Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Zed Rapadas Jun 2016
Nandito nanaman ako
nagiisa, nangangarap
sa mga bagay
na hinding hindi ko
makukuha

Naliligaw pa siguro
ang tadhana
magdarasal na lang ba
kay bathala

Okay lang sa akin
na makita kang
masaya
masaya sa piling ng iba

Hindi kailanman
magiging ikaw at ako
Hindi kailanman
magkakaroon ng salitang
tayo
Hindi kailanman
Hindi....

Siguro kailangan **** masaktan
para malaman **** buhay ka pa
Kaya ito ako ngayon
tanggap na tanggap ko na

Alam kong mahal mo siya
at ako'y nagmamahal lang
Alam kong mahal mo siya
at ako'y kaibigan lang
  May 2016 Zed Rapadas
N
I hope every cigarette you place between your lips knows how lucky it is to be there,
I hope every bottle you grab a hold of falls in love with the warmth of your finger tips; I know I did.
Zed Rapadas Apr 2016
Umiikot ang mundo
pero nakapako ka sa iisang lugar
at maraming nagtatanong
kung bakit hindi ka sumusugal

Maraming rason
Maraming dahilan
Pero lahat ng iyon

ay

Gawa-gawa lamang
Zed Rapadas Apr 2016
Huwag kang aalis ng walang rason
at babalik ng walang dahilan

Huwag mo siyang iiwanan
ng ang iyong dahilan
ay "Hindi ko alam"
Zed Rapadas Apr 2016
Sa tuwing nakikita kita
na may kasamang iba
Okay lang ako

Sa tuwing nakikita ko kayo
na naghahalikan
Okay lang ako

Sa tuwing naririnig ko
ang mga salitang "mahal kita"
na para sakanya
Okay lang ako

Sa tuwing nakikita ko
ang mga litrato ninyong dalawa
Okay lang ako

Sa tuwing magkayakap kayo
sa harap ko
Okay lang ako

Sa tuwing malungkot ako
Okay lang ako

Sa tuwing nasasaktan ako
Okay lang ako

Sa tuwing may minamahal
kang iba
Okay lang ako

Mahal kita at Okay lang ako

basta't masaya ka
Okay lang ako
  Jul 2014 Zed Rapadas
LoveIsReal
You're sad
You're depressed
You don't wanna live anymore
But you're wrong
You don't wanna be sad
You don't wanna be depressed
You do wanna live
But you don't know if you're strong enough to fight it
But you need to
Fight to live
Fight to be happy
Fight to smile a real smile
Fight the battle within
I believe
Everyone believes
You can win
YOU just have to believe in yourself
So now start believing cause you can fight
FIGHT for your LIFE!!
  Jul 2014 Zed Rapadas
David Hall
I’ll be there tomorrow
at least one more time
as long as the sun comes up
and continues to shine

I’ll listen tomorrow
if your heart needs an ear
I’ll help carry your burden
and comfort your fear

I’ll kiss you tomorrow
if your lips feel neglected
I’ll lift up your chin
if you’re feeling dejected

I’ll love you tomorrow
more than I love you today
I’ll love you every tomorrow
and at least one more day
Next page