Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
“It's being here now that's important. There's no past and there's no future. Time is a very misleading thing. All there is ever, is the now. We can gain experience from the past, but we can't relive it; and we can hope for the future, but we don't know if there is one.”

― George Harrison

Ang kamusmusan daw ang pundasyon kung gusto mo’ng magkaroon ng matibay na kinabukasan. Dahil ang isipan daw ng isang paslit ay tulad sa Tabula Rasa (blank slate) na magandang sulatan ‘pagkat tiyak ang kalinisan. Nasa labi ng isang musmos ang katotohanan at nakikita nang kanyang mga mata ang malinaw na mga kaganapan at naririnig n’ya ang bawat katagang binibigkas dalisay man ito o masama nang walang halong alinlangan.

Subalit may mga paslit na hindi na makikita ang kanilang kinabukasan dahil maagang nawawala ang kanilang buhay. May mga paslit na sa muarang edad ay marami ng lamat ‘pagkat dangal nila’y hinapak ng mga hinayupak. Mga inosenteng paslit na dahil sa maling pagkonsenti nang mga hangal na magulang ay naging mga pasaway at salot sa lipunan. Naging sinungaling ang kanilang mga murang labi kaya’t natutong magtahi ng mga k’wentong mali. Naging mapurol at mabalasik na tulad sa isang asong ulol.

Nagsisiksikan sila sa mga madidilim na eskinita habang sumisinghot ng solvent at lumalaklak ng syrup. Nagumon sa bisyo at kalaswahan, binaon sila ng sistema. Naging mga dilingkwenti at walang kwenta. Nasayang na buhay, nasayang na panahon. Ang iba ay bigla na lang tumutumba kapag tinamaan ng bala o di kaya ay nahagip ng saksak sa tagiliran. Mga makabagong desaparecidos na bigla na lang naglalaho sa dilim ng gabi.

Hindi ko na mabilang ang mga eksena sa telibisyon na tulad nito: binatilyo nawawala, dinukot daw nang mga di-kilalang lalake makalipas ang ilang araw natagpuan na patay. Binaril, tinadtad ng saksak. Riot sa kanto mga kabataan nagsagupaan. Nagpaluan, nagsaksakan at may nagpaputok pa ng baril – patay bumulagta na lang bigla. Sabi ni Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan; hindi mali ka Pepe, ang kabataan ay hindi pagasa ng bayan kundi sila na ang panlaban sa mga sagupaan. May mga pick-up girls na nahuli sa kalye, ilan taon daw ito? Disisyete anyos lang, putang-ina naman hija kabata-bata mo pa bakit naging pakantot kana? Grabe! May gatas ka pa sa labi puro kantutan na ang alam mo bwesit kang bata ka.

Mga kabataan na pag-asa sana ng inang bayan bakit kayo nagkaganyan? Hindi n’yo ba naiisip ang iyong magiging kinabukasan? Bakit kayo nagpapatangay sa mga tuksuhan at mga walang kwentang huntahan? Meron pa kayong mapupuntahan, ang kabiguan ay hindi isang hangganan. Umahon kayo sa pagkakalugmok habang meron pang paraan. H’wag n’yo sanang sayangin ang inyong buhay.
Morrey Feb 2014
Nasaan ka? nasaan ka aking kabataan?
tila hangin na naglalaho
sa bilis ng ikot ng panahon
at paglipas ng bawat minuto
masasabi ko bang ako ay natuto?

Nasaan ka, aking kabataan?
lumulubog at lumilitaw
malimit ako ay nalilito, malimit ako ay naliligaw
habang ako ay unti unting nilalamon
ng mga pahina ng kalendaryo

Nabuhay sa panahon ng mga kritiko at relihiyoso
naglalakad sa gitna ng manipis na espasyo ng kamalayan
nagmamasid at nanahimik
nagbibilang ng mga sandaling malabong maulit
huwag masyadong matulin at baka matinik ng malalim

Nasaan ka aking kabataan?
mga kinagisnan ay iyo nang iniwan
niyapos ng modernong mundo
binuksan ang pinto sa pagbabago
sa huli, kilala mo pa ba ako?

Nasaan ka aking kabataan?
ang iyong katahimikan ay nakakabingi
sabi nila ang pagsisisi ay laging nasa huli
Nasaan na, nasaan na?
kabataan ko, gising ka pa ba?
Morrey02.06.14
Filipino/Tagalog
MR May 2019
Ang istorya nati’y parang liham...

Sisimulan ko sa panimulang pagbati.

Ito yung mga panahong bago palang tayong magkakilala.
Yung mga panahong kaibigan palang ang turing natin sa isa’t isa.
Dito ko nakita ang ‘yong nagniningning na mga mata,
at may nakita akong nakakabighani sayo na hindi nakikita ng iba.

Ito yung mga panahong nagkakakilala palang tayo.
Mga panahong wala pa tayo sa puntong “Tayo”,

at ang pinakaimportante sa lahat,

Panimulang Pagbati.

Dito nagsimula ang lahat.
Nagsimula sa simpleng chat,
na nagsasabing: “Ikaw lang ang gusto ko sa lahat.”,

at mula noo’y nagbago ang lahat.

Ito na yung susunod...

Katawan.

Ito yung mga panahong masaya tayong nagmamahalan.
Araw-araw tayong nagtetext at nagtatawanan,
sa mga corny pero sweet nating banatan.
Buong araw, buong gabi, na parang wala nang katapusan.

Ito yung mga panahong patay na patay tayo sa isa’t isa.
Mga panahong lumabas ang pagka-clingy nating dalawa.
Halo-halong mga emosyon ang ating nadarama,
yung tipong gulong gulo ka na’t wala ka nang maisip kundi siya.

Sa panahong ito’y napakasaya nating dalawa, ngunit...

ngunit parte ng katawan ay ang konklusyon.

Ito yung mga panahong paunti-onti nang naglalaho ang “Tayo”.
Mga masasayang emosyon ay nawala nalang sa dako,
at ang mga masasayang araw ay paunti-onti naring naglalaho,

hanggang sa dumating na sa puntong...

Ito na ang huling pagbati.

Ngunit...

Ngunit may isa pang parte ng liham na dapat hindi natin balewalain...

Ang Lagda.

Sapagkat ito ay simbolo.

Simbolo na tapos na ang lahat,
at tinalo na ng emosyon ang ating lakas,
at isa rin itong uri ng pag-uulat,
na parang liham, kung merong simula’y meron ring wakas.
Sana nagustuhan niyo!
Natandaan ko ang mga tawa **** ‘di natatapos,
At ang mga pang-aasar **** ‘di maubos.
Naiinis ako pero, “haha. Tawa na lang.”
Hindi ko naman inaasahang
May muling bubulaklak ulit sa aking puso.
Noong hinahawakan mo pa ako,
Lagot na naman ang aking damdamin.
Ikaw na ang laging nasa isipin.
Pero... May minamahal na rin ako.
Bakit ngayon may lungko’t galit ka?
Sila ba ang rason at sa susunod ay ako.
Sorry kung ako ang naging dahilan.
Hindi ko sinasadya, iiyak-iyak ka na.
Aaminin kong hindi ako sanay
‘Di ko rin man lang matanong kung,
“Huy. Okay ka lang ba?”
Halata naman sa mga mata mo
Na hindi mo na talaga kaya.
Ewan ko ba, ngiti mo lang ang hinahanap ko.
‘Di ko rin alam na iyon ang kailangan ko.
Kaibigan lang naman pero bakit iba?
Gusto kita patawanin ng patawanin...
Para tumigil ang pagwawasak ng iyong damdamin.
Kaibigan kong malakas at matapang,
Alam kong lalaki ka pero hindi mo tinago,
Ang mga damdamin **** ‘di naglalaho.
Alam ko na baka isumbong mo ako,
Sa aking lalaking iniirog.
Pero kung alam ko lang ang rason ng mga tawa mo,
Sigurado akong naibigay ko na iyon sa’yo.
Yung mga pang-aasar mo para sa’kin na ‘di mo malimot,
Nasa ulo ko, pinagtatawanan kong paikot-ikot.
Malamang ay pinagtatawanan mo rin
At sigurado akong gusto **** balikan.
Magiging baliw ako, mapatawa ka lang,
Nagugustuhan (na) kitang makasama,
Pero mas maganda pang kaibigan na lang.
Kasi pag nalaman ****, “oo. Gusto kita,”
Hala heto na naman... Aalis at iiwas ka na.
Minsan ay nakakapagod rin maghabol
Ng mga taong sa huli’y mabibigay ng hatol.
Pero ‘di tayo aabot sa ganoon.
Kalimutan mo na ang aking sinulat.
Ito ay kabilang sa pagkakamali ng kahapon.
Kahit “kuya” lang? Okay na.
Haha. Kaibigan lang? Okay na.
O lalaki kong best friend? Sapat na.
Tandaan mo na lang na narito ako lagi,
Para subukan na mapatawa ka kahit minsan.
Sapat na, hanggang kaibigan lang.
kingjay Feb 2019
Ito ba'y sa tingin ng miyopia na sandangkal ang layo, gusto na kabigin?
Pananaw na malabo, di malirip?

O himig na kaagaw-agaw pandinig
Musika sa katahimikang pandaigdig
na lumilikha ng espasyo sa katotohanang di ibig?

Paraan ng pagdarama sa mga bagay na umiiba?
Pagkaganyak sa karaniwang obra maestra?

Isang sulyap sa ningning ng maririkit na bituin
na mapangrahuyo sa mga mata?

Panggagaway sa sangkatauhan
na walang makapag-aalis
Payak subalit gumaganap nang paulit-ulit?

Ito ba'y tumatawid sa dakong paglubog tungo sa pagsikat ng araw
hilaga hanggang timog?

Gumagabay sa paglikha ng sining
ng mga pantas at pintor
na inspirasyon ang guhit?

Tumatalunton sa kinabukasan,
lumalakbay sa kawalan hanggan
tila mas matayog pa sa pag-asa?

Ito ba ang matamis na kabiguan
na ninais maranasan?
Ginawang bagay na di alam ang kahihinatnan?

O piling mga salita na nasnaw sa bibig,
bulong sa hangin ng makatang nagtitiis?

Kumukurap na liwanag sa karimlan
na kung pagmasdan parang mamatay datapwat di kailanman naglalaho?

Saglit na galak tulad ng mga nasa yaong pagdiriwang
mapagbunyi ngunit di mapagmataas?
Mira Alunsina Jan 2018
Tahimik at tila nawalan na ng ganang huminga ang mundo
Nakasarado ang mga labing to pero alam kong punong puno
ng mga sigaw
ng mga hagulgol
ng mga mura
na pinipilit na hindi makawala
Dahil alam ko na kahit ang boses ay maubos
hanggang sa tuluyan nang mapaos
Hindi mo pa rin pakikinggan
Dinadaan nalang ang mga sakit na naipon
sa pagsulat sa basang pahinang pinipilit mang pagtagpiin
ay tuluyan nang napupunit
Gawa ng mga luhang kumakawala sa mga matang bulag
Marahang pinapahid dahil sa namamagang pisngi
Katulad ng pag-iibigan natin
Sa pahinang ito
Tuluyan nang nawasak at paunti unti nang naglalaho
Nabura na ang tinta at naging malabo na
ang mga salitang Mahal na mahal kita
Ipipikit nalang ang mga mata para tumigil na
Kasabay ang paghaplos sa nanlalamig na espasyo
Sa bandang kaliwa ng ating kama
Dito dating nakahimlay ang isang nilalang na nagbigay halaga sa kalawakan
Ang nagparamdam ng tunay na kahulugan ng buhay at pagmamahal
Pinapaniwalang ang pag-iibigan ay tunay at magtatagal
Pero mahal
Bakit ang mga halik ay napalitan ng mga mura
Ang mga yakap ay napalitan ng mga sampal
At ang mga matamis na ngiti ay napalitan na ng matalim na mata
Nasaan na ang pinangakong walang hanggan?
Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan
Alam ko kung paano mawasak ang mundo ng isang iniwan
Pero alam mo ba kung ano yung pinakamasakit?
Magkatabi tayo at magkadikit ang mga balikat
Walang matitirang espasyo sa gitna dahil sa liit ng higaan
Pero hindi ko maramdaman na nariyan ka
Mali..
Alam kong andiyan ka pero alam ko rin na ang pagmamahal mo ay naglaho na
Sabi nila masakit makita ang mahal **** may kasamang iba
o hanggang kaibigan lang ang tingin niya
o wala na siyang ibang nabanggit kundi ang isang taong ayaw sa kanya
Putang ina
Hindi nila alam na mas masakit ang nararamdaman ng isang tangang katulad ko
Na pinipilit pinapaniwala ang sariling mahal mo pa ako
Mas masakit yun
Mahal hindi mo ba nakikita ang mga mapuputlang labi na minsan mo nang nahagkan?
Hindi mo ba naririnig ang mga hikbi na pinipilit kong itago pero hinihila pa rin palabas ng pighati?
Hindi mo ba nararamdaman kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kahangal?
Gusto ko lang naman pakinggan mo ako
Gusto kong malaman mo na ayoko na
Na kahit ayoko na ay ayoko pa
Ayoko pang bumitaw
Dahil natatakot akong maligaw
Sa paniniwalang ang iyong palad ang gabay sa mundo kong minsan nang naging bughaw
Ayoko pang mawalay sayo
Ayoko pang ako’y iwan mo
Tawagin mo na akong tanga, gaga, boba
Pero Mahal kita
Pero Ayoko na
Ayoko na sana
Sana pigilan mo ako sa pagtangka kong pagbitaw
Pigilan mo sa pagsulat muli sa mga basang pahina dahil huli na to
Halikan ang mga nakasaradong labi nang mapalitan ang mga mura ng mahal
Mahal kita
Oo na hanggang sa huli
Kahit matagal nang sinasabi ng mga mata, labi at puso ko
At nakasulat sa huling basang pahina na ito
Na Ayoko pa, mahal ayoko na.
mikhachuuu Apr 2017
Bakit nga ba?
Bakit nga ba ang hirap sumagot sa bawat tanong,
sa bawat tanong na pilit na binubulong?
May mga sagot nga sa mga tanong, ngunit ito naman ay nakukulong

Bakit nga ba nagmamahal,
nagmamahal sa taong di kamahal mahal
Bakit nga ba sa umpisa lang ang kiligan
tas habang tumatagal naglalaho naman

Bakit nga ba kailangan muna masaktan,
kailangan muna masaktan bago natin malaman
bago natin malaman na hindi siya yung "right one"
hindi siya yung "right one" para sa puso nating baka maging ewan

Bakit nga ba ang sakit sakit,
ang sakit kapag tayo'y pinagpapalit
Ginawa mo na lahat pero di parin sapat?
di parin ba sapat na minahal mo siya ng tapat?

Bakit nga ba ang daming paasa
akala natin tayo nga ay may pagasa
Sila tong nagbibigay motibo
tapos sa huli tayo naman ay naloloko

Bakit nga ba ang hirap tanggapin
ang hirap tanggapin na hindi ikaw yung pinili
Ginawa mo na lahat para sa kanya, pati na ang maging alipin
pero wala rin, sa huli siya parin ang pinili

Bakit nga ba
Paulit ulit na bakit nga ba
Pasensiya na ako'y nangangamba
Naghahanap lang naman ako ng sagot sa mga tanong na bakit nga ba...
Bakit?! Bakit?! Bakiiiit??!! Char
Ube Jam Nov 2015
Isang araw nang matanong kita
Mahal mo ba talaga
Isang tulad kong di naman masaya
Nakakagulat pa nga't nandyan ka
Laging nasa tabi
Na kahit umaga man o gabi
Pinapasaya ako
Mga matang inakip ang buong isipan ko
Kaakit akit na salita binitawan mo
Nang di mo napapansi'y
Madalas kitang isipin
Kaylan ma'y di nagbago
Pangakong tinago
Mga kasalanang naglalaho
Unti unting nagagago
ng tadhanang di natin mabago-bago
kaylangan bang pahirapan
bago makuha ang gusto
katulad ng simpleng pagharap sayo
marinig ang salitaang oo
o ano mang salitang pwedeng makuha
Para masagot mo ng totoo
071816 #3:18PM #RobPalawan

Muling mauutal ang puso
Buhat sa naantalang pagtatapat.
Ninais ko noong lisanin ang paghihintay
At magbakasakaling
Panahon na ng pag-ani ng pag-iibigan.

Ni minsan,
Hindi ka nagpadaig sa pana ni Kupido,
pagkat marahil may lamat kanyang gintong palaso.

Patuloy akong magbibilang ng bawat dahong nalalagas,
Aaninag sa araw na siyang minsang pumipiglas,
At sisenyas sa hanging hinahawi ang kawalan --
Kawalang hindi tunay,
Pagkat pag-ibig, aking buhay.

Ilalaan ko sa kalawakan
Ang talatang tila walang saysay,
Makikipagbalagtasan sa pagkitil
Ng mga linyang nahihimbing.

Ako'y saksi sa malawak at malalim
Na mahikang di naglalaho,
Sa eksperimentong walang kemikal
Bagkus puro't siyang natural,
Sa paglalambitin ng mga bombilyang
Hindi papupundi,
At mga tuldok na hindi katapusan.

Yayariin ko ang klima ng pusong hindi kalmado,
Bituin ng pagtatapat ay aangkinin,
Pagkat halaga nito'y
Wagas na pag-ibig.
Hindi ako susuko,
Tatagpiin nang kusa
Ang liham ng sagrado kong pag-irog.
(Pagkat naiisip na naman kita. Marahil baliw ang pag-ibig, pero nasa tamang pag-iisip ang katauhan. Patuloy kitang ipagdarasal, maghintay lang tayo.)
Crissel Famorcan Mar 2017
Di ko alam kung pano magsisimula
Sa aking sasabihin,huwag sanang mabibigla
Pero ang lahat ng maririnig **** salita
Nagmula sa puso : sa puso kong sira
Alam mo ba nung simula pa lang
Sa puso ko ikaw na ang lamang
Walang ibang hinihiling kundi ikaw
Di ko nais na naaalis ka sa tanaw
Oo , ikaw lang at walang iba
Kase nga diba gusto kita?
Sa puso kong ito, tunay kang nag-iisa
Pero parang ang sakit sa pakiramdam
Sa damdamin kong ito, walang nakakaalam
Hanggang tingin lang lagi sa iyo,
Minamasdan ko lahat ng kilos mo
At kahit na ako'y nasasaktan,
Sinong may ****? Wala naman akong karapatan
Kahit mamamatay na ako sa sobrang sakit,
Kailangang kong tanggapin lahat ng pait
Ganyan naman talaga pag nagmamahal,
Sakripisyo ang kailangan para tumagal
Hindi ko alam kung anong meron sa iyo,
At ikaw ang tinitibok ng puso ko,
Siguro nga tadhana na ang nagtakda
Kaya sana iyo namang mahalata
Pagkat ayokong pati  ikaw ay mawala
Ngunit ano nga bang magagawa?
Kung sa landas ko unti - unti kang nawawala?
Para kang bula na dahan - dahang naglalaho
Parang ibong lumilipad na papunta sa malayo
Habang ako dito ay nakatayo
Minamasdan kang papalayo
Madalas ako sa kanila'y naiinggit
Pagkat sa iyo ,sila'y nakakalapit
Madalas kayong nagkakausap
At lagi mo sya sa akin hinahanap
Oo, alam kong kahit di ko aminin
Na pangalan mo pa rin ang sinisigaw ng damdamin,
Malalaman mo rin yun balang araw
Kaya mananahimik nalang at di ko na isisigaw
Ano pa nga bang silbi na ipagsigawan ko?
Wala ka rin namang **** sa nararamdaman ko
Kaya't salamat nalang sa ala- alang iniwan
Sa lahat ng araw ng masasayang kwentuhan
Paalam na mahal,ayoko nang masaktan
Kahit iyon ay akin nang nakasanayan
Nakakapagod ding maging Tanga kaya't paalam na
Sana maging masaya ka doon sa piling nya !
Just from a friend's story
Kamille Tan Oct 2012
Ang madaling nakuha,
Madaling nawawala.

Kaya't wag nang magtangka
Na muling ibalik pa
Ang dating pinagsamahan,
Wala namang makakamtan.

Kaya bakit pa?
Sapagkat hindi ka na masayang kausap. O kakilala. O kahit ano pa.

Ganoon rin ata ang tingin mo sa akin. "Mutual" kumbaga.
Argumentum Jul 2015
Bonifacio

Sinlamig ng gabi
Ang tanikala sa aking kamay
Habang nakahiga
Sa aking hinimhimlayan

Singtamihik ng gabi
Ang aking paghabol ng hininga
Unti-unting naglalaho
Gaya ng kandila sa magdamag

Babangon sa tunog ng yapak sa kalayuan
Bawat yapak, dibdib ay bumibigat
Bubukas, lalangitngit ang rehas
Pipikit at lalaya ang hininga

Di alintana ng naghihingalong katawan
Ang sakit at lungkot na nalalasap
Sapagkat wala ng mas kikirot pa
Sa pagtamasa ng kamatayan sa sariling kadugo, katipan at kasama
Jor Jun 2015
I.
Bakit ganun ang tadhana?
Lahat na ata aking ginawa.
Pero sakanya'y ito'y isang bula,
Naglalaho na lamang bigla.

II.
Bawat araw sa kalendaryo ko
Madiin kong iniekisan ang mga ito.
Para bilangin ang mga araw
Noong sa akin ikaw ay bumitaw.

III.
Bawat gabi humihikbi ako
Pagkawala mo'y di ko matanggap ng buo.
Ang amoy ng iyong damit,
Sa puso ko'y patuloy na kumakapit.

IV.
Dumating ang araw na, pag-gising ko
Nagpasya na ang puso’t isip ko,
Na kalimutan ang isang tulad mo.
Para makalaya na'ko sa pang-gagago mo.

V.
Sa wakas! Sa loob ng ‘sandaang araw
Amoy mo'y sa puso ko'y bumitaw.
Sinunog ko na rin ang kalendaryong
Nagsilbing ala-alang saking pagiging tanga!
Elizabeth Mar 2016
Tuwing manunumbalik sa mundo
Bawat sulok ng kwarto'y nalilito
Mga litratong nakapako, isa isang naglalaho.

Wala man lang makausap na nilalang
Panay mga bulag na anino lamang
Tila natitisod na mga ibon sa lansangan-
Dulot ng sakit sa kalamnan

Nanghihina, naninibago
Napipilitang manatili sa sariling espasyo
Sapagkat dito, kahit ako'y nagiisa
mundo nati'y unti- unting ipinipinta
Twelve Nov 2017
Sa maling akala,
Doon tayo nawala,
Na parang isang bula,
Sa isang hinala,
Na hindi ako yung may sala,
Pero yun ang pinaniwalaan mo,
Kaya tayo gumuho,
Unting unti na naglalaho,
Ang mga pinagsamahan natin,
Hayaan mo at ako na ang aangkin,
Para matapos ang sakit na iyong naramdaman,
Huwag ka ng magalala sakin paglisan,
Dahil ang puso ito’y di ka naman iniwan,
Kahit anong oras ikaw pa rin.
Yesha Feb 2020
gulong-gulo sa sistema
nagbabagong mga klima
nauubusan ng salitang maitugma
sa gabing malamig, ikalabing-lima

namamaalam, dating eksena
eksenang nabuo sa pantasya
binabalot ng tuwa't halina
tuluyan nang dumidistansya

tila'y pilit pinupuna
sandaling naglalaho na
tuwing nasisilayan
binabalot ng iyak ng paglisan

kumukupas na ang mundo
memoryang nakakandado
nawa'y mapagtanto
nawa'y mapagtanto
Hiraya ng Pag-ibig
Vincent Liberato Feb 2019
Mangangata ako sa madaling
araw ng panggagalaiti, nang mga panahong mas malalim pa sa dagat, ang panghahaplos sa
kaluluwa na kinulang sa pagpapahinga at sa wakas: makakapagpahinga.

Ako, ang sisidlan ng kalatas na nagpaagos
sa rumaragasang ilog pagkatapos ipasok sa isang bote, sa pag-asang makararating sa iyo ito.

Ayaw ko nang bumalik ang kalatas na 'to, baka sa susunod na bumalik sa akin ito, ay naglalaman na ng bulgarang pagtugon ng pagkalas.

Ayaw ko na.

Manghihipo na lang ako sa gabi sa pamamagitan ng paggunita
sa mga alaala para sundan ang anino
na unti-unting nawawala sa kusina, sa kuwarto, sa kama, at sa hapag-kainan.

Sandali, may idadagdag pa pala ako, hindi ko kakayaning tanggapin ang pagtanggap na namamalikmata lamang ako,
habang naglalaho ang pangalan mo
sa kuwaderno ko.

Mawawala na lamang ang pagkamarahas
ng prosa o tula ko. Isasantabi muna kita sa mga susunod na tula o prosa, painda-indayog ang paksa, pero binabalik-balikan ka sa masusing pagsusuri ng konteksto.

Magiging humpak na lamang ang dating matunog na ikaw at ang dating laksa-laksang paglalarawan sa bawat pag-ikot at paggalaw mo, na maingat na sinusundan ng mga mata ko.

Sa kabila ng pagpipigil sa pagkatapos ng isang nakakainsultong nakakapagod na araw ay magsisilakbo muli ang damdamin, at 'di magpapaawat ang pintig na parang bumabalik ang mga mata sa unang pag-angat ng mga titig.

Mahal, mangangata na lamang ako hanggang umaga,
habang nginangata ako ng panggagalaiti
sa pagsapit ng umaga.
Ysabel Nov 2017
Ang aming salita ay unti unti nang naglalaho.
Ang mga karanasan noong unang panahon ay hindi na nababasa.
Ang mga masining na kultura´t tradisyon ay mistulang larawan na lamang ng nakaraan.
Ang mga masasayang okasyon ay isa na lamang pangarap.

Ang lahat ng ito ay nawala sa pagdating ng bago, Inay.
Pilit ka man nilang palitan, ang dugo mo pa rin ang nananalaytay sa amin.
Ang pagkaPilipino ay hinding hindi mapapalitan gaano man karaming lenggwahe, kagamitan o oportunidad ang dumating.
Ako ay titindig at magsasalita pa rin ng lenggwaheng aking ipagmamalaki saanman sa mundo.
Para sayo aking Inang Pilipinas, kami ay aasenso nang hindi nakakalimut sa nakaraan.
Twelve Mar 2018
sa bawat umagang parating
na tayo'y bumuo
ng magagandang ala-ala
na hindi pinapalipas
ang bawat sandali
ikaw at ako
ay narito
sa mundong
nahahati ang pangarap
nating dalawa
na gagawing isa
dahil sa mga oras
na tayo'y magkakasama
at magsasaya
ng walang humpay
sa pagtawa at halak-hak
mula sa mga korning banat
na hindi nagsasawa
sa pakikinig sa
isa't- isa
pero kapag
umabot tayo sa huling pahina
na
ikaw at ako
ay unting-unti ng
naglalaho sa mundong
ating sinumulan
wag sanang bumuhos ang luha
dahil nagsimula tayo sa wala
humiling tayo ng sabay sa mga tala
na ginawa ng ating bathala
kaya
tayo
ay
magtiwala
na hindi
tayo
mawawala.
Rena Lyn Bala-oy Jan 2019
Hindi masakit
Kahit sumusikip ang dibdib
At mahirap nang huminga.
Hindi malungkot
Kahit ang luha ay 'di mapigilan
At naglalaho ang kulay ng mundo.
Masaya ako
Kahit hindi na makangiti
Na abot sa aking mga mata.
Kunwari.
//kunwari// -- pretend
Oh kay saya no'ng ikaw ay
Makatagpo.

Kay sarap sa pakiramdam na ika'y
Makatabi.

Pero ngayo'y gusto ko nang
Makatago
sa mga ngiti **** naglalaho,
at
Makatakas
sa pakiramdam na parang winawaldas.
at sana'y
Makatakbo
na rin papalayo.
Luna Mar 2020
Saksi ako
Sa wagas na pagsuyo
At sa tuwing pagdating mo sinta
Panglaw sa puso’y dagling naglalaho

Wala man katiyakan,
Muling pagsasama
Natutuhan ko nang mahalin
Ang pangamba.
🤍
fe Dec 2019
(Ina)

Lumipas ang mga buwan, ika’y di na nagparamdam,
Pakiramdam ko’y lumalayo ka na ng tuluyan.
Saan ka ba patutungo at ako’y iyo ng iiwan,
Wala na bang halaga ang ating pinagsamahan?

‘Di na tayo tulad ng dati;
Unti-unti nang naglalaho mga ngiti sa labi
Sa isipa’y nagtatanong ano na ba ang nangyari?
Kailan kaya kita makakasamang muli?

Pag-ibig mo ba’y tuluyan ng naglaho?
Na binura ng kahapon at tayo’y pinaglayo.
Ako pa ba’y dapat umasa
Na ika’y muling babalik pa?

Hanggang kailan maghihilom ang sugatang puso,
Na dulot ng nagdaang kahapon.
Hanggang kailan maghihintay ang nangungulilang puso,
Mga pira-pirasong puso na umaasang muling mabubuo?

— The End —