Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"walo" poems
Isa Isang taong nasasaktan Isang taong umaasa Isang taong nagbigay tiwala Sa isang taong kanyang pinaka mamahal Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon Isang magandang relasyon Nasira ng isang sigalot Isang pangakong bibitiwan Ng isang pusong umaasa Dalawa Dalawang taong pinagtagpo Dalawang taong nag-ibigan Dalawang taong nagbigay kulay Sa buhay ng isa't isa Dalawang pusong pinag-isa Dalawang labing nakangiti sa tuwina Dalawang matang lumuluha Dahil ang dalawa'y hindi na isa Tatlo Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa Tatlong salita na nagbigay ligaya Sa pusong tatlong taon ng umaasa Kung may magmamahal pa ba? Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na Upang mapawi ang lungkot at mapalitan ng ligaya Tatlong masasakit na kataga Ang naghiwalay ng landas ng dalawa Apat Apat na buwan ang hinintay Bago makamtan ang matamis kong 'OO' Apat, ang bilang ng letra sa isang salitang tawag mo sa akin Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin Lima Limang buwan tayong isa Lima, ang sukat ng aking paa Na lagi **** pinagtatawanan Lima, ang bilang ng mga daliri ko Na lagi **** hawak-hawak Limang minutong yakap madalas **** ibinibigay Anim Anim ang bilang ng letra ng iyong pangalan Anim ang dami ng nais **** alagang hayop Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito: Mahal pa rin kita Pito Pitong kontenenteng nais nating lakbayin Pitong araw sa isang linggo Mga araw na pinasaya mo ako Pitong bilyong tao sa mundo Ikaw ang pinili ko Walo Walo, isang numerong mahalaga sa'tin Walo, isang numerong ginagamit sa tuwing naglalambingan Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a' Wala, parang tanga Siyam Siyam ang araw ng kaarawan ko Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo Siyam katunong ng pangalan ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos Siyam and dami ng taon na bibilangin bago matupad ang pangarap nating dalawa Sampu Sampung taon mula ngayon Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar Sampung taon, maghihintay ako Yan ang pangako ko
0
Dec 27, 2015
Dec 27, 2015 at 9:10 AM UTC
Mga Numero

Continue reading...
76
Tagu-taguan, Maliwanag ang buwan Munti kong tula, Inyong pakinggan Ito'y patungkol Sa kabataan Na inaakalang Pag-asa ng bayan Wala sa likod, Wala sa harap Ano ang kabataan Sa hinaharap? Handa na ba kayong Malaman ang totoo? Pagbilang ng sampu, Malalaman na ninyo Isa, dalawa, tatlo "Tara, pre! Dota tayo!" Isa, dalawa, tatlo "Kyah, pa-like ng DP ko" Isa, dalawa, tatlo "Naka-hithit na ako" Isa, dalawa, tatlo "Tara, shot na tayo" Mga kabataang nakikiuso Mga kabataang lulong sa bisyo Kabataang imbis na ang dala'y libro Ang palaging hawak ay sigarilyo Apat, lima, anim Wala nang ibang alam gawin Apat, lima, anim Kung hindi gadgets ay pindutin Apat, lima, anim "Babe, walang tao sa'min" Apat, lima, anim "Babe, pwede na nating gawin" Mga kabataang napapariwara Mga kabataang sa tukso'y nadadala Kabataang tinuturing na Maria Clara Na ngayo'y mas kilala na sa Maria Ozawa Pito, walo, siyam Nasirang kinabukasan Pito, walo, siyam "Aking pinagsisisihan" Pito, walo, siyam "Ako'y nanghihinayang" Pito, walo, siyam "Ibalik niyo 'ko sa nakaraan" Totoo nga ang kasabihan Ang pag-sisisi'y nasa hulihan Ang ating nakaraan Ang siyang madidikta ng kinabukasan Ngunit hindi ko naman nilalahat Ang nais ko lang, kabataa'y mamulat Ang buhay natin ay parang aklat Tayo ang gumagawa ng sarili nating kwento at pamagat Hindi ko tatapusin ang bilang sa sampu Dahil hindi ako ang magdidikta ng kinabukasan niyo Ngunit sa pagtatapos ng munting tula ko Sana'y makapagsimula kayo ng panibagong kwento Kwento na kung saan kayo ang bida Kwento na kung saan kayo ang pag-asa Salamat sa pakikinig mula umpisa Ngayon ang tulang ito'y tinatapos ko na
0
May 27, 2018
May 27, 2018 at 11:08 PM UTC
TAGU-TAGUAN

64
Sinikap mag-aral, nilakad ang paaralan Upang may grado na ipapakita sa ama na siyang ipagmamayabang Nagtapos sa elementarya na  kabilang sa mataas na seksyon -Hinay -hinay inakyat ang tagdan ng dunong Sa paaralang sekondarya ay namayagpag Sa pangkat ng namumukadkad na bulaklak - Waling-waling na mahalimuyak Nakinig sa ikalawang magulang at nadagdagan ang kapurit na  katalinuhan Sa taong dalawang libo't walo ay masyadong seryoso Puno ng mga tala ang mga kwaderno Di man pala - kaibigan, Kaklase sa nakaraan ay natatandaan Sa ikalawang taon sa sekondarya na edukasyon Agila naman ang kinabibilangan Mandaragit at salinlahi ng pambansang ibon Malapad na balawis, sa pagkumpay sa dagat ay dumadaluyong Walang kamuwang-muwang nang nahagip ng pag-ibig sa isang tingin Kung kailan nag-umpisa sa paggawa ng tula Dahil ba kay Dessa o di kaya talento na Kanyang biniyaya
0
Jan 6, 2019
Jan 6, 2019 at 5:14 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #43
Sa aking lupang tinubuan Na sinakop ng mga dayuhan noon pa man Ang una'y mga espanyol na mananakop Dala daw nila'y kristiyanismo Upang ipakilala sa ating mga katutubo Ngunit ang tanging hangarin pala'y manakop at gawing kolonyanismo Kaya ilang daan taon tayong hawak ng mga ito Ating mga katutubo walang nagawa kundi ang sumunod at magsawalang-kibo May ilan ding nagsisipag aklas upang makalaya Ngunit sa kalauna'y sila'y bigo sapagkat pawang malalakas at makapangyarihan silang mga nilalang Nariyang si Gat. Jose Rizal na kinulong at binaril sa bagong-bayan Na tinatawag na natin ngayong (LUNETA/RIZAL PARK) At si Gat. Andres Bonifacio na hanggang ngayo'y hindi alam kung sino ang pumatay Ang tanging alam natin sa kanya'y siya ang "Ang Ama ng himagsikan" Sa kabilang banda'y hindi nagpatinag ang ating mga katutubo Nagbuo ng mga samahan upang mapag-aralan kung kailan ang tamang panahon para lumaban Kaya nung dumating na ang tamang panahon upang sila'y magsipag-aklas Marami ang sa kanila'y naghimaksik upang ang kalayaa'y makamtan Kaya noong taong Hunyo labing dalawa, isang libo't walong daan, siyam na pu't walo Nakamtan ng ating mga katutubo ang kalayaan na kanilang pinaglalaban Sa bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Kabite Kanyang iwinagayway ang ating watawat Sagisag ito ng ating kalayaan sa kamay ng mga mananakop na espanyol Sa mga nakalipas na taon, tayo'y naging malaya na Ngunit, ano ba ang kahulugan ng isang malaya? ''Ito ay ang pag-gawa sa isang partikular na bagay ng walang humahadlang o kumokontra sayo at may kakayahan kang kumilos batay sa kung ano ang iyong gusto o nais'' Oo nga't malaya kang gawin ang iyong gusto Subalit, labag naman ito sa karapatang pantao At nakapapanakit ka na ng kapwa mo Marami ang sa ati'y nakakalimot na sa mga paglapastangang ginawa sa ating mga katutubo Marapat nating pagkatandaan na ang ating kalayaa'y utang natin sa ating mga bayaning nakipaglaban At ang kalayaa'y dapat igawad sa lahat Magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang bawat nilalang Mapa mayaman o mahirap man Mapa babae o lalaki man Mapa bata o matanda man Maging tunay sanang malaya tayong mga pilipino Hindi lamang sa salita, kundi sa isip at sa ating mga gawa.
0
Jun 12, 2018
Jun 12, 2018 at 5:48 AM UTC
Araw ng Kalayaan

38
Simulan natin sa katapusan nang taon, Naging dahilan nang araw-araw kong pagbangon, Naalintana ang palagiang paglamon, At uminit ang Pasko nang kahapon. “Napakaganda nang buhok mo”, aking bati, Para sa minimithi kong binibini, Pagmamahal mo’y sa akin’y biglaang sumapi, Noon ko ipinagdarasal na makita kita’ng parati. Humingi nang payo kung kani-kanino, Upang manatiling aktibo’t ‘di mablangko, Bagama’t ang kinauukalan mo’y malayo, ‘Di nagtagal, nagkaroon na din nang “tayo” Araw-araw magkausap simula noong ikalabing-walo nang Enero, Nagpatuloy hanggang Pebrero pati Marso, Kadalasang naiisip kapag nag-iisa sa kwarto, Hanggang sa eskwela, daanan, lansangan, lungsod, barangay’t baryo. Naputol man ang ating koneksyon, Hinding-hindi ka mawawala sa ‘king imahinasyon, Ipinagbawal man upang turuan nang leksyon, Sa araw-araw ang pag-ibig mo’y aking binabaon. Pinaghigpitan man’y iginagalang ko Ang desisyon at pagmamahal nang mga magulang mo, Sa ika-dieciocho ka pa daw pwedeng magka-novio, Nag-atubili, sumagot ako nang “opo”. Lahat daw nang inaantay at pinaghihirapan, Ay mayroong napakalaking kahalagahan, Kahit alinma’y sakit ay aking ginampanan, Upang sumunod lamang sa natatanging kasunduan. Kaya nandito ako ngayon, Na may pagmamahal at may mga pagtitiis na naipon, Nanabik sa pangako nang kahapon, Sa pangakong uuwi ka sa iyong selebrasyon, Ngayong ika-siyam nang Pebrero, Nais kong malaman mo na pag-ibig ko sayo’y ‘di magbabago, Nag-intay, nagtiis, nahirapan, ngunit ‘di napagod, Dahil umaapaw ang pagmamahal mula labas hanggang ubod.
0
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 9:36 AM UTC
Dieciocho (Eighteen)

36
Sampung rason kung bakit dapat mo akong balikan Una, dahil ikaw ay nangako Sabi mo walang hanggan pero bakit may dulo? Ang pangarap nati'y hindi dapat mawala Pangalawa, dahil sa bawat pagpikit ng mga mata Ikaw ang unang nakikita Ang mga alaala ng iyong magandang mukha ang muling nasisilayan Pangatlo, dahil ikaw ang laman ng bawat hiling ko Sa bawat 11:11 na dumating ay ikaw ang hinihiling Na sana'y muling mapasaakin Pang apat, hindi na kita bibitawan. Panglima, dahil sa bawat araw na wala ka ay parang mga gabing walang tala Walang ilaw, walang ganda Pang anim, dahil kasabay ng pagkawala mo ay ang pagkawala ng langit na dahilan ng pagngiti. Ang langit na minsan kong nilipad kasama ka. Pang pito, alam **** seryoso ako Seryoso ako pagdating sayo, sa atin. Sa mga bagay na sinasabi ko kaya ito ang Pang walo, ayoko na ng laro Hindi ako magaling maglaro Hindi ko na kayang makipagsabayan sa mga laro mo dahil alam kong talo na ko Talo ako sa lahat pagdating sayo. Pang siyam, nandito lang ako. Naghihintay, nag aabang, ni hindi makausad Sa sulok. Pira-piraso nagdurugo Nagiintay na pulutin mo ang mga bubog Nagiintay na bumalik ka sa bisig ko. Pang sampu, balikan mo ako dahil mahal kita Oo, mahal pa rin kita Mula sa mga bubog ng nabasag kong puso Ikaw parin ang nilalaman nito Ayoko sa ng iba Kaya mahal, Bumalik ka na
0
Dec 21, 2016
Dec 21, 2016 at 7:33 PM UTC
Sampung rason kung bakit dapat mo akong balikan
061017 Hindi pa kita kayang harapin Na sa bawat pagkakataong nariyan ka na'y Pilit pa rin akong lilihis ng landas Habang kinakalma ang sarili ng mga salitang: "Wala kang nakita. Ayos ka lang." Sa ilang beses kong pagpapalipas ng oras Sa paglimot sa pagbungad ng kahapon sa ngayon, Ginapi ako ng pasa sa buo kong pagkatao. Namanhid ang puso, Kakaiba ang hiwaga pagkat nabuhay pa rin ako. Nang sa kahit isang saglit man lang Ay nanatili pa rin akong pipi ngunit hindi bingi Na parang nalimot ko na kung paano bang magsalita Ngunit ako'y inugatan na Sa paghihintay sa sagot na sayo lamang hinihingi. Na para bang noon, Ang lahat ay may bayad. Parang lahat ay bawal, Kaya nagnakaw ako ng tingin sayo. Oo, hindi lang isang beses O dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, pito, walo, siyam at sampu. Naubos na ang pagbilang ko sa bawat sandali, Na inabot sa iilang taon -- Hindi ka pa rin bumabalik. Doon ko kusang naintindihang: Kalakip ng bawat pagnakaw ng panahon Ay ang bawat bitak sa pusong noo'y wala pang lamat. Napuno ito ng alikabok sa hindi ko pagsisiyasat Kung may buhay at pag-asa pa bang mabuo ang larawan ng tayo. Na sa bawat pagpunit ko ng bawat larawan sa aking isipa'y Paulit-ulit lamang akong nakakatikim ng pagkatalo. At sa huli, ako rin pala ang darampot sa mga ito At isa-isang ipagtatagpi sa kabila ng matinding pagkapagod. Nang ilang beses akong dumistansya sayo Isang dipa, isang kilometro, Ilang munisipyo at ilang mga isla. Bagamat nagtangka pa rin akong Bumusina ng katapatan sa pintong paulit-ulit **** pinagsasarhan. Nang muling mabahiran ng kakaibang ningning Ang aking mga mata Na tila may mahika ang bawat **** ngiti At muling nagkakulay ang puso kong dating kaydilim. Nang mapagtanto ko ngang: hindi kita nakalimutan, Hindi ako nagmahal ng iba, Naghintay ako -- Kahit may iba ka pa. Dumungaw ako sa ngayon At dito ko nasaksihan ang hiwaga ng paghihintay. Na sa pag-aakala kong paulit-ulit ang nasa kalendaryo'y Mauubusan din pala ako ng dahilan -- Dahilan para magtanong kung babalik ka nga ba. Nang mahalin mo na rin ako nang buo Nang kusa **** ibigay ang tiwala at katapatan mo. At sa minsang pagyakap mo'y Gusto ko na munang huminto At magpasalamat pagkat narito na ang sagot -- Pagkat narito ka na at hindi na ito isang panaginip. Na hindi ko maipaliwanag na ikaw ang dahilan Ng bawat butil sa mga mata ko noon. At ang dahilan Ng bawat kirot na mas maingay pa sa mga kuliglig pag gabi At pilit kong pinatatahimik sa aking pagtulog. Parang kailan lang nga -- Pero ayoko nang magkunwari pa Ayoko nang magtago sa madilim na mga ulap Na pilit na kumukubli sa pag-ibig ko sayo. Tama na, pagkat nahulog ako sa sarili kong patibong At ngayon -- Ngayon nga'y mas mahal na kita.
0
Jun 10, 2017
Jun 10, 2017 at 9:23 AM UTC
Parang Kailan Lang

73
Meron akong labing-isang daliri Ilang beses kong binilang noong bata pa ako, sinigurado kung labing-isa nga ba talaga at nagtataka, nagtatanong kung bakit may sobra pang isa. Meron akong labing-isang daliri May kanya-kanya silang mga kwento. Labing-isa, Hindi ko alam kung biyaya ba 'to o sumpa Hindi ko alam kung bakit ako naiiba Hindi ko alam kung paano ko ba 'to itatago sa mga tao Sabi nila, suwerte daw 'to, magiging mapalad daw ang buhay pag-ibig ko, yayaman daw ako. Sabi nila, okay lang daw maging iba Sampu, Nakilala ko ang pagaalinlangan at inggit, Umupo sila sa magkabilang balikat ko, Hindi na sila umalis simula noon, Hindi ko sila pinaalis. Halos buong buhay ko, nanatili ako sa katahimikan, Hindi ako magsasalita hangga't walang kakausap sa akin, Hindi ko itataas ang kamay ko sa klase kahit alam ko ang sagot. Maghihintay ako na tawagin ang pangalan ko, na may pumansin sa akin, Maghihintay na may pupuno ng katahimikan ko. Kung sisiyasatin mo ang utak ko, Mabibingi ka sa dami ng boses na hindi ko napalaya. Nakakulong, sa kani-kanilang mga selda, Kanilang susi ay nawala na, Umaasa na sila'y mahanap at magamit para masabi ang mga dapat nasabi Siyam, Tsaka ko lang nalaman ang halaga ng mga salita, Kung gaano sila katalim, Kung gaano sila katamis, Kung gaano sila kapait. Kung gaano sila nakakapagpabago ng isang tao. Walo, Wala pa ring tumatawag ng pangalan ko. Wala pang pumupuno ng katahimikan. Pito, Hindi ko na alam kung may tatawag pa ba, Kung may makakapuno pa ba, kung ilang salita pa ang makukulong hangga't sa buong katawan ko'y maging selda ng sigaw, pait, inggit, pagmamahal, rason, at galit. Anim, Sinubukan kong unang mag salita, Magkwento tungkol sa buhay ko, sa nararamdaman ko. Pero parang walang nakarinig. Hindi ko alam kung mahina ba boses ko o hindi lang nila ako napansin, o kung pinili ba nilang hindi ako pansinin o kaya wala lang talaga silang **** Simula noon, nakinig na lang ako. Kaya ikaw, oo ikaw na may storya Ikwento mo yung mga naaalala **** nangyari sa'yo noong bata ka pa Yung mga bangungot mo, yung pinakanakakahiyang, pinakamasaya at pinakamalungkot na mga sandali ng buhay mo, yung una **** naramdaman ang kiliti sa puso mo noong naintindihan mo kung ano ang pag-ibig, Ituring mo akong talaarawan mo, Pakawalan mo yung mga salitang tinago mo nang nagalit ka. Iiyak mo sa akin lahat ng luha na hindi mo nailuha nang iniwan ka. Itatago ko 'to sa pagsara mo, at papakinggan kita muli sa pagbukas. Papakinggan kita. Papakinggan kita. Sana pakinggan mo din ako Lima, Nananahimik at nakikinig pa din ako. Apat, Mananahimik na lang ako. Tatlo, Sa katahimikan ko, Nakalimutan ko na kung paano magkwento, Nakalimutan ko na kung paano umiyak Nakalimutan ko na din yata kung paano magsalita. Dalawa, ... Isa, Natuto ako sumulat ng tula, Nakahanap ng makukwentuhan, Naramdaman ang saya nang makatapos ng isang piyesang may parte ng mga salitang nakulong at nakalaya muli. Nagkaroon ako ng matatakbuhan sa katahimikan. Nagbabakasakali na maalala ko ulit kung paano umiyak, kung paano magkwento muli, na may makikinig na sana sa akin. Nagbabakasakaling maalala ko ulit kung paano magsalita. Meron akong labing-isang daliri, Hindi ko pa rin alam kung biyaya pa rin ba 'to o sumpa.
0
May 29, 2016
May 29, 2016 at 2:42 AM UTC
Labing-Isa

84
limampung pulgada ang pagitan ng ating upuan limampung pulgada na tila parang isang kilometro ang distansyang kinakailangang tahakin upang maipatong ang braso sa pahirabang nakaumbok sa gitna ng ating luklukan, kung saan ang iyong braso'y nakapatong rin. apatnapung pulgada nang sumara ang ilaw kasabay ng aking mga mata kung saan sinakop tayo ng karimlang mas madilim pa sa kalagitnaan ng takipsilim ngunit ako'y nakatayo, naglalakad na patungo sa'yo – mga kamay na kinakapkap ang malalambot na pulang ulo sakaling ako'y mahulog dahil ang ninanais kong sumalo sa akin ay apatnapung pulgada pa ang layo. (tatlumpu, dalawampu, sampu) bawat tapak na nanatiling tahimik, maingat. (siyam, walo, pito) natatanaw kita sa halip ng dilim kung saan wala talagang makita, makilala. (anim, lima, apat) para bang lahat ng puso sa silid ay nagsabayan sa pagsigaw. (tatlo, dalawa, isa) nasa tabi na ki– bumukas ang mga ilaw, kasabay ng aking mga mata; pumalakpak ang lahat. Limampung pulgada pa rin ang pagitan ng ating upuan.
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 8:31 AM UTC
limampung pulgada
Isa, isa lang, isa lang naman ang gusto kong makasama. Dito sa mundong pinaghalong lungkot at ligaya. Yun ay IKAW. Dalawa,  dalawang salita lang ang maibibigay ko. Maibibigay kong rason para malaman mo. Kung bakit ikaw,  ikaw ang gusto ko. Dalawang salita na binubuo ng siyam na letra, MAHAL KITA Tatlo,  tatlong salita lang naman ang ninanais ko. Salitang nais kong marinig mula sa bibig mo. Salitang habang sinasambit mo ay naguumapaw ka sa tuwa. Salitang MAHAL DIN KITA Ngunit apat,  apat na masasakit na salita. Na tila ba'y pagtibok ng puso ko'y tumigil bigla. Kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nalaman ko,  nalaman ko lang naman na MAY MAHAL KANG IBA. Lima,  limang salita ang paulit-ulit kong hinihiling. Magmula ng malaman kong may iba ka ng kapiling. Sana,  SANA IKAW AT AKO NALANG. Anim,  anim na salitang patanong ang nasa isip ko. Tanong na gumugulo sa puso't isipan ko. Tanong na gustong malaman ang kasagutan nito. ANONG BANG MERON SIYANG WALA AKO. Pito,  pitong salita ang nais kong ipaalam sayo. Pitong salita na sana'y magpabago ng isip mo. Pitong salita na handa kong gawin para sayo. MAHAL KITA AT HANDA AKONG MAGHINTAY SAYO. Walo,  walong salita na pilit kong pinanghahawakan. Walong salita na inaasahan kong matutupad,  hindi man kinabukasan. DARATING ANG PANAHON NA MAMAHALIN MO RIN AKO. Siyam,  siyam na salita na alam kong totoo. Siyam na salita na binitawan ng kaibigan ko. Siyam na salita sa na dumudurog sa puso ko tuwing naririnig ko ito. WAG KA NG UMASA, MAY MAHAL NA SIYANG IBA.   Hanggang sa sampu, sampung salita na nanggaling mismo sa bibig mo. Salitang  nagmulat sakin sa katotohanang hindi talaga magiging tayo. Salitang nagpagising sa natutulog na puso ko. Salitang ITIGIL MO NA, HINDI MAGIGING IKAW ANG TAONG MAHAL KO.
0
Sep 13, 2017
Sep 13, 2017 at 12:03 PM UTC
Sampung mga Salita

37
isa, dalawa, tatlo ako'y tatakbo papalayo 'di ko alam kung saan ako tutungo ang nais ko lang ay makalayo sa'yo apat, lima, anim itong damdaming aking kinikimkim dapat ko ba itong sabihin o hayaan na lang maglaho sa hangin? pito,walo, siyam 'di mo pa rin alam; wala ka bang pakiramdam? o sadyang wala kang pakialam matatapos na lang ang bilang pero ang tagu-taguan ng aking nararamdaman ay tila wala na atang katapusan ngunit pagbilang ko ng sampu nasilayan sa aking pag dilat ang katotohanang ikaw pala'y may ninanais nang iba
0
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 12:56 AM UTC
tagu-taguan
Isa, dalawa, tatlo Nakabilang na ako ng tatlo Ngunit nakatago pa rin ang feelings ko sa'yo Apat, lima, anim Kahit anim na ang nabilang ko Kailangan ko paring itago ito Upang ako ay hindi pagtatawanan mo Pito, walo, siyam Pang siyam na ito Ngunit ako ay nagduduwag paring umamin sa'yo Sampu Ito ay pang hulihan ko nang bilang Dahil nag-aaksaya lang naman ako ng oras Nag-aaksaya ng oras sa bagay na ito Sa bagay na hindi mo naman kayang pagbigyan Kasi dahil sa hulihan, kaibigan lang naman tayo; ay wala palang tayo.
0
Aug 12, 2019
Aug 12, 2019 at 1:41 PM UTC
"Kaibigan Lang, Walang Tayo"
Alam mo bang gising pa ako hanggang ngayon Nagbibilang ng mga taon Kung ilang beses kitang makikita na umaalis at dumarating Kung ilang beses kong isusulat ang mga pangarap nating tutuparin Isa, dalawa, lima o labing-isa Paulit-ulit na muling pagkikita Nasasabik, nalulumbay, maligaya at malungkot Ilang beses sa isang taon na mamaluktot Isa, dalawa, lima, labing-tatlo Nakatanaw sa langit, sa dagat, sa mundo Pabalik-balik ang isip sa mga sandaling naririto Maghihintay paulit-ulit, kahit sampu o labing-walo Aalis, aasa, darating, maliligayahan Ihahanda ang damdamin sa walang kasiguraduhan Ikaw, ako, tayo Ang magdidikta sa mundo Kung saan, paano at sino pero hindi ang kailan Kung bakit, kanino, pero hindi ang dahilan Ikaw, ako, tayo Ang magsasabi sa mundo Na ikaw at ako ang pipili sa isa't-isa Tayo ang hahawak, hindi ang tadhana Sa simula, gitna, dulo at pahabol na kapitulo Ikaw lang at ako ang magsasabi sa mundo Na araw-araw akong maghihintay Sa pagsikat man o paglubog ng araw Na taon-taon akong aasang babalik Ang dahilan kung bakit patuloy na umiibig Hindi isa, hindi dalawa, hindi dalawampu't walo Kundi paulit-ulit hanggang tayo na sa dulo
0
Oct 10, 2015
Oct 10, 2015 at 2:53 PM UTC
Paulit-ulit
Isa, dalawa, tatlo Ikaw parin ang laman ng puso ko Apat, lima, anim Sana ay ako parin Pito, walo, siyam Sana'y hindi pa ito ang huling paalam At ang panghuli ay sampu Na nagsabi sayo ng "I love you" Umaasa ako na mapapansin mo din ako At sa huli ay magiging tayo Gamit ang mga numerong ito Ay ang mga rason kung bakit kita inibig ng ganito Lahat ng numero ay babanggitin Hanggang sa ika'y mapasakin At kailanman ay hindi magsasawa, Magsasawang maghintay at sumaya
0
Jan 27, 2017
Jan 27, 2017 at 6:04 AM UTC
Numero
Nagbilang ako mula isa hanggang sampu Sana sa pagdilat makalimot na ko… Isa, dalawa, tatlo Tatlong araw mula nang magkakilala tayo Hindi batid kung ano ba ang pakay mo Mga nakakakilig na salitang binibitawan mo Sabi ko, "Hindi ako magpapauto." Apat, lima, anim Naalala ko pa ang araw ng iyong pag-amin Kaba at hiya bumalot sa iyong damdamin Tuwa at saya nangibabaw nang ako'y napa-oo Sabi ko, "Susugal ako kasi alam kong tatayan mo ako." Pito, walo, siyam Sa palipas ng panahon tila ika'y nagbago Biglang lumamig ang iyong pakikitungo Dumating ang oras ng katotohannang kinakatakutan ko Sabi mo, "Pasensya kana, kailangan ko lang ng espasyo." Sampu Sa lahat ng mga pinangako at sinabi mo Isa lang ang tapat at naging totoo Ngunit nagbubulag-bulagan ako Dahil sabi mo, "Nagsisisi ka dahil ako'y nasaktan mo." Gaya ng sabi ko Pagbilang ko nang sampu Sana makalimot na ako Ngunit heto pa rin ako Naniniwala sa mga matamis **** pangako Kahit alam kong nagsisinungaling ang puso mo
0
Sep 1, 2022
Sep 1, 2022 at 10:49 AM UTC
Sampu
Kethte hai log pyar aur jung me sab jayas hai... To kyu do dilo ko milne par itni jhanjhat hai... Kehte hai log pyar aur jung me sb jayas hai... To kyu majhab ke naam par pyar ko alag krne ki Ibadat hai.... Kehte hai log pyar aur jung me sb jayas hai... To kyu do **** ek jaan hone par sabko sikayat hai... Kehte hai log pyar aur jung me sb jayas hai... To kyu pyar krne walo ko milne par itni siyasat hai... Kehte hai log pyar aur jung me sab jayas hai... To kyu do dilo ko dur karne ki sabko ijjazat hai... Kehte hai log pyar jung me sab jayas hai... To kyu pyar krne walo ko saadi ki itni tension hai... Kehte hai log pyar aur jung me sab jayas hai... To kyu jamane me pyar krna galat hai... Kehte hai log pyar aur jung me sab jayas hai.. To kyu pyar karne wale itne badnaam hai... Kehte hai log pyar aur jung me sb jayas hai... To kyu do dilo ko alag kiy jate hai... Kyu pyar karne wale sath jeene ke bajae marne ko chunte hai... Log kehte hai pyar aur jung me sab jayas hai... To pyar ko majhab ke naam par, jaat ke naam par, alag karna kahan ki insaniyat hai... Log kehte hai pyar aur jung me sab jayas hai... Sahab pyar karne walo ko alag karna jayas nahi...unhe milana milne dena jayas hai... Ajj se mat kahiy ki pyar aur jung me sb jayas hai...sb Jayas hai
0
Dec 6, 2018
Dec 6, 2018 at 8:44 AM UTC
Pyar aur jung me sab jayas hai
Hassle. Nagsulat si Fidel, Pero anong nangyari? Walang napala sa isang daang tula, Luha ang kapalit at sakit ang sinapit Dahil pinilit ang gusto pero ang gusto niya ay pumili ng iba. Kaya hindi na kita gagawan ng isang daang tula. Titigil na dito sa pang pito at hindi na tutuloy sa walo. Talo. Talo lang din naman kahit umabot pa ng singkwenta, Dahil hindi naman benta sayo ang mga pakulo, Ang mga salitang kinumpila para iparating na ika'y gusto. Ano na nga ba ang gagawin ko? Ititigil na ang pag titig sa litrato, Lalabanan ang isipan na pagbulay-bulayan ang mga dahilan kung bakit hindi maaring maging tayo. Piniling hindi ka na alayan ng 'sang daang tula. Piniling alisin ka sa aking haraya. Pinipiling maging malaya. Magpapaubaya. Pero minsan talaga 'Di mapigilan magsulat ng isa pa At isa pa, Hanggang sa nakakatawa na Dahil umabot na pala sa isang daan ang mga tula.
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 10:00 AM UTC
Hindi na Kita Gagawan ng 100 Tula
Isa, dalawa, tatlo Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo Apat, lima, anim, Magmadali, papatak na ang dilim Pito, walo, sa rimarim na ito sa’yo’y walang sasambot siyam, sampu pipindot na sila sa gatilyo Naaalala ko pa noong matiwasay pa ang lahat tahimik bukod sa sipol ng hangin na rinig na rinig walang ingay sa paligid puti ang sahig – linis hanggang gilid Naalala ko pa noon, walang pangambang tahi sa bawat isa sa t’wing pumapatak ang gabi Madilim ang lansangan, ngunit may liwanag ang daan Di mag-aalalang umuwi, ‘di magugulumihanan Naaalala ko pa nung una silang pumindot sa gatilyo Nayanig ang paligid, nagulo ang tahimik Tintado na ang sahig na dating puti ng dugo mula sa bago nilang kitil. Naalala ko pa noong nagpasabog sila ng bomba Nabingi ang lahat sa ingay na likha, mga tarantang mukha, mga takbong halos ikadapa mga matang labong labo na ng mga luha Naalala ko pa noong kinuha nila si itay lupa raw namin ay ayaw niyang ibigay pinuno ng latay, inuwing akay-akay - muntik na siyang mamatay - walang kamalay-malay na kami’y unti-unting pinapatay ni walang panahong makinig saming salaysay May dugo ang bigas na iginagatong ninyo May bakas ng dahas ang pagkaing hapag sa kainan ninyo Mga sigaw na busal ng kasadong gatilyo May namamatay na dito makinig naman kayo! Isa, dalawa, tatlo Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo Apat, lima, anim, Magmadali, papatak na ang dilim Pito, walo, pipindot na sila sa gatilyo Siyam, sampu
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 12:31 PM UTC
Untitled
Nagsimula na ang bilang mo, Isa, dalawa, tatlo, Nagsimula na ang aking pagtakbo, Apat, lima, anim, Nagtago na ako mula sayo, Pito,walo,siyam, Napakadami na ng aking hinakbang papunta sa dilim, Takot man ako sa mga nilalang ng kadiliman, Handa akong tumakbo papunta rito, Basta’t makalayo lamang sayo. Hindi ko na narinig ang pagtatapos ng iyong pagbibilang, Hindi ko alam kung sino na sa atin ang nagtatago’t naghahanap, Patapos na ba ang ating laro? Kaya’t uuwi ka na lamang, at magpapahinga sa bahay niyo? Lumalalim na ang gabi, Natatanglawan na tayo ng mga bituin, At mga alitaptap na tila kumikislap ang mga pakpak, Ikaw ba’y naglalakad palayo sa akin? O ako ba ay tumatakbo lamang paalis? Gabing gabi na, Tayo pa rin ay nagtataguan sa ilalim ng buwan, Maglalakad na ako mula dito sa aking taguan, Papunta sa iyong tahanan, Wala na akong pakialam, Kung ako man ay mataya o di kaya’y madapa, Basta’t matapos na ang ating taguan, At pagkakita ko sayo, Sa dati **** pwesto, Natapos ang iyong pagbibilang, Sampu, narito na ako, nahanap na kita, Hindi pala ikaw ang taya, Aking mga mata lamang pala ay dinadaya, Natapos din ang ating taguan, Nahanap na kita, nahanap mo na ba ako?
0
Sep 6, 2016
Sep 6, 2016 at 4:50 AM UTC
“Natapos din ang paghahanap”
Pagsinta na ipinanganak sa buwan na kulang-kulang ang mga araw Kadalasan ay dalampu't walo at sa tuwing ikaapat na taon nagiging dalawampu't siyam Winawangis sa tagsibol ang panahon ng pagsilang Kaya magiliw ang hangin, bagong simoy hatid ng dalampasigan Ang dapyo ng Amihan simbanayad ng paghinga sa pumapagaspas na dahon sa bumabaluktot na sanga Dahan-dahan nang nanaog ang kaluwalhatian ng langit sa mga batang umiibig sa mga binatang naghihintay nang nanabik Sa sumasangang pag-irog dalawa o mahigit pang katipan marami ang nagugustuhan Walang wasto at tiyak na kamalian sa pagmamahal Di ang mayayabong bukirin at nagsitaasang gusali ang makapaghahadlang Maging ang mga naging bulag na ay matuwid kung lumakad sa daan Sa batas ng pag-ibig ang kalooban ang magtitiis kung magkasala ang damdamin ang maghihinagpis
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 1:47 AM UTC
Puso ng Pebrero I
UWIAN: Unang hakbang pagpasok sa tarangkahan. Pangalawa, at tumingin sa daan. Pangatlo, at tumingala sa kalawakan. Saka naglakad pa ng isang daan at tatlumpung hakbang, Sa apat, hanggang lima narinig ko ang andar ng jeep ni Ama Sa anim hanggang pito narinig ko ang pagkukwenta ni Ana. Sa walo hanggang siyam nakita ko ang tongitsan ni Manang. Sa sampu hanggang labing-isa umiwas sa konstrukyon ni Saavedra. Sa labing-dalawa at hanggang labing- tatlo ay narinig ang sigawan nina Agnes at Cito. Sa bawat bahay, at taong nadadaanan Tanging pagkaway at ngiti lang ang nadadatnan. At ilan lang ito sa mga bagay na inuuwian. Nagpatuloy sa paglalakad hanggang umabot sa abandonadong bahay, Madilim man, at magulo sa loob. Ngunit amoy na amoy pa rin Ang buhay na puno ng sampaguita. Pumitas ako, inamoy pa ito, at nagbaon ng ilan nito. Ipinikit ang mata ko, at saka linanghap ang mabangong amoy nito. Saka naglakad pa at pumapasok sa aking tahanan.
0
May 22, 2015
May 22, 2015 at 4:14 AM UTC
UWIAN
Abalang-abala ka sa pagtitipa ng istoryang nais **** magawa. Hindi inalintana ang malamig na simoy ng hanging pumapasok mula sa bintana ng iyong silid. Nasa kalagitnaan ka na ng iyong pagsusulat ng biglang namatay ang liwanag sa iyong silid. Napatigil ka at doon ay damang dama mo na ang lamig na nanunuot sa iyong balat. Tinanggal mo ang iyong antipara at nagsimulang kumapa-kapa sa dingding upang matunton ang kinaroroonan iyong maliit na lampara. Nagsimula ka nang magbilang mula sa sampu sa iyong isipan Sampu. Siyam. Walo. Pito. Anim. Lima. Nasa panglima ka pa lamang nang may napansin kang liwanag na tumatagos sa iyong silid mula sa iyong bintana. Apat. Sinundan mo ang liwanag na iyon nang magbilang ka na ng... Tatlo. Dalawa. Isa. Sumigaw ka sa pagkagulat nang tumapat ka sa repleksiyon ng liwanag na iyon. Ang sigaw mo ay umabot sa buong silid mo hanggang sa inyong bahay. At doon ay narinig mo ang mga yabag na patakbo sa iyong silid. Nang bumukas ang pintuan ng iyong kuwarto ay tumambad sa iyo ang liwanag. Tinanong ka ng iyong ina at kapatid. "Akala naming kung ano na ang nangyari sa iyo e," "Repleksiyon mo lang pala ang nakita mo," "Natakot ka sa mukha mo?" Pinigilan **** huwag tumawa nang mapalingon ka sa isang salaming kasing tangkad mo lamang at doon ay nakita mo ang iyong... Kawangis.
0
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 2:24 PM UTC
Kawangis
PYAR ME JINE WALE KHUNASIB HOTE HAI PYAR ME MARANE WALO KE BHI NASIB HOTE HAI AJIB DASTA HAI YE MOHBAT KOE CHAHE KISIKO , KANHA HAR KISI KE AISE NASIB HOTE HAI.........<3
0
Apr 19, 2013
Apr 19, 2013 at 1:12 AM UTC
PYAR ME
Simulan nating magbilang Simula isa hanggang walo Simulan nating bilangin ang bawat patak ng ulan Kung saan tayo masayang nagtatawanan At hindi pa nababahiran ng kahit anong Sakit at pagdududa Simulan nating bilangin ang mga bituin sa itaas Kumikinang, nagbibigay liwanag Sa mga mata **** nanlalabo na At alam nang hindi na kayang ituloy pa Simulan nating bilangin ang bawat pahina Ng isang kwadernong punong puno Ng masasayang alaala, Ngunit isa na lang masakit na nakaraan Simulan nating bilangin kung ilang beses tayong Naging tayo, simula nang magtapat kang Ako'y iyong gusto Simulan nating... kailangan pa ba nating simulan? Masisimulan ba ang mga bagay na alam **** magtatapos naman? Masisimulan ba ang mga bagay, kahit hindi ka sigurado, Ay alam **** hindi naman tatagal? Simulan nating itanong, Bakit ako? Bakit hindi na lang iba ang sinaktan mo? Bakit hindi na lang yung isang babaeng umiinom ng kape sa gilid O kaya'y nagbabasa ng libro sa kabila. Bakit ako? "Mahal kita." Hindi naman talaga sa pagbibilang nagsimula ang lahat Hindi naman sa numero, o sa ulan, o sa bituin Dalawang salita... Dalawang salita lang at nagsimula na ang lahat Dalawang salita kung saan ang ako at ikaw ay naging tayo Dalawang salita kung saan natapos din ang lahat Simulan ulit natin, Simulan natin, sa kung ilang kataga ang sinabi mo Nang ika'y umalis Simulan natin sa dalawang salitang sinabi mo sa kanya Habang ako'y hindi nagbibigay ng atensyon Simulan natin, sa kung paano natapos Ang nabuong ikaw at ako. Simulan natin, hanggang dito na lang.
0
Feb 17, 2018
Feb 17, 2018 at 11:27 PM UTC
Simulan

42
nasa mata ng tumitingin Meron ang Kagandahan, tulad baga ng maingay na musika sa pandinig nilang tulog - mantika, nangangamoy na ang sulo ng apoy Halimuyak pa rin meron ang Simoy, tila ba malabong bahain ng pag-asa Sila na nasa Seguridad ang panlasa kagat - labi man ang pagtiim - bagang habang iniinda ng kalingkingan ang matimbang na tawag ng inang - kalikasan animoy gantimpalang maitituring ang abot - kamay na pangarap sa pahalang na ilog ng kaulapan na may samut - saring pasaring... dinaramdam ng katauhan ang bawat hangaring Huwag masaktan ang puso kahit ni- ang mga kalamnan Ngunit sadyang nangyayari ang hawi ng kabiglaanan,, Mga balya at salya ng pagsibol ang huwad na kasinongalungan at ang patotot ng katotohanan... bilang Isang mamamayan ng pagsubaybay doon sa mga tulak ng tugma sunog-bahay kahahantongan ng maling bitaw sa batong hawak para sa sungka, Bilang ng mga nilalang kapwa paikot-ikot lamang na tila ba kumpol ng mga balahibong-pusa na tinayoan Umakyat sa leeg ang dagang dati - rati ay nasa dibdib... Maibulalas lamang ang silakbo at simbuyo na kay - tigib. Bilang na pala ang oras at sadyang di namalayan sa LibLib, Magwawakas na pala ang isa- dalawa tatlong pag - iigib sa balong malalim na may apat - lima anim na pakikipag - anib Nalagot ang lubid , nahulog ang sisidlan ng tubig... at natinik sa paglukso ng pag - ibig yaong pawang mga nakayapak Ngunit babangon sa tuwing madarapa ang siyang naiwan na balak Ganyan po ang aral ng Liwanag sa dilim Gabayan ang hangal sa aninag ng lilim ! ika - P i T o .. ika - Walo Hipan lang ang siLbato, bundok man o sa ibayo Siyaman na ulap ay TanTo, Lalaya din ang pangsampo Magtatagumpay ang bunso !!! DahiL ako ang nagsulat nito MarahiL nabatid mo na ang pulso Biyaya ng MaykapaL wag i- abuso Kung tinamaan Ka man ng bagyo Kalimutan ang Tampo at Siphayo
0
Dec 31, 2022
Dec 31, 2022 at 2:35 PM UTC
pito

41