Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Random Guy Oct 2019
"hello, kamusta?"
kataga na kay tagal kong hinintay
kung hula mo'y ilang buwan
sablay
dahil taon ang hinintay ko
upang makita sa loob ng kompyuter ko
ang mga katagang "hello, kamusta?"
at kung sa mas eksaktong sukat
ay walong taon
halos ka-edad ng batang marunong ng sumagot sa magulang
may sariling aksyon at pagiisip
at kung iisipin
hindi sana tayo ganito
kung sumagot tayo sa magulang natin dati
o kung may karapatan na tayo dati
kung mas inuna natin ang aksyon na gusto
kaysa sa aksyon na mas nararapat
sabagay
hindi rin naman dapat sila sisihin
dahil bata pa tayo noon
mas bata tayo noon ng pitong taon
ngayon
sa 'yong "hello, kamusta?"
ay natigilan ako
kaya ka ba nagpaparamdam
ay dahil kaya mo ng tumayo
salungat sa gusto ng iba
patungo sa mas gugustuhin mo
o isa ulit itong pagsawsaw
ng iyong paa sa rumaragasang damdamin ko
kagaya ng ginawa mo
pitong taon nang nakalipas
nilubog ng kaunti ang iyong damdamin
para lamang malaman
na hindi lahat ng gusto mo ay pwede mo nang kunin
at agad agad **** hinugot ang iyong pagtingin
na para bang hindi din ako sumawsaw
nagpaanod
nalunod
sa sakit ng rumaragasang tadhana
na noo'y inakalang
kayang suungin
para lamang malaman ko na hindi ka pa pala handa
ngayon
sa 'yong "hello, kamusta?"
isa ba itong tanda
na handa ka na
na kaya mo na
panindigan
ipaglaban
magpaanod
malunod
sumuong
ano
mas masakit di 'ba
na malamang mayroon na akong iba
"hello, kamusta?"
zee Oct 2019
pilit at pilit na sinusupil
ang karasahan na kumikitil ng buhay
ng mga taong na wala namang kasalanan
ngunit tuloy pa ring pinagdidiinan
hindi dapat tayo masanay na ang trato sa bawat isa'y 'di pantay-pantay
lahat tayo ay may karapatan at dapat lang na ito ay ating ipaglaban
lalo na sa panahon ngayon na kung saan
ang hustisya'y para na lang sa iilan
imbis na paglingkuran ang samabayanan,
kinukurap ang mga pera sa kaban
ng mamayang dugo't pawis ang inilaan
nagmimistulang mga mang-mang sapagkat wala silang kaalam-alam
na ang kanilang panginoong pinaglilingkuran
ang siyang kumakamkam sa kanilang mga pinaghirapan
Inang Bayan, kailan kaya makakamtan ang kalayaang inaasam?

09.21.19
Ronna M Tacud Feb 2021
Naranasan ko ang magpaubaya sa taong minahal ko ng subra-subra.
Hindi dahil sa hindi ko siya kayang ipaglaban ngunit hindi ko kayang habang buhay ipaglaban ang taong may mahal ng iba.
Hindi ko kayang isugal ang buong pagmamahal na alam kung sa huli ako parin ang malulugmok.
Masakit mag let go pero mas masakit kung mananatili akong uhaw sa pag-ibig na kailan man ay hindi maging akin.
Ang tanging hangad ko lang ay mahalin ako ng pabalik pero siguro nasa maling tao ako ngayon upang maranasan ang ganitong sakit.
Ang sakit lang na pinaubaya mo ang isang taong nagpapasaya sayo.
Pero napagtanto ko na anong saysay kung pinapasaya ka nga niya pero hindi ka naman minahal.
Minahal nga pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa iyo.
#pinaubaya #masakit #hanggangkaibigan #lettinggo #isugal
Matias Feb 2018
mahirap labanan ang pakiramdam
mahirap ipilit ang isang bagay
mahirap pigilan ang mga mangyayari sa paligid mo
hanggang saan ba ang kaya **** ibigay?
hanggang kailan ka magiging matatag?
hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo?
hindi ka ba susuko?
hindi ka ba napapagod?
natanong mo ba siya KUNG mahal ka pa niya?
at mas masakit kung hindi mo natanong na minahal ka ba niya?
mga hiling na gustong maabot
mga taong nayayamot sa mundong kulot-kulot
mga noong nakakunot
mga buhok na napapanot
kakaisip sa mamaya bukas at sa susunod pang mga gabi
wala na siya at di mo katabi
mata mo'y may luha
dahil sa gusto **** di mo makuha
ikaw ay sobrang ng napapagal
pagod na pagod na kakahabol kaya ikaw ay hinihingal
pilitin **** maging masaya
kahit wala na siya
hindi sa lahat ng pagkakataon
hindi sa lahat ng direksyon
kasunod, kabuntot mo siya
o ikaw ang nakabuntot sa kanya
bawat tao ay may kanya kanyang landas
at sa bawat landas ay mayroong hudas
sa iyong pagtakbo
bawat pagtapak mo ay titignan mo
wag kang tumingin sa isang direksyon
imulat mo yung mga mata mo
dahil hindi mo alam may ahas na kakagat sayo
at dala nito ay lason
lason na magpapahina
lason na papatay
at tatapos sa iyong buhay.
kingjay Jan 2019
Pagkat isang malaking duwag, hindi umaamin at nagpapaliwanag
May pagkulog at pagkidlat sa isang oras
Di nasabi ang katotohanan
Paano pa kaya ipaglaban

Ang kasalanang pampag-ibig
ay habambuhay dadalhin
Tulad ng lumalagos na liwanag sa salamin
Uyayi para sa puso na maghihimbing
sa kawalan
Dalawang paru-parong itim ay naintindihan - ang namayapang ama at pagsinta

Nang kinabukasan nasilayan pa ang bituin
na nagpuyat sa kadiliman
Ang susunod na silahis ay iba na ang ipapahiwatig

Nagtungo sa bundok ng Maida-as
Nagtawid ng ilog at kaparangan
Nasunog ang talahib  na dinaanan
Sa yungib gaganapin ang totoong anyo ng kasalanan
Maging karahasan ay pumipigil sa mga hakbang

Doon nagtapos ang talambuhay - talampag-ibig
Sa kapasyahan na ang dilim ay siyang maghari
Ang pagkukulam ay balak isagawa
Sa kalauna'y di itinuloy
unknown Jun 2023
Hindi inaasahang napadpad ako sa iyong kaharian,
Kung saan ako’y pinagsilbihan at inalagaan,
At sa bawat minuto na nasa piling mo ako,
Tila ba isang panaginip na ayaw kong huminto.

Ngunit mali ‘tong nararamdaman ko,
Sandata ko’y hindi kumpleto,
Hindi ka nga pala handa’t sigurado,
Para ipaglaban yung nararamdaman mo.

Heto ako paulit-ulit na naniniwala,
Pilit pa rin na umaasa,
Na baka bukas kamay ko’y hawak mo na,
Wala ng takot at pangangamba.

Pero kahit ako lang ang lumalaban,
Kathang isip lamang ang “tayo” sa aking isipan,
Hindi man ako yung prinsesa na para sayo,
Mananatili ka sa aking puso, prinsepe ko.
Di ko alam kung tama ba na ika'y ipaglaban
Kasi di pa kita nakikilala ng husto
At sa ngayo'y di ko pa masasabi na parehas tayo ng pinagdaanan
Marami pa akong dapat malaman
Para masabi kong ikaw at ako'y iisa lamang

Pero di pa kita susukuuan kasi alam kong ang panahong to'y di pa sapat
Marami pang mga oras na bubunuin
Para matanto ang sagot sa mga tanong  na aking tatanungin

Sana nga mahanap ko ang aking gustong matarok
upang di masayang tong di ko pag tulog at nagpatongpatong na sobrang antok
zee Aug 2019
magiging malaya tayong muli tulad ng ibon
malalampasan ang bawat pagsubok at hamon
na ibinato sa atin ng tadhana't panahon
magsama-sama tayong kumilos at lumaban
buksan ang ating mga puso't isipan
upang harapin lahat ng unos na daraan
ipaglaban ang nararapat at ang ating karapatan
magsagawa ng rebolusyon para sa susunod na henerasyon
hindi na nila mararamdaman at mararanasan ang paghihirap dulot ng
mga naghahari-hariang inaalala lang ang kanilang kapangyarihan at reputasyon.
#tagalog #bayan
Lumipas ang mga buwan
Lumalim ang nararamdaman
Oras na para iyong malaman, na
Yung pag-ibig ko sa'yo ay handa kong ipaglaban
Dahil sa piling mo natagpuan ko ang tunay na kasiyahan.
Michelle Yao Dec 2017
Nung ika'y aking nakita,
pakiramdam para sayo ay wala,
Ngunit di nagtagal,
Naglaro si kupido at tadhana.

Pinana ng pana ni kupido
at binaluktot ni tadhana
landas nating dalawa

Isang araw, nakita kita sa isang tabi,
ika'y nilapitan at pinangiti,
Hnaggang isang gabi,
Puso'y di mapigilan, sinigaw sayo
Mahal kita, aking sinta!

Nung naging tayo.
Walang umangal ng kung ano,
Hanggang sa dumating ang araw na
tayo'y pinaglayo.

Hindi kinaya ang pagkukulang,
kaya winakasan,
sapagkat sandata ng kalawakan,
oras at distansiya ating kinakalaban.

Bakit kailangan ganito?
Pero anu pa bang magagawa ko?
Huli na lahat, para ipaglaban ko,
pag-ibig na binalewala ko.

Kasalanan ko,
Pagdurusang dinaranas ko.
Jay Victor Pablo Dec 2022
Kung umabot man sayo ang tulang isinulat ko,
pakatandaan mo sana ito.
Hindi man maipinta ng mga salita ang nadarama
o ni mabahiran ng tugma ang aking pagsinta,
huwag mo sanang isiping ako'y sumuko na
datapwat ang paghingi mo ng espasyo sa pagitan nating dal'wa
ang nagbigay linaw n dapat pang ipaglaban ka!
Pero kung masawi man sa digmaan, sinta,
Itago mo sana ang pabaon kong dugo
Patunay na inilaban kita hanggang dulo
wizmorrison Oct 2018
Naalala mo pa ba
Noong tayo pa ay magkasama
Noong tayo pa ay maligaya
Maalala mo kaya
Ang ating pinagsamahan
Na punong puno ng pagmamahalan
Na ating pinag saluhan.

Sabi mo magpakailanman
Ako'y Hindi iiwan
Sabi mo walang hanggan
Bakit ngayon ako'y nasa kawalan
Sabi mo Hindi susuko
Pero bakit heto tayo sa dulo
Nasan ang iyong pangako.

Pangako na ipaglaban mo
Yun pala'y hindi totoo
Ako'y umasa sayo
Ngunit bakit ganto
Ako'y iniwan mo
Ako ba'y nag kulang sayo?
Ako ba'y Hindi mo talaga gusto
Kaya pinili mo na lng lumayo.

Oras-oras 24 oras
Mga luha sa aking mata ay aking punas-punas
Mga luhang pumapatak
Mga luhang tumatagaktak
Habang ako'y nasa sulok
At doon umiiyak
Dahil ang puso ko'y wasak na wasak
Masahol pa sa bukong biniyak.

Sana kinabukasan pag dilat ng aking mga mata
Maramdaman ko na
Ang umagang kay ganda
Yung tipong wala ng sakit na nadarama
Yung tipong sasabihin Kong limot na kita
Yung tipong pag nag kita tayong dalawa
Sasabihin ko sayong limot na kita.
Hoooooooo! Intense. Graveh na to. Todamax. Hahaha!!
YourQueen Sep 2021
Ilang beses bang dapat masaktan upang matauhan?
Ilang beses bang dapat masaktan upang ikay matutong sumuko sa laban?
Alam ko na ika’y sobra nang nasasaktan
pero bakit di mo parin siya magawang iwan?


Di ka naman bulag sa katotohanan
Pero bakit kaba nagtatanga-tangahan
Niloloko ka na nga nang harap harapan
Ikaw pari'y nabubulagbulagan

Hindi ka pa ba nagsasawang paulit-ulit msakatan?
Na palagi nalang ikaw ang luhaan?
Alam **** sa inyong dalawa ikaw lang ang lumalaban
Ngunit bakit baa yaw na ayaw mo siyang bitawan?

Gaano ba ka hirap sayo ang pag bitaw?
Sobrang hirap ba kaya di mo magawa?
Nasasaktan ka na nga
Durog na durog na nga ang puso mo't kaluluwa
Ngunit ang pagbitaw ay di mo parin magawa

Paulit ulit **** sinasabi “hayaan mo na”
Mahal na mahal ko siya kaya hindi ako susuko sa kanya”
Mahal na mahal mo  siya kaya ka ba nagpapakatanga?
Kaya ka ba nagpapaka gaga?

Kaya **** isakripisyo lahat para sa kanya
Pinaglaban mo siya
Pero ikaw ni minsan di niya nagawang ipaglaban ka
Kaya tama na pwede ba?
Wag ka ng magpakatanga pa

Di ka sundalo na Lalaban kahit nasasaktan na’t sugatan
Hindi ka naman laruan pero bakit mo hinayaan na ikay kanyang paglaruan?
Wag mo nang hawakan kung sobra ka nang nasasaktan
Matutong bumitaw kung ikay sobra nang nahihirapan
Handang magmahalan
Handang ipaglaban
Pag-ibig na sana may patutunguhan
di ko alam kung ano ba ang mga salitang gagamitin
para lamang maniwala ka sa akin
di ko alam kung paano ka kukumbinsihin
na ako na ay patawarin
paano ko ba sisimulan na suyuin ka
kung ikaw mismo ayaw ng magpakita
di kita masisisi
sapagkat ako naman ang nagkamali
nagkamali ako na di ka naipaglaban
dahil sa aking kaduwagan
ang pag-iwan ko sayo ay wala nang mas sasakit pa
dahil mahal
ang hirap para sa akin na lisanin ka
kung iniisip mo na masaya ako
nagkakamali ka mahal ko
hindi lang ikaw ang lumuluha
hindi lang ikaw ang nasaktan
dahil triple pa nang nararamdaman mo ang sakit na nararamdaman ko
dahil hindi na sapat yung pagmamahal ko
para samahan kang labanan ang mga pagsubok sa relasyong ito
di mo kailangan ng duwag na gaya ko
ang kailangan mo ay yung taong kaya kang ipaglaban hanggang sa dulo
KAYA MAHAL PATAWARIN MO AKO
MALAYA KA NA
ITO ANG MASASABI KO
MAHAL KITA PERO DI AKO ANG KARAPAT-DAPAT PARA SAYO
Mayari Jul 2020
Lahat ng dahilan, naipon na
Saan na ako pupunta?
Masyadong marami para bitawan
Hindi naman sapat para ipaglaban

Ayoko na dito sa gitna.
Bella Feb 2018
Sa mga oras na lumipas, nasayang at nawala
Mabuti siguro kung di na natin ito ikabahala
Madami mang ala-ala
Unti-unting nauuwi sa wala
Gusto ko tanongin kung bakit
Kaylangan ba talaga maging ganito kasakit?
Kaya ko bang maging masaya?
Kaya ba kita makitang malaya?
Ang inakala nating walang hangganan
Mauuwi din pala sa iwanan
Salamat sa ka-onting oras nating pagsasama
Kahit ganon ang pagmamahal mo ay aking nadama
Sana di mo ako sinaktan
Dahil kahit anong pilit ko di na pwede ipaglaban
At sa mga araw na lumipas
Ang pagibig ay di padin kumu-kumupas
Siguro nga tama na....
Paalam kasi.... tapos na.
zee Oct 2019
Ninais man na ipaglaban ang ating pagmamahalan
Kumapit sa pangakong ating binitawan
Na kailanman ay hindi mag-iiwanan
Hindi na magagawa dahil ikaw na mismo ang umayaw;
Iyong nasilayan ang dulo na aking sinikap na ‘di mo matanaw
Ginawa ko naman ang lahat ngunit hindi pa rin sapat.
Umibig naman ng tapat ngunit mas piniling bigyang lamat
Ang pagsasamang maayos ngunit ito’y tuluyan **** tinapos
Tayo’y hindi na nakasabay sa agos at hinayaan na lang malunod

Ngayon, aking ibubuod at ilalahad sa ilang taludtod:
Ang nobela ng ikaw at ako--
Nangako ang bawat isa sa isa’t isa na tayong dalawa hanggang dulo
Ngunit lahat ng mga plano’y naglaho dahil heto na tayo sa huling pahina ng ating kwento
Quencie DR Apr 2019
(Orig.Spoken Word By: Quencie D.R)
Nagmahal lang naman sila..
Nagmahal ng totoo..
Nagmahal ng sobra..
Nasaktan.
Nagmahal.
Patuloy na nagmahal..
Pinaglaban ang pagmamahal na yon.
Lumalaban pa din kahit wala ng dapat ipaglaban.
Nasaktan.
Iniwan.
At Ipinagpalit.
Kaya wag kayong mainis sa mga taong bitter dahil wala naman silang kasalanan sa inyo..
As long na hindi naman nila tinatapakan ang pagkatao nyo..
Hindi naman nila kasalanan ang maging bitter sila..
Dahil nagmahal lang sila ng totoo at sobra!! Sobrang pagmamahal na nasayang lang..
Sobrang pagmamahal na konti o tipong wala ng natira para sa sarili nila.
Aphrodite Jun 2020
Una **** minahal, una **** pinahalagan,
Una **** nakarelasyon, pero una kang pinalitan.
Pinakaunang nangako na walang iwanan,
Pero parang politiko, pangako'y biglang napako.

Mahirap kalimutan sapagkat parte ng nakaraan,
Mahirap burahin, 'di katulad ng mga sulat sa blackboard,
Na pwedeng palitan at baguhin gamit ang chalk at eraser,
Kasi parang tinik, bumabaon kahit memorya nalang ang kahapon.

Kay sakit isipin na yung taong nangako, yung taong minamal mo ng totoo,
Yung taong akala **** hindi ka sasaktan, at yung taong handa kang ipaglaban,
Yung taong akala **** mananatili ng walang hanggan,
Ay estranghero at alaala na lamang,
Evergarden Jun 2020
Marami man tumututol,
Ngunit ‘di ‘to mapuputol.
Marangyang buhay iiwan,
Sa hirap ay sasamahan.

Sarili’y wag hahamakin,
Ikaw ang Nag-buo sakin.
Handa kitang ipaglaban,
Hanggang saking kamatayan.

Mahal, bakit mo sinalo?,
Balang tatama sa’king puso.
‘Diba ikaw ay nangako,
Pagtanda mo’y kasama ko?.

Hanggang sa kabilang buhay,
Pag-ibig di mamamatay.
Ikaw ay aking susundan,
Muli ka lamang mahagkan.
“The currency of life is not money but time and love.”
John Emil Jan 2018
Pagod na ako
Di ko na alam kung paano
Sinubukan ko naman nang paulit ulit
Wala pa rin kahit anong pilit

Aalis at handang talikuran
Ang inumpisahang laban
Kakalimutan at hahayaang luhaan
Tanggapin ang pagiging talunan

Kahit maiwan man
Maunahan man ng karamihan
Basta alam ko akin sinubukan
Di na talaga kayang ipaglaban
M e l l o Jan 2020
nawalan na ako ng lakas
para ipaglaban
ang natitirang bukas
Jan. 11
Akala ko noon...
ang pagmamahal ay sapat.
Na kapag ikaw ay totoo,
kapag ibinigay mo ang lahat,
babalik din iyon, buo—
higit pa sa iniwan **** pagkatao.

Pero ang hindi ko alam...
ang pag-ibig pala,
hindi lang laban ng damdamin,
kundi laban ng tiyaga,
ng pananatili,
ng pag-uunawa
kahit pa ang bawat araw ay parang dulo na ng mundo.

Sino ba ang may sabi
na ang mga tunay na nagmamahal,
hindi napapagod?

Sinong manunulat ang nagturo sa atin
na basta mahal mo,
laging may “tayo” sa dulo ng kwento?

Naniwala ako.
Tadhana, naniwala ako.

Pinili kitang mahalin,
kahit hindi ako ang pinili **** mahalin pabalik.
Pinili kitang intindihin,
kahit ako na ang nalulunod
sa katahimikang hindi mo kayang ipaliwanag.
Pinili kitang ipaglaban,
kahit ikaw, matagal mo na akong binitiwan.

At sa bawat gabi,
habang ginigising ako ng sariling iyak,
hinihiling kong sana…
sana ako na lang ulit.

Pero hindi ganun ang buhay.
At lalo nang hindi ganun ang pag-ibig.

Minsan, kahit gaano ka kabuo,
kahit gaano ka kabait,
kahit gaano mo siya minahal sa paraang wala kang itinira para sa sarili—
hindi pa rin sapat.

Dahil ang pag-ibig,
hindi laging patas.
Hindi laging sabay ang tibok.
Minsan, isa lang ang tumitibok
habang ang isa'y matagal nang nanahimik.

At doon ko naintindihan...

Walang perpektong pag-ibig.

Walang pag-ibig na walang lamat,
na walang luha,
na walang tanong sa gabi,
na walang sigaw sa unan.

Pero higit sa lahat,
walang perpektong pag-ibig
kung wala ang dalawang taong pumipili,
araw-araw,
na manatili.

Hindi ko ito tula para sa mga “naging tayo.”
Ito'y para sa mga “halos tayo.”
Sa mga “kung kailan minahal kita ng buo,
tsaka ka nawala.”
Ito'y para sa mga iniwan kahit wala namang pagkukulang,
sa mga nagmahal nang sobra,
at sa huli—sarili ang nawalan.

Kaya kung ikaw ito...
kung ikaw ay gaya ko...

Patawarin mo ang sarili mo
sa pag-asang babalik pa siya.
Patawarin mo ang puso ****
lumaban kahit mag-isa.
At higit sa lahat...

Piliin mo ulit ang sarili mo.

Dahil ang natutunan ko?

Ang tunay na pag-ibig—
hindi kailangang perpekto.
Pero kailangang totoo.
At kailangang pareho kayong nandyan,
hindi lang kapag madali,
kundi lalo na
kapag masakit na.

— The End —