Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
J Nov 2020
Sa panandaliang pagtigil ng mundo,
Hindi mapigilan ang mga tanong sa isipan,
Na para bang mga sasakyan sa EDSA,
Buhol buhol at walang kaayusan.

Ang mapait na naranasan ay iiwan na sa nakaraan,
Akapin ang kasalukuyan at kinabukasan,
Patawarin ang sarili sa nagawang kasalanan,
Bitawan ang sakit na nararamdaman,

Hindi para sakanya at hindi rin para sa iba,
Para sa'yo; Para tuluyan ka nang sumaya,
Mga gabing puro luha at kalungkutan,
Balutin sana ng umagang puno ng kasiyahan.

Nawalan ka man ng kaibigan o kasintahan,
Mga memoryang hanggang isipan nalamang,
Pulutin at dalhin sa susunod na kwento,
Dahil sadyang may mga kabanata na hindi para sa'yo.
Huminga ka kaibigan.
NGA Oct 2020
Umuulan na naman,
Natutuwa ba o nalulungkot ang langit?
Walang nakakaalam,
Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit.

Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha,
Pilit nanunumbalik masasayang alaala.
Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo,

Sa ulan din pala magkakalayo.
Lakad at takbo sa gitna ng ulan,
Mabasa o magkaputik ay hindi alintana.
Bugso ng ulan ay biglang dumahan,

Payong ang nakita pagkatingala.
Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata,
Iyan ang naaalala sa unang pagkikita.
Tila bang tayo ay nasa koreanobela,
Damang-dama ang pagiging bida.

Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan,
Kwento nating dalawa ay may hangganan.
Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan,
Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan.

Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka.
Basang-basa at putikan, hindi alintana.
Mga hikbi ko ay hindi mapatahan,
Kasabay nang pagbuhos ng ulan.

Payong mo'y hindi na matanaw,
Wala na, tuluyan ka nang bumitaw.
Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita,
Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
Random Guy Oct 2019
kita ko
sayong mata
ang saya
mo sa kanya
hindi ko lang talaga maintindihan
kung anong dapat kong madama
iniwan kita
kasalanan ko
pero hindi mo rin naman ako masisisi
kung may sakit dito
dito sa dibdib ko
dahil noong iwan kita
ay hindi ko ginusto
kaya ngayon
kahit hindi ko gusto ang nakikita ko
ay pinilit na tignan ang mata mo
kita ko
ang saya
mo sa kanya
dahil dito ay masaya na rin ako
dahil alam kong
masaya ka
dahil sa kanya
Kurtlopez May 2019
Sa aking pag-iisa
ikaw lagi ang kasama
sa himig mo’y nadarama
pagkawala ng problema,
inawitan mo ako upang sumaya,
sa malungkot na mundo
ako ay di na nagdusa,
panahon ay lumipas
gabay mo’y di nawala
sinasalo mo maging
ang aking mga luha.
Kung ako ay tatanungin
Gaano ka ba kahalaga?
Kunin ka man sakin
Hahanap hanapin parin…
Talagang nag-iisa
Galing mo sa pakikisama,
Salamat sa iyo,
Mahal kong gitara.
Paano ka magpahalaga ng isang bagay at paano mo masasabing may karamay ka, salamat at merong gitarang sa akin handang dumamay.
japheth Apr 2019
di ko alam kung ako lang ang ganito
o marami ring taong nahihirapan ang emosyon ay ipagtanto.

nahihirapan isulat, ilagay sa kwaderno,
buhatin ang lapis, at gumawa ng mga letrang bubuo sa isang kantang ikaw lang nakakarinig.

isang kantang sumusigaw sa puso’t isipan
isang boses na nagsasabing “ako’y pakinggan.”
isang bugkos ng mga salita na di mo alam kung pag pinagtabi tabi mo na sa iyong papel
ay magkakaroon ng kahulugan.

oo.
madalas akong ganito.
na andaming gustong sabihin ng utak ko
pero ni bibig ko o ang kamay ko ay di alam kung paano ito ibubuo.

bakit ang dali magsulat?
pero ang emosyon, hirap na hirap ibuklat?

minsan,
nananalangin ako
na sana may taong lalapit dito
para turuan akong sabihin kung ano nasa utak ko.

ngunit kahit meron mang ganung tao,
alam ko di parin niya makukuha ang aking gusto.
dahil ang mga salita na galing sa utak ko,
na para sa akin ay kumakanta ng napakagandang musika
ay sa kanya naman, halos pareho, pero di gaanong tugma sa pagkanta.

kaya oo.
kahit hirap na hirap ako,
na sabihin sa lahat ang emosyong sinisigaw ng mga piyesa sa utak ko,
tuloy parin ako sa pagsulat kagaya nito.

dahil onti onti kong naiintindihan
na ang lungkot, saya, o mapa ano man,
ay iba iba ang kahulugan sa tao.

pero pare parehong ang dama ng nagagawa nito sa puso.
“Writing.”

This piece represents where I am now in terms of my writing. It’s been an awful couple of months and slowly I’m losing touch.

I keep forgetting that the only thing stopping me is myself. That’s why moving forward, I’ll keep on writing.

Ilalaban ko ang pagmamahal ko sa aking sining.
(I’ll fight for the love of the art.)
Sa aking pag-iisa
ikaw lagi ang kasama
sa himig mo’y nadarama
pagkawala ng problema,
inawitan mo ako upang sumaya,
sa malungkot na mundo
ako ay di na nagdusa,
panahon ay lumipas
gabay mo’y di nawala
sinasalo mo maging
ang aking mga luha.
Kung ako ay tatanungin
Gaano ka ba kahalaga?
Kunin ka man sakin
Hahanap hanapin parin…
Talagang nag-iisa
Galing mo sa pakikisama,
Salamat sa iyo,
Mahal kong gitara.

©2008 John Vincent Obiena. All rights reserved.
Paano ka magpahalaga ng isang bagay at paano mo masasabing may karamay ka, salamat at merong gitarang sa akin handang dumamay.

— The End —