Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kumakalam" poems
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan, Enero, Pebrero, Marso ng kabataan Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam balatkayong pinasikip ng mga agam-agam mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham sa yungib ng pipíng isipan. Sa pagtalikód ko’y hiniwa ng balaraw ng panghihinayang ang banig na naidlip saglit sa magdamag na paglalamay banig na nilala ng mga dekada mula sa mga hibla ng pagsusumikap. Paalam, kaibigang nabingi sa tawag ng luho Walang alinlangang maririnig mo rin ang tibok at bulong ng puso Ninais ko sanang samahan mo ako at ating anihin ang mga uhay na mula sa binhing ipinunla sa mga alapaap. Ninais kong lasapin ang matamis na bunga, pinahinog ng tiyaga at patuloy na pag-asa. Subalit dagtang makapit, luhang mapait, kumikirot ang lupa sa patak ng namuong dugo ng bayaning nagbuwis ng sariling pagsuyo. Kikitlin ng Nobyembre ang bawat naiwang himaymay sa lamig ng yakap ng amihan - akala’y dakila ang dayuhang niyebe. Mamamaluktot muli sa maigsing kumot hanggang sa magising sa aguinaldo ng Disyembre at pagpasok na naman ng Bagong Taon walang kamatayang panahon aasa na naman sa **** na iba ang pangako at iba ang tugon sa dalangin at maraming tanong Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
0
Oct 1, 2018
Oct 1, 2018 at 1:31 AM UTC
Oktubre
Ang bansang pilipinas sadyang magtatagumpay Kung nanunungkulan dito,mahinaho't malumanay, Matalino't masipag,may prinsipyo sa buhay, Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay. Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit, Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit Mistulang preso nang kahirapan humagupit, Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok? Bakit hinayaan niyang pilipinas ay malugmok Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok? Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok. Kung minsan ay talagang napapaisip ako Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno? Para ba mangurakot at magbalatkayo? At hayaang maghirap ang sariling bansa ko? Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata, Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda Hirap na mamamayan ang iyong makikita, At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura Nasaan na ang pondo ng ating bayan? Bakit naghihirap ang mamamayan? Katwira'y marami daw pinaggagastusan Ang mga departamento ng pamahalaan Isa daw dito ang 4p's kung tawagin Na tumutulong daw sa mga kababayan natin, Pero ang nakikinabang,mayayaman lang din, Sa halip na yung pamilyang walang makain. Bakit katarungan ay hindi makita Sa gobyerno ng bayan kong kawawa? Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay, Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay? Kung ako ang tatanungin,ang akin lang masasabi, Mga kurap ay laganap at plastic ang marami Tapat na tao'y kanilang hinuhuli At pamamalakad nila ang nais mamalagi Kaya sana sa halalang papalapit, Yung matitino naman ang ating ipalit Mga tapat at di manggagamit At kaunlaran ng pilipinas ang nais makamit..
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 1:41 AM UTC
Untittled
Ang bansang pilipinas sadyang magtatagumpay Kung nanunungkulan dito,mahinaho't malumanay, Matalino't masipag,may prinsipyo sa buhay, Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay. Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit, Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit Mistulang preso nang kahirapan humagupit, Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok? Bakit hinayaan niyang pilipinas ay malugmok Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok? Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok. Kung minsan ay talagang napapaisip ako Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno? Para ba mangurakot at magbalatkayo? At hayaang maghirap ang sariling bansa ko? Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata, Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda Hirap na mamamayan ang iyong makikita, At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura Nasaan na ang pondo ng ating bayan? Bakit naghihirap ang mamamayan? Katwira'y marami daw pinaggagastusan Ang mga departamento ng pamahalaan Isa daw dito ang 4p's kung tawagin Na tumutulong daw sa mga kababayan natin, Pero ang nakikinabang,mayayaman lang din, Sa halip na yung pamilyang walang makain. Bakit katarungan ay hindi makita Sa gobyerno ng bayan kong kawawa? Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay, Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay? Kung ako ang tatanungin,ang akin lang masasabi, Mga kurap ay laganap at plastic ang marami Tapat na tao'y kanilang hinuhuli At pamamalakad nila ang nais mamalagi Kaya sana sa halalang papalapit, Yung matitino naman ang ating ipalit Mga tapat at di manggagamit At kaunlaran ng pilipinas ang nais makamit..
Continue reading...
40
Pumasok sa bulwagan, mga tao'y nagtipon. Ang pagbukas ng kurtina ang siyang sa'kin sumalubong. Mayroong isang dula, napukaw aking atensyon. Nakamumulat ng mata at may malinaw na intensyon. Tanaw ang isang dalaga, pagsalita niya'y mahinahon. Nananawagan sa madla, naghahanap ng tulong. Kumakalam daw ang sikmura, pansin kanyang tensyon. Sigaw lang ng dalaga, "Pagkain para sa nagugutom." Alagad ng batas ang nakakita, dalaga'y sinakay sa apat na gulong. Minaltrato ng sistema, inabuso kanyang dunong. Binaba kaniyang palda, rinig sa dalaga ang pag-ugong. Dinala siya sa korte ang dalaga, makasalanan daw at siya'y nakulong. Hanggang sa kasukdulan, pait ang kanyang dinaranas. Sa kamay ng batas, sa kamay ng nakatataas. Dalagang lumalaban hanggang mawalan na siya ng bukas, Ang pag-gahasa sa bayan, ngalan ng dalaga'y Pilipinas.
0
Apr 25, 2020
Apr 25, 2020 at 3:39 PM UTC
Sa Entablado
kumikinang ang mamahaling parol na nakadambana sa bintana ng mansion na nasa loob ng isang malaking subdivision. nagniningning ang patay sindi nitong kulay na umaaliw sa balana. salamat sa malaking pakinabang na kanyang kinita nang walang anomang pakundangan sa dugo at pawis ng mga abang manggagawa. nasa kanyang sala naman ang mataas na Christmas Tree habang sa paanan nito nakahandusay ang kahon-kahon na magagarbong mga regalo. malayong-malayo ito sa barung-barung ng mga nagtitiis sa siphayo ng dusa at karalitaan. ang mahabang lamesa na nasa kanyang komedor ay talagang pinagpala sapagkat nakapatong dito ang hiniwang hamon, keso de bola, spaghetti, carbonara, lasagna, ubas at ang lahat ng masasarap na pangarap ng isang batang kalye na kumakalam ang sikmura habang tinitiis ang ginaw ng Disyembre. matapos ang kanyang masaganang Noche Buena ay mauupo sya sa kanyang malambot na sofa na di halos mabilang ang libong halaga. dun n'ya iinumin nang buong pagmamalaki ang mamahaling brandy o di kaya naman ay whiskey. katabi ang kanyang pamilya sabay-sabay silang manonood ng misa habang nakatuon sa higanteng flat screen na telebisyon. ang homily ng ingleserong pari ay patungkol sa pag-ibig sa kapwa at pagbibigayan.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:32 AM UTC
Ang Pasko Ng Burgis
hindi ako bubble gum na iyong hahanapin kapag ika'y nababagot sa kahihintay na matapos ang iyong klase. hindi ako bubble gum na iyong pampalipas-gutom sa kumakalam **** tiyan na naghahangad na makatikim ng pagkaing bubuhay sa iyong kalam'nan. hindi ako bubble gum na kaya **** paikut-ikutin gamit ang iyong dilang mapanlinlang na nagsasabing ako'y iyong minahal. hindi ako bubble gum na iyong iluluwa matapos **** simutin ang lasang iyong ninanais na makamtan. at higit sa lahat, hindi ako bubble gum na iyong hahanapin kapag ika'y naghahanap ng panandaliang tamis sa mapait nating mundo.
0
Feb 7, 2016
Feb 7, 2016 at 10:35 AM UTC
bubble gum
Ikaw na laging nandiyan kapag madilim ang daan Ikaw, ikaw ang laging tagapunas ng luha ko kapag ako'y nasasaktan Ikaw, ikaw ang nagpatibok sa puso ko Ikaw ang nagbago ng mundo kong paulitulit lang na sawang sawa na sa buhay na nakatunganga lang pumasok ako sa mundong ginagalawan mo ngayon nagsisimula ang araw ko na didilat sa umaga ikaw ang unang gusto makita yayakap sayo ng mahigpit at hindi naghihintay na ibalik ang yakap na ginawa ko sayo babangon tayo ng sabay mula sa higaang matamlay kakain ng agahan para malamnan ang kumakalam na tiyan kumpleto na ang araw ko kahit ikaw lang ang kasama ko komportable ako basta ikaw ang katabi ko napapanatag ang loob ko kapag tumitingin ka sa mga mata ko kahit wala kang sinasabi parang nangungusap yung mata mo matatapos ang agahan at papasok ang tanghalian hindi na kita kasama sa aking pagkain. matatapos ang maraming oras at ako ay naghihintay ng uwian para muling masilayan ang mala-anghel **** mukha mahagkan ka ng mahigpit na mahigpit at ikay mahalikan sa mukha. Oo, matatapos na ang kwento, matatapos na ang hapunan na kasama mo ako. matatapos na ang minsa’y malamig at minsa’y mainit na gabi. ikaw ay muling makakatabi, sa isang silid na kung saan ikaw lang at ako ang magkayakap hanggang matapos ang gabi Maghihintay nanaman ng panibagong bukas panibagong bukas ng pakiki-pagsapalaran sa magulong mundo na ikaw lang at ako. sana tayo, hanggang sa dulo.
0
Feb 8, 2018
Feb 8, 2018 at 8:12 AM UTC
Ikaw
sa hindi sadyang pagkikita mga matang aligagang nagtugma bagkus pinagsawalang bahala ba't paglalaanan ang 'di kilala mga hindi tukoy na adhikain ultimo interes iyong hahagilapin bakit sayo'ng presensya pa-aalipin? kung dusa't pighati ang siyang babaunin mga kalakip ng hiram hantungan ay paalam wala kung sino ang may alam mga damdaming kumakalam
0
Jan 28, 2021
Jan 28, 2021 at 2:13 AM UTC
— u n a .
Hindi mo mapapatahimik ang mga kumakalam na sikmura Ang mga sumisigaw para sa pagbabago, para sa katarungan para sa ating mga karapatan Maari **** busalan ang kanilang mga bibig, magpanggap na wala kang naririnig O piringan ang kanilang mga mata, magbulag-bulagan sa katotohanan na sa bawat karapatan na patuloy kinikitil at niyayapakan, baka sa’yo na ang susunod Pero sabi mo, ‘bakit pa ako makikisali, hindi naman ako apektado’ o ‘bakit ba sila nanggugulo, wala namang magandang nadudulot ‘to’ Hindi ka sumasama sa laban, dahil ngayon hindi pa ikaw ang nasa loob ng rehas kahit walang kasalanan Hindi pa ikaw ang sapilitang hinuhuli at tinatadyakan sa daan dahil lamang pinaglalaban mo ang iyong kabuhayan Hindi pa ikaw ang nakahandusay sa daan, duguan dahil lang napagkamalan Hindi pa Pero baka malapit na Hihintayin mo pa ba?
0
Feb 3, 2021
Feb 3, 2021 at 3:06 AM UTC
kabayan
pagod na ang aking puso, sa pagbubukas ng nararamdaman. kaya't sa susunod ay ako naman ang magiging tuso, baka kahit papaano'y biglang gumaan. ilang beses kong tinanong kung bakit, bakit walang maibigay na sagot? bakit parang sa akin lamang masakit? ayokong makaramdam ng galit o poot. ngunit kaysa salita, ang tanging sumagot ay 'yong aksyon. at 'tila parang isang balita, nabaling ang aking atensyon, sa iba mo na pala sinasabi ang nararamdaman mo, may iba ka na palang sinasabihan ng paborito **** banda, pati na rin ang paboritong kanta mo, di ka naman nagsabi, sana manlang ako'y naging handa. wala ka manlang paalam, ni hindi rin nagbigay ng huling pangungusap. hindi man lang nabigyan ng sagot ang isip kong kumakalam, hanggang sa huli ako pa rin ang nakikiusap. parang tangang naghihintay ng 'yong kasagutan, pero wala na pala dapat akong hintayin. sa akin na lang pala dapat 'tong mga katanungan, dahil kahit minsa'y di ka naman naging akin.
0
Jul 9, 2020
Jul 9, 2020 at 11:27 PM UTC
kahit minsan