Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Erikyle Aguilar Oct 2018
Si tatay,
siya yung tipong gagawin ang lahat,
kahit buong buhay niya ibibigay,
pupunta kahit saan, kahit kailan,
masuportahan lang ang buong pamilya.

Siya rin yung kahit na may mali ka,
pilit pa ring iintindihin ka,
grabe ‘yan kung magalit,
pero pagdating sayo, may pusong mamon.

Ang haligi ng tahanan, ang tagapagbantay,
hahanapin ka pag napapahiwalay,
walang sinumang pababayaan,
hangga’t kaya, ipaglalaban,

Kahit sobrang daming problema,
kinikimkim nalang, hndi pinapaalam,
kasi ayaw niya kayong mapahamak pa.

Kaya ‘tay, kahit marami kang ginagawa,
pinararamdam mo pa ring andiyan ka,
pero ‘tay, kamusta ka na?


Si nanay,
siya ang ilaw ng tahanan, totoo nga naman,
iingatan ka, pakakainin ka, ipagluluto ka,
minamahal ka,
hindi ka niya iiwanan, kahit gusto **** makapg-isa.

Siya yung sa simula palang,
naghihirap na, nasasaktan na, nagtitiis na,
lahat ng ginagawa niya mula sa simula ay para sa’yo,
siya yung kahit madaling araw na, gigising pa rin,
makita ka lang na natutulog nang mahimbing, sapat na,
at kahit walang tulog, pagsisilbihan ka pa rin.

Kahit galit, mahal ka niyan,
“makuha ka sa tingin”, lagi niyang sinasabi,
magbibilang pa siya, kasi mahaba ang pasensya niya sa’yo,
“isa, dalawa, dalawa’t kalahati, magtatatlo na”.

Kahit madalas siyang galit, mas umaapaw pa rin ang pagmamahal niya,
hahanapin ka hanggang makauwi ka, hindi pa ‘yan makakatulog nang wala ka,
makakailang tawag pa sa’yo,
kahit puro “asan ka na?” ang naririnig mo,
mamimiss mo, at hahanap-hanapin mo pag hindi tumawag.

Kahit may pasok, kahit may sakit, kahit pagos,
hindi siya magiging tamad, nagpapahinga lang,
kaya mahal ko ang nanay ko,
kasi siya ‘yong laging nasasandalan ko.

Walang kontrata ang pagmamahal ng mga magulang,
dahil kahit matanda na tayo, tatay pa rin si tatay, at nanay pa rin si nanay.


Si kuya,
siya yung kapatid na hindi mo maintindihan kung paano magmahal,
siya yung kapatid na grabe mangasar, mangulit, at magpahiya,
ganyan naman talaga 'yang si kuya,
ganyan niya pinapakita ang pagmamahal niya sa'yo.

Hindi man siya magsabi ng "I love you",
ipakikita naman niya ito sa pamamagitan ng
pagmamalasakit niya sa kaniyang mga kapatid,
ipapaubaya ang kahit ano,
kahit na mas kailangan niya pa.

Hanga ako kay kuya,
dahil hindi madali maging isang panganay,
lahat ng galit o sermon, sakaniya napupunta,
kahit madalas ang kapatid niya ang may kasalanan.

Walang papantay kay kuya,
kaya kuya.
andito lang ako kung hindi mo na kaya.


Si ate,
bibigyan ka ng atensyon kahit may ginagawa siyang iba,
madalas na nagbibigay ng payo,
mapagsasabihan mo ng mga lihim,
parang isang talaarawan.

Siya ang kanang kamay ni nanay,
kasama sa pamimili sa palengke, kasama sa kusina,
kasama sa pagluluto at pagkakain, kasama sa pagpupuyat.

Aasarin ka niyan, pero mahal ka niyan,
sasabihan ka niyang, "Uy, binata ka na".
o kaya, "Uy, dalaga ka na",
Maiiyak ka sa tuwa sa pang-aasar niya.

Siya ang unang yayakap sa'yo sa kalungkutan mo,
malambing, parang anghel ang boses, mainit ang yakap,
lahat ng init na kailangan mo sa malamig na gabi
ay mabibigay niya.

Parang mga bituin sa langit,
kaya si ate, mahal ko 'yan,
mahal na mahal ko 'yan.


Bunso,
siya yung pinakamakulit sa lahat,
kahit anumang suway mo,
sige, tuloy pa rin sa pagkakalat.

Siya yung nagpapasaya sa bahay,
ang kaniyang paglalaro
o presensya palang ay sapat na.

Siya yung nagmamakaawa,
makamit lang ang gusto niya.

Kahit na pagod na kayo,
tuloy pa rin ang pangungulit,
tuloy pa rin ang kaniyang pagpapatawa,
hanggang sa sumakit ang panga mo sa katatawa.

Ading,
salamat dahil andiyan ka,
salamat sa pangangamusta,
mahal ka naming lahat.
a collab work of Chester Cueto, Jose De Leon, Danver Marquez, Erikyle Aguilar, and Ericka Kalong
Eugene Aug 2017
"Hoy! Bata! Magpapakamatay ka ba?"

"Magpapakamatay ka nga e. Buhay nga naman o!"

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, bata? May maghahahanap ba sa iyo kapag nawala ka? May magluluksa ba sa bangkay mo kapag namatay ka?"

"Bata ka pa. Alam kong marami ka pang pangarap sa buhay mo. Kung may magulang ka pa at mga kapatid, sana naiisip mo rin sila. Sana mararamdaman mo rin ang mararamdaman nila kapag nalaman nilang magtatangka kang magpakamatay. Isipin mo bata."

"Kung desidido ka na at sa isip mo ay wala ng nagmamahal sa iyo, sige.. ituloy mo ang pagpapakamatay mo. Basta iyong pakatandaan na sa bawat yugto ng ating buhay, minsan lang tayo binigyan ng pagkakataong itama ang kung ano mang pagkakamaling nagawa natin. Wala tayong karapatang wakasan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Sige, bata. Mauna na ako. Advance rest in peace."

Dinig na dinig ko pa ang paghampas ng malalakas na alon sa baybayin nang mga sandaling iyon. Naalala ko pang nababasa na rin ang aking mukha sa bawat tubig-alat na dumadampi sa akin noong mga panahong tinangka kong magpakamatay.

Gusto kong wakasan ang aking buhay.
Gusto kong malunod.
Gusto kong tangayin ng mga alon ang aking katawan.
Gusto kong mapuno ng tubig-alat ang aking ilong at bunganga hanggang sa mawalan na ako ng hininga at unti-unting bumulusok pailalim sa kailaliman ng dagat.

Ngunit... ang salitang binitiwan ng isang taong iyon ang nagsilbing leksiyon sa akin na pahalagahan pa ang aking buhay at ang mga taong nagmahal sa akin.

"Kung desidido ka na at sa isip mo ay walang nagmamahal sa iyo, sige, ituloy mo ang pagpapakamatay mo. Basta iyong pakatandaan na sa bawat yugto ng ating buhay, minsan lang tayo binigyan ng pagkakataong itama ang kung ano mang pagkakamaling nagawa natin. Wala tayong karapatang wakasan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal."

Noon, akala ko ang pagpapakamatay ang solusyon upang takasan ko ang dagok sa aking buhay. Nawalan ako ng tunay na ina. Namatayan ako ng ama. Pinagmalupitan ako ng aking madrasta. Hindi ako minahal ng mga kapatid ko sa ama. Kaya naglayas ako at napadpad sa baybaying dagat at doon ay naisipan ko na lamang na magpatiwakal.

Nawalan man ako ng magulang pero alam kung may nagmamahal pa rin sa akin. Hindi ko sila kadugo pero lagi silang nariyan para palakasin ang loob ko. Sila ang mga tinatawag kong mga kaibigan.
Pagkatapos ng nangyari noong pagtatangka ko ay ipinagpatuloy ko ang aking buhay. Sa tulong ng aking mga kaibigan ay nagtagumpay akong maging masaya.

Hindi ako nag-iisa. Tinulungan din nila akong magbalik-loob sa Diyos. Ang mga nagawa nila ay isang napakalaking biyaya sa akin.

"Kung sa tingin mo ay hindi mo na kaya, magsabi ka lang. Kaming bahala sa iyo," naalala kong sabi ni Jem.

"Kaibigan mo kami. Huwag kang mahiyang magkuwento sa amin. Promise, makikinig kami," pag-aalo sa akin noon ni Jinky.

"Hindi lang ikaw ang may pinakamabigat na suliranin sa mundo, Igan. May mas mabigat pa sa pinagdaraanan mo. Tiwala lang na makakayanan mo ang lahat," kumpiyansa namang wika ni Kuya Ryan.

"Kalimutan mo ang mga bagay na nagpapadagdag lang ng kalungkutan diyan sa puso mo. Tandaan mo, ang Diyos ay laging nakaakbay sa iyo. Nandito ako. Narito kaming mga kaibigan mo. Tutulungan ka naming bumangon," nakangiting saad ni Charm.

"Huwag ka na ulit magtangkang magpakalunod sa dagat ha? Kapag ginawa mo ulit iyon, kami na ang lulunod sa iyo. Ha-ha. Biro lang. Lakasan mo ang loob mo. Hindi ka nag-iisa," ang loko-lokong wika ni Otep.

Sa tuwing maalala ko ang mga kataga at salitang galing sa mga tunay kong kaibigan, panatag palagi ang loob ko na hindi ko na uulitin ang nangyaring iyon sa buhay ko. Papahalagahan ko ang hiram na buhay na ipinagkaloob sa akin ng Maykapal. Gagawin ko ang lahat upang maging masaya.

Narito ako ngayon sa Manila Bay at naglalakad-lakad. Gusto ko lang sariwain ang mga alaalang naging tulay noon upang pahalagahan ang buhay ko ngayon. Hindi man lamang ako nakapagpasalamat sa taong sumaway sa akin noon. Kung may pagkakataong makita ko man siya ay taos-puso akong magpapasalamat sa kaniya.

Pinagmasdan ko ang karagatan. Wala pang isang minuto akong naroon ay may nahagip ng mga mata ako ang isang babae na dumaan sa harapan ko. Patungo siya sa mabatong bahagi. Tila wala siya sa kaniyang sarili.

Nilingon ko ang paligid. Wala man lamang nakapansin sa kaniya. At wala ngang masyadong tao na naroon nang mga oras na iyon.

Mukhang magpapakamatay yata siya. Alam ko ang eksenang ito. Kung dati ako ang nasa posisyon niya, ngayon naman ay ang babaeng ito. At dahil ayokong may mangyaring masama sa kaniya, ako naman ngayon ang gagawa ng paraan para matulungan siya.

"Miss, magpapakamatay ka ba?" hindi niya ako nilingon.

"Magpapakamatay ka nga. Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" lumingon siya sa akin at kitang-kita ko ang luhaan niyang mukha.

"Alam ba ng pamilya mo ang gagawin mo? Alam mo ba ang mararamdaman ng ina at ama mo kapag nawala ka? Sa tingin mo ba ay tama ang gagawin mo?" nakita kong napabuntong-hininga siya na tila nag-iisip sa mga ibinabatong tanong ko.

"Napagdaanan ko na rin iyan at diyan din mismo sa mga batong iyan ako dapat na magpapakamatay. Pero... hindi ko itinuloy. Alam mo ba kung bakit?" tumingin siya sa gawi ko at nagtama ang aming paningin. Parehong nangungusap.

"Ba-bakit?" nauutal niyang tanong sa akin.

"Bakit? Dahil wala tayong karapatang wakasan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Ang buhay natin ay mahalaga. Sana maisip mo iyon. Hindi pa huli ang lahat para itama ang mga bagay na sa tingin mo ay mali o nagawa mo. Hiram lamang ang buhay natin. Magtiwala ka, Miss. Mahal tayo ng Panginoon. Mahal niya ang buhay natin. At alam kong mahal mo rin ang buhay mo," iyon ang mga huling katagang binitiwan ko saka ako tumalikod sa kaniya.

Hindi pa man ako nakakahakbang ay narinig kong tinawag niya ako. At nang lumingon ako ay bigla na lamang niya akong niyakap.

**

Ang pangalan niya ay Yssa at siya lang naman ang babaeng tinulungan ko tatlong buwan na ang nakararaan. Siya lang naman ngayon ang kasintahan ko. Pareho kaming nagtangkang wakasan ang aming buhay, ngunit pareho din naming napagtantong hiram lamang ito at dapat na mahalin namin. Sinong mag-aakala na kami ang magkakatuluyan sa huli?
Celaine Mar 2016
Sana kaya mo
Sana kaya **** sabihin sa kanya
Katotohanan sa iyong pagsinta
At huwag mo nang subukan pang ikubli
Huwag **** hayaan sa'yo lang manatili

Sana kaya mo
Sana kaya **** sabihin sa kanya
Dahil pagod na akong makinig sa mga kwentong
paulit-ulit mo na lamang binibigkas na
para bang sirang plaka

Sana kaya mo
Sana kaya **** sabihin sa kanya
Dahil kung sa totoo lamang
Hindi ikaw ang talagang nasasaktan
Pakiusap lang, 'wag ka nang mandamay ng iba

Sana kaya mo
Sana kayanin **** huwag magkwento sa iba
O di kaya'y sa akin pa
Dahil alam ko na alam mo na ang dapat gawin
Tapangan mo (kahit ngayon lang, pakiusap)

Sana kaya mo
Sana dumating na ang tamang panahon na 'di
ka na lamang mananahimik
At sa panahong iyon na ika'y balak na magsabi
Sa akin ay huwag ka nang babalik
Akala mo, okay lang?
Caryl Sep 2015
Ibig sagutin ng aking puso
Paano na nga ba ito?
Paano kung sa bawat ngiti mo
Ay tila ako ay nahuhulog sa iyo

Paano kung sa bawat bigkas mo
Ng mga salita sa tuwing kausap ako
Ako ay napapatulala
Kadalasan ay namamangha

Paano kung wala akong kakayanan
Magsabi ng nararamdaman
Mananatili na lamang bang
Isang lihim sa isang tula

Ngunit kung dumating ang panahon
Sa paghangin, paghampas ng alon
Magkaroon ng pagkakataon
Sasabihin ang damdaming nakabaon

Magiging handa at matapang
Marinig ang iyong ibibigkas
Tatanggapin ba ang aking nararamdaman,
O ito'y hahantong lamang sa wakas
My first try in writing a filipino poem. It's hard for me to have rhymes hahahaha. Okay at least I tried. :)
AnxiousOcean Mar 2018
Ngingiti ka na naman;
Lolokohin mo na naman ang buong mundo,
Paniniwalain ang lahat ng tao,
Uutuin maging ang sarili mo--
Na ayos ka lang,
Na wala kang problema,
Na patuloy kang lumalaban
Sa buhay kung sa’n
Ang sarili ang iyong kalaban.
“Ayos lang” ang iyong sagot sa tanong na “kamusta ka?”
At ngayon ko lamang napagtanto na palabiro ka pala.
Lahat nang ‘yan, iyong itatago sa iisang ngiti.
At sa iyong pagkukubli,
Lahat ay napaniwala.

Tatawa ka na naman;
Muling ipaparinig ang iyong halakhak.
‘Yung tipong mabibingi silang lahat
At masasabing ikaw ay masaya at tapat.
Pero ang bawat ritmo ay kumpas ng kasinungalingan
Na hindi namamalayan dahil sa lakas ng tawanan.
Itutuloy ang tawa hangga’t ang kasiyahan ay maisilang.
Pambihirang panlilinlang.
Daig mo pa ang hunyango pagdating sa pagtatago.
Lahat idaraan mo sa tawa, hindi dahil masaya ka,
Kundi dahil wala kang mukhang maihaharap.
At sa iyong pagpapanggap,
Lahat ay napaniwala.

Mananahimik ka na naman;
Mambibingi gamit ang saradong bibig.
Sasampalin ang buong mundo ng kantang walang ritmo,
Walang liriko, at walang nota.
Dahil hindi tengang handang makinig ang iyong kailangan,
Kundi pangunawa at ang maintindihan.
Mahirap bang gawing salita ang iyong nadarama?
Hirap ka bang magsabi ng kahit ano sa kanila?
Kaya’t mananahimik ka na lang
At paparoon sa isang sulok.
Aawit nang pabulong,
Rinig lamang ang iyong suntok.
At sa iyong pananahimik,
Lahat ay napaniwala.

Mangangamba ka na naman;
Matutulog na lang, sasaktan pa ang sarili mo.
Titingin sa paligid at magiisip nang kung anu-ano.
Kahit ano.
Kahit masakit.
Hanggang sa maaawa ka sa kalagayan mo ngayon
At Iiyakan ang sariling takot bumangon.
Malulungkot, magagalit
At mapapatanong kung bakit.
Bakit ganito? Bakit ganyan?
Bakit ang mata mo ngayo’y luhaan?
Minsan tulog na lamang iyong hiling,
Pero pagod ka pa rin maging sa paggising.
Mangangamba at iisipin ang lahat.
Lahat sila,
Lahat ng iyong napaniwala.

Pero hindi ako.
Ibahin mo ako,
Simula’t sapul, hindi mo ‘ko maloloko.
Hindi mo ‘ko mapapaniwala, hindi mauuto,
Dahil kilala kita,
At alam ko ang pinagdaraanan mo.
Alam kong hirap ka na sa pagsubok ng buhay.
Mistulang ang bawat araw ay pare-pareho na lamang,
Walang bago, puro tabang.
Maaaring tensionado ka, dulot ng paaralan.
O ‘di kaya’y dahil diyan sa mga tinatawag **** “kaibigan.”
Pwede ring dahil sa iyong tahanan.
Dahil sa sakit na dulot ng kung ano man.

Kilala kita.
Alam ko ang nararamdaman mo.
Alam kong gusto mo nang huminto,
Gusto mo nang itigil ang laro,
Pagod ka nang bumangon,
At takot nang umahon.
Tulad ng isang dahon na kahit kalian
Ay ‘di maibabalik sa punong pinanggalingan.
At iyo na lamang inaantay ang iyong paglanta.
Sa isang lugar, inirereklamo ang tagal ng pagkawala.
Dahil ikaw ay sawang-sawa.
Paulit-ulit na lamang.
May galit, may pait pagkatapos ng hagupit.
Babangon, sasaya, at muling babalik sa sakit.
Alam kong luha ang ‘yong nais ipabatid,
At hindi ang iyong mga tawa.
Dahil dama ko ang iyong lungkot sa tuwing ika’y masaya.
Alam kong hirap ka na.
Alam ko, alam ko.

Kilala kita.
Alam ko ang pagkatao mo.
Hirap ka nang kumapit, alam ko.
Dahil mahina ka,
At ‘di mo kailangang magpanggap;
Alam ko ang iyong hanap.
Ngunit nawa'y maintindihan mo,
Tanggap kitang buo at totoo.
Pwede ka nang umiyak,
Pwede mo nang bitiwan ang 'yong sandata,
Pwede mo nang ibaba ang iyong kalasag,
Pwede ka nang maging totoo.
‘Wag nang magpanggap na malakas ka,
Pwede kang maging mahina.
Pwede mo nang burahin ang iyong ngiti.
Pwede kang umiyak,
Hayaan **** dumaloy ang mga luha.
Sige, isumbong mo lahat,
Sabihin mo ang lahat sa akin,
Akala mo ba’y ‘di ko napapansin?
Sumuko man ang araw at nagdulot ng dilim,
‘Di kita susukuan at mananatiling taimtim.
Patuloy na kumakapit,
Inaantay ang 'yong paglapit.
Alam kong mapapatanong ka na naman kung bakit.
Bakit alam ko, at bakit ganito.
Pasensiya kung may pagkukulang man ako,
Ngunit hiling ko lamang na ikaw ay magkwento.
At sabay tayong ngingiti at tatawa,
Saba’y tayong iiyak sa drama.
Yayakapin kita,at patuloy na uunawain,
Dahil 'yun lang din naman ang gusto kong gawin.

Sabi ko nga sa’yo, kilalang-kilala kita.
At ‘di tulad ng iba,
Hindi mo 'ko mapapaniwala.
Dahil siyempre, ako ang 'yong ina.
Euphrosyne Mar 2020
Madami na akong nabasang libro
Ngunit ikaw parin ang hinahanap kong kwento na nais balik balikan
Na hindi magsasawang basahin muli
Mga pahinang ikaw lamang nagbigay sa mga labi ko ng ngiti.

Bawat kabanata nitong libro bawat pagbasa ko ng mga pahina, pinapangiti mo ako muli,
Na para bang andiyan ka lang sa aking tabi.
Pinapa ulan mo ang aking mga mata tuwing....
binabasa ko ang kahapon.

doon ko lang natuklasan na kaya ko palang magmahal ng tapat sa mundong ibabaw na puro kalokohan lang ang inaatupag ko.

Hindi ka ba masaya? Na binabalik balikan ko ang  hindi makatotohanang kwento,
Na hanggang pahina at kabanata nalamang sila magiging totoo.

Masakit, pero kailangan natin tanggapin, ako, ako lang pala, ika'y lumisan na
Napunta ka na sa ibang pahina
Ako, ako andito pa
Iniwan mo sa alaala nating dalawa

Pwede ba magsabi ng totoo?
Kahit na sobrang gulo,
sasabihin ko sayo
Ikaw ang nag-iisang tahanan ng naliligaw kong pagkatao.

Etong mga pahina... nagiwan ng bakas sa puso kong bukas
Na inalay ko sayo gamit pa ang aking mga kamay na kitang kita ang bakas,
Bakas ng kahapon na sinaktan ako
Sinugatan ako ng taong minahal ko
Na pinalitan lamang ng saksak sa puso.

Itong mga pahina't kabanata
Na nagpapakita
Na mahal parin kita
Subalit nasa ibang libro ka na.

Alam kong tapos na
Wala nang tyansa
Kaya't ibabalik nalamang kita
Sa aking istante
Na madaling hanapin
Kapag nais ko muling basahin
Ang kahapon na sinulat natin.

Mga pahinang babalik balikan,
Mga kabanatang hindi makakalimutan,
Librong tayong dalawa na ako nalamang
Ang gagawa ng paraan para protektahan
Konting comeback lang sa tagalog. Spoken word poetry talaga siya pero nahihiya ako magsalita kaya hanggang dito lang hahaha.
Crissel Famorcan Dec 2017
Value.
Madalas lesson sa math at related sa piso
Pero minsan pwede rin naman nating  iugnay sa tao
Parang ako.
Matagal - tagal ko na ring hinahanap
yung halaga ko sa mundo
Ipinanganak ba ako para maging sino at ano?
Sa paglaki ko, dun ko natuklasan
Na ang halaga ng tao nakabatay sa sitwasyon
Yun bang kapag kailangan ka lang nila
Saka ibibigay yung hinihingi **** atensyon.
Yun bang kapag MAHALAGA KA LANG saka ka kukulitin
Yung kapag kailangan lang ng tulong mo saka nila hihingin
Kaya madalas tuloy napapaisip ako
Ni minsan kaya naging mahalaga ako?
O nagkaroon man lang kaya ng halaga
ang isang tulad ko
Dyan sa puso mo?
Alam kong wala ako sa lugar para itanong ang mga  bagay to
Kase una sa lahat, magkaibigan lang naman tayo
Pero pagod na akong itago yung nararamdaman ko
Pagod na akong Magsinungaling
At magsabi ng di naman totoo
pagod na akong lokohin ng paulit-ulit yung sarili ko
Pagod na pagod na ako.
Kaya sa mga sandaling ito
Sasabihin ko na ang lahat
Lahat ng nasa puso ko
At sana kahit saglit
pakinggan mo naman ako.
Sana lahat ng sasabihin ko
Tumatak dyan sa isip mo
At maging mahalaga
Yun bang paulit-ulit **** maaalala
Parang lyrics ng paborito **** kanta
Na maingat **** tinandaan at kinabisa
Para lang wag **** makalimutan
O makaligtaan.
Sana ganun din ako, maging mahalaga
Kahit  ilang minuto, ilang segundo
Ilang oras
Kahit saglit lang,
gusto kong maging mahalaga
Katulad nung paborito **** sapatos at damit
Na kahit luma na iniingatan **** pilit
Kase nga mahalaga
at ayaw **** mawala
Gusto kong maging Importante
Pero parang malabo at imposible naman yung mangyari
Kase kahit magkaroon man ako ng halaga
Yung puso mo naman, hawak na ng iba
Kaya heto ako,nilalabas ang nadarama
Sa pamamagitan ng mga tula
At sisiguraduhin Kong Hindi ito ang magiging una at huli Kong katha
Na tungkol sayo
Dahil habang nabubuhay ako
Lahat ng tula at akda na gagasin ko,
Exclusive lang para sayo.
Peanut Jul 2015
Tara aking mahal,
Let's have a contest,
Paunahan magsabi ng "I LOVE YOU",
Nang sampung milyong beses,

Game ka na ba?

Teka!

Bago magsimula,
Bigyan kita ng babala,
Na pag tayo ay nagsimula,
Wag kang mawawala,
Bagama't tayo ay di makakawala,
Sa ating mga kataga,


Saglit lang!

Ito ang patakaran

Walang lokohan
Pero may giritan
Walang sasaktan
Pero may kulitan
Walang lamangan
Pero may halikan

At walang limitahan
Kapag tayo'y nagmahalan

So ano?

Ready ka na ba?

Tatlo!

Dalawa!

Isa!

Simulan Na!!

Mahal Kita :
ISAGANI Mar 2019
Kung ang gabi'y magiging tao mananatili siya sa sulok at aantayin ang iyong paglapit

Siya yung tipo ng taong sa tuwing kakausapin mo'y tititigan ka lamang at hindi iimik

Hahayaan ka niyang magsalita hanggang mamaluktot ang iyong dila ngunit katahimikan lamang ang mabibigay niyang kapalit

Hahawakan niya ang iyong palad at ang buhok mo'y kanyang hahaplusin

Pero hindi mo siya kailanman pwedeng mahalin

Hindi siya magsasawang makinig sa bawat hinaing at sinisigaw ng iyong damdamin

Dahil alam niyang iyon ang nais **** kanyang gawin

Paminsan minsa'y makikitan mo siyang ngumiti

Paminsan minsa'y may kasamang butil ng luha ang pagkurba ng kanyang labi

Hindi siya magsasalita

Hahayan niyang ikaw ang magsabi ng dapat niyang maramdaman

Hahayaan niyang siya'y iyong husgahan

Hindi siya kikibo at hindi siya magrereklamo

Hahayaan niyang ikaw ang magsabi kung alin ang totoo

Siya yung tipo ng tao na lahat ay kaya niyang gawin

Basta't para sayo hindi siya magdadalawang isip ihain

Wala man siyang makuha pabalik

Ang nais lang niya'y ngumiti ka at hindi na muling maligaw

Sa tuwing pupunta ka kay araw
Georgette Baya Sep 2015
Offline nanaman siya. Pwede naman kasing magsabi sya ng wait, para alam kong di ako umaasa.
Madalas kasi lagi syang bigla biglang offline, ayoko namang tanong ng tanong tapos chat ng chat sakanya kasi minsan parang feel ko nauurat na siya. Feel ko lang kasi kahit ako nauurat nadin eh, paulit ulit nalang. Pero okay lang, kailangan ko nang masanay. Sanayan lang naman to.

But he's worth it, I swear he is.

If i would compare him, to a thing..
Probably it would be a Gum.
Sa una lang sweet, sa huli nawawalan na ng lasa. Bow!

Pero mahal ko padin sya kahit ganun sya.

As a girl, marami kaming gusto sa isang lalaki.
Lalo na ang mga Sweet Conversations, that always makes our days.
At ang pinakabest part? Yung mga Long Goodnight and Goodmorning messages, yung tipong gigising kaming mga babae sa isang sweet and blissful morning messages.

Yung tipong,
"Hi alien! Good morning, sorry kung natulugan kita kagabi,
antagal mo kasi magreply eh kala ko tulog kana. Sorry kung nag antay ka man, babawi ako. I love you"

Charot lang kahit wala ng, I love you.
As long as it touches our hearts.

Kumain ka na ng tanghalian oy, wag ka magpapalipas.
angellica Oct 2018
Sigurado na akong hindi na ako yung batang iyon.

Marupok, madaling masaktan at iyakin, pagdating sayo.
Hindi na ako yung batang gabi-gabing tumatambay sa may bintana,
kahit na pinapapak na ng lamok, nagtyatyaga paring hintayin ang tawag mo,
umaasang marinig muli ang boses mo bago matulog.

Sigurado na akong hindi na ako yung batang nasasaktan pag sinabi **** ayaw mo na,
dahil wala rin naman tayong patutunguhan,
hindi na ako yung batang halos tumalon sa tawa pag bigla ka ulit nagparamdam,
hindi na ako yung batang hinanahanp ka pag nasasaktan,
hindi na ako yung batang gustong magsumbong pag inaaway na ako ng boung mundo

yung gustong gustong magsabi na masaya ang araw ko,
yung batang malulungkot pag binabalewala mo,
hindi na ako yung batang yun.
Hindi na ako.

Yung batang nangarap na makasama ka,
na makasama kang pagmasdan ang kagandahan ng buwan sa gabi
na pinilit bilangin ang mga bituin kahit alam nating imposible.
Hindi na ako yung batang tinatangay ng bawat pagkanta,
yung batang tatalon basta sabihin mo,
hindi narin ako yung batang gusto paggising ikaw ang katabi,

yung batang simpleng lambing mo lang abot tenga na yung mga ngiti.
Hindi na rin ako yung batang palaging hinihintay ang pagsasabi mo ng ‘iloveyou’,
kasi sa salitang iyon nakokompleto na ako
Hindi na ako yung batang puro pangalan mo lang ang bukambibig o ang libangan ay isipin at panaginipan ka gabi gabi,
hindi na ako yung batang nababasa lang ang pangalan mo napapangiti na ako.
Hindi na ako yung batang saiyo lang umikot ang mundo,
ang batang sinubukang maging kung sino ang pinapangarap mo.

Hindi na ako yung batang umasa na sana mahalin mo rin ng totoo.
Hindi na ako yung batang iyon. Hindi na po!
a poem written 10 years ago...
Sana’y iyong tandaan
Hindi kita kailangan
At hindi ko masasabi na
Mahal kita

Lumuha ka dahil
Hindi ko ginusto na
Magsabi ng paumanhin sa lahat ng nagawa
Kaya’t ako’y nagpapakita ng pagsamo para

Makita kang masaya
Ninanais ko lamang na
Masira ang natitirang gunita
Hinding hindi ko ginusto na

Ikaw parin ang magiging ina ko
Dahil kahit baligtarin mo ang mundo
Wala kang kwenta
At hinding hindi ko sasabihin na

Hindi ko kayang mawala ka sa aking buhay
Sana’y iyong unawain
Yanan ang pamagat. Saliwain ay “nanay”
Ang tulang ito ay pabaliktad basahin.
If you didn't get the concept the poem, read it backwards.
Princesa Ligera Aug 2020
Bakit ganyan kayo?
Madali ba talagang palitan ang isang katulad ko?
Kapag sawa na,
Hahanap ng iba.
Hindi man lang magsabi kung anong problema.
Pwede naman nating ayusin to,
Pero sadyang nakakalito,
Minahal nyo ba talaga ako?
O pampalipas oras lang ako?
Ang dali nyong magbago,
Magbago ng paglalaruan nyong tao.
Nagmumukha akong basura,
Iniiwan nyong umaasa.
Bakit pa nga ba ko umaasa?
Binuhay lang ba ko para magpakatanga?
Pagmamahal ko inyong binabalewala,
Paano kung bigla nalang akong mawala?
Ayon naman ata gusto nyo,
Mawala ang isang basurang kagaya ko.
1st Verse:

Ano kayang ginagawa mo?
Inisip mo rin kaya ako?
Impossible.
Impossible.

2nd Verse:

Kung ako yong tatanungin.
Kung ano ang ginagawa ko?
Eto, nag iisip ng letrang aangkop
para sayo.

Chorus:
  
Habang inaala nung una tayong magkita
Nung una tayong nagkakilala
Sa maraming beses na tayo'y nagkasama
Sa mga tawa na dulot ko sayo
At ngiting dulot mo
mga biro mo
paglalambing mo
Naalala ko.

3rd verse

Ayoko nang isipin
pero paano ko gagawin
kung ang lahat ng bagay, tungkol sayo?
Sayo
Sayo

Repeat Chorus

Instrumental

Bridge:

Pinili kong hindi magsabi
Pinili kong maging bulag  
Sa isang pagkakataong nasayang
NASAYAAAAAANG

Repeat Chorus (Half)
John Emil Sep 2017
Pakiusap ko lang naman
Sana iyong sundin
Sana ikay gumalaw
Upang gumanda ang araw

Maari kang tumangi
Wag maghihiyang magsabi
Aking tatangapin ng may kirot
Ngunit aking maiintindihan ng pilit

Kay sa kumilos ng walang buhay
Akoy na iirita nang tunay
Wag maghintay na akoy sumigaw
At magalburuto maging halimaw

Kaya't sa una
Ikay wag magatubiling magsalita
Sabihin ang totoong nadarama
Upang hindi na mauwi sa wala
Jun Lit Nov 2020
Bumalikwas ang madaling araw
Mapula ang sinag ng malamlam na ilaw
Mula sa pagkagupiling ng iniwang gabi
Isang paos na tilaok pinilit magsabi
Tila inutil na tuod ang unan at papag
Walang tugon ni tikhim man lang
para sa likod at ulong lumapat

Mapagkunwari ang kulambo
Lamok pala’y kalaguyo
Akala ng balana’y karamay
Sa magdamag na paglalamay
Batang ipinaglihi sa Sto Niño
Ibebenta pala sa demonyo

Naglaga ng kape ang among kapre
Butil daw ay hinirang ng musang na tumae
Galapong pala’y napanis na sapal
Nilagyan ng dagta ng nilinlang na bangkal
Bang-aw na ang panatikong tagasunod
Lublob na sa pusali, puwit pa rin ang hinihimod:

          Sayang ang kita, mamaya’y bayaran na!
          Copy-paste-post - sige pa!
          Ang perang kikitain ay mas mahalaga
          May paburger pa sina konsi at mayora
          O e 'no kung nasa poso ***** tanang kaluluwa?

Bayaning tangan ay tabak, tila nakanganga
Kinain na ng anay ang papel at pluma.
Brewed Coffee - 12; 12th in a series of poems mostly focusing on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years.

— The End —