Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2019
Wala akong maisip na pamagat,
Wala akong maalala sa kabila ng lahat,
Pero alam kong ikaw yan,
Nakilala kita dyan aking kaibigan.

Isang cringey na namang tula ito
Hahaha sa rami ba namang naibigay ko sayo,
Baka paulit uli na nga ang mga laman,
Pero galing talaga sa puso ang mga laman. (Yieee cringe moment nambawan)

Ilang araw nalang pasukan na naman,
Makikita mo na naman ex ni kwan, (u be like pagbasa mo β€œjether foul!”)
Pero alam kong wala kang galit sa kanya,
Kasi di ka naman yung tipong nagtatanim ng kawayan diba?

Parating maging mapagpakumbaba,
Wag mo nang patulan ang mga alam **** mababaw nga,
Wag **** kalimutan ang iyong mga makakapitan
Magulang kapatid, kaibigan, at higit sa lahat ang iyong kasintahan. (Chour, sabihin mo lang sa akin na β€œsya man rason ba”)

Ang tulang ito ay lumalabas na aking mga kamay,
Getting out of hand ika nga,
Diba parang wala lang akong malay?
Sabog, tulad nitong aking tula.

Parating maging positibo,
Wag kalimutang kasama mo ang Diyos,
Kahit ang elbi man ay daanan ng  lindol o bagyo,
Alam kong malakas ang pananalig mo.

Hindi kita makakalimutan,
Nandito lang ako kaibigan,
Nasa kabisayaan,
Pero isang chat or text lang naman.

Isang maligayang kaarawan,
Parating ngumiti sa bawat araw na dadaan,
Alam kong nakakapagod mag-aral pero kaya mo yan,
At naway sa muli nating pagkikita di mo ako makalimutan.
Bortdiiiiii! Ahahaha
Taltoy
Written by
Taltoy  17/M/Philippines
(17/M/Philippines)   
622
 
Please log in to view and add comments on poems