Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"limitasyon" poems
Tatlong bituing patungo sa Norte Sa Silangan at Kanluran Ang dugong hindi bughaw Kalayaa'y sagisag. Nagdadalamhati ang Perlas Pagkat ito'y tanyag Sa sari't saring anumalya Pawang sa pulitika't Maging sa simpleng eskinita. Tuwid na daan ang sabi ng Hari Itong kaibigan ko nga Pumaskil pa sa Facebook "Tuwid na daan patungo sa kamalian." Maulop ang daan patungo sa katuwiran May limitasyon sa bawat miyembro ng lipunan Kasapi rin tayo sa eskandalong may hithit Uhaw nga sa salapi, sirang plaka naman. Kinalakhan ko ang dungis ng bayan Nasanay na lang bagkus tuloy lang ang pangarap Sabi nila'y tatsulok ang patakaran Ang mayayama'y tataas* Mahihirap ay lulusong sa putikan Mayroong tama sa bawat nasaksihan Ngunit hindi ko maitatangging Ako'y kasapi ng masalimuot na kasaysayan Ngunit kung tanging mali Ang pupukaw sa paningin Aba't wala akong mararating. Mahirap na nga Makitid pa ang isip Mayaman na nga Hindi pa nasusuka sa kurapsyon. Batu-bato raw sa langit Bagkus ang tamaa'y sa lupa rin ang bagsak Tayo na't sumulong Pagkat ang giyera'y walang urungan. Walang nararapat na panigan Pagkat ang tama'y Hindi na dapat pinag-iisipan Kung ang prinsipyo nati'y Lalang para sa kaluwalhatian Nasisiguro ko, ito'y may magandang patutunguhan.
0
Jul 10, 2014
Jul 10, 2014 at 9:47 PM UTC
Sapat na, Sumulong Ka Kaibigan
Sa madilim na sulok ay inaalala ang mga sandaling noon pa'y sa eskwela at nahuhumaling sa kamag-aral na dalaga Lipos ng rosas ang kapaligiran Kapag siya'y nakikita sa paaralan Sa isang sulyap niya'y ako'y parang sa ibang kalawakan Hinati na ng imahinasyon ang daigdig ko na may limitasyon Itinago muna ang katotohanan Para sa kanya'y handang ipagpalit maging ang kinabukasan Sa alon ay nagpapaanod Sa hangin ay naninikluhod Ibinulong ang tanging hangarin na sana sa isang araw kami'y magkapiling Anong saya sa tuwing pasukan Singko kong baon ay iniipon Upang sa pagdating ng tamang panahon Makabili ng bagong damit nang siya'y ligawan Bakit ko pa ikinakahiya ang maging isang dukha Hindi na nga makakain Nagsusumikap pa rin kahit hinahamak pa ng iba Marupok ang aking katatagan Ang dibdib ko'y may malumanay na damdamin Ni ayaw magsalita at ayaw pumansin Duwag kapag ako'y salingin Nanginginig ang himig Sa gabi'y pinapangarap si Dessa na nagluningning Siya'y prinsesa na nakahilig Sa luklukan Haring handang pagsisilbihan Walang mali sa kanyang kagustuhan Kapag lumalayo na ang araw na tila pumapa-kanluran Alaala'y ibinabalik - mahapdi na katotohanan Sana'y noong nagkakatitigan Lumapit kapagdaka'y nagpakilala Kung sakaling ngumiti Hindi na siya pakakawalan Sana'y sa simula pa lang niligawan na ang Paraluman Kahit tumanggi sa pagmamahal Mas mabuti na ang umibig kahit nabigo Kaysa hindi nakaranas ng pagsuyo Mahirap man - tumanda nang nagagalak kahit sa isipan Ngunit ang salamisim kay Dessa ay ayaw ako tigilan Lumiligalig sa gitna ng aking kahimbingan Kung mangyari'y maninirahan sa Panganorin ng nakaraan
0
Jul 27, 2019
Jul 27, 2019 at 5:22 AM UTC
Panganorin ng Nakaraan
Sa madilim na sulok ay inaalala ang mga sandaling noon pa'y sa eskwela at nahuhumaling sa kamag-aral na dalaga Lipos ng rosas ang kapaligiran Kapag siya'y nakikita sa paaralan Sa isang sulyap niya'y ako'y parang sa ibang kalawakan Hinati na ng imahinasyon ang daigdig ko na may limitasyon Itinago muna ang katotohanan Para sa kanya'y handang ipagpalit maging ang kinabukasan Sa alon ay nagpapaanod Sa hangin ay naninikluhod Ibinulong ang tanging hangarin na sana sa isang araw kami'y magkapiling Anong saya sa tuwing pasukan Singko kong baon ay iniipon Upang sa pagdating ng tamang panahon Makabili ng bagong damit nang siya'y ligawan Bakit ko pa ikinakahiya ang maging isang dukha Hindi na nga makakain Nagsusumikap pa rin kahit hinahamak pa ng iba Marupok ang aking katatagan Ang dibdib ko'y may malumanay na damdamin Ni ayaw magsalita at ayaw pumansin Duwag kapag ako'y salingin Nanginginig ang himig Sa gabi'y pinapangarap si Dessa na nagluningning Siya'y prinsesa na nakahilig Sa luklukan Haring handang pagsisilbihan Walang mali sa kanyang kagustuhan Kapag lumalayo na ang araw na tila pumapa-kanluran Alaala'y ibinabalik - mahapdi na katotohanan Sana'y noong nagkakatitigan Lumapit kapagdaka'y nagpakilala Kung sakaling ngumiti Hindi na siya pakakawalan Sana'y sa simula pa lang niligawan na ang Paraluman Kahit tumanggi sa pagmamahal Mas mabuti na ang umibig kahit nabigo Kaysa hindi nakaranas ng pagsuyo Mahirap man - tumanda nang nagagalak kahit sa isipan Ngunit ang salamisim kay Dessa ay ayaw ako tigilan Lumiligalig sa gitna ng aking kahimbingan Kung mangyari'y maninirahan sa Panganorin ng nakaraan
Continue reading...
50
dapat tayo ay merong isang pag-big nasyon na walang kaukulang ano mang limitasyon kahit mahirap o mayaman iisa ang ipaglaban itaguyod ang pagiging makatao't makabayan " wala na ngang hihigit pa sa pagbubuwis ng sariling buhay para sa pagtatanggol sa ating Inang Bayan! "
0
Nov 30, 2015
Nov 30, 2015 at 7:48 AM UTC
" PAMILYAR "
Minahal kita higit pa sa inaakala kong kayang magmahal ang isang tao. Kung tutuusin walang limitasyon ang pagmamahal nguni't hindi natin maikakaila na pinipigilan natin ang mga sarili natin sa pagmamahal ng higit pa sa limitasyon na ating ginagawa. Pero kapag nakilala nila ang taong mahal ko ngayon ay magiging isang tila bahay-bahayan nalamang ng mga bata ang limitasyon kung saan ang akala nila'y simpleng luto, alaga ng bata, at paghahalik sa asawa lamang ang pagbahay; napakarami pa kaysa sa kanilang inaakala. Minahal kita na higit pa sa inaakala kong hawak kamay at titigan lamang sa mata at pagtatanong kung anong ginawa mo ngayong araw na ito at pagbabati paggising ng umaga at pagpaalam bago matulog sa gabi. Salamat, dahil natuto akong magmahal kaysa sa inaakala kong dapat **** mahalin ang isang tao.
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 11:53 PM UTC
Untitled
Puti, para sa malinis na intensyon. Ang mukha **** sigaw ay perpeksyon. Ako at ikaw ay hanggang sa imahinasyon, Pero ako ay may limitasyon. Pula, para sa mabungang alaala, Walang humpay na pagsasaya. Hindi matapos tapos na tawa, Pula rin, para sa dugong bubulwak at magsasama-sama. Lilac, para sa iba **** balak. Sakit na paeang kutsilyo ang sumaksak. Ang mga gamit ngayon ay iyong hawak, Puro ka galit at talak. Asul, para sa masalimuot na hangganan. Mga naburang tawanan, Naburang talaan At naburang pangalan. Itim, para sa pusong nagdadadalamhati. Para sa natamong sugat at pighati. Mga nawalang sabi-sabi at bati. Itim, para sa pag-ibig kong nahati.
0
Apr 18, 2017
Apr 18, 2017 at 3:07 AM UTC
Limang kulay ng Pag-ibig
Sa panaginip anaki'y nagliwaliw nakahanap ng pansamantalang aliw Lumikmo sa tumba-tumba Pikit ang mga mata, nag-iisip na kung ano ang mangyayari kapag ang lahat ay umayon Sa madilim na sulok ay inaalala mukha na walang bahid ng hapis ang hagap malaya't may kumpiyansa Wala sa huli ang susuyuin pagkatapos niya Kapag lumagpas na sa kabataang edad ang mga buhok ay mangamuti ang labi'y lumitak buti pa ang pagka-ulyanin ang unang gumanap sapagkat sa hilahil ay hirap Di-pangkaraniwan ang diwa Labas sa katotohanan huminggil ang wika ng isip Tulad ng hari sa luklukan pumapatnugot sa mga kabanata Ito'y kalutasan ng pagpapanibugho Tumataghoy sa loob, luha'y bumabalong Sa init ng dugo sa ugat ng puso, ang buhay nadudugtong Ang imahinasyon na tila sapala - walang limitasyon
0
Mar 14, 2019
Mar 14, 2019 at 11:33 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #65
puti, para sa malinis na intensyon para sa mukhang sigaw ay perpeksyon ako't ikaw ay hanggang sa imahinasyon walang katapusan, walang limitasyon pula, para sa mabungang alaala walang humpay na pagsasaya hindi matapos-tapos na tawa pula rin, para sa pagibig na pinalaya asul, para sa nakakubling nakaraan mga naburang tawanan naburang talaan at naburang pangalan  itim, para sa pusong nagdadalamhati para sa natamong sugat at pighati mga nawalang sabi-sabi at bati itim, para sa pag-ibig kong nahati
0
Mar 30, 2020
Mar 30, 2020 at 7:42 AM UTC
Untitled
Damdami'y naging tinta, Pluma ng nadarama, Ginamit nitong mga kamay, Sa libro ng aking buhay. Lahat ay may rason, Lahat, kahit anong panahon, Lahat ay may sinisimbolo, Lahat, kahit di klaro. Ang buhay ay nababalot ng misteryo, Misteryong di malaman kung ano, Sa mga ganitong palaisipan, Katanungan ang magiging sandigan. Maraming mga bagay ang di nauunawaan, Maraming mga bagay ang gustong bigyan ng kasagutan, Dahil hindi ko alam ang lahat sa mundo, Ito ba'y kasalanan ko? May limitasyon, mga pagkakamali, May mga pagkukulang na di agad mapapawi, Pagkat ako'y hamak na tao lamang, Pwedeng magkamali, pwedeng malinlang.
0
Apr 13, 2017
Apr 13, 2017 at 2:13 AM UTC
Buhay
(Continue reading for English translation) Ang pagiging tao Ay hindi nasusukat Ng mga makamundong salik Na maglalaho lamang; Sapagkat nagiging tao ang tao Sa pamamagitan Ng pagpapakatao. Ang pagiging mahusay na tao Ay ang taos-pusong pakikipagkapwa Sapagkat mabubuo lamang ang tao Bilang tao Sa pamamagitan Ng pagyakap sa kapwa Na pagyakap din Sa sarili-- Dahil ang dalisay na pakikipagkapwa Ay ang paglampas Sa karaniwan Sa limitasyon Sa sarili. Sa bawat paglampas Ang tao ay pinapanganak muli. --- One's personhood Is not measured By worldly factors That will only fade away; Because a person becomes truly himself By being His fullest self. To be an excellent person Is to whole-heartedly reach out to others For man can only be whole As a person Through Embracing others Which is also an act of embracing Oneself-- Because being a sincere person for others Is going beyond The ordinary One's limits Oneself. In each going beyond Man is reborn.
0
Jun 7, 2014
Jun 7, 2014 at 10:40 AM UTC
[aretē]
Igwang mga aldáw na mayò na talagang naglalaog sa isip ko, Masakiton magsurat ning maski ano. Piriton ko man mas naghahaloy asin mas magabat, garo nakagakod as sakuyang mga bitis sa daga. Kan nakanood akong magsurat, duman ko nadiskobre an ika-duwang harong sa laog kan sakuyang isip. "Libre man daa an mangarap" kaya sige lang ipikit mo an saimong mata asin hagadon gabos na pwede **** makuha. Pero bako digdi sa nadiskobre kong lugar, gabos na hahagadon mo pwede **** makuha mayong limitasyon pero igwang kapalit. Gabos igwang kapalit. Sarong úban. Sarong úban karibay sa gabos na kaipuhan, kagustohan, asin kaugmahan. Sarong úban. Igwang aldaw aldáw na mayò talagang naglalaog sa isip ko asin warâ naman an gabos na buhok ko. —𝐔𝐛𝐚𝐧, a Bikol poetry. Have you ever wonder what happens to your hair?
0
Jul 29, 2020
Jul 29, 2020 at 11:55 AM UTC
Úban
Ang binuo nating samahan Mga pasimple kong tawa sa banat **** linyahan Ang titig **** Hindi ko maipaliwanag Lahat iyan ay aking iingatan Hindi na nagpapansinan Wala na rin ang matamis na titigan Huwag kang Mag alala, ikaw ay tumahan Ang mga iyan ay hindi ko pahihintulutan Hindi ko hahayaang ang makinang **** mga Mata Ay mapalitan ng pagtinging naiilang Sa oras na marinig mo na ikaw ang nilalaman Mga titik na bumubuo ng iyong pangalan Hindi kailanman mangyayari Na sa iyo ay aking masabi Ikaw ang nais makatabi Ikaw lang ang sambit ng mga labi Hindi ko alam Kung kailan nagsimula Bakit ikaw na ang hanap ng mga mata? Nagpapanggap sa sarili, Hindi ikaw Hindi ikaw Paano mangyayaring sa kapit mo'y di bibitaw? Tuksuhan dito, tuksuhan doon Tila ba sang-ayon sa atin ang panahon Isang araw sa aki'y may nagtanong "Paano Kung kayo sa dulo ?" paano nga kung umabot tayo doon? Naisasala ng imahinasyon Pinapangarap subalit di lubos maisip Umabot tayo sa bangin ng limitasyon Mayakap ka, hanggang dito na lamang ba sa panaginip?
0
Oct 22, 2018
Oct 22, 2018 at 9:02 PM UTC
Kulungan
HULING PAHINA Nababalot ng kalungkutan Nalulunod sa kabiguan Nilalamon ng kadiliman Pinapatay ng nararamdaman Patak ng luhay palatandaan Emosyon ay di mapigilan Sugat na iyung iniwan Humilom man ay may peklat parin ng nakaraan Pag kabigoy di malilimutan Sa gawa **** isang huwad at mapaglinlang Ikaw ay isang timawong nilalang Mapag kunyari at nagbabalat anyo sa mga pangakong kay bilis **** bitawan Ngunit niisa ay walang napatunayan Walang gamot ang kasalukuyan Para mag hilom ang sugat ng nakaraan Nag iwan ka ng peklat at pangit na karanasan Sa inalay kung tapat na pagmamahal nasyang dapat **** kaluguran. Pagtataka'y diko maiiwasan Sapagkat ginawa ko lahat ngunit ako'y iyung pinag taksilan San ako nag kulang,,ang aking buongpag mamahal ay sayo'y aking ibinigay Walang limitasyon at walang pag aalinlangan pagmamahal ay aking isinaalang alang Pati aking kaligayahan ay sayo narin nakasalalay Binigyan mo ng katapusan Ang tayo na akala ko'y walang hanggan Inalisan moko ng kasiyahan Pag mamahal ko'y sinuklian mo ng kalungkutan Nakakatawa bagamat alam kung nong una palang ay wala na Pero bakit paba ako umasa Sa salitang baka sa kaling pede pa BAKASAKALING pede pa ang tayong dalawa Ngunit kahit na ipilit ko pa Ay wala na talaga Dahil ikaw ang nagbigay proweba Na ang tayong dalawa ay mananatili nalang ala-ala At ang ating istorya ay nagtapos na dito sa huling paghina kung saan iniwan moko mag isa....
0
Mar 12, 2023
Mar 12, 2023 at 5:00 PM UTC
Huling pahina
Palangga-a nga uwat limitasyon. Taw-e it kahayag sa dueom Ibihi sa kalisod ag saeom, Aeam-eami sa kanabaw kapin sa kadaeom Maskin pilang halimtang do abuton ayaw it kahawag, palangga-on ka higapon sa kahayag ag dueom.
0
Aug 18, 2020
Aug 18, 2020 at 2:18 AM UTC
Untitled