Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nainip" poems
Balang araw, Biglang babagal ang paglakad ng oras Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas Aawit ang mga langay-langayan At luluha ang kalangitan Luhang hatid ng matinding galak Sa wakas ay wala ng iiyak Dahil natapos na ang panaginip Salamat at hindi ka nainip Maraming istorya ang nais kong sabihin Inipon kong lahat para sa'yong pagdating Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay Kung paano kita hinintay Sa sandaling tayo'y magtagpo Doon lamang magiging perpekto ang mundo Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo Sana nga bukas kapiling ko na ikaw Sana nga bukas na ang ating ''Balang araw''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 3:43 PM UTC
Balang Araw
Maraming salamat Sa mala alamat Na kwento ng ating pagmamahalan Na dati ay walang hangganan Nauwi sa hiwalayan Nauwi sa mahabang gabi ng iyakan Nasaktan tayo pareho Pero hindi ako sumuko Tatlong buwan nag-isip Ngunit ika'y nainip Hindi ko na nasagip Natangay na ng hangin na malakas ang ihip Maraming salamat Sa lahat lahat Sa kahinaan at kalakasan ko Tinulungan mo akong magbuhat Tinuruan mo akong tumayo Pinangako sayo ang hindi paglayo Binago ako ng ating pagmamahalan Mga pangarap nati'y nagkakaroon ng katuparan Ngunit pagmamahalan natin nagkaroon ng katapusan Hindi na din natin nagawan ng paraan Na ayusin at bigyan ng pagkakataon Nagkulang na ata sa oras at panahon Ikakahon ko na ang lahat ng ating alaala Itatago sa isang parte ng puso ko kung saan wala ka na
0
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 9:23 PM UTC
Salamat
isang musmos na lahi isang munting nasyon parang itinanim na buto itinakdang sumibol at lumago sa paglaon ng panahon nag-aabang, naghihintay puno nang sabik pero kay tagal dumating tayo ay nainip tadhana nating tagumpay kailan kaya makakamit kasi apat na raang taon hanggang ngayon lulong pa rin sa putik nangangapa, nadadapa sa dilim mga butong nanginginig sa lamig mga isla pitong libong isang daan at pito ito ang ating lupang sinilagan, tahanan ng ating lahi pero nga bahay ba ito o burol? mga pangarap na masilayan ang mga sinag ng araw at mahagkan ang malayang langit mananatili lang bang panaginip dito sa bayang natutulog o kaya namang natutulog lang kunwari tanggapin mo na lang na humikbi, humagulgol, ibuhos mo man ang iyong luha walang darating kumayod ka man at magdamag magsikap diligan mo man ang lupa ng pawis wala pa ring mangyayari kasi dugo dugo lamang na dumaloy mula sa mga palad ni Hesukristo kung ang Kanyang pag-ibig ay babaha sa lupa ng parang delubyo ito ang nag-iisang paraan ang nag-iisang sagot: dugo dugo lamang na ibinuhos ang tanging makakatubos makakaahon makakaligtas sa atin
0
Mar 22, 2015
Mar 22, 2015 at 7:46 AM UTC
dugo lamang
Magrasang damit ng batang madungis tyang gutom at katawa'y malangis palaboy-laboy sa eskinita pagala-gala sa kalsada uupo sa sulok may katabing lata limos na inaabot ang lata sa mga tao nagmamakaawa para makakuha kahit kaka-unting barya Paglipas ng hapon at pagsapit ng gabi walang paligo at katawa'y makati ang naipon nyang pera kulang kulang sampu ang halaga di na matiis ang gutom nagkalkal ng basura sa tagal walang makita nainip, nakatulog, nahiga, ang naipong barya idadagdag nalang bukas sa lata
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 12:55 AM UTC
Palimos
#101915 Alam kong sayo ang sakay Medyo nainip ako buhat sa pagkabigo Nang minsang inabanga'y Nakaligtaang arkelado pala. Nag-abang ako, Pumara ng iba Pati ruta pala'y ibang ibayo ang salta. Ibang kalsada, Naglakad akong muli Oo, mas napagod May paltos at kalyo ang mga paa Sana'y naghintay na lang ako sayo Kahit walang kasiguraduhang Magbabalik para paangkasin. Bukas makalawa, Sa panahong hindi mala-Cinderella, Daraan kang muli Hihinto kahit di parahin, Aalukin akong sumakay Pagkat naihatid mo na ang iba. Ako marahil ang huling pasahero Bagkus alam kong may bakanteng silya Silyang inilaan at palaging pinapagpagan Nang hindi maalikabuka't Maihanda sa oras na nakalaan. Sasakay ako nang dahan-dahan, Hindi gaya ng dating may pagmamadali, Titingnan kong maigi ang hagdanan Nang hindi ako matalisod At may mahawakan. Sasakay akong may panibagong pag-asa Walang pag-aalinlangan sa pait ng nakaraan Marahil hihintong muli ang sasakyan Bagkus totoo nga't Makabababa na sa tamang hantungan.
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 12:42 AM UTC
Magbabalik sa Abangan
Maingay. Siksikan. Mainit. Nakaiinip. Nakipila. Naghintay. Isa. Dalawa. Tatlong oras. Reklamo nila. Reklamo ng lahat. Nainip. Umupo. Nakitabi. Nag-ingay nang nag-ingay. Maraming nagsidatingan. Kanya-kanyang kwento. Nagkwentuhan. Umambon. Umulan. Payong. Binuksan. Nakisilong. Pinayungan. Nagkwentuhan. Nagtawanan. Tarangkahan. Bumukas. Tulakan. Umuulan. Tulakan. Sigawan. Tulakan. Siksikan. Siksikan. Naapakan. Tulakan. Walang makapitan. Pinakapit. Kumapit. Tapak. Hagdan. Umakyat. Inalalayan. Humakbang. Umusad. Pinauna. Pinasalamatan. Nagapasalamat. Nagkangitian. Umakyat. Sinundan. Di nahagilap. Tinunguhan. Di nalaman. Kinalakhan. Di nalaman. Pangalan. Naaalala. Ngiti. Labi. Matang singkit. Matangos na ilong Berde ang bag. Pula ang damit. Sumbrero'y itim. Ulong maliit. Umupo. Hinanap. Hinanap. Hinanap. Di makita. Di mahagilap. Tanging maalala. Pagtulong twina. Nakababagot na pila. Siya nakita. Mahabang oras nakasama. Salamat. Pila. Sandaling nakasama. Alaala. Siksikang pila.
0
Feb 18, 2018
Feb 18, 2018 at 10:55 AM UTC
Pila
Isang linggo Isang daan at dalawang pu na oras. Mga salita mo'ng buo. Ang bumuo sa puso ko. Natakot ako na baka hindi ko masuklian Nakalimutan kung papaano. Umatras, umayaw, nag paalam ako. Nanatili ka. Sumugal ka. Sinabi ko, hindi ko pa kaya. Ayaw ko pa, pasensya na. 'Di ka na muling nag tanong. Unti-unti ng nawala Ang mga salita mo'ng bumubulong sa puso kong umaambon. Nainip ako, nag hahanap at nagtatanong. "What went wrong?" Mga salitang lumabas sa bibig ko. Ang salita na gustong itanong sa'yo. "I'm just trying to make you feel the same way you made me feel." ang sagot mo. Natauhan ako. Naiiyak. Naguguluhan. Nasasaktan. Nag-kukunwari na okay lang. "Naiintindihan ko. Pasensya." 'yan lang ang mga salitang binitawan ko. Nagpaalam tayo sa isa't-isa. Paulit-ulit na paalam, pero bakit? Bakit pilit tayong bumabalik sa iisang pahina? Dumating ang Marso, Kinausap kita. Nagtawanan pa tayo. Kamustahan. Hanggang sa humingi ako ng patawad. Pinatawad mo ako. Tinanong kita kung meron pa ba, pwede pa ba tayo? O huli na ba ang lahat? Limang oras tayo'ng nag-usap. Limang oras na nagkukulitan. Nakikinig ka pa rin sa'kin. Ganoon pa rin, parang walang nagbago. Pero di mo pa rin sinasagot ang mga tanong ko. Kung pwede pa ba? Tinanong kita ulit. Paulit-ulit. Hanggang sa nabitawan ko ang salita'ng "Mahal kita" "Pasensya ka na. Meron na akong iba." "Mas mahal ko siya." "Gusto ko lumigaya ka. Pasensya ka na." "I already have mine." "Kung kailangan mo ako. Nandito lang ako." At yan ang mga sagot mo.
0
Mar 23, 2021
Mar 23, 2021 at 2:49 AM UTC
Jew

Continue reading...
49
Balang araw, Biglang babagal ang paglakad ng oras Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas Aawit ang mga langay-langayan At luluha ang kalangitan Luhang hatid ng matinding galak Sa wakas ay wala ng iiyak Dahil natapos na ang panaginip Salamat at hindi ka nainip Maraming istorya ang nais kong sabihin Inipon kong lahat para sa'yong pagdating Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay Kung paano kita hinintay Sa sandaling tayo'y magtagpo Doon lamang magiging perpekto ang mundo Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo Sana nga bukas kapiling ko na ikaw Sana nga bukas na ang ating Balang araw.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:23 PM UTC
BALANG ARAW