Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2020
Isang bukod tanging espasyong maaliwalas,
Kung saan dito ako nagkamalas-malas.
Madalas ako ay napapabulong,
Hanggang kelan ako makukulong.

Aminadong dito sa loob ay nahihirapan,
Sapagkat sarili ang kalaban.
Malalim ang iniisip,
Sa maliit na bintanaโ€™y napapasilip.

Kalayaan kayaโ€™y makakamit?
O pag-asa ay ipagkait.
Mga pangarap ang siyang naibaon,
Mga oras at panahon ang siyang naitapon.

Ngunit hindi rito matatapos
Kahit na akoโ€™y nakagapos
Sapagkat naniniwala ako na may Diyos,
Na tutulong upang pighatiโ€™y ang siyang matapos.
para sa mga nawawalan ng pag-asa
Written by
Apple Mae  21/F
(21/F)   
253
 
Please log in to view and add comments on poems