Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pakanan" poems
Pabalik-balik ka Hahakbang nang pakaliwa , Hahakbang nang pakanan. Yapus-yapos ako ng aking kinahihimlayan Balakid nati'y salaming Bahagdan lamang ang kinalalagyan. Puti ang daan patungo sa iyong tuntungan Sumusulyap ka nga't Mensahe'y kusang tanong Tinipon at binahagi sa pagkatao. Malabo ang salamin sa harap Dito sa amin at sa kalye sa looban Kung saan dinudumog ito Ng mga kliyenteng Buht sa iba't ibang pintuan. Takipsilim na Tangan-tangan ko ang susi palabas Nang tumambad ka't Ilang metro lamang ang distansya. Nagtagpo ang pawang paningin Bagkus kailangan na ring pigilan ng sandali Nauna ka Pagbaba ko'y hindi na muling nasilayan Anumang aninag ng iyong lihim na pagkatao. Mayroong kumaway sa akin Isang pamilyar na tauhan sa sarili kong kwento Dati ko palang **** sa asignaturang Ekonomiks. Tinugon ko ang pagtawag niya sa akin Aba't ang oras ang huminto Ninakaw ng kanyang katabi Ang pagtingin buhat sa tumanggap ng pagtugon. Naroon ka, hawak ang manibela Ako'y nauupos na kandila Ako'y hinahanging saranggola Isang bulang hinihele ng musikang walang liriko. Hindi ako naging epektibo sa kausap Doon ang pasimula ng kwento Hihintayin ko ang muling pagsirit ng nanlilisik na araw At ang lahat ay kapwa Pausbong na ala ala na lamang.
0
Jul 3, 2014
Jul 3, 2014 at 7:12 AM UTC
Stairway to Your Heart
#110316 #Libis Sa ruta kong di malaman Kung pakaliwa ba o pakanan Doon ka naman naglaho, sinta At tanong ng puso'y nasaan ka na? Sa ulap na walang dalang ulan Di mawari kung maghihintay ba Sabihin mo, hanggang kailan? Sa hangin na hindi umiihip Tila sa ikot ng mundo'y naiinip Nasaan ka na? Sa araw na walang ilaw at sinag Tagos sa puso't damdamin ang pagkabanaag Kakagat ang dilim Pero bubuksan mo ang liwanag Ito ang ating takipsilim Bangon, itapon ang kumot na buhat sa dilim Sasabay ako sa agos mo Kung yan naman ang nais mo Sasabay ako sa pag-ibig mo Mamahalin kita hanggang sa dulo ng mundo Sasabay ako sa ihip mo Bawat letra'y siyang mensahe mo Sasabay ako sa pag-ibig mo Mamahalin kita magunaw man ang mundo Hanap-hanap kita Sa eskinitang may mga tagong kwento Sa mga tagpong hindi nagtatagpo Sa mga lirikong walang tono Sa mga pagkakataong di nagkakataon Sa mga luhang tiyak ang emosyon Sa mga ngiting nakabibitin Sa mga kulay na pinipintang may buhay Narito ka pala, narito ka pala.
0
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 7:50 AM UTC
Sabay
Walang salitang “sayang” Hindi tayo sayang, Dahil may mga panahon na tayo lang ang nakakaintindi sa isat-isa. Hindi alintana ang alingawngaw na dala ng lipunan, Mga bibig na hindi magkamayan sa pagtutol. Hindi sayang ang mga panahong sabay nating tinahak ang mundo imbes pakanan ang ikot ay mas pinili natin ang pakaliwa. Hindi natin nasayang ang mga oras ng katahimikan, dahil sabay natin itong sinalin sa musika at sabay nating sinayaw ang tugtog ng ating mga puso. Sabay nating niyakap ang kahinaan ng bawat isa, nagsilbi tayong lakas na kayang pumawi ng panghihinang hatid ng mga mapangahas na hamon. Walang lakad na nasayang, dahil sabay nating hinakbang ang ating mga paa patungo sa di malamang dito, doon, d’yan at kung saan man. Walang takot na naramdaman dahil sabay nating sinilip ang kung anong merong hatid ang kabilang daigdig. Walang sayang, Kahit sabay nating kinumpas ang ating mga kamay upang magpaalam. Walang sayang. Dahil sa mga oras na iyon alam natin, ang kabilang mundo ay pansamantala lamang. Alam natin na ang mundo ay iikot muli sa atin, at sa pangalawang pagkakataon. Magtatagpo tayong muli, Hanggang sa susunod nating pagkikita. Paalam. ­­­­
0
Mar 28, 2018
Mar 28, 2018 at 3:05 AM UTC
Hanggang sa muli nating pagkikita
#102516 #Manila Ililiyad ko ang mga kamay Pakanan at pakaliwa At hindi ako mapapagod, Hindi ako mangangalay. Tangan ko ang sari't saring mga bagahe Iba't iba ang sukat Batay sa kapasidad ng bawat isa. Pero sila rin ang pumili; Kailanman, di ko sila diniktahan. May ibang kaya nila, may ibang hindi May ibang nang-iiwan, Ikaw na raw ang bumitbit. Lilipad ako, higit pa sa agila Lilipad ako pero hindi ako kakampay. May engkwentro sa ere, May digmaan sa himpapawid. At hindi ako paiihip Kahit pa taliwas ang hangin. Ako'y tutuloy lang -- Makalalapag din ako, Kaya't hintayin mo sana.
0
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 8:02 AM UTC
Eroplano
Dilaw na sinag ang bumungad sa aking kamalayan Habang sumasayaw ang ulap sa bintana Umaawit ang electric fan kasabay ng mga mumunting ingay sa labas ng kwarto Kailngan maghanda dahil ngayon ay mas espesyal pa sa nagbabagang balita sa radyo. Almusal ligo toothbrush bihis na daig pa ang artista sa telebisyon Beso beso, kamayan, tawanan, yakapan, galak, sa mga taong namiss mo noon Preparado ang lahat, nakisama ang panahon Kakausapin ko si Ama na may buong buong desisyon Naguumapaw sa saya na may kasamang kaba Asan na pala sila? Anong oras na ba? Hanggang sa nagsimulang umawit ang mga anghel Isa isang lumakad ang saksi na may kanya kanyang papel Hakbang pakaliwa, hakbang pakanan, onti na lang malapit na Hanggang sa matunton ko ang harapan, naku eto na, kumapit ka Tila nanahimik ang paligid, nakatuon lahat sa nagiisang pintuan Hanggang sa bumukas at lumantad ang nagiisang kasagutan Liwanag. Oo sya ang aking liwanag. Dahan dahan papalapit, upang akoy mapanatag Kislap ang nangingibabaw sa buong kaharian Untiunting pagpatak ng luha sa galak namasdan Napakagandang nilalang, ang nagiisang dahilan Kung may araw sa umaga, sa gabi sya ang buwan Pagkahawak ko sa kamay sabay hinagkan Ngayon naririto kana hindi kana papakawalan Susumpa na animoy umaawit sa pinakamasayang pagkakataon Pagkakataon na tila munting bata na naglalaro sa papalakas na ambon Anong oras na? Alam kong alam mo na Kung paglagay sa tahimik ang tawag dun, ang sagot isigaw mo na Dahil bukas ay di na ko mangangarap pa Bagkus ang bawat bukas ang hanganan para mahalin kita Oras na ang nagbilang para mahanap natin ang isat-isa At kung nagsimula man ang bilang sa isa, magtatapos ang lahat sa labi-ng-dalawa Written: 08/01/2014
0
Aug 3, 2017
Aug 3, 2017 at 8:30 PM UTC
Anong oras na?

Continue reading...
33
Magandang gabi kamahalan Dito sa aking kinatatayuan sa baba ng labindalawang palapag ng hagdanan, Ikaw ang pinaka paborito kong pagmasdan, Saan man ang iyong pinagmulan, ikaw man ay lulan ng barkong hindi pangkaraniwan, hindi ko ikakaila na ikaw ang pinakamakinang sa lahat ng bituin sa kalangitan. Ikaw ang eba at ako ang adan ng makabagong kapaligiran Hayaan **** tuksuhin tayo ng berdeng kalikasan, Akitin ng mga huni ng ibon tungo sa sarili nating kaharian. Handa akong panagutan ang ating pag iibigan, hahamakin ang lahat maibigay lang ang iyong inaasam gagawin kong mundo ang dapat tao lang, baliin natin ang daan lumiko man tayo pakanan marating lang ang kabundukan patungo sa ating tutuluyan, Ikaw ang magsisilbing kanlungan, sa nakaraang minsang pinagdalamhatian. Ikaw ang magsisilbing lagusan, sa mga pintuang tinalikuran at pinaglaruan. Ikaw ang magsisilbing unan sa gabi ng kabilugan ng buwan. gagawin kong bintana ang iyong mga mata, tatahakin ang dilim, hinagpis, pagkapiit, itatakas kita.. itatakas kita sa mundong hindi lang ikaw ang bida, sasagipin kita sa paglubog ng barkong papaalis na, hahanapin kita, sisirin ko man ang kumunoy, languyin man ang lalim ng panaghoy.. hahanapin kita,... hanggang sa tayong dalawa nalang ang matira, sa mundong hindi ako mabubuhay kasama ka.
0
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 4:17 AM UTC
Prinsesa
Ang mabuti sa akin ay masama sa’yo Ang nagpatawa sa akin ay nagpaiyak sayo Ang simula ko ay siya mo namang dulo Ang pakanan ko ay pakaliwa naman sa’yo Bakit nga ba kailangang magkaiba pa tayo? Ikaw at ako na kapwa Pilipino Hanggang saan tayo dadalhin ng kanya-kanyang paniniwala? Hanggang kailan tayo paghihiwalayin Ng ‘’ikaw ang mali at ako ang tama’’. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Aug 2, 2018
Aug 2, 2018 at 11:01 AM UTC
Ikaw ang Mali,Ako ang Tama
Kapag natuyo na ang ilog , Hintayin mo ang mga ulap ... Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig Tatahan ang hinagap sa paghagilap ! Patingala ka man na masdan ako O kahit pa tanawin mo ako ng payuko Magmumula lagi sa kaliwa Aking simula patungo sa kabila , ikotin mo man ang iyong tingin pakanan Manunumbalik ako tulad ng isang orasan At sabik muli ako sa iyong masid sa lagusan, at tanging gabay lang ay hangin na may bahagdan... sa umagang may lamig kapagdaka ' y init At kapag ang ibaba nga ay nag-aalumpihit Ang kaitaasan ay napapasailalim Wari ay kabiyak ng kabibing walang lihim Bukas-palad mo akong minamalas at sinasalamin Habang tikom-bibig kitang tinatalastas at pinaparinggan Nang walang ibang ibig sabihin... Hanggang pawang totoo lamang ating anihin ! Kaya naman paulit - ulit ko itong binabalikan Dahil sa araw-araw mo akong Mahahagkan Gamit nga ang Lente ng iyong minamahal na sining.. Kapit lamang sa tuwina ako sa iyong paglalambing !!! Sapagkat ikaw nga ang magiliw kong siyentipiko Na may hawak ng tubong pansuri ng aking laboratoryo ! Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig , Tatahan ang hinagap sa paghagilap ! Kapag natuyo na ang ilog , Hintayin mo ang mga ulap !!!
0
Dec 31, 2022
Dec 31, 2022 at 2:29 PM UTC
" L a m i n a "