Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kate Burton  Dec 2016
Kunwari
Kate Burton Dec 2016
Ang hirap simulan
Hindi ko alam paano uumpisahan,
Sisimulan ko sa hindi pag pansin,
Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari

Kaya ko
Kaya kong mawala ka sa isip ko
Kaya kong mabura ka sa buhay ko na parang walang nangyari
Kunwari kaya ko

Masaya ako na kaibigan kita
Na kaibigan lang kita
Masaya ako na kasama kita
Kahit alam kong may mahal ka ng iba

Sisimulan ko sa hindi pag pansin
Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari
Kunwari di ko napapansin ang pangungulila mo sakanya
Kunwari hindi ako nasasaktan

Kunwari hindi ko nalang nakita,
Kunwari wala tayong pagkaka intindihan,
Kunwari hindi mo sinabing gusto mo ako,
At kunwari, hindi ako nasasaktan

Eto na ako at kinakaya ko
Lahat ng sakit at pait na natatamasan
Mawawala rin sa aking damdamin at isipan
Wag mo akong kaawaan

Dahil hindi ka naawa sa akin nung ipinakita mo sa lahat kung gaano kayo kasaya
Hindi mo inisip ang mararamdaman ko sa katarantaduhan **** ginawa
Wala kang pakielam nung nalasing ako at ikaw ang hinanap ko at kulang nalang isuka ko ang pagmamahal mo noong gabing iyon

Hindi mo ako minahal
Paulit ulit ko yang sinasabi sa sarili
At tila paulit ulit din akong sinasaksak
Ngunit kada bigkas ko ng mga katagang iyon, ay unti unting namanhid ang puso

Sisimulan ko sa pag kukunwari
Kunwari hindi ko nalang nakita
Kunwari hindi ako nasasaktan
Pero tangina hindi ko alam hanggang kailan
Aira G Manalo Feb 2017
Paano kunwari kung ayaw ko na
Na isiping paano kung ayaw mo na
Paano kunwari kung gusto mo na
Na limutin ang lahat ng gusto ko pa

Paano kunwari kung hindi na ako
Ako na noo'y laman ng panaginip mo
Paano kunwari kung hindi na ikaw
Ang iibig sa akin sa habambuhay

Paano kunwari kung tatapusin mo na
Ang minsa'y pangakong tayong dalawa
Paano kunwari kung gusto ko pa
Ang pag-ibig na ngayo'y ayaw mo na
bakit kailangan sa harap ng iba Kunwari nakangiti ka?
kahit ang totoo sa loob loob mo hindi naman talaga.
bakit kailangan sa paningin ng iba  ipakita **** Kunwari matatag ka?
kahit na ang nararamdaman mo ay nanghihina ka.
bakit kailangan sa kaalaman ng iba Kunwari malakas ka?
kahit ang totoo mabubuwal ka na.
bakit kailangan sa harap ng iba mag kunwari masaya ka?
kahit ang totoo durog na durog kana.

Dahil ba mas ok ng malaman nila na ok ka,kaysa ipaliwanag pa yung totoong nilalaman ng puso mo?
O Mas maigi na siguro ang mag Kunwari kaysa ipakitang Mahina ka.
kasi hindi lahat ng pinapakita sayo na Pag-aalala ay totoo.
not all people that showing you a care is real.sometimes they just ask to get some information  to make you down.
Marge Redelicia Mar 2015
isang musmos na lahi
isang munting nasyon
parang itinanim na buto
itinakdang
sumibol at lumago
sa paglaon ng panahon

nag-aabang, naghihintay
puno nang sabik
pero kay tagal dumating
tayo ay nainip
tadhana nating tagumpay
kailan kaya makakamit
kasi

apat na raang taon
hanggang ngayon
lulong pa rin sa putik
nangangapa, nadadapa sa dilim
mga butong nanginginig sa lamig

mga isla
pitong libong isang daan at pito
ito
ang ating lupang sinilagan,
tahanan ng ating lahi
pero nga bahay ba ito o burol?

mga pangarap na
masilayan ang mga sinag ng araw at
mahagkan ang malayang langit
mananatili lang bang panaginip dito
sa bayang natutulog
o kaya namang natutulog lang kunwari

tanggapin mo na lang na
humikbi, humagulgol,
ibuhos mo man ang iyong luha
walang darating
kumayod ka man at magdamag magsikap
diligan mo man ang lupa ng pawis
wala
pa ring mangyayari

kasi
dugo
dugo lamang na dumaloy
mula sa mga palad ni Hesukristo
kung ang Kanyang pag-ibig ay
babaha sa lupa
ng parang delubyo
ito ang nag-iisang paraan
ang nag-iisang sagot:

dugo
dugo lamang na ibinuhos
ang tanging
makakatubos
makakaahon
makakaligtas
sa atin
Performed this as spoken word in Creative Faith's Doxa.
CC  Aug 2017
Sumpong ng Matuwid
CC Aug 2017
Ang husay ng iyong gawa na idadamot ng aking mga kamay
Hindi ito pusong o sumpong pero ako’y naniniwala na hanga ako
Paano na mas matalas ang iyong lapis kumpara sa akin?
Wala na bang masasabi?
Ang pangarap nakatago sa likod ng alapaap
Ang lilim ay parang dating kaibigan na nagkimkim ng aking mga kamay
Pero kailangan maghiwalay, dahil sa mga masasamang damo
Maganda ang itsura, may dating. Masaya manira ng tama
Mag-asim ang gatas ng ating mga anak
Hawak-hawak mo ang aking mga kamay
Itaga ko para mabigay sa iyo ang nagbibigay buhay sa utak ko
Kunwari hindi lumipad sa malayo ang aking mga pilik-mata
Kunwari lumipas ang minuto kesa sa panahon
Malupit ang oras sa kwento ng bata
Masakit tignan na malayo ang mga pinagasa
Sungkitin mo ang mga iniisip ko
Matigas ang ulo
Ihukay ang masasamang damo
Parang maliit na bulaklak lang
Sayangin ang buhay na hindi nagbibigay buhay
Rena Lyn Bala-oy Jan 2019
Hindi masakit
Kahit sumusikip ang dibdib
At mahirap nang huminga.
Hindi malungkot
Kahit ang luha ay 'di mapigilan
At naglalaho ang kulay ng mundo.
Masaya ako
Kahit hindi na makangiti
Na abot sa aking mga mata.
Kunwari.
//kunwari// -- pretend
ESP  Feb 2016
Bagahe
ESP Feb 2016
May problema talagang dala
kunwari panaginip
Halika sulat tayo

Nagtago man sa ulan
Ang ngiti ay kanta
at sayaw sa hikbi
ng ngayon
Agust D  Jul 2021
Untitled
Agust D Jul 2021
panahong kay init at samot-saring pangyayari
ilalabas ang kwaderno't magsusulat ng hirayang bahaghari
iba't ibang mukha, ngingiti't tatawa kunwari

sa galaw, pananalita, at sa pagsulat ng kamay
pagkaguho, pagkawasak, at araw-araw na pagsasablay
sa mga bagay-bagay na 'di maiakbay
salungat sa sinyales na aking hinihintay

biglaang pagkalito, gan'to na ba ang takbo ng mundo?
kamay na animo'y tinanggal
paang singbikat ng bakal
hininga'y laging nasasakal
makakawala pa ba sa kasulukuyang estado?

nais nang kumalas, sa hindi nakikitang rehas
walang depinisyon, wala ring direksyon
hikbing palihim, kalungkutan sa takipsilim
naliligaw, nababaliw, sa indak na hindi inaral ngunit nakabisa pa rin
Mga Tulang Sinulat sa Dilim
J De Belen Mar 2021
Pa-Yakap naman  kahit isang saglit lang
Kahit 'di ma-higpit
Kahit 'di kasing init ng aking bisig
Yakap na alam kong sapilitan lang
Yakap na kahit kunwari lang naman
At yakap na kahit na-pipilitan ka lang naman
Yakap na tanging sangkap sa damdamin kong hirap
Yakap na sa piling mo ako'y magiging sapat.

Isipin mo nalang na yakap mo ito sa isang kaibigan
Isang pag-kakaibigan na ma-uuwi lang pala sa pag-papaalam
Pag-kakaibigan na nauwi sa pag-iibigan
Ngunit ito ay bawal
Dahil madaming hadlang
Madaming may ayaw
Kaya tanging hiling ko nalang
Ay pa-yakap naman
Kahit saglit lang.

Pa-yakap bago ka  lumisan
Pa-yakap  bago mo ako iwan ng tuluyan.
At pipilitin kong tanggapin ito ng sapilitan.
At su-subukan kong 'di ma-padpad sa kawalan
Dahil malugod ko itong tatanggapin  hanggang ang aking katawan ay kumalma sa iyong pag-kawala.
Na batid kong aabutin pa ito ng buwan at taon
'O baka abutin pa ng mahaba-habang panahon.
'Di ko alam kung kailan.
'Di ko alam kung magkikita pa ba tayo muli mahal?

At kung dumating man yung araw na puwede na,
Na puwede ka na?
Na puwede na tayong dalawa
Ay sumang-ayon na ang mundo
Sa pag-iibigan natin na minsan ay naging laman ng salitang "wag muna"
At kung dumating man yung panahong 'di natin inaasahan.

Sana ay puwede pa
Sana ay kaya ko pa
Sana ay kaya ko pang maghintay ng matagal
Sana ay kaya ko pang mag-abang sa lugar kung saan tayo unang nag-kakilanlan.
Sa lugar kung saan tayo unang sumaya
Kahit puno na tayo ng problema
At sa lugar kung saan dati
Sa atin ay may na-mamagitan pa.

Pero ito'y magiging ala-ala nalang
Dahil ako na ay iyong iiwan
At sana lang,
At tanging hiling ko lang
Sana
Kaya ko pa na ika'y ipaglaban
Kung sakali man na ikaw at ako ay mag-tagpo sa iisang mundo.
aL  Jan 2019
Hindi Alam
aL Jan 2019
Ngiting 'di pawawari kung para ba akin
Titig ng mga mata ay kunwari ay tinitipid
Siguro'y Diyos ay nakikinig na sa mga dalangin
Malapit na ang pagdating ng kasiyahang hinahatid

Napakalapit ng landas natatahakin
Ngunit napakahirap rin gawin
Ang premyo ay ang malaman ang sagot
Kapalit ay ang paglakad sa isang sigalot
1.26am
Shy smile
Nakakapagod mag kunwari
Na parang kala mo lahat walang mali
Ayoko kasing malaman nila
Na minsan ako ri'y nababalisa
Kasi sa pananaw ko
Ito ang estado ng sarili ko
Na kung saan maraming may oportunidad saking manloko
Pero ewan ko
Yung mga taong inaasahan kong makakaintindi
Ni isang beses sa tingin ko'y wala namang ****
Ang mga salitang hinihintay ko
Ni isa walang nakapagsabi
Kelan mo ba matututunan yung salitang "Ok ka lang? Maayos ka pa ba?"
Kelan kaya yan maiuukit ng iyong mga labi?
Woop woop ... tagalog poem...

— The End —