Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matamlay" poems
1:40 am, Ganitong oras mo ‘ko sinagot Ganitong oras mo pinaramdam sa’kin na mahal mo rin ako Ganitong oras ko narinig ang mga katagang mahal kita mula sa’yong mapupulang labi Kaya naman, sa ganitong oras ko din isisiwalat kung gaano kita kamahal Matagal ko na ‘tong pinaghandaan Di ko nga tansya kung ilang letra, ilang salita o ilang talata ang nasulat ko Di ko na tansya kung ilang araw ko ‘tong kinabisado para lamang maging perpekto sa harapan mo Di ko tansya kung ga’no nga ba kita kamahal, nung tinanong mo ‘ko Pero ngayon, ito na. Ala-una kwarenta ng umaga, ginising ako ng isang panaginip Panaginip na nagbigay init sa puso kong natutulog. Ito din yung oras kung kailan ako’y natataranta kasi nga may pasok na naman. Ito rin yung araw kung kalian kita unang nakita. Di ko alam kung tadhana nga ba, na napaniginipan kita bago kita nakilala Tandang-tanda ko pa… Yung mga ngiting binigay mo sa’kin nung ika’y nasa panaginip ko pa lamang Tandang-tanda ko pa… Yung mga ngiti mo Nung tinanong mo ‘ko kung kailangan ko ba ng tulong sa mga akdang-araling binigay sa’tin ng ating mga **** Tandang-tanda ko pa…. Na hirap akong makatulog kasi nga di ako makapaniwala na ang babaeng napanigipan ko’y Magiging kaklase ko Kaya naman Sinet ko na ang alarm sa 1:40 am simula nung araw na yun Araw-araw Para lamang itext ka ng goodmorning at gulat naman ako Kasi nga, nagrereply ka pa sa ganoong oras Destiny at meant for each other nga naging mantra’t mentality ko noon. Di ko nga alam kung ako ba’y nasa loob pa ng isang panaginip O ito ba’y kathang-isip na lamang Masaya ako! Hindi, Mali Sumaya ako simula noon Kaya naman ginagawa ko ang lahat ng gusto mo at pinipilit gustuhin ang mga ito Para lamang matugunan ko ‘tong pag-iisip ko na TAYO NGA’Y PARA SA ISA’T-ISA Nakakatawa kasi nga dumating yung araw na para nalang akong tangang Di ginagamit ang kokote dahil nagpakabulag na sa tinatawag nilang pag-ibig. Tangang, pinabayaan ang sarili para lamang mapasaya ka Tangang, pinaubaya ang lahat sa mga salitang “Mahal kita” Tangang, akala na ang lahat ng bagay na ginagawa mo at ginagawa ko ay Si tadhana ang may pakana Ngunit di pala, ito pala’y purong katangahan na lamang Ang akala kong nagpupuyat ka rin para lamang makareply sa text ko pagsapit ng 1:40 am Ay di pala talaga para sa’kin Ang akala kong panaginip na nagbigay init sa pusong malamig na natutulog Ay panaginip pala na sinunog ang natunaw ko nang puso dahil sa malaanghel **** boses Ang akala kong pananginip na nagbigay kulay sa buhay kong matagal nang matamlay Ay panaginip pala na sa sobrang kulay ay nagbigay kadiliman na lamang Ang akala kong perpektong panaginip Ay panaginip palang maraming butas at naging isang masakit na bangungot na lamang Mahal, sa ganitong oras mo ‘ko sinagot Sa ganitong oras mo binigkas ang mga salitang matagal ko nang inaasam-asam At sa ganitong oras mo din binigkas ang katagang “Tapos na tayo” 1:40 am Nagising ako sa isang panaginip Panaginip na purong kadiliman na lamang Panaginip kung saan ang kasiyaha’y naging purong kalungkutan na lang Mahal, sa ganitong oras ko isisiwalat ang lahat Kaya maghanda ka na, Kasi di ko tansya kung ilang salita, ilang talata o ilang araw ko tong pinaghandaan Para lamang maging perpekto sa harapan mo Di ko tansya kung gaano nga ba mo ko minahal O kung minahal mo ba talaga ako Pero ngayon, ito na…. 1:40 am Malapit nang masira ang aking tainga dahil sa pagtunog ng orasan. Ginising na ako ng katotohanang wala nang ‘TAYO’ Kaya naman ako’y Bumangon, tumayo’t binago na ang alarmang inilagay, Gising na ako, gising na gising. Masaya, masayang-masaya!! Kahit wala ng ‘TAYO’ Time Check: 1:41 am
0
Jul 7, 2016
Jul 7, 2016 at 1:32 AM UTC
1:40 am

Continue reading...
82
Oh magandang binibini, ako’y lubos na nagagalak dahil sa ating mga mumunting palitan ng mga mensahe. Kahit na ito’y di masyadong impormatibo, ako’y lubos na nasisiyahan sa ating mga pinag-uusapan. Oh binibini, ang bawat ngiti na iyong pinapakita ang siyang nagbibigay sigla sa matamlay kong araw. Ang iyong mga tawa ang siyang nagsisilbing musika sa aking mga tenga, na walang kapantay sa tinig at ganda. Kahit na sa kakaunting panahon na tayo’y nagkilala, para na kitang kaibigan na kay tagal nang kilala. Ang bawat palitan ng mga letra’t salita ay may kasamang pagmamahal at tuwa. Kaya ang mga salitang ito’y kusang lumalabas sa aking dila. Oh binibini, nawa’y mapansin mo ang mga problema na dulot mo, sa pagka’t gabi-gabi nalang ako’y di makatulog pag na-aalala ang mga ngiti **** sintamis ng preskong bino at ng mga titig **** kasing init ng siling labuyo. Nawa’y sa pag idlip mo’y mapaghinipan mo ako, ng ako rin ay makadayo sa mundong tayo lang dalawa ang nandoon. Kung saan malayo tayo sa mga mata ng di nakakaintindi, at sa mga salita ng di nakaka-alam. Oh binibini, lagi mo sanang tandaan, na kahit saankaman ay laging nasa sayo ang puso ko. Na kahit bagyo ma’y dumaan at mga lindol ay maranasan, na ang pagtingin ko ay laging sayo lamang.
0
May 12, 2019
May 12, 2019 at 1:58 PM UTC
Binibini
Simula ng makilala ka, Buhay ko'y sumisigla, Lagi akong masaya, Nalaman ko ang tunay na kahulugan ng tuwa at ligaya, Aking pagsinta, Bakit nga ba? Naranasan ko ang mga pambihirang bagay, Ang mundo ko'y naging makulay, Binuhay mo ang diwa kong matamlay, Ikaw ang aking lakas, Pinakita mo ang aking magandang bukas, Mula sa simula, gitna, dulo at wakas, Ang isip at puso ko'y iyong pinatalas, Madapa man ako'y iyong hinawakan, Binangon mo ako mula sa lupang aking kinasasadlakan, Napuntahan ko ang dulo ng kalawakan, Ang mga puno't halaman, Ang berdeng kagubatan, Ang ganda ng kabundukan, Lahat ng ito'y aking nasisilayan, Daan ka nga ng pakikipag-ugnayan, Ika'y gamit sa pakikipagtalastasan, Daan tungo sa kaunlaran, Ngunit ako'y nanghihinayang, Dahil ika'y di kilala ng maraming kabataan, Sabi nga nila hindi ka magandang pagmasdan, Di nila namamalayan, Ika'y maaari nilang maging kaibigan, Taglay mo ang naiibang kapangyarihan, Ika'y iniregalo ni Rizal sa kanyang buthing may bahay, Kay Josephine Bracken ika'y ibinigay, "Kempis "ka kung tawagin, Ika'y,"Tagalog Christ" naman para kay Ferdinand Blumentritt. Alam kung di matatawaran, Ang iyong kasiyahan, Kapag ang mga pahina mo'y binubuksan, Mabuti kang sandigan! Sayo nagmumula ang di matatawarang panindigan, at di-natitinag na katwiran, Mabuti kang larawan, Nagsisilbing huwaran, Magpakailanman! Maipagmamalaki kahit saan, Pangako ko ika'y aking dadalhin, Pupurihin, I-ingatan at papahalagahan, Hanggang sa aking huling hantungan, Sayo lamang...... Minamahal kong----aklat!
0
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 12:10 AM UTC
Sa'yo Lamang

47
Binibining aking minimithi, sana'y maging masaya ka sa huling araw nating magkasama, sana'y ipagpatuloy mo ang iyong pagkamasayahin at palangiti, dun pa lamang ako'y labis nang masaya kahit ika'y may kasama ka nang iba. Binibini, sana'y wag kang maawa sa aking pagsuko at pagkabigo sa pag suyo sa iyo. Dahil sa sandaling nagtangka akong ligawan at pangitiin ka ako'y iyong napasaya nang makita kang nakangiti at masaya nang dahil sakin. Binibining aking minimithi, ako sana'y iyong patawarin kung minsan ako'y nakakainis na, sana'y maintindihan mo na ikaw lamang ang nagbibigay kulay saaking araw na matamlay at tila walang kinabukasan. Binibini, sana'y malaman mo na ako'y magiging ok pag dating ng panahon. Ang hinihiling ko lamang ay ang iyong kasiyahan na sana'y matupad, dahil alam ng lahat na, ang nararapat sayo ay ang kasiyahan sa mundo. Paalam.
0
May 22, 2018
May 22, 2018 at 5:55 PM UTC
Binibini
Puno ay tumatanda Nalalagas ang dahon sa balingkinitang mga sanga Minsan may lagutok na maririnig- biglang pagluksa Itanong kung kailan ang mga lawa ay matutuyo Tubig niyang malinaw, may lalim na hindi matanto Ito'y pagtahak sa walang hangganang hiwaga Espiritung gala, isipin ang kalagayan ng katawang lupaypay Turukan ng gamot o ng gunita ng kasiglahan Halik ng kahapon ay alaala ng kahapisan Hawakan ang kamay na nanginginig Matamlay na  anak Niya'y sa aruga salat Ang paglipas ng oras ay gayundin ang pasasalamat Habaan ang sandali na may hininga't sarap Pawis na  nakabilad sa hamon ng buhay Mararanasan ang init at pait Ang pagpapahalaga sa katapusang ninanais kaakibat ay lumbay Paruparong itim magkatambal sa paglipad May babala man huwag isaisip Pusang tumawid sa harapan Ibaling ang paningin Magrosaryo saglit, sino ang mawawalan
0
Dec 3, 2018
Dec 3, 2018 at 6:04 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #4
sa kalaliman ng iyong pagtingin, hindi maarok, damdamin ko'y muntik nang malunod aking nakita, ang ‘yong pagkatao sa'yong mga mata, mga matang kay ganda, mga matang nababalot ng kahiwagaan at pagsinta. sa kalaliman na iyong pagtingin, aking narinig, yaong mga salita, mga salita na bago pa man sambitin ng ‘yong mga labi ay narinig na ng aking puso, na tila nagbigay kabuluhan sa damdamin at nagdulot ng kapayapaan sa aking pusong balisa; mga matang kay ganda na tila nangungusap, wala, ni ano, kahit anong salita—– binasag ng ‘yong katahimikan, kaguluhan sa’king isipan. sa kalaliman na iyong pagtingin, mundo ay tumigil, nabihag ang damdamin, aking nadama, dalisay na pagkatao, sa'yong mga mata, mga matang kay ganda mga matang nagrerepresenta, sa makulay na buhay, mistulang mga krayola na nagbibigay kulay sa malamlam at matamlay /// kong pamumuhay. © LMLB
0
May 14, 2018
May 14, 2018 at 7:50 PM UTC
Balintataw
Dapat ba akong maghinala? Kung noon malambing ka pero ngayon matamlay na? Madalas magselos kahit wala pang ginagawa? Pero nag-iba ihip ng hangin, bakit biglang nag-iba? Dapat ba akong maghinala? Kung ang mga bagay at gawain na ayaw mo noon Ang siyang nais mo at pinag-uukulan ngayon ng panahon? Dapat ba akong maghinala? Ang mga personal **** bagay noon ay nakakalat lang Ngayon naman, pinipilit itago kahit sa anong parte ng katawan. Dapat ba akong maghinala? Noon nagpapaalam pa kung sasama umalis ang barkada Ngayon, nagsabi nga pero kung kailan wala ka ng magawa kasi paalis na. Dapat ba akong maghinala? Na ni minsan di mo ako pinakilala bilang karelasyon Basta sinabi ang pangalan, tapos yun na yun. Dapat ba akong maghinala? Na ayaw **** ipaalam sa iba na mayroon ka na Tinanggal ang mga litrato, para di makita ng iba. Dapat ba akong maghinala? Na sa lahat ng nangyari, ikaw ang tama Sasabihin lang na Mahala kita .. Maririnig mo lang .. pag nalaman niyang... aalis ka na.
0
Oct 18, 2011
Oct 18, 2011 at 2:49 AM UTC
Dapat ba akong Maghinala?
Sa isang hardin ako ay may namataan Isang dahong nakatungo at tila may dinaramdam Matagal kong pinagmasdan subalit di ko maunawaan Kaya naman nilapitan at nagsimula ng isang usapan…. Munting dahon, aking bungad, ikaw ata’y matamlay Sukli nya’y ngiting may  kahalong lumbay At napansin ko ang pighati sa kanyang mata Hanggang tuluyan nang umagos ang saganang mga luha… At sinambit nya… “Oh ang rosas na puno ng ganda Lahat sa kanya ay nahahalina Subaling akong palagi nyang kasama Ni minsan di nabigyan ng importansya" Dagdag nya... "Ako’y nanliliit sa aking sarili Lahat ng suporta, sa iba ay ibinahagi Kay rosas, kay tangkay, sila ay aking tinulungan Sa abot ng makakaya, sila ay aking dinamayan Subalit sa malakas na ihip ng hangin Dulot ng bagyong kayhirap pahupain Tila yata akoy’ nag-iisa at nalulugmok Ako ba’y pagkain lang ng uod na gutom?” Oh kaibigan, akin na lang nasambit Huwag kang bibitaw at higpitan ang yong kapit Ang mundo ay di perpekto, ang laban ay di patas Panalangin sa Taas, gawin **** sandata at lakas. Kung ikaw ay susuko, tagumpay ba'y makakamtan? Ang iyo bang paglisan ay kaligayahang inaasam? Tumayo ka nang matatag at sa buhay ay lumaban Ano ba't ang lumbay ay sadya ren paparam...
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 6:06 AM UTC
Ang Matamlay na Dahon
Ang ilog ay salamin ng itinagong kasalanan na ngayon ay naniningil Hindi umiimik ito sa pagdaloy Kahit sa linaw ay nagpalahaw Tahakin ang landas ng pagkapoot Ituring kaaway ang kinabukasan Ang saplot ng nakalipas ay isuot Ang kasalukuyan ay kalunos-lunos Birheng rosas ay huwag pitasin Sa matutulis na tinik nito'y alamin Na ang kaakit-akit sa plorera ay ito rin ang mabagsik Ang nalalantang talulot Matamlay na tangkay ay namamaluktot Ang ligaya ay sa isang bahagi lang Nilalamon ng kalumbayan Sa ikatlo ng buwan Gasuklay na hugis ay kakaiba Habang ang kanluran na binabagtas ay may alay na pansamantalang kaginhawaan Itawag sa mga buwitre ang Kasukdulan, Pamamaalam Walang hangin sa baga nilubos-lubos pa Sinipsip ang buhay hanggang sa lumisan Kukuyugin ng uod Lalasapin nang pagkalugod Tatabunan ng lupa magsilbing pataba nang dadalawin minsan ng mga bulaklak
0
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 5:58 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #9
Ikaw na laging nandiyan kapag madilim ang daan Ikaw, ikaw ang laging tagapunas ng luha ko kapag ako'y nasasaktan Ikaw, ikaw ang nagpatibok sa puso ko Ikaw ang nagbago ng mundo kong paulitulit lang na sawang sawa na sa buhay na nakatunganga lang pumasok ako sa mundong ginagalawan mo ngayon nagsisimula ang araw ko na didilat sa umaga ikaw ang unang gusto makita yayakap sayo ng mahigpit at hindi naghihintay na ibalik ang yakap na ginawa ko sayo babangon tayo ng sabay mula sa higaang matamlay kakain ng agahan para malamnan ang kumakalam na tiyan kumpleto na ang araw ko kahit ikaw lang ang kasama ko komportable ako basta ikaw ang katabi ko napapanatag ang loob ko kapag tumitingin ka sa mga mata ko kahit wala kang sinasabi parang nangungusap yung mata mo matatapos ang agahan at papasok ang tanghalian hindi na kita kasama sa aking pagkain. matatapos ang maraming oras at ako ay naghihintay ng uwian para muling masilayan ang mala-anghel **** mukha mahagkan ka ng mahigpit na mahigpit at ikay mahalikan sa mukha. Oo, matatapos na ang kwento, matatapos na ang hapunan na kasama mo ako. matatapos na ang minsa’y malamig at minsa’y mainit na gabi. ikaw ay muling makakatabi, sa isang silid na kung saan ikaw lang at ako ang magkayakap hanggang matapos ang gabi Maghihintay nanaman ng panibagong bukas panibagong bukas ng pakiki-pagsapalaran sa magulong mundo na ikaw lang at ako. sana tayo, hanggang sa dulo.
0
Feb 8, 2018
Feb 8, 2018 at 8:12 AM UTC
Ikaw
Uno Matamlay siya Hindi man lang abot sa akin. Dos Pakuwari ko'y manhid siya't bingi Iihip, balakid pala ang munting tela. Tres Niyapos ko ang mas makapal na tela Hinagkan ang kabuuan Bumaluktot buhat sa kakulangan. Ulila ang mga paa Nais magtago nitong sampu Wala namang patutunguhan Kundi ang nalalabing tela sa ulunan. (6/29/14 @xirlleelang)
0
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 12:32 PM UTC
Bintilador
Yakapin mo ako.... Upang lubos **** mapagtanto, Na ako sana'y isinilang na santo, Hindi mo ako mababanaag, Dala ko'y misteryo sa buhay mo. Ako sana'y lumaking isang inhinyero, Isa sana ako sa mga batang naglalaro sa may kanto, Iiyak kapag pinapalo mo, Magsusumbong kapag binabato. Bakit di mo ako ipinaglaban? Bakit sakit ang siyang aking nararamdaman? Hanggang sa di mo namamalayan, Na ako'y unti-unti mong pinapatay sa iyong sinapupunan, Wala ba akong puwang diyan sa puso mo kahit minsan? Kahit katiting lamang? Bakit mo ako binitawan? Pinabayaan? Mama ....nais ko sanang mabuhay, Ako ang magbibigay, Sa iyong daigdaig ang magkukulay, Ikaw sa aki'y gagabay, Ngunit ako'y unti-unti **** pinapatay, Hanggang sa----- ako'y naging matamlay, Ngayon pagmasdan mo ako inay... Wala ng buhay, Ako'y payapa nang nakahimlay, Paalam...mahal na mahal kita aking inay...
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 11:56 PM UTC
Nais kong Mabuhay
Gising sa pagkahimbing Ang isip na balimbing At kahit anong halinghing Ay binging nakatingin Sa apoy na pinatay Bandera'y iwinagayway Ito nga'y tagumpay Sa buhay na matamlay? Kapangyarihang taglay Hindi na lumalatay Wala kang binubuhay Sa matagal nang patay Habang natutuwa Sa larong nakakasuya Ako ang mandaraya Hindi ko ipagtatatwa - JGA
0
Dec 21, 2021
Dec 21, 2021 at 6:13 PM UTC
Magaling na Mandaraya
Walang labis, walang kulang, Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam, Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik, Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik. Madalas ay parang lantang gulay, Kung gumuhit ng salita ay matamlay, 'Di matuka ng uwak kung ialay, Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay. Sa tuwing hahampas ang higanteng salot, Rubdob ng damdamin ay mapusok, Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot, Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok. Minsan nama'y isang mapagtangis, Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis, Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit, Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait. Hindi na sapat ang galak na malalasap, Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat, Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag, Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag. Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit, Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik, Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo, Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo. ✍: pensword
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
BINULING KO'T PINATULIS NGAYO'Y ISA NG MAPANGHIMAGSIK
Luha ng dahon , Isinilid sa Kahon Init ng nayon , Malamig na Kahapon Sarili ay Bumangon , Kalungkuta'y aahon Pag yao'y hinamon , Lumuha ang Panahon Ang pag-iyak ng mga dahon sa bukang-liwayway Pinawi ng init ng araw ang iyong mga kamay At Naglaho sa dapithapon , muling matamlay, Nag-iwan ng marka sa takipsilim ako'y namatay Umiiyak Taon-taon,Pighati Ang Baon Pagkalumbay ko , kinukuwestiyon Sumabog nanaman ang Mayon Sa loob ng utak kong naghahamon
0
Feb 19, 2019
Feb 19, 2019 at 9:01 PM UTC
Kalungkotaon
Pwede ba kitang yakapin? Sa araw na ito ating ayusin, Pero baka ito na ang huling pagkakataon. Mga ala-ala'y wag mo munang ibaon, Alalahanin ang masasaya nating araw at taon. Galit ko'y lilipas din, Kailangan lang nating hintayin. Asahan natin ang pagbabago, Tayo sa isa't isa ay maging totoo. Pero sana ang pinagsamahan natin ay maibalik, Sana ang pagkakaibigan ay muling maging matalik. Pag-aaway na to ating bigyang wakas. Dahil ayoko ng lumipas, Ang mga araw ng di ka nakakausap. Lagi ng matamlay, Buhay nawawalan na ng kulay. Kailangan kita sa aking buhay, Mahal na mahal kita hanggang sa wakas ng aking buhay.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:29 AM UTC
Kailangan kita sa buhay ko kaibigan
sa iyong paglalakbay ika'y humingi ng gabay sapagkat diyan nakasalalay ang kaligtasan ng iyong buhay kung ako man ay mamatay 'di kaya'y mawalan ng malay aking ipapaalala nang walang humpay na araw-araw akong naghintay laging tatandaan, walang makakapantay sa pag-ibig **** 'di nagkulang at tunay ngang ikaw ang nagbibigay kulay sa mundo kong matamlay sa pagbalik mo, ako'y kakaway; hahagkan at hahawakan ang 'yong kamay sapagkat ikaw lang ang nagtataglay ng mainit yakap na hinahanap-hanap paghimlay
0
Sep 11, 2019
Sep 11, 2019 at 2:44 PM UTC
sa aking may bahay
Kung lalayo ka at iiwan mo lang ako Mananatili ka sa aking alaala Na ikaw ang lang ang babaeng bumuhay ng aking katawang lupa At nagbigay sigla sa malamlam kong pagsinta Nagbigay ligaya sa matamlay kong buhay At sa paglisan mo Ikaw din ang magbibigay sa'kin Ng kalungkutang hindi ko makakaya... -myonlyONE
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 3:29 AM UTC
ikaw mahal (ikalawang bahagi)
Handa na ulit tumaya At magpakawala ng mga luha Handa na ulit mawala Kung ikaw ang kukuha Gaano man kadilim ang gabi Liwanag mo pa rin ang nakakubli Ikaw ang pinakamasayang bagay At pinamalungkot na bahagi ng buhay Ang ngiti mo ang patuloy na umaakay Sa aking pusong matamlay Binubuhay mo ang bawat pintig nito Pinabibilis mo ang bawat daloy ng dugo Patungo sa pusong lunod at uhaw sa iyo Handa na ulit tumaya Kahit na madaya Handa na ulit tumaya kahit ang kapalit ay iyong paglaya..
0
Sep 27, 2025
Sep 27, 2025 at 10:15 PM UTC
Taya
Kasing gulo ng nangingig na kamay Ang desperadong utak na matamlay Sa madilim at malaking kwarto Walang laman, kahit na nga anino Walang kulay sa madilim na sulok ng bahay Nabubuhay sa hinga ngunit mistulang walang saysay Kung minsan mas manhid pa sa patay Ang katawang malamig na nakalatay
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 2:14 AM UTC
Kawalan
ikaw ang nagbibigay kulay sa aking mundong matamlay puso ko sa'yo hihimlay ang pag-ibig mo na tunay o, kay tagal kong hinintay
0
Sep 22, 2019
Sep 22, 2019 at 11:19 PM UTC
dahilan para mabuhay