Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2019
Sa tuwing sumasapit ang dapit hapon
Ay aking nasisilayan ang paglubog ng araw
At aking naalala ang matatamis mo ng mga ngiti sa tuwing nakikita mo ang paglubog ng araw.

Ngiti na aking nasilayan sa iyong mga labi
Ngiti na nagbibigay pag-asa
Ngiti na bumubuo ng kulay sa'king mundo.
Ngunit ang mga ngiting yan bigla nang naglaho.

Ako'y naguguluhan kung bakit ang iyong mga ngiti ay unti-unting nagbabago?
Ang dati **** mga ngiti na kay gandang pagmasdan
Na ngayo'y nawawalan na nang pag-asa.
Written by
Jay Co
268
 
Please log in to view and add comments on poems