama ka;
Pag-ibig na naman ba itong aking nadarama?
Elaiza Banasig Apr 2020
Ayos lang naman Le
na sa panahong ito ka nasaktan
Sa panahon ng kawalan
walang kasiguraduhan

Hindi mo naman kasalanan
na ngayon ka nya iniwan

hindi mo naman masisisi
na hindi ikaw ang pinili

tinanong mo kung lilipas rin to

baka bukas?
siguro...


baka sa susunod?
siguro...

baka sakaling mawala




bumalik
ang sakit o ang pag-ibig?


ano ang pipiliin?
wariy parehas lang din

ang sakit.

puno ng kawalan
walang kasiguraduhan
walang patutunguhan
jerely May 2023
Saan kaya tayo maitutungo ng panahon?
Jerelii
Copyright 2023
May 25,2023
Sa paglubog ng araw at pagsikat ng buwan.
Sa ihip ng hangin at patak ng ulan.
Sa pagdaan ng taon.
At sa bawat paglagas ng dahon.
Pangalan mo ang baon.
Sa pag-agos ng luha at sa paghikbi,
Sa pagsibol ng mangilan-ngilang ngiti.
Pauli-ulit na tatanawin,
Mga ala-ala mo na kumikinang kasama ng mga bituin.
Ikaw ang hiling.
Ikaw ang tinatangi.
Ikaw ang minimithi.
Ikaw ang sinta.
Ikaw ang payapa.
Ikaw ang pag-ibig.
Ikaw ang dalanging, nawa'y marinig.
Ngayon at sa paglipas ng panahon.
Pangalan mo ang sambit ng puso sa bawat alon.
Hahanap-hanapin ka sa kalawakan.
Carl Aug 2022
ayos lang ako
sa ngayon
eh paano pag nawala ka
haha di pwede ‘yon!

di ko man masabi sayo lahat nang ‘to
alam ko na alam mo dadating din yon
yung panahon na tutugon sa mga pangarap
natin noon baon ang mga alaalang itinabi sa isang kahon

naalala mo ba yung humiling tayo sa malalim na balon?
sabi pa naten “mag susumpaan tayo sa harapan ng altar”
pota hahaha asan ka na ngayon??

sabi mo ang pag lisan, 'di pwede ‘yon
pero yung sagot sa tanong
na paano pag nawala ka?
sa ngayon, di ko na din alam

kung ayos lang nga ba ako
cmps
Jan C Aug 2022
sa kaniya mo na hanap ang pag-ibig na walang katulad,
hindi mo pinilit at walang tigil na papasalamat.
sa kakahintay mo ng tamang panahon,
nawala bigla ang pag-ibig na nais umahon.

andiyan na ang taong nag-patunay,
walang sawang pag sugal ang kapalit lang ay ika'y mabuhay
ngiti mo ang ginawang inspirasyon,
sana, ang pag-ibig na ito ay muling umahon.

hawakan mo ang aking kamay
pakinggang anng kanta na aking binigay
ito ang mga salitang hindi mo maisabay
sa halo-halong pag-ibig na iyong inaalay

o aking mahal, paalam na.
para sa'yo ito
paalam na
mahal ko
JulYa04 Aug 2018
Mahirap hanapin ang bagay na wala
Lalo na kung ito ay isa lamang bula
Bula na kung saan masaya sa una tignan
Pag iyong hnawakan maglalaho nlng sa kawalan

Para ding tao na dumaan sa buhay mo
Pilit kang pinatawa, pilit kang pinasaya
Nang buo na ang loob mo para mahalin cya
Saka naman unti unti syang nawala


Tanong mo sa sarili
San ka ngkamali
Di ba cya masaya na ngaun mahal mo na cya
Bakit cya lumayo ng panahon na gusto mo na
Para kang pinahawak sa tali at bigla nalng nya binitawan
012025

Paanong ang mga bulalakaw
Ay kusang nagpapaubaya?
Mahuhulog sa lalim ng gabi
Dawit ang liwanag nitong taglay.

Sumapit ang ika-dalawampu ng unang buwan
At pumipisan pa rin ang mga mata
Sa lilim ng Kanyang kagandahan.
Ang yaman ng pag-ibig ay bukas sa lahat,
Sa palad Niya’y kakapit pa rin
Maging ang may tangan ng mga sandata.

Sa wakas at hindi na muling mauubusan pa
Ng hininga ang gabing walang himpil sa paghikbi.
Hindi na muling pipikit at hahawi sa dilim
Na nagbabakasakaling masaklawan nito
Ang Ilaw na papawi sa kanyang pagkabulag.

Ilalantad na ang sarili
Na para bang ito na ang huling paghinga.
Hindi na iaantala ang panahon,
Ngayo’y oras ay hindi na kalaban pa —
Ngayon ang tugon nya‘y “oo”
Pagkat ang bukas ay wala nang pahina.
Christien Ramos May 2020
Minsan, ang ulan na
ang naging pampatulog mo.
Hinehele ka ng mga pagpatak sa bubong;
ng makulimlim na langit;
ng lamig ng panahon.
Siya ang nagmistulang uyayi
na nangungulila sa pagkakataong
mapakinggan.
Sam Angela Jan 2019
Luha na pumapatak sa aking mga mata
Katumbas nito Ang libo-libong ligaya.
Pasyensya na ha kung nag kulang ako ng pag mamahal ko sayo
Ibinigay ko nman Ang best ko para sau .
Upang maramdaman mo namahalaga ka.
Pero kahit ano gawin kowala paring halaga
Nasa point na nga ako na gusto ko na kumawala na para bang ako'y nasa selda na WALANG bintana
Pagod na pagod na ako sawakas at nag kalakas din akk ng loob na sabihin Ito sayo.
Maraming salamat at. Napasaya mo ako kahit sa kaunting panahon na mag kasama tayo
PAALAM MAHAL KO.
Virgel T Zantua Aug 2020
Kung ang halik mo'y namamaalam
Sa pagmamahal na hiniram
Ang mga matang sa luha ay hilam
Pait at sakit ang dinaramdam...

Ang pag-ibig na aking kinamkam
Alay ay paglayang inaasam
Na parang lason na ninanamnam
Matamis ngunit may agam-agam...

Panahon lang ang nakakaalam
Sa lahat ay s'ya ang may alam
Kahit ang lahat ay makialam
Ang wakas ng lahat ay paalam...
Samtang diri pa kita,
Pag aadman ko la anay ada,
Pag higugma hit ak' kalugaringon
Pag hulat hit imo pag baton.

An pag higugma, ibubutang la anay ha ref
Puputson hin makaruruyag nga surudlan,
Hihipuson hin maupay,
Ngan isasalin para kinabuwasan.

Babantayan ka tikang ha hirayo,
Iihapon an kada segundo
Itatago la anay an bukad ha kamot
Ngan an mga pulong nga karuyag ipaabot.

Ipapaagi ko la ada ine anay
Ha mga sininsilyo nga piyesa ngan pahaliday
Ngan tungod nga waray pa umabot an panahon,
Susundon la anay an balud, ngan ha baras iglulubong.

Kumusta ka daw la?
Hin-o taada hit im' huna-huna?
Ambot. Diri ak maaram hit imo ibabaton.
Sanglit hihigugmaon ko la anay ikaw hin hilom.

(sugad hin bring home, inen gugma, ha ref la anay hihipuson)

🌻
English Translation:

Because "we" are not yet, you see,
I'll learn, instead, to simply be.
To love this self, my own true core,
And wait for your heart to open the door.

This love, I'll place within the cool,
A lovely vessel, a gentle rule.
I'll keep it safe, with tender care,
A future's gift, beyond compare.

From distant shores, I'll watch you gleam,
And count the seconds, like a dream.
The flowers held, I'll keep concealed,
The words unsaid, yet deeply revealed.

I'll send my feelings, soft and low,
In coins and whispers, to and fro.
And since the time is not yet nigh,
I'll follow waves, where secrets lie.

How do you fare? What thoughts reside?
Who lingers deep, within your tide?
I know not what your answer brings,
So silently, my heart still sings.

— The End —