Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Herena Rosas Aug 2021
I
Siya ang laman ng bawat taludtod
Ang sining ng pag- ibig na binuod
Salitang matalinhagang ibinuklod

Siya ang tugma na 'sing rikit ng bulaklak
Ang obra na katumbas ay hindi tiyak

II
Siya ang gabay ng mga manlalakbay
Ang kinang niya ay walang kapantay
Liwanag niya'y nagbibigay buhay

Bawat hibla niya'y walang kamatayan
Siya'y nagniningning sa kalangitan

Siya ang tala
Ang tulay ng mga ala-ala
You are valuable and loved!
Hiwaga Nov 2020
Sa bawat salitang binibigkas ng labi mo,
Para bang dinadala ako sa ibang mundo.
Sa mundo na kung saan kalmado ang puso
at pansamantalang pwedeng lumayo.
Sa mundo na espesyal ako kahit papa'no.

Alam kong hindi pa malalim ang nararamdaman mo, sinta.
Maski ako man ay hindi pa handa.
Ngunit hayaan **** ako’y magpasalamat sa saya
At kalinga na iyong dala.


Nung minsan, tinawag mo akong mahiwaga.
Pero hindi mo alam na ikaw ang mas makinang na tala.
tosh Apr 2020
Hindi ko na kailangan tumingala matignan lang ang magandang kalangitan.
Kita ko na sa mga mata mo ang tala,buwan at kalawakan.
Sunday
4/12/20
faranight Mar 2020
ikaw ay tila bituin at ako ang buwan. ang nanahimik kong puso at sanay sa pagiisa ay bigla **** sinamahan. mas lalo **** pinaliwanag ang madilm kong gabi. panandalian, minsan ikaw nawawala wala, madalas natatakluban ng mga ulap na tila inaagaw sa akin. manatili ka, pakiusap.
corporal Dec 2019
Nakakatawa isipin na sinubukan natin mangahas sa maiksing oras,
tumaya sa natatanaw na dulo,
at maniwala sa pangitain ng bukas.
Pero, Mahal, hahayaan ko na ang mundo
at pagbibigyan itong manalo.

Bulsa ang sagot sa mga tanong na walang katiyakan kung saan aabot.
Kabilang ang mga gusot na sa panaginip na lang maitutuwid.
Sa panaginip, sa tabi mo gigising.
Sa paggising, ibubulong na lang ang hiling.

Dahil kahit ulit-ulit natin ang lahat,
baliktarin man ang aking unan,
sagutin man ang mga natitirang palaisipan,
at kahit manatili man saglit,
hindi magdadalawang-isip na dayain tayo ng langit.

Ngunit, kung sakaling malinlang ko ang taas
magsisimula muli ta'yo sa bagong espasyo na
ta'yong dalawa lamang ang huhulma ng bukas.
Kung saan walang pwersang hihila.
Kung saan, Mahal, katabi ka paggising tuwing umaga.
Ibabaon na lang ang mga natitirang labis
Maging isang bula
Maglaho ng bigla
Kasabay ng luha
Sa pisngi mawala
At ang mga bahala
Na madalas alala
Sa puso'y bara
Kailan ba titila?
Ang ulan ng pagkaulila
Sa kaligayahan' tila
Tagpo ay sa tala
Uanne Apr 2019
hinahanap ko ang iyong liwanag
gustong masilayan bawat sinag
ilawan ang mundong puno ng pagkabagabag

dagat na puno ng kapayapaan
dampi ng hangin sa aking kalamnan
dulot nito'y kapanatagan ng kalooban

sa akin ay may bumubulong
wag hayaang puso'y makulong
sa hinagpis na nakalululong

ikaw ang tala na aalalay at gagabay
sa paglalayag kong walang humpay
ningning mo'y tila walang kapantay.
Listening to the Leaves: Art, Nature and Spirituality Workshop with Fr Jason Dy SJ 032119
Uanne Mar 2019
madilim ang kapaligiran
dama ang katahimikan
napatingin sa kalangitan
abot tanaw ang kalawakan

kay gandang pagmasdan
mga tala at buwan
tila nakahiga sa duyan
hinehele ng marahan

mata'y napapikit
diwa'y kumalma ng saglit
nanumbalik mga alaalang di mawaglit
ninanamnam bawat kapit

biglang napagtanto
marami nang nagbago
maraming dinanas na pagkabigo
kaya bang buksan muli ang puso?

mumulat at muling sisilay
sa mga bituing nakalaylay
Hihiling na sana'y pawiin ang lumbay
at mundo'y muling bigyan ng kulay.

sana'y hindi magsasawa
sa paghiling at pagtingala
hanggang sa dumating ang himala
at matanggap ang pagpapala.
Kay tagal kong hinitay
Ang iyong mga salita
Ang iyong buhay
Na tila isang talata
Ng ibat ibang nobela
Na Sayo lahat nakakda

Ibat ibang istorya
Na iisa ang hiwaga
Sa pangalan mo kinuha
Ang milyong milyong diwata
Kauri mo ang mga tala
Kumikinang ng maganda
Isa kang panahon ng ginhawa
Katapusan ng kadiliman
Laging may kinabukasan

— The End —