Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naibigay" poems
Mahal, tanda mo pa ba yung araw ng ating pagkikita? Kung saan lahat ay ating ginawa upang kilalanin ang isa't isa. Mahal, tanda mo pa ba kung paano mo ako kantahan sa mga gabing tumatawag ka? Kung saan bawat salita natin ay nakakapagpakilig sa buong sistema. Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na tayo ay magkasama? Kung saan ang presensya ng bawat isa ang sa atin nakapagpapasaya. Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na punong-puno tayo ng problema? Kung saan pilit natin itong kinakaya kahit ang bigat bigat na. Kay sarap isipin, kay sarap balikan. Ngunit paano ko ito babalikan kung ako'y iniwan mo ng nag-iisa at luhaan. Naniwala ako sayo. Nagtiwala ako sa mga pangako mo. Hindi ako tumigil kahit nasasaktan na ako. Nanatili ako kahit alam kong lokohan nalang ito. Ginawa ko lahat para sa relasyon na ating binuo Pero mahal, bakit ka sumuko? Nasan ka na? Nasan na ang mga binibitawan na mga pangako? Yung pangakong ako lang ang nasa puso mo. Yung pangakong ikaw lang at ako. Yung pangakong hindi ka maglokoko. Yung pangakong kakayanin natin ito. Yung pangakong tayo lang dalawa hanggang dulo. Wala na. Naglaho ng parang bula. Wala na. Dahil may iba ka ng sinisinta. Sabi mo mahal na mahal mo ako. Ngunit anong nangyari at nagkaganito? Akoy iyong ginago at paulit-ulit na niloko. Ika'y biglang nagbago at unti-unting naglaho. Bakit mo hinayaang magkaganito? Pero mahal, alam mo ba? Mahal na mahal parin kita kahit mukha na akong tanga. Mahal na mahal parin kita kahit may iba ka na. Mahal na mahal parin kita kahit alam kong wala ng pag-asa. Mahal na mahal parin kita kahit tinalikuran mo ako at pinili mo siya. Pero mahal, pasensya kana dahil ito ay sobra na. Pagod na pagod na ako kaya pinapalaya na kita. Ito na ang panahon para piliin ko ang sarili ko. Ako na nagpakatanga sayo. Ako na kinalimutan ang sarili ko. Sarili ko na napabayaan ko dahil sa labis na pagmamahal sayo. Sana sa araw na ika'y pinalaya. Hinahangad ko na seryosohin ka niya. Sana pasayahin mo siya sa araw na kayo'y magkasama. Sana mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sayo Pagmamahal na hindi mo naibigay sa isang tulad ko. Kaya naman mahal hanggang dito nalang tayo. Kahit mahirap kakayanin ko. Kahit masakit titiisin ko. Paalam mahal, dahil ito na ang huling araw ng pagpapakatanga ko sayo.
0
Oct 16, 2017
Oct 16, 2017 at 2:27 AM UTC
Huling Araw na Ito

Continue reading...
49
Walang nagtatagal sa mundo Sapagkat hamak lamang ang mga tao Lahat ay dumaraan sa pagiging bata Hanggang sa maging kulubot na ang mga mukha Hinang hina na ang katawan at hindi na makapagsalita. Sa edad na walumpu't dalawa, Kinuha na ng Panginoon ang iyong lakas at kaluluwa. Ang pagmamahal mo sa aming mga apo Higit pa sa pagmamahal na naibigay namin sa iyo. Walang makakatumbas sa mga sakripisyo mo Dahil inuuna mo ang kapakanan ng iba. Hindi ka nagsasawa na mahalin kaming iyong pamilya Ikaw ay mabuting kapatid, asawa at ama Hindi ka malilimutan ni Lola. Hilam na ang mga mata sa pag-iyak Habang nasisilayan kang nakahiga Hindi na sa kama kundi sa kabaong na parihaba Na nakapikit ang mga mata. Kasabay ng pagpanaw ng iyong alagang pusa Ang siya namang iyong pagkawala. Mga larawan mo'y hindi itatapon Bitbit pa rin ang alaala na iniwan ng kahapon. Taon lamang ang lumilipas Ngunit ang mga alaala mo'y hindi kumukupas Sa iyo'y walang maipintas. Kailangan pa ring tanggapin Na nasa piling ka na ng Panginoon natin.
0
Mar 8, 2020
Mar 8, 2020 at 5:24 AM UTC
Isang Elihiya Para Kay Lolo
Natandaan ko ang mga tawa **** ‘di natatapos, At ang mga pang-aasar **** ‘di maubos. Naiinis ako pero, “haha. Tawa na lang.” Hindi ko naman inaasahang May muling bubulaklak ulit sa aking puso. Noong hinahawakan mo pa ako, Lagot na naman ang aking damdamin. Ikaw na ang laging nasa isipin. Pero... May minamahal na rin ako. Bakit ngayon may lungko’t galit ka? Sila ba ang rason at sa susunod ay ako. Sorry kung ako ang naging dahilan. Hindi ko sinasadya, iiyak-iyak ka na. Aaminin kong hindi ako sanay ‘Di ko rin man lang matanong kung, “Huy. Okay ka lang ba?” Halata naman sa mga mata mo Na hindi mo na talaga kaya. Ewan ko ba, ngiti mo lang ang hinahanap ko. ‘Di ko rin alam na iyon ang kailangan ko. Kaibigan lang naman pero bakit iba? Gusto kita patawanin ng patawanin... Para tumigil ang pagwawasak ng iyong damdamin. Kaibigan kong malakas at matapang, Alam kong lalaki ka pero hindi mo tinago, Ang mga damdamin **** ‘di naglalaho. Alam ko na baka isumbong mo ako, Sa aking lalaking iniirog. Pero kung alam ko lang ang rason ng mga tawa mo, Sigurado akong naibigay ko na iyon sa’yo. Yung mga pang-aasar mo para sa’kin na ‘di mo malimot, Nasa ulo ko, pinagtatawanan kong paikot-ikot. Malamang ay pinagtatawanan mo rin At sigurado akong gusto **** balikan. Magiging baliw ako, mapatawa ka lang, Nagugustuhan (na) kitang makasama, Pero mas maganda pang kaibigan na lang. Kasi pag nalaman **** “oo. Gusto kita,” Hala heto na naman... Aalis at iiwas ka na. Minsan ay nakakapagod rin maghabol Ng mga taong sa huli’y mabibigay ng hatol. Pero ‘di tayo aabot sa ganoon. Kalimutan mo na ang aking sinulat. Ito ay kabilang sa pagkakamali ng kahapon. Kahit “kuya” lang? Okay na. Haha. Kaibigan lang? Okay na. O lalaki kong best friend? Sapat na. Tandaan mo na lang na narito ako lagi, Para subukan na mapatawa ka kahit minsan. Sapat na, hanggang kaibigan lang.
0
Feb 28, 2018
Feb 28, 2018 at 6:10 AM UTC
Kaibigan Lang

50
Sa tagal ng ating pagsasama Wala na akong ibang mahihiling pa Kundi ang magkaroon ng isang masayang pamilya Pamilyang bubuohin ko kasama ka Pagkatapos nang tayoy ikasal Araw araw kong pinagdarasal Na aking hiling ay maibigay na ng maykapal Ang tanging biyaya na kukumpleto Sa buhay mo at buhay ko Ang mabiyayaan sana tayo Ng isang munting bersyon ng ikaw o ako Kaya di kayang sukatin Ang sayang naibigay mo sakin Nang sa iyong sinapupunan Ay mayroon na palang namamahayan Sa wakas ay dininig na At ikay buntis na pala Pero anong sakit ang aking nadama Nang malaman kong di pala ako ang ama Dahil habang tayo ay nagsama Naghanap ka pala ng iba
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 8:44 AM UTC
Dininig na Dasal (TAGALOG)
*ilang beses na ba akong ngumiti ng magisa habang iniisip ko ang mga panahong kasama kita ilang beses na ba akong umiyak sa aking kwarto habang tinitiis ko ang sakit at pighati sa aking puso ilang beses na ba ako umiling upang mawala ang alaala mo saking isip ilang beses na ba ako nagbuntong hininga upang mailabas ang lungkot na aking nadarama ilang beses na ba akong nagsulat ng liham na hindi ko naman naibigay kahit kailan ilang beses na ba akong gumawa ng tula tungkol sa pagibig na di ko naman maipadama ilang beses ko na bang binulong sa hangin na mahal kita, na mahal kita kahit magisa lamang akong umiibig* Sept 30, 2016
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 10:59 PM UTC
Ilang beses na ba?
#walang FOREVER At kung ano-ano pang pag-eemote mo jan #forevermore At kung ano-ano pang ka cheezyhan niyo jan Basta ako, Hindi ko kailangan ng forever para maging masaya Ang kailangan ko ay isang moment Ang “moment” Ang kasalukuyan. Ika nga living in the moment. Wala na akong **** sa future at sa forever. Ang mahalaga e ang ngayon. Today that is a gift, which we call a present. The present Ang present na present ang “ikaw at ako”. Ang moment na masaya ako sa piling mo. Ang forever wala yan, Talo yan ng moment Kasi ang forever, nakadepende lang yan sa kung paano mo pahalagahan ang ngayon Kung papaano mo trinetreasure ang binigay sa’yo na present Aanhin mo ang forever kung wala na ang moment? Kasi masyado kang nagplano at nagplano para sa future Masyado **** inenvest ang time mo para sa future Nagplano at nagplano ka nga para sa forever nyo Naka invest kanga para sa forever nyo Pero Nakalimutan **** gawin at ipatupad ang plano Hindi ka na nakapaginvest sa ngayon, sa present, sa moment Hayan tuloy may forever ka nga, pero forever na wala na siya Kasi napabayaan mo na siya, kaya pumunta siya sa iba Kasi ang kailangan din niya ay hindi ang forever Kundi ang moment na hindi mo naibigay dahil sa forever Kaya ako, solve na ako sa moment Ang time ko dito naka invest Ang pag-ibig kasi wala yan sa future My love is here, in the present Naginvest na ako sa moment natin At kung aalagaan lang natin ng mabuti ang moment Balang araw ang moment ay magiging forever
0
Jun 21, 2015
Jun 21, 2015 at 11:43 AM UTC
Ang Moment (TAGALOG)

40
Heto, At may aalis na naman sa ating dalawa May maiiwan na namang mag-isa Mag-isa na pagod at wala wala sa isip, wala sa sarili Sarili na dinala mo sa iyong pag-alis sarili na dapat ipinagtira Sana nagtira kahit papaano pero naibigay na lahat sa'yo Buong puso at tanga sapagkat buo Sapagkat nagmahal minahal ka- ng totoo. Heto, Buong-buo parin, ang hinanagpis hindi ako Totoong-totoo parin, ang realidad Na kailan ma'y hindi hindi ako ang pinili mo. Heto, Ngayon wala walang-wala simula nung dinala mo ang lahat na kung ano mang meron ako meron ako na wala Noong hiningi ko pabalik sabi mo wala wala na Wala na meron Dahil naubos mo na sa pagsalba sa sarili Kinamkam Sakim Gago. Heto, Ito nalang ang natira Isang pusong bumabawi, nagpapalakas Bago Na kung sakaling sa pagbalik mo Iba Hindi na kita kailangan para buohin ako. At ikaw naman Ang maghahanap sa mga piraso ng puso monh ginamit ko para tahi-tahiin ang sarili kong winasak mo Heto pa, oh sayo na yan sayo na lahat Kahit anong yaman kaluluwa mo'y dukha Bagay sayo mga tira-tira.
0
Dec 16, 2016
Dec 16, 2016 at 9:13 AM UTC
Heto
**Kumapit ako sa isang patalim Kahit alam kong masusugatan ng malalim Nangakong hindi ito bibitawan Kahit ito'y mangalawang sa katagalan Sa patalim ng pagmamahal ikaw ang nasa hawakan Ngunit naisip mo pa rin na ito ay bitawan Hindi ba naging sapat ang aking mga naibigay? Na mas pinili **** bumitaw at humiwalay?**
0
Sep 21, 2015
Sep 21, 2015 at 5:33 AM UTC
Bakit
Di ko inaasahan ang naibigay **** saya, Dahil ang inasahan ko ay ang pagiging panandalian mo. Kasama kita sa maikling panahon, Napaka-ikli, tila kisapmata, lahat nawala. Mga pagsasamang nahinto dulot ng isang tuldok, Tuldok na nagsasahad ng pagtatapos. Oo, ang sakit na di na magkakaroon ng dalawa pang tuldok… Nagsasaad na mayroon pang kasunod ang lahat at di pa tapos Kaso wala na, tapos ang lahat dulot ng isang tuldok. Akala ko tatagal tayo dahil napakarami natin kuwit,,,,,,, Nagsasabing di pa tapos, sandali lang, opps charot lang meron pa. Pero wala eh, tinapos mo na gamit ang isang tuldok. Marahil nga hanggang doon nalang ang istorya nating dalawa Alam ko namang hindi napipilit ang tadhana, Pasensya na mahal ko kung pangit ang kwentong naibigay ko. Oh ito na ang huling tuldok at magsimula ka na ng panibago **** kwento.
0
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 12:58 PM UTC
Tuldok
alam mo bang hindi ko inasahan ang naibigay **** saya? hindi ko natanaw noong umpisa na tayo ay magiging panandalian lamang pala. tulad noong araw na tayo'y nagkakilala, ang pagwawakas natin ay naging kasing bilis rin lamang ng isang kisapmata. napakasariwa pa ng mga alaala nating dalawa. sabay pa tayong nanonood kay haring araw kapag siya'y bababa. sa umaga'y yakap mo pa ako sa ating pagising at kamay ko pa ang iyong hawak sa tuwing ika'y nananalangin. ngunit lahat ng pagsasamang ito ay nahinto, dulot ng isang tuldok. ang natatanging bantas na nagsasaad ng pagtatapos. Oo, masakit na di na kailanman malalagyan pa ng dalawang tuldok. . . na magpapahiwatig na ang ating kwento ay mayroon pang karugtong. ang mga oras at panahon ay tila naging saglit, ang kwento natin ay puno lamang ng kuwit na nagsasabing "di pa tapos, sandali lang, maaabot natin ang tuktok" pero si Bathala na nag nagdesiyon na lagyan ito ng tuldok marahil nga hanggang doon na lang ang istorya nating dalawa, alam ko rin naman na hindi napipilit si tadhana. inihipan na rin nina amihan at habagat ang ating mitsa --at ang bisa ng pana ni kupido ay tuluyan nang nawala. kaya pasensya ka na mahal kung hindi maganda ang kwentong naibahagi ko. 'di bale, ito na lang rin naman ang huli kong mensahe para sayo. hayaan **** ako rin ay maglagay na ng tuldok sa dulo at sabihin sayong maaari ka na rin magsimula ng panibago **** kwento.
0
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 9:38 AM UTC
Panibagong Kwento
Minsan sa buhay Kahit may hindi ka gustong maalala Maalala mo na lang bigla Kasi malaki yung naging parte niya sa buhay mo Pero lagi mo lang tandaan na naging parte siya ng buhay mo "Naging"- kaya huwag mo nang balakin na pabalikan siya ulit Salamat sa mga alaalang naibigay Pero hanggang dun na lang tayo
0
Oct 29, 2016
Oct 29, 2016 at 1:52 PM UTC
"Naging"
saya, asan ka na ba? pati ika’y lumisan na, sinama aking sinta, sana’y maibalik pa. dating tayo’y maibabalik pa ba? dating mga sulyap, miss ko na dating mga ngiti na may totoong saya. mahal, ako ba’y mahal mo pa? mahal mo ba ako dahil mahal mo ko? o mahal mo ko dahil ako laging nasa tabi mo. araw araw pinili, di kinailangang ipilit. ayaw kitang iwan, ngunit mata’y ipikit. paalam sa mga naging sandali, sandaling hindi ko maipagpapalit. sana ika’y sumaya, kahit hindi na ako ang kasama. paalam sa mga panahon na sumaya, kahit naging panandalian pa. salamat sa lahat, sinta sana’y ipinaglaban pa. naibigay sa iyo lahat, ngunit hindi pa ba sapat, para ako’y mahalin nang tapat? pagbalewala saki’y hindi dapat. binuo ang isa’t isa, tuwing kasama ka’y masaya tuwing nag-iisa’y naiisip ka, mahal, ako ba’y naiisip mo pa? nasirang tiwala, mahirap nang buohin pa. nasirang pangarap, tutuparin ay mag-isa na. salamat sa lahat, mahal, ika’y naging sapat. mahalin ka’y karapat dapat patuloy na mamahalin, kahit hindi na dapat. kasama ka sa lahat, wala nang hahanapin pa sa iba mga oras na hindi nagkakaintindihan, sana’y inayos pa. pag-asa, anjan ka pa ba? dapat bang isuko na? laban nating dalawa, iniwan akong nag-iisa. sarili’y hahanapin lang, ika nga nila ako’y hindi maghahanap ng iba sayo lang nakita ang saya ngunit mahal, bakit may siya? sana’y lumaban pa kung kinaya lang sana. sinta, ako’y napagod na, maaari bang magpahinga?
0
Apr 6, 2020
Apr 6, 2020 at 2:41 PM UTC
1