Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Cedric  Feb 2019
“Nota”
Cedric Feb 2019
Napa-ibig ako sa aking kinakaibigan.
Sa una siguro’y ang pakiramdam ay magaan.
Nagkakilala ng basta-basta, walang dahilan.
Siguro dahil na rin sa  mabuting kapalaran.

Isang araw’y nalaman ko,
Magkapit-bahay lang pala kami.
Lalong nagkalapit ang puso’t damdamin.
Makalipas ang isang taon ng pagkikilala,
Sa dami ng tambay, kain, at gala,
Sa problema ng tropa o kaya’t sa pamilya,
Sa ngiti at ngisi sa bawa’t asaran,
Sa halip na ika’y may pagkasira,
Sa iyong puso na palaging hinihiwa,

Naroon ako sa iyong tabi,
Unti-unting napapangiti,
Napapamahal,
Nahuhulog ang dibdib,
Sa iyong pagkatao’t diwa.

Naaalala ko pa noong ika-siyam ng Mayo,
Bago matapos ang taon ng pag-aaral,
Sa isang buwan magkakahiwalayan na,
Magkokolehiyo na’t iiwan ang mga pinagdaanan.
Umiyak ka sakin habang nakain pa ng pakwan.
Na natatakot lang magsimula ulit,
Na makaranas ng bagong landas,
Na magbago, at maging kung sino man.
Na mahal mo ang iyong mga kaibigan,
Na ayaw mo silang iwanan.

Sinabi ko sayo,
Ika’y minamahal,
Ika’y itinatangi.
Ngunit hindi ko masabi,
Na ako ang magmamahal,
Ako ang magtatangi sa’yo.
Kaya ako’y gumawa ng katwiran,
Na kaming mga kaibigan mo,
Ay naririto lamang.

Ang pag-ibig ay parang nota,
Sa musika ng tadhana,
Sa teatro ng buhay.
Ito’y maligaya,
Upang hikayatin,
Ang ating puso na makinig.
Ngunit hindi kang saya ang ipinaparating.
Kundi’ hirap, lungkot, at paghihinagpis.

Parang emosyonal na gitara,
Na minsan nasisira,
Napuputol ang kwerdas,
Nasasaktan ang kamay,
Nalulumbay sa tono,
Habang humihiyaw,
Kumakanta ng buong puso,
Para sa ating mga sinta.

Dumating ang Agosto,
Miyerkules ng unang linggo,
Sa ika-beintidos ko nalaman,
Na galing pa sa iyong dila,
Na ako’y huli na sa paligsahan,
Na mayroon ng nanalo sa laban.
Ang puso mo’y nasagip na ng iba,
Ika’y nagkwento ng matagal-tagal.
Ang ningning sa iyong mata’y,
Parang ilaw sa entablado,
Nakikita ko ang mga sumasayaw,
Ligaya ang aking nararamdaman,
Habang ang aktor ay ako,
Na iyong tinitigan ng husto.
Pinipilit makinig nang maigi,
Sa kwentong busilak ng pag-ibig.

Ngunit pagkatapos ng kwento,
Naiwan akong mag-isa.
Sumigaw ng wala sa tono,
Sa kanta na puro hiyaw.
Hindi ko inakala,
Na ang kanta ko’y ganito,
Naisulat na ang mga nota,
Ngunit bakit masakit sa tenga?
Sa simula ng ika’y makita,
Nagsimula na ang tugtog.
Ngunit hindi ikaw ang aking kasayaw,
Hindi rin naiwasang mahulog.
Kahit pigilan ko man ang sarili,
Ako’y nahatak ng iyong tunog.
Magaling ka sumagaw,
Kwento mo’y ako’y napaikot.

Napapaisip ako,
Anong nangyari,
Bakit natapos,
Ang ating kanta.
Ng wala man lang paalam.
Ika’y bumula.
Nawala sa aking buhay.
Na para bang multo.
Hindi ko malapitan,
Mahawakan,
Matawag,
Ni mabanggit ang iyong pangalan.
Nawala ang ating teatro,
Nagkahiwalagan ang magkaibigan,
Ang direktor ay lumisan,
Upang maiwasan ang drama.

Napapaisip ako ngayon,
Bakit ikaw pa rin sa ngayon!
Ikaw na multo ng nakaraan,
Ang aking minamahal hanggang ngayon.
A Filipino poem about this girl I became close friends with. Originally a spoken word poetry for other purposes. I decided to post it here because, why not. I’m still in love with her up to this day. Well, it’s only been six months so this will be a long painful process.
Mayroong yakap na mahigpit;
mayroong yakap na magaan.
May mabigat, may parang nasa ere't
may parang walang laman.

May luhang dugo't pawis,
may luhang sampal sa nakaraan
at luhang mitsa ng pagbangon.

May ngiting tinuwid,
may ngiting dyamante sa langit
pero tinampo't itinapon ng pagkakataon.
Oo, kayhirap amuhin;
parang berdeng buhangin.

May mga katauhang iniibig,
kahit di ka perpekto't kulang din sa pag-ibig.
Piniling umibig, hindi pinihit --
Hindi pinilit na umibig.

Bagkus, Siyang katapatan ng Langit,
Siyang patas, Siya nga namang tapat.
Kaya naman katapata'y naging patas;
ni walang ganti, ni walang pag-imbot.

Dalisay ang pag-ibig,
luha'y salok sa gabi't
Siyang Perlas na pabaon sa umaga.
Pag nasaktan ka, normal yan.
Pag hindi ka nasasaktan, doon ka na magduda.
Eugene Mar 2018
Gabi-gabing nagsusunog ng kilay.
Araw-araw na tinatahak ang lubak-lubak na daan.
Minu-minutong nagtitiis ang balat sa tirik na araw.
Iniinda ang mga kagat ng lamok sa gabi.
Pinagtitiyagaan ang kapirasong lamparang liwanag sa dilim.
Maibahagi lamang ang kapiranggot na kakayahan.

Inakala **** madali.
Hindi pala.
Kailangan **** suungin ang init.
Kinailangan **** tawirin ang mga ilog marating lamang ang iyong patutunguhan.
Inakala mng magaan.
Hindi pala.
Kinailangan **** maglakad ng walang sapin sa paa.
Kinailangan **** iwasan ang mga putik sa kalsada upang marating ang lugar na akala mo ay langit na.

Nagawa mo pa ring makaalpas.
Ilang beses ka na ba dapat na sumuko?
Nakailang iyak ka na ba gabi-gabi dahil hindi mo kaya ang nakikita mo?
Ilang damit lang ba ang dala-dala mo upang maitawid ang mga kaalaman para sa iba na nagmula sa iyo?
Kaya mo pa ba?

Ikaw ang liwanag sa kanilang madilim na daan.
Ikaw ang gabay sa kanilang pagpupursige.
Ikaw ang magiging pag-asa sa mga pangarap nilang hinahabi.
Huwag **** ipakitang marupok ka dahil lamang sa delubyong likha ng kalikasang nasa iyong harapan.
Isipin mo sila!
Isipin **** may naghihintay na bukas para sa kanila.

Ikaw ang kanilang tinitingala.
Magpatuloy ka sa pagngiti.
Isapuso mo ang kanilang masasayang pagbati sa tuwing ikaw ay makakarating.
Damhin mo ang kanilang pananabik na makita kang masayang nagtuturo sa kanila.
Iwaksi mo ang negatibong bagay sa iyong isipan.
Yakapin mo ang iyong natutunan --ang iyong misyon at rason kung bakit ka inilagay sa posisyong iyong kinatatayuan.

Balang araw ay magtatagumpay ka!
Balang araw ay masisilayan mo ang katas ng iyong pagpapakumbaba.
Pagsisikap.
Pagtitiis.
Malayo ka man sa mga mahal mo sa buhay, naiintindihan nila.
Ang propesyon mo ang magbibigay ng pag-asa.
Magtiwala ka!

Kaagapay mo ang Diyos sa bawat **** pagsisikap.
Huwag kang panghinaan ng loob sa bawat problemang iyong kinakaharap.
Alam naming kaya mo!
Sa iyo uusbong ang mga batikan.
Sa iyo magmumula ang mga pinakasikat.
Sa iyo manggaling ang magagaling at matatalino.
Alam naming kaya mo!
Magtiwala ka sa kakayahan mo.
Ikaw at ikaw lamang ang maglililok nito.
Ikaw at ikaw ang huhubog sa kani-kanilang mga talento.
Nasa iyo ang aming papuri.
Nasa iyo ang aming taos-pusong dasal.
Ang laban mo ay laban naming lahat.
Kayanin mo.
Kakayanin mo!
Ikaw ang aming liwanag sa gabi at pag-sa sa umaga.

#IkawNaNagmamahalMagmamahalPa
Kasabay ng aking pagpikit
Ang pagsilip ko sa panaginip sa aking isipan.
Namumukod tangi ang Iyong kagandahan
At Ikaw ang nag-iisang kumikinang sa aking paningin.

Napapasilip ako
Sa likod ng lahat ng napakagandang palamuti,
Pagkat nariyan pala ang tunay na may-akda ng lahat.
Pagkat sa kabila ng naghihiyawang palakpakan,
Sa kabila ng mga ngiting bumabandera sa aking harapan --
Ang dahilan ng aking kalakasan.

Pagdilat ko'y tila bukang-liwayway na,
Hindi kumupas ang Iyong kagandahan.
Muli kong kinapa ang aking bulsa,
At muling naghagilap ng anumang umiingay sa aking kalupi.
Dahan-dahan kong pinakiramdaman
Ang magaspang na katauhang gawa sa pilak.
At buhat sa pagkakamulat,
Ay dahan-dahan akong pumikit
Na tila ba sumasabay sa unang pagpatak ng ulan.

Nangungusap sa aking konsensya
Ang tinig **** matagal ko nang hanap-hanap.
At sa naudlot na istorya sa entablado'y
Nagpatuloy ang aking paghahanap.
Hinahanap ko kung saan nagmumula
Ang tinig **** humihele sa akin
At nagbibigay galak sa puso kong
Uhaw sa malasakit at pag-ibig na tunay.

Nasaksihan ko ang paglisan ng bawat katauhang
Kailan lamang ay nasa akin ang pagtingin,
Ngunit ang lahat pala sa kanila'y
Syang palamuti at hindi tunay na kabahagi
Ng aking istorya.

Patuloy silang nalusaw
Gaya ng krayolang nilalaro ko sa apoy
Noong ako'y paslit pa lamang.
Na ang akala kong bubuhay sa pinipinta kong larawan
Ay hindi pala sapat sa magandang imaheng
Aking nasasaklawan sa aking imahinasyon.

Kusa silang naglaho na tila ako'y tinakbuhan lamang
At marahan akong napaluhod buhat sa aking kinatatayuan.
Gusto kong magsalita, gusto kong may masambit..
Gusto ko silang pigilan sa paglisan
Pagkat hindi ko ninais na mapag-isa
At patuloy na mangulila sa pagmamahal.

Kung pwede lang na sa gitna ng katahimikang ito'y
Kaya kong marinig ang sarili kong boses.
Kung pwede lang sa gitna ng aking paghihintay at pagsusumamo'y
Wag muna silang kumilos at aking mahanap
Ang tinig na akala kong susundo sa akin
Buhat sa paglimot ko sa aking sarili..

Namukod-tangi ang boses na aking hinahanap,
Naririnig ko na ang Kanyang mga yapak
Na tila ba patungo at palapit na sa akin.
Ngunit hindi ako makagalaw buhat sa pagkakayuko.
Ni hindi ko na masilayan pa kung sino ba ang paparating.
At dahan-dahan pa rin ang pagpadyak
Ng Kanyang sandalyas patungo sa akin.

At habang Siya'y lumalakad,
Ay dahan-dahan ding nagbago ang senaryo
Na aking kinalalagyan.
Narinig ko ang napakalakas na pagpaubaya ng alon,
Ang tunog ng kampanang magaan sa aking pakiramdam,
At ang mga humiheleng tila mga anghel
Na naging mitsa ng pagtatayo ng aking balahibo.

"Nasaan na nga ba ako?" Tanong ko sa aking sarili.
At muli kong narinig ang mga nagpupuring anghel
Na tila ba walang katapusan ang kanilang galak
At ako'y nadadala kung saan.

Hindi ko pa rin mabuksan ang aking mga mata
At wala akong masilayan maliban sa dilim
Na pilit kong nilalabanan at alisan.
Hinahanap ko pa rin ang tinig Nya
At nais kong tanggapin ang bawat salita mula sa Kanyang bibig.

Maya-maya pa'y narinig ko
Ang isang pamilyar na boses na tumawag sa aking, "Anak."
Habang ang aking kamay ay hawak-hawak pa rin
Ang pilak na muli ko sanang itatapon sa balon..

"Anak, halika na.. sabi ng doktor, may donor ka na raw.."
Sambit ng aking ina habang ako'y akap-akap
Sa kanyang mga maiinit na mga bisig.
Kusang tumulo ang aking mga luha
At sya nama'y humagulgol sa saya.

Walang salita ang sinambit naming dalawa,
Ngunit ang kanyang yakap ay humigpit.
At naramdaman ko ang kanyang mga luhang
Dumadampi sa aking balikat at sa aking damit.

At sa mga oras na iyo'y
Ang kanyang yakap ay higit pa sa lahat ng yakap sa mundo
Ang luha nya'y tila ba binabalot ng isang hiwagang
Nagpapakalma sa aking paghihirap.
Ang gaan ng aking pakiramdam,
Ang saya ng aking kalooban.

At doon ko natagpuan ang aking hinahanap,
At sa aking muling pagmulat
Kung saan may liwanag nang maaaninag,
Alam ko kung kanino na ako muling lalapit pa..
Alam ko, hindi ko man nasilayan ang lahat
Ngunit ang pakiramdam na iyo'y
Habambuhay kong nanaisin
At pasasalamatan.
inggo  Dec 2015
Pila
inggo Dec 2015
Sa pila umasa ka na makakasakay ka na sa darating na jeep.
Pero sakto ikaw ung nasa likod ng taong huling makakasakay.
Ang saya mo pa kasi kala mo kasama ka.
Parang yung oras na akala mo kayo na para sa isa't isa.
Pero di ka na pala kasama sa jeep ng mga pangarap niya.
Naiwan ka.
Kailangan **** maghintay ng panibagong jeep.
Sa bagong jeep na yon ay mauuna kang sumakay.
Eksayted ka at masayang masaya dahil sa wakas makakauwi ka na.
Parang yung oras na gumising ka ng wala na sya pero magaan na ang lahat.
Bagong jeep ng pangarap na hindi na siya nakasakay.
Pauwi doon sa bahay na malapit ng mabuo muli.
solEmn oaSis Nov 2015
hula**
ang yong kamandag ay matagal nang
nasa dibdib ko,di ko alintana ang mga sandali hanggang
unti-unti kang humulas bilang isang henna,,na para bang
di ko lubos namalayan bakit pa di ko ginawang totoong
tattoo ka,,nang sa gayon mapatunayan ko sayo ang iyong
imahe ang pinaka-aasam ko bilang ekspresyon kong
simbolo- na ikaw at ang pagiging magaan mo subalit
kaakit-akit ay siyang karapat-dapat
sa puso at isipan ng isang capricornian
at maghihintay ako sa iyo hanggang sa dulo ng aking pagdaraanan........
LAHO
naganap na!!!
Hiwaga Dec 2020
‘Yung kayang manindigan kahit dumating ang puntong nahihirapan.
Umuunawa’t hindi basta nangiiwan. Nananatili sa mga araw na hindi magaan.
Nananatili dahil alam na ‘yun ang kailangan at sa puso'y nagpapagaan.

Na kung sakali man dumating ang mga panahong lilipas na ang kisap ng samahan —hahanap ng paraan upang maibalik ang kilig, ang dating tinginan, ang nawawalang lambingan.

Marunong tumanggap ng pagkakamali.
May panahon lagi para umintindi.
Na sa oras na magpakumbaba ka’t magsisi,
yayakapin ng katulad ng dati.
Hindi agad umaalis,
hindi nagpapadala sa galit,
sumasagot sa’yong mga bakit.

Higit sa lahat, siyang naaawat ng salitang patawad.

Dahil nararapat ang pag-ibig na sigurado.
Hindi umaatras, hindi tumatakas.

Hindi nagdadalawang-isip kung aalis o mananatili.
Ako, na ang tingin sa’yo, ay pag-ibig na kapili-pili
Mga tala at tula
JD  Jun 2018
Read Me
JD Jun 2018
➖ My status said "read me"

Sa dami nang magandang babaeng nakita ko,
mukha mo pa rin ang paborito ko.

Kahit saan ako tumingin,
hindi ko maiwasang hindi ka isipin.

Gusto kong nakawin ang buwan sa kalangitan,
tsaka ko isusulat ang iyong ngalan.

Kapag naisulat ko na ang iyong pangalan,
ibabalik ko na ulit ang buwan sa kalangitan.

Para sa tuwing titignan nila ang buwan,
at sinabing ito'y maganda? makikita nila
ang iyong pangalan.

Kaya para narin silang humahanga
sa iyong katauhan.

Gusto ko din nakawin ang bahaghari,
isusulat ko dun na ako'y iyong pagmamay ari.

Bakit bahaghari ang napili ko? yun ay dahil gusto ko makita ng tao,
na makulay ang mundo ko nung dumating ka buhay ko.

Pinili kita hindi dahil sa maganda ka,
Pinili kita dahil nakikita kong may potensyal ka.

Potensyal na gawin **** maganda,
ang buhay kong puno ng granada.

Sumaya ako nung nakita kitang masaya,
ganun naman talaga eh dahil ikaw biyaya.

Bihira akong makakita ng babaeng katulad mo,
tulad mo na hindi mareklamo.

Kaya karapat dapat kang mahalin at ibigin.
andito naman ako, hayaan mo lang  
akong gawin.

Gawing magaan at masaya ang buhay mo,
sa paraan na ako lang may alam at tiyak na magugustuhan mo.

Lahat nang babae ay mahalaga sa akin,
ngunit ikaw ay naiiba dahil importante ka sakin.

Kung gusto **** umiyak,
sasabayan kita sa pag iyak.

Ngunit baka hindi kita masabayan tumawa,
dahil nung dumating ka sa buhay ko, palihim na akong tumatawa.

Nung may makita akong bulaklak
na kulay kahel,
ikaw agad naisip kong bigyan
dahil mukha kang anghel.

pasensya na mahal ko dahil  
nahihirapan ka na sa mundong to,
hayaan mo mahal ko dahil
lagi lang akong nandito.

Sa pamamagitan nang mga salitang ito,
pinapakita kong pagmamahal ko sayo'y totoo.

Pumangit ka man o tumaba,
para saken ikaw parin ay naiiba.

Hindi ko sasabihing
"handa akong mamatay para sayo''

Dahil mas gusto kong banggitin ang
"mabubuhay ako hanggat kaya ko para sayo"

Nasabi ko iyon dahil madali lang mamatay,
ngunit mahirap manatiling mabuhay.

Kaya mabubuhay ako para sayo
hanggat kaya ko.
Sa magulong mundong ito,
po-protektahan kita pangako.

kaya sana wag ka nang malungkot,
dahil ang puso ko'y kumikirot,
Pag nakikita kang nakasimangot
Virgel T Zantua Aug 2020
Sino ang magpapatuloy sa paglaban... Kung ang bawat pangako ay walang laman... Laging pamamaalam ang katapusan... Kung wala na ang magagandang dahilan... Ang katotohana'y walang kabuluhan... Di maitatama kahit pagsisihan.

Ang pagmamahal ay walang pupuntahan... Sa gitna ng liwanag at kadiliman... Kupas na ang kulay ng bawat larawan... Kung kasawian ang dulot ng nakaraan... Saan makikita ang katahimikan... Kung ang damdamin ay walang kalayaan.

Tunay na mapaglaro ang kapalaran... Ang nakatakda ay di matatakasan... Sa bawat hinanakit at kasawian... Ang pagluha'y hindi maiiwasan... Tulad ng kwento ito'y may katapusan... Ang pag-ibig at galit ay may hangganan.

Ano nga ba ang kulay ng kamatayan... Kung puti ang para sa kapayapaan... Itim ang kulay ng hangin sa kawalan... Alin nga ba ang tunay na mas magaan... Ang tibok ng puso na may kasiyahan... O ang katotohanang may kalungkutan.
Shynette  May 2019
Kalungkutan
Shynette May 2019
Ako'y di pinapatulog ng kalungkutan
Laging nakatingin sa kawalan
Iniisip ano pa bang kulang
Patawad ika'y aking pinagkatiwalaan
Akala ko saya'y akin ng makakamtan
Ngunit nagkamali ako saking katwiran
Isa ka rin pala sa mga taong ako'y iiwanan
Todo pa ang galit mo dahil sa kwento kong ako'y naloko
Ngunit diko alam isa ka rin pala sa mga ito
Ngunit hayaan mo, okay na ako
Isinuko kona sa taas ang lahat ng problema ko
Magaan na ang loob ko, hindi na mabigat sa puso
Dahil alam ko dumating ka bilang isang lesson sa buhay ko
Salamat sa pagdating mo ako na'y natuto
Pangako huli na ito, isinusumpa ko
Ang araw na magtitiwala ako agad sa isang tao
Ay hindi na madaling mabuo gaya ng pagkakatiwala ko sayo
Dahil ayoko ng mabuhay malapit sa mga taong mahilig manloko
Akala mo kung sinong mabait, sya pala tong gago

— The End —