Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"unahin" poems
Naranasan mo na bang magkaroon ng crush? Siyempre oo! Sino ba naman ang hindi mararanasan iyon? Sabi mga nila, abnormal saw ang walang crush. Minsan sila ang dahilan kung bakit ka nag-aaral ng maayos. Sila ang dahilan kung bakit ka nag-aayos ng buhok, nagpupulbos, pumoporma, at marami pang iba. Siyempre, para saan ba iyon? Para magustuhan ka o kaya ay mapansin. Minsan mga kahit simpleng pagsasabi sa iyo ng crush mo ng "hi" ay halos mabugbog mo na iyong katabi o kaya ang kaibigan mo sa sobrang kilig. Pero minsan, hindi mo maiwasang magselos sa mga ka-close niya. Grabe, di ba? Kahit simpleng crush lang iyon, nagseselos ka pa rin, at minsan dumarating sa time na kailangang mag-move on kahit wala kayong relasyon. Pero paano kapag nalaman mo na may syota pala siya? Kahit crush mo lang, siyempre masakit pa rin. Kasi umasa ka rin naman na sana magustuhan ka niya. Bakit ka umaasa? Dahil nadala ka sa imagination mo, like magiging kayo o liligawan ka niya. Hindi naman lahat ng imagination ay nagkakatotoo. Sabihin naging 30% pwedeng magkatotoo pero 70% pa rin ang imposible. Kaya mga sabi nila, "Expectation is the root of all heartaches." Dapat matuto tayong kpntoplin ang sariling nararamdaman dahil hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin. Ang pag-ibig ay kusang darating dahil bawat tao ay may nakalaang makakasama habangbuhay. Mga bata pa tayo para royan, Hindi pa natin kayang buhayin ang sarili natin. May oras na dapat itabi ang mga pansarili at unahin ang makabubuti.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:42 AM UTC
Pag-ibig Ng Kabataan ...

Continue reading...
12
Ano nga ba ang pag-ibig? Nakakain? Naluluwa? Natututunan katulad ng aralin o nababasa katulad ng mga maiikling tula? Nanggaling ba ito sa mga kwentong banyaga at kwentong matatanda? Siyensya? napaliwanag na ba niyan? sa totoo lang di mo yan napag-aaralan, kusa mo kasi yang mararamdam. di mo rin yan pwede ipilit, para kasi yang tao, kusang yang pumipili. di rin yan nakakain katulad ng paborito **** chicken o ng paborito **** pansit bihon, miki o canton. hindi rin mahahalintulad sa mga palabas o mga kwentong wattpad na mababasa mo sa libro. at para sa iba, sabi, pana raw ni kupido ang dahilan tinig ng sirena naman ang kwento ng iilan. di naman dahil raw kasi sa naaakit sila sa panlabas na kaanyuan. hahahaha kalokohan. Wala pang nakakapagpaliwanag niyan. siyensya? pwe, di lahat kaya niyan patunayan basta para sa akin, isa lang ang alam ko diyan. Ang pag-ibig ay regalo mula sa langit. di mo na kailangan pag-aralan, di mo na kailangan pagexperementuhan di mo na kailangan ng kahit na anong katibayan. tandaan mo lang. Regalo yan ng may kapal. kaya bilang tipikal at praktikal na estudyante, wag kang magmadali, darating rin sayo ang mga bagay na ganyan Di mo lang alam, matagal nang nakasulat sa tadhana mo ang kwento na nakalaan sayo. wag **** pangunahan! imbis na pairalin ang tibok ng dibdib, subukan paganahin ang isip. MANGARAP! MAG-ARAL! MAGPURSIGI! wag muna maglandi! pag-aaral ang unahin para makabawi sa paghihirap ng mga magulang natin. at huling pasabi para sa lahat ng kabataan at basta paalala sa lahat ng umiibig, wag **** hayaang mabihag ka ng kalituhan ng mundo protektahan mo sarili mo. yakapin mo ang puso mo. Regalo ng may kapal, Pangalagaan mo.
0
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 1:02 PM UTC
"Charot lang ng Pag-ibig"

40
dahan-dahan **** itaas ang kamiseta kong iyong nilamog, nilasog, nilukot-lukot kurutin mo ang kaluluwa kong tunay na alay sa iyo unahin mo ang aking labi bumulong sa pagitan ng mga halik dila'y umiindak sa sariling ritmo mahal kita, akin ka, mahal, halika paibabang mga halik, hihinto sa leeg isa-isang taluntunin ang mga bituin sinag sa aking balat, iyong intindihin idampi ang mga daliri sa aking dibdib himurin ito, kilitiin, at ipadama ang sansinukob na sa atin lamang lapnos ng iyong mga halik ay hahanap-hanapin animo bakas ng iyong papalayong yapak kabog ng puso'y umuugong sa silid hihigpitan ang kapit sa iyong buhok at susunggaban ang iyong labing sabik na sabik naghahalo tayo na parang makulay na pintura kaanyuang magkasalungat ay ating pinag-iisa inihahain ang sarili, punong-puno ng tiwala sirain mo ako sa pinakamagandang paraan isalin mo ang iyo, huwag mabahala
0
Oct 17, 2015
Oct 17, 2015 at 2:51 PM UTC
unang sayaw
#012116 #Genesis "Ikaw na siyang tagapangalaga ng mga tupa, Habang ako'y hamak na ligaw lamang, Sa lupaing yaong paraiso sa inyo. At kagandahan mo'y Siyang bukas kong may sigla." "Ginoo, ako'y hanga sa iyo Pagkat tupa ko'y iyong diniligan. Ni hindi mo sinadyang ako ang unahin." "Hayaan **** pagsilbihan kita, Kahit pitong taon pa. Giliw, ako'y maghihintay. Mabilis lang ang araw Sa pusong tunay na nagmamahal." "Paumanhin, tila nabalewala ang iyong pagpapagal. Kaya mo pa bang ako'y ipaglaban? Kung hindi ma'y, sana'y sambitin mo Nang maarok ko ang tugon mo." "Sinta, ako ma'y subukin pa Ng pitong taong muli. Ipaglalaban pa rin kita, Pagkat pag-ibig ko'y hindi limitado ng panahon." "Salamat pagkat ikaw ang kabiyak, Puso mo't lakas, tila'y napagod. Hayaan **** ako mismo Ang siyang magbigay kapahingahan."
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 9:34 PM UTC
Jacob and Rachel
umuulan nanaman pala. paglipas ng takipsilim ang akin isipan ay patuloy na binabalot ng kadiliman. ilang oras nang naninimdim sa gabing lumalalim. kasabay ng pag buhos ng ulan ang pag agos ng mga luha na dulot ng kalungkutan, umaasa't naghihintay pa rin sa iyong muling pagdating. naiinip at  kung minsan pa'y napapailing, kailan kaya muling makakapiling? ilang nakaraan na ang lumipas subalit ang puso'y patuloy pa ring kumakaripas. naiwan sa 'king isipan ang mga bakas **** pilit kong tinatakasan. mga alaalang bumabalik sa mga yakap at halik mo'y patuloy akong nananabik. umuulan nanaman pala. kasingtulad mo ang isang paparating na ulan; darating, magpaparamdam at pagkatapos ay mawawala lang din pala. hindi ko maiwasang hindi maging malungkot sa sakit na iyong idinulot.  ang paglakas ng ulan ay siya ring pagkirot ng sugat na iyong iniwan. nakagapos pa rin ako sa iyong mga pangakong napako, gabi-gabi pa ring nararamdaman na para bang nakapaloob sa sako. umuulan nanaman pala. maalala ko na naman ang sugat na aking napala. luha ko'y patuloy na sumasabay sa pag agos ng ulan subalit lungkot ko'y hindi pa matangay. nararamdaman ko ang lamig ngunit mas nararamdaman ko ang muling pagyanig. mahal pa rin kita, sinta. ngunit gusto kong ika'y kalimutan na. subalit paano? sa tuwing umuulan ay ikaw ang aking naaalala. paano ba matatapos ang paghirap na nadarama? kapag kaya sa wakas, ang ulan ay tumila na? matagal na rin pala. siguro'y panahon na upang sarili ko naman ang aking unahin at palayain. para sa ikalalaya ng aking pusong iniwan, para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan. sisimulan ko na— sisimulan ko nang makalimot. pero teka lang muna— umuulan nanaman pala. 'wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala. huwag naman sana dahil— dahil— maaalala na naman kita.
0
Nov 3, 2020
Nov 3, 2020 at 3:20 PM UTC
alaala ng ulan

13
sa konting diperensya unahin ang pasensya na merong hustisya bago ang sintensya ituring ang mga babae na parang KRISTAL kasintahan man o hindi,makasama o hindi sa PEDESTAL paka-ingatan damdamin nila na HUWAG MAG-KRAK natutunan kong karanasan IWASANG MANG-WASAK!
0
Dec 26, 2015
Dec 26, 2015 at 10:45 PM UTC
=_halo at luha_=
Kurso sa Batas ang napagtagumpayan Nagsimulang **** hanggang Pangalawang Pangulo Isinulong ang Bayanihan at Unahin ang Bayan Napasigla negosyo, kultura at nasyonalismo. -12/23/2014 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:28 PM UTC
Pangulo Parin Kahit ‘Di na Pangulo (Carlos Garcia)
Mga bagay na gustong gawin Mabibigyan oras upang tuparin Ngunit wag muna itong unahin Dahil alam **** marami ka pang gawain Nakaabang mga takdang aralin Naghihintay na gawin Ikaw man ay malaya Dapat alam mo pa rin ang kahalagahan ng iba Iba tulad ng iyong pag aaral na nangangailangn ng pagpapahalaga Sa pag gawa ng mga bagay na iyong ikasasaya Wag kalimutan ang nararamdaman ng iba Baka ikaw ay may nasasaktan na Mas magiging masaya ka Kung alam **** wala kang nasasaktang iba Ang pagiging malaya Sa paggawa ng mga bagay na iyong ikatutuwa Ay nakapag papa aliawalas sa iyong mukha Dahil ito ang dahilan kung bat ang ngiti mo ay masisilayan sa iyong mukha At sa iyong mata makikita ang kinang na dulot ng kalayaang natatamasa Pero wag kakalimutan ang pagkakaiba Ng pagpili sa mali at tama Ikaw man ay naturingang malaya Dapat alam mo pa rin ang makabubuti at makasasama Bigyan ng limitation ang sarili, tama naman dba? Dahil baka sa sobrang saya na iyong madarama Ikaw ay maging pabaya Buhay moy malagay sa isang sitwasyon na ndi kaaya aya At pagsisisi lamang ang makikita sa mukha
0
Sep 14, 2020
Sep 14, 2020 at 11:58 AM UTC
Kalayaan
Aking binibini Nagaantay na ang probinsya sa iyong yakap at halili Pukawin mo ang himbing lupang sabik sa iyong pagkalinga at serbisyong mapitik Ngunit kung ikaw man ay hirap na Nandito lang ako Ang iyong magiging kwarto Pupunasan ang stress at anxiety mo Matulog kana ng mahimbing Pagkat bukas sa liwayway ay syang pagsibol ng hangin Unahin mo muna ang iyong nasasakupan Bukas makalawa ay ako naman.
0
Jul 12, 2020
Jul 12, 2020 at 11:37 AM UTC
to the governor
Ang TED sa puso ko ay parang Lireo ng Encantadia Bughaw ang simbolong kulay nila Narito ang mga Sanggre o dugong bughaw ng Encapsudia Danaya/Dela Cruz, Amihan/Arriola, Pirena/Penson, Alena/Araneta Ang TED sa puso ko ay parang Terran sa Starcraft na laro Bughaw ang sagisag na kulay ng mga ito Nais nila ang pangunguna at pamumuno Nasa dugo ng lahing tao – katangian ng pagiging **** Ang TED sa puso ko ang nagturo sa akin Kung paano ang pagiging **** ay tangkilikin at mahalin Mag-aaral higit sa lahat ang dapat unahin Responsibilidad sa klase ang dapat atupagin Ang TED sa puso ko ay parang Terran at Lireo Dito ko nadama ang pangarap kong totoo Ang maging tao na makaguro, ang maging **** na makatao Salamat sa mga taga-TED na naging bahagi ng buhay ko! -10/23/2017 (Dumarao) *a tribute to TED of CapSU-Dumarao
0
Sep 28, 2019
Sep 28, 2019 at 10:06 PM UTC
Ang TED sa Puso Ko
minsan, mapapaisip ka na lang kung tama bang bumitaw ka sa isang taong di sayo susuko. minsan, mapapaisip ka na lang kung tama bang umalis ka sa relasyong alam **** ikakasira mo. minsan, mapapaisip ka na lang kung tama bang nawala ka sa mundong ibinigay niya sayo. andaming minsan na pumapasok sa utak mo pero, madalas mapapaisip ka na lang na tama yung ginawa mo kasi kailangan **** unahin sarili mo.
0
Jul 15, 2018
Jul 15, 2018 at 10:39 PM UTC
minsan
kahit na gusto kita ayoko na maghintay ka sa wala, balewala. simula pa lang nung umpisa naglaro na tayong dalawa diba? pasensiya na. di ko naman sinasadya na mahulog ka sa isang tanga. akala ko ay kaya kong bigyan ka, isang bagay na ako pala’y wala. kasi di pa natin oras. masyado tayong nagmadali. ngayon pareho tayong mali. pagmamahal kong ningas kugon, pakinggan aking tugon: unahin ko muna sarili ko. gusto kita, pero mas gusto ko sarili ko.
0
Dec 14, 2019
Dec 14, 2019 at 2:36 AM UTC
pasensiya
Gawin mo'kong pang-apat sa 'yong mga prayoridad; sarili, pamilya at pangarap. Huwag kang mag-alala, hindi ako makikipag-agawan ng puwesto sa mga bagay na nararapat **** unahin, bagkus ay susuportahan kita at kung dumating man yung araw na kailangan mo munang lumayo upang abutin ang iyong mga pangarap—ihahatid kita. Hihintayin kita. Naniniwala akong may tamang oras na nakalaan para sa'tin ang mundo kung kaya't hindi na muna ipipilit ang mga bagay na hindi pa napapanahon. Darating din tayo dun. Kapag tama na ang panahon. Kapag sumang-ayon na ang pagkakataon.
0
May 23, 2023
May 23, 2023 at 8:47 AM UTC
Untitled