Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AgerMCab May 2020
Sa unang pagbukas ng aking mga mata
Umagang asam ikaw sana ang kasama
Lungkot man ang hatid ikaw sa aki'y malayo
Tiwala ang tangan ikaw ma'y nasa ibayo

Tiwalang sa dulo ng aking paghihintay
Mamahalin kita hanggang ako'y mahimlay
At kung papalaring muli ka nang makapiling
Salamat sa tiwalang nagpatibay sa atin
G A Lopez Mar 2020
Madaling araw na
Ngunit mulat pa ang mga mata
Hinihintay ang iyong mensahe
Kahit na malabong mangyari


Inaalala ang bawat kahapong nagdaan
Ang mga masasakit na salitang binitawan
Bakit sa puso ko'y nakaukit pa rin ang iyong pangalan?
Isa kang alaala na mahirap kalimutan.
Xian Obrero Mar 2020
Nakaupo't-nag-iisa, kagaya kahapon sa bintana siya'y nakadungaw
Mula sa kanyang silid, mga mata niya'y malayo ang tinatanaw
Ang palagi niyang inaabangan ay ang napakagandang paglubog ng araw
Sa paglubog nito'y siya ring pagsalubong niya sa gabing walang kasing ginaw.


Sa paglipas ng panahon ay nasanay na nga siyang palaging ganoon
Ang paglubog ng araw ay inaabangan niya pa rin maging hanggang ngayon
Hindi siya nagsasawa at napapagod sa paghihintay buong maghapon
Wari'y kakayanin niya ring mahintay ang pagtuyo ng mga dahon.



Ang wika niya, "Sa tuwing lulubog ang araw ay naaalala ko siya"
Naaalala niya raw ang kanyang sinta at ang taglay nitong yumi at ganda
Kasing liwanag rin daw ng araw ang pagkislap ng kanyang mga mata
Ngunit isang hapon raw ay bigla na lang itong kinuha sa kanya.



Sa labis niyang pagmamahal sa sinisinta niyan iyon
Nabatid kong marahil sa lungkot ay hindi siya makaahon
Kaya pala ganoon na lang ang kanyang paghihintay sa buong maghapon
Sa paglubog na araw pala na nagpapaalala sa kanyang sinta kahit papaano siya'y nakakaahon.
aL Sep 2019
Bibiguin ka na ng lahat lahat,
Tatalikuran ng iyong itinuring kaagapay
Kalilimutan ng iyong mga karamay
Ngunit sa iyong pagpikit hindi ka iiwan ng dilim,
Sa pag iisa ay siya'y iyong kapiling

Sa paghagulgol mo'y luha lamang ang hahalik sa iyong mga pisngi
Susubaybayan ka ng lungkot sa iyong  pag iisa
Sasamahan ka hangang sa huling hininga mo ng mga mapapait na alaala
Mananatili sa sugatan **** puso ang dilim ng kahapon

Hindi manhihinayang ang sanlibutan sa iyong maagang pagkawala,
Mistulang ang iyong sarili mo nalang ang dapat siyang mag akay sa iyong sangkatauhan
Tayo ay nag iisa, huwag kang palilinlang sa ilusyon.....
Ambiguous Frizz Sep 2019
Ngiting pinagkakait
dahil sa pananakit

Pusong 'di nakakaramdam
ngayo'y pagod na't hinahapo

Nakakulong sa lilim ng mapagpanggap
ang natatanging nagagawa ay magsulat

Magsayaw o kaya'y umawit

Hindi dahil nagdiriwang
o kaya'y maligaya

Kundi itanggi, itakwil
lumbay na nadarama
Malaya ka nga ba?
Katryna Jul 2019
Dati ang alam ko lang na kwento ay ang Biag ni Lam-ang.

Pero nung nakilala kita at nagkaroon tayo ng sariling kwento,

Dalawa na ang alam ko.

At ang isa doon ay "bahagi na lamang".

Bahagi na lang ng "ikaw at ako".
Nang wala nang "tayo".
Bahagi na lang ng dating "dalawa" ngunit ngayon, "mag isa na lang ako".

Bahagi tayo ng "isat-isa" ngunit ngayon, Bahagi na lang tayo nang nakaraang "tapos na".

Mga masasayang araw na biglang nabago
Tawanang biglang naging iyakan.

Dating di mapaglayo pero ngayon mas piniling magpakalayo layo.

Oo naging bahagi tayo ng pag kakaibigang nauwi sa pagkaka-ibigan. Mga dating sabay lang sa hapag kainang nauwi na sa sabay sa pagtulog at sa pag gising sa umaga.

Oo naging bahagi tayo ng mga masasayang umaga, gabi at mga dapithapong magkasama.

Maririnig satin ang tawanang akala mo isang buong tropa un pala tayo lang dalawa.

Naging bahagi tayo ng lungkot ng bawat isa.
Problema at mga alitang walang kwenta.

Natuto tayong huwag sumabay sa galit ng bawat isa.

Pero nasaan na?
Tila ang pag babago ay nauwi na sa wala.

Bagay na hindi mo man lang nakita.

Mga problema na kahit marinig mo ng paulit ulit ay tila isang kantang masarap pa sa tenga.

Mga bagay na gustong gusto **** ipinagwalang bahala.

Oo mahal natin ang isat isa pero hindi na ng kasing mahal natin ang bawat isa.

Mahal na lang natin ang mga sarili natin.
Nandito na lang tayo kasi takot tayong makasakit ng damdamin.

Pero ang hindi natin alam mas higit na masakit
ang "hindi natin alam"
at kilala
ang "sino ako sayo"
at "sino ka sa akin.

"Ano tayo noon"
"Ano na tayo ngayon".

Huhupa din ang sakuna,
pasasaan
at
mahahanap din natin ang
"tayo" sa piling ng iba.

kung kelan,
hindi ngayon
baka sa ibang panahon.
song inspired from Malaya kana by Maimai Cantillano
Katryna Jul 2019
Pag gising sa umaga,
Mata mo agad ang nais makita
Pagtawa mo agad ang nais marinig na tila musika sa aking tenga
Yakap mo agad ang nais magsilbing init kapalit ng kapeng bagong timpla.

Ang sarap gumising sa umaga.

Pero lumipas ang mga araw, gabi ay tila kasing lamig na ng kapeng naiwan sa tabi.

Ni hindi ko na magawang haluin at timplahin ng sapat sa aking panlasa.

Mga gabing mas ninais na maging umaga hindi para muling masilayan ang iyong mga ngiti, marinig ang iyong mga tinig at maramdaman ang yong mga bisig.

Mas pinipili ko nalang ang mga umaga upang makaalis at di kana muling masilayan pa.

Hindi ko matiyak kung ang mga umaga ko ba ay gigisingin pa ng may malinaw na ebedensyang mahal pa kita.

Hindi ko tiyak na kung ang dating malinaw ngayon ay malabo na.
Ni hindi ko na masabi ang salitang mahal kita.

Ngunit kung tatanungin mo ako nasan ka sa aking puso.
Kaya kong sagutin na nasa loob ka parin naman nito
Ngunit hindi na sayo ang buong espasyo.

Kung baga sa kwarto, may naka bedspace na dito.
Ginagawa ko nalang biro ang lahat ng ito pero, ito ang totoo.

Hindi ko masabi ang buong kwento kasi natatakot akong mawala ka sapagkat ramdam ko parin naman ang salitang "mahalaga ka" ngunit hindi na ang salitang "mahal kita".

Hindi ko magawang mag paalam at sambitin ang salitang ayokona kasi ramdam ko pa rin ang salitang ika'y mahalaga pa at hindi ko kayang makita kang lumuluha.

Ngunit ang lahat ay pawang salita na lamang.

Masakit aminin na sa mga panahong gusto ko ng iwan ang lahat at gumawa na ng pansariling hakbang ibang kamay ang kinuha para ako'y samahan.

Masakit saking aminin na sa pagtanaw ko sa bagong umaga,
sa pag ikot ko sa aking kama,
hindi na ikaw ang nais makasama.

At ang tanging musika na gusto kong marinig ay walang iba kung hindi ang pag "Oo" nya.

At ang huling mga salitang nais kong sambitin sayo ay hanggang sa muli nating pagkikita, sana maging masaya kana sa piling ng iba.
AgerMCab Jul 2019
Sa aking isipan, ika'y aking kapiling
Sa aking gunita, alaala mo'y hiling
Ngunit sa'n ako huhugot ng alaala
Kung sa langit kasama ka na ng mga tala

Hindi man lang kita nasilayan
Mukha mo ay hindi rin namasdan
Bisig ko ay hindi ka nabuhat
Init mo'y di ko manlang nadama

Ano kaya ang himig ng iyong pag iyak?
Musika ba sa akin ang iyong halakhak?
Maliliit **** kamay, nais kong hawakan
Habang mga titig mo'y di pakakawalan

Sa diwa ko'y yakap yakap kita
Habang ako ay may heleng kanta
Sa gayon sa iyong mga labi
Mayrong hatid na maamong ngiti

Aking anghel, dito sa puso ko
Mananatili bawat pintig mo
Dito sa aking diwa at isip
Habang buhay kitang iuukit
AgerMCab Dec 2018
11 years, I am cursed from stagnated love and direction

11th day of December a man with moon and stars on his head broke my curse by persuasion

11th hour of this day we become one in mind, body and soul by affection

...His moon is now my moon
...His stars are now my stars
AgerMCab Jun 2019
Ano ang mayroon ka?
Bakit labis kitang sinta?
Lahat sa iyo ay payak
Ngunit ang dating mo'y may sapak

Dito sa aking puso
Hindi ko maitanto
Makasama ka nawa ng habang buhay
Pag tama ko sa lotto ikay aking ibabahay
Next page