Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mister J Sep 2017
Nung ika’y umalis at lumisan
At ako’y iwanan ng tuluyan
Tanging sinabi sa sarili ko
Kaya ko ‘to

Nung nalamang ika’y nag-iisa
At ako’y pilit na nagpapakasaya
Sambit ng pusong nagpapalakas
Kaya ko ‘to

Nung bawat sakit ay pilit bumalik
Bawat pagkukulang at bawat pasakit
Tinibayan ang loob at sinabing
Kaya ko ‘to

Nung sumagi sa isip ang bawat alaala
Sa bawat ngiti at bakas ng ligaya
Pilit kong pinagiisipan
Kaya ko ‘to?

Nung ika’y hinahanap ng puso
Sinisigaw sa bawat pintig nito
Naguguluhan na ako
Kaya ko ba?

Nung nakikita kang masaya sa iba
At sinampal sakin ang katotohanang
Hindi ka na babalik pa
Kaya ko pa ba?

Nung napagtanto na ika’y mahal pa
At sakin ay ayaw kang mawala
Gusto kong isigaw sa mundo
Hindi ko kaya ‘to

Nung sa’yo ay nagsusumamo
Nakikiusap na muling maging tayo
Ngunit tuluyang binitiwan na ako
Hindi ko na kaya ‘to

Nung ika’y masaya na sa kanya
At ako’y nilimot sa pag-iisa
Tanging lumabas sa aking paghinga
Ayoko ng ganito

Ngayong tuluyan ka nang nawala
Bakas mo ay pilit hinuhugasan
Ngayon ko dapat isiping
“Kaya ko ‘to”

Sana’y makabangon na sa aking pagbagsak
Tumungkod sa sariling mga paa at ituloy ang landas
Pilit pinapaalala sa pusong nasawi
Kakayanin ko ‘to

Babangong muli sa bagong umaga
Gigising sa katotohanang wala ka na
Lalakad ng mag-isa kahit masakit
Lahat ng ito’y pilit kakayanin
Tagalog poetry. :)
HAN Oct 2018
Nakikinig pero hindi nauintindihan
ang nga salitang iyong binibitawan
na ako'y iyo nang iiwan.
At ang puso ay naguguluhan
kung saan ako nagkulang.

Nakikita ngunit nagbubulagan
na ikaw na ay lilisan.
Naglakad palayo sa aking kinatatayuan
ngunit ayokong malaman
ako'y iyong tinalikuran
at di na lumingon pa kailanman.  
-HAN
CA Norebus Oct 2017
Naging masaya ako ng dumating ka sa buhay ko
Parati tayong magkausap lahat sinishare mo
Mabilis na nagkasundo naging close pa nga tayo
Masaya ako na sa work, ikay ang unang kaibigan ko.

Pero ewan ko ba sa puso kong ito
Sa tagal nating magkasama parang nahulog na sayo
Kasi naman si kupido pinana pa tong puso ko
Tuloy naguguluhan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko

Gusto ko sanag ipagtapat tinatagong lihim ko
Na ako’y talaga naming nahuhulog na sa’yo
Ngunit paano ko sasabihin kung may iba ka nang gusto
Masira masira lang pagkakaibigan nating nabuo

Sana’y dumating ang panahong lumakas ang loob ko
Nang masabi ko sayo itong nararamdaman ko
Hahamakin ang COI at kahit ano pa mang hadlang
Pagmamahal ko sayo masabi ko lamang.
unknown Mar 2020
sa ilalim ng mga ngiti sa aking labi,
ay may nakatagong lungkot at pighati,
naguguluhan sa mga desisyong pinipili,
patuloy na pagku-kuwestiyon sa sarili.

pilit inaalam kung ako ba'y may importansya,
sa mga taong tinulungan kong magkaroon ng pag-asa,
lubos ang pagbibigay at aking isinakripisyo,
ngunit bakit tila wala naman yatang epekto?

pipilin lamang sa oras ng pangangailangan,
babalewalain sa oras na hindi mabigay ang kanilang kailangan,
ganito ba talaga ang mundo?
kilala ka lang kapag kaya **** ibigay ang kanilang gusto?

hindi nila nakikita ang aking kalungkutan,
dahil hindi naman nila gustong malaman,
at sino ba naman ako para magreklamo?
isang taong tumulong sa kanilang bumagon sa mundong magulo.
ig: seluring
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
Random Guy Oct 2019
Hindi ko rin alam.
Kung bakit naguguluhan,
kung bakit mas gusto ang pinaghihirapan.
O mas gusto lang talaga mahirapan.
Bawat tinginan na hindi ko alam
kung ako lang ba ang nakaka alam,
nakakapansin,
na meron talagang namamagitan sa atin.
Isang napaka weirdong koneksyon
na nagdudugtong sa mga isipan,
iniisip
pati ang pinaka malalim
at ang pinaka sulok ng imahinasyon,
kuha mo ako.
At agad ay nakuha rin kita,
hindi ko naman alam na pati pala ang puso ko nakuha mo na.
O ako lang pala ang nakakaramdam,
nakakaisip,
nakakapansin,
na ako lang pala ang nakakakita,
nakakarinig,
amoy ang bango ng iyong buhok sa t'wing bebeso
o yayakap
o lalapit upang tumabi,
makipag-usap,
oh sinta.
Ganda ng iyong mga mata,
chinita,
halos hindi na ako makita kapag napapatawa,
o hindi mo naman pala talaga ako nakikita
sa paraan kung paano ko gustong makita mo ako?
Oh sana, habang napapatawa kita,
habang lumiliit ang iyong mata
ay mas lumakas ang pandinig mo,
na ikaw lang sinisigaw nito.
Nitong puso ko.
John Emil Oct 2017
Sino nga ba ang mamahalin?
Upang maging kahati ng aking tadyang
Hindi ko man mawari akoy naguguluhan
Sa babaeng ubod ng marilag

Sino nga ba ang dapat katiwalaan?
Ng puso kung tumitibok na dalisay
Tanging hiling ay iyong maramdaman ng tunay
Kaya’t sa tahimik na pagdarasal di na daan

Sino nga ba gustung harayain?
Kaya palaging nasa malayo ang tingin
Pati puso ko’y naging maagap
Upang hindi ka lang makalimutan

Sino nga ba? Ito’y itatama na
Upang pusot diwa’y di na mag-akala
Kaya’t wag na muling ipaalala pa
Mata’t katawan ipapahinga ko na

Sa aking pagtulog ikay makalimutan
Upang bagong buhay’t mamahalin
Saakin paggising aki’y maranasan
Kayat tanung “sino nga ba?” ay ililibing ng tuluyan
Jean Sharlot Nov 2017
Nais kong ipatid
Ngunit hindi maihatid
Dahil ika’y manhid
Sa tuwing tumatagilid.

Tinatanong sa isipan
Ngunit ako’y nag-aalinlangan
Dapat bang hawakan
O ito’y pakawalan.

Sinasambit ng labi
Bawat salitang itinabi
Sa paraang pasintabi
Upang hindi madali.

Sumusulyap lang sa’yo
Tuwing ika'y nanunuyo
Upang hindi lumayo
Ang pagmamahalan niyo.

Nandito upang alalayan
Puso’t isipang naguguluhan
Tumabi’t ako’y sandalan
Dapatwat hindi pangmatagalan.

Nais kong malaman
Ano ang nilalaman
Ng pusong nakikipaglaban
Na walang kahahantungan.
xxx Nov 2018
Sasanayin kita
sa mga bati sa umaga
sa kamusta,
sa nakauwi ka na ba,

sa mga tula,
sa mga tagping tugma,
at wag kang mag-alala

hindi lang 'to sa umpisa
Ano bang meron
sa’ting dalawa?
Na pati ako'y
naguguluhan na
Mga matatamis na salita
Hindi ko alam kung totoo na ba
Sabihin mo pagka’t
Akoy unti-unting
nahuhulog na.
Shaina Placencia Mar 2021
Isang madaling araw, sa hulog ng himbing ng aking pagtulog ay dagli akong ginising,
mulat ang mga mata na tila ba hindi pa nagpapahinga, sabay ang pagkarinig sa sunod sunod na bulong, tanong...

Nag-uunahan sila na kahit na walang kasagutan, ay gigil na nagsusumiksik sa aking isipan, ako'y naguguluhan nanaman pagkat wala akong alam, hindi ko maintindihan ang rason ng kanilang pagkatok sa aking pintuan, kalungkutan... ninanakaw nanaman ako sa aking katinuan.

Walang ganang bumangon, sinundan ang mga tahimik na paghikbi, at doon sa may malaking salamin ay aking nasaksihan ang tahimik na pagtangis ang isang batang luhaan,

Walang tigil sa pag-iyak, bakas ang pagod sa kanyang mga mata, pagkagutom, pagkauhaw, pawisan na para bang malayo pa ang kanyang pinanggalingan, tahimik akong umupo sa kaniyang tabi... at doon muli ay unti-unti ko s'yang sinabayan.

Naghalo ang pareho naming kalungkutan, kaguluhan ang dala ng pagsasama naming dalawa, ngunit walang magagawa, sapagkat sa isang madaling araw ay s'ya lamang ang natatangi kong bisita.
indecentmaria Mar 2021
Jew
Isang linggo
Isang daan at dalawang pu na oras.
Mga salita mo'ng buo.
Ang bumuo sa puso ko.
Natakot ako na baka hindi ko masuklian
Nakalimutan kung papaano.
Umatras, umayaw, nag paalam ako.

Nanatili ka. Sumugal ka.
Sinabi ko, hindi ko pa kaya.
Ayaw ko pa, pasensya na.
'Di ka na muling nag tanong.
Unti-unti ng nawala
Ang mga salita mo'ng bumubulong
sa puso kong umaambon.

Nainip ako, nag hahanap at nagtatanong.
"What went wrong?"
Mga salitang lumabas sa bibig ko.
Ang salita na gustong itanong sa'yo.
"I'm just trying to make you feel the same way you made me feel." ang sagot mo.
Natauhan ako. Naiiyak. Naguguluhan.
Nasasaktan. Nag-kukunwari na okay lang.
"Naiintindihan ko. Pasensya."
'yan lang ang mga salitang binitawan ko.

Nagpaalam tayo sa isa't-isa.
Paulit-ulit na paalam, pero bakit?
Bakit pilit tayong bumabalik sa iisang pahina?

Dumating ang Marso,
Kinausap kita.
Nagtawanan pa tayo. Kamustahan.
Hanggang sa humingi ako ng patawad.
Pinatawad mo ako.
Tinanong kita kung meron pa ba, pwede pa ba tayo?
O huli na ba ang lahat?
Limang oras tayo'ng nag-usap.
Limang oras na nagkukulitan.
Nakikinig ka pa rin sa'kin.
Ganoon pa rin, parang walang nagbago.
Pero di mo pa rin sinasagot ang mga tanong ko.
Kung pwede pa ba?
Tinanong kita ulit.
Paulit-ulit.
Hanggang sa nabitawan ko ang salita'ng
"Mahal kita"
"Pasensya ka na. Meron na akong iba."
"Mas mahal ko siya."
"Gusto ko lumigaya ka. Pasensya ka na."
"I already have mine."
"Kung kailangan mo ako. Nandito lang ako."
At yan ang mga sagot mo.
To Jew, probably this will be my last message for you. Paalam. Gusto ko rin na lumigaya ka. Mahal kita. Hanggang sa muli.
Mayel Tapic Aug 2017
Ngayon nandito ka na, aking binabalikan ang nakaraan kung saan walang ikaw, walang tayo, at nawawala ako.

Madilim na umaga na walang pinagkaiba sa gabing isinantabi para sa pagkatao kong tila nagluluksa, hindi malaman ano ang gagawin, hindi alam ano ang dahilan.

Tahimik, at puno ng luha at hikbi ang apat na sulok ng aking kwarto saksi ang mga unan na nagsisilbing karamay tuwing aking isinisisi ang tadhana at sarili bakit ganto ang nangyayari sa aking buhay.

Ngayon, nakatagpo ang sasalba sa aking nalukunod na diwa, nakakapagpasaya sa naguguluhan kong isipan, nakakapagpakalma ng aking kalooban. Nandyan ka na, nandito tayo, nandito na rin ako.
Taltoy Nov 2019
Di naman masama,
Ang mga pinagdaanan,
Sana kahit papaano,
Kahit papaano ika'aking napasaya.
Haaaays,  nakakalungkot isipin,
Na heto na, umabot na sa puntong,
Tila bibigay na tayong dalawa.
Wala naman tayong magagawa,
Kung di na nga talaga natin kaya.
Para saan pa nga ba't naging tayo,
Kung di naman natin mahal ang isa't-isa.
Tinanong ko ang aking sarili,
Kung bibitawan na ba kita,
Sabi ko,  di ko alam,
Hanggang ngayon ako'y naguguluhan,
Baka nga para sa ikabubuti nating dalawa,
Kaya, kaya,  kaya ika'y palihim nalang na mamahalin aking sinta,
Subalit sa puntong ito,  
Paalam sa "tayo" nating dalawa.
Subalit hiling kong sana ito'y panaginip nalang at kinabukasan ay ibabaon na lamang sa alaala.
leeannejjang Sep 2017
Isa
Isang patak ng luha,
Para sa damdamin naguguluhan na.

Isang tingin sa mga tala,
Hiniling ang sagot sa Bathala.

Isang hingang malalim,
Dahil mundo  ko'y bigla nagdilim.

Isang tanong na narinig,
Paano ko sasagutin.
#tula #tagalognatula
Jay Co Jul 2019
Sa tuwing sumasapit ang dapit hapon
Ay aking nasisilayan ang paglubog ng araw
At aking naalala ang matatamis mo ng mga ngiti sa tuwing nakikita mo ang paglubog ng araw.

Ngiti na aking nasilayan sa iyong mga labi
Ngiti na nagbibigay pag-asa
Ngiti na bumubuo ng kulay sa'king mundo.
Ngunit ang mga ngiting yan bigla nang naglaho.

Ako'y naguguluhan kung bakit ang iyong mga ngiti ay unti-unting nagbabago?
Ang dati **** mga ngiti na kay gandang pagmasdan
Na ngayo'y nawawalan na nang pag-asa.

— The End —