Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
astrid Feb 2019
6th of december, 2018.

“Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.” Madalas kong naririnig ‘yan, palagay ko’y ikaw rin. Pero kung iisipin, napakarami nating mga taong natatagpuan na nakatakda ring umalis. Ang ilan ay babalik, ang ilan ay maglalaho na lang. Hindi ko alam kung saan ka riyan nabibilang. Walang pakiramdaman, walang pakialamanan, walang pakundangang naghahanap ng mga bagay para pilit kang makalimutan. Gigising ako nang nakangiti, masaya, at ang nasa isip ay
“kakalimutan na kita,” ngunit kahit kailan ay hindi ‘yan nagkatotoo. Ang pag-asang makaahon sa ‘yo ay palabo nang palabo. Sa bawat gabing nagdaan, napapatanong ako kung saan na naman ako nagkamali. Saan na naman ako nagkulang? Saan na naman ako kinapos? O baka naman sumobra? Paikot-ikot ang mga mata sa lugar kung saan tayo huling nagkita. Saan mo ako iniwan? Pareho tayo ng pinupuntahan, pero hindi ko na alam kung paano pa babalik. Hindi kita mahagilap; ang tanging palatandaan ko para makabalik ay hindi ko na mahagilap. Dahil naglaho ka sa isang iglap. Hindi ko na alam kung paano pa babalik. Dahil hindi pa kita nakikita.

Ilang eskinita lang naman ang pagitan nating dalawa. Nariyan ang mga tricycle para mahatid akong muli sa bahay ko. Nariyan ang mga dyip na pupwede kong masakyan para lang mapalayo sa ‘yo. Tayo’y palaging nasa ilalim ng parehong langit, aalis at uuwi sa iisang lugar ngunit hindi man lang kita makamit. Pareho ng sinasakyan, pareho ng mga dinadaanan. Iisa lang naman ang mga pinupuntahan natin, ngunit ang araw-araw kong biyahe ay naging ikaw na ang destinasyon. Nagbabakasakali lang naman akong baka matupad mo ang aking imahinasyong hindi ko na batid pa ang limitasyon. Sa bawat pag-alis ko ay nananalanging magkita tayo sa lalong madaling panahon.

Ngunit hindi ko pa rin alam kung paano babalik. Alam ko ang ruta, alam ko ang sasakyan. Ngunit ako mismo ang nagpupumigil. Dahil hindi mo ako tinutulak palayo. Hindi pa man tayo nagkikita, mas gugustuhin ko nang hilain mo ako paalis sa kung saan mo ako iniwan. O baka ang presensya mo lang ang hiling kong masilayan, para tuluyan na akong makalakad paalis sa piling mo. Hindi ko naman mapapantayan ang babaeng nagdala sa ‘yo sa tahanan mo— ni hindi ko nga alam kung paano umuwi sa dapat kong uwian. At sa bawat biyaheng sinusulong ko, hindi ko man lang naisip na baka mali ang daan na tinatahak ko. Iba pala ang langit na pinagmamasdan mo sa umaga, kahit ang mga bituing nais **** titigan sa gabi. Iba pala ang sinasakyan **** dyip sa bawat pag-uwi. Iba pala ang eskinitang napapadparan mo. Iba pala ang langit na sinisigawan mo ng pangalan niyang kaakibat na ng apilyedo mo. Iba pala ang inuuwian mo.

Pasensya na, tanga ang kasama mo. Mali, hindi mo pala ako “kasama” dahil kahit kailan ay hindi ka naman sumama. Hinayaan ko ang sariling maligaw sa mga mata mo. Hinayaan kong mawala ang isip sa mga salita **** nadadala ako sa ibang dimensyon ng mundo. Hinayaan kong magwala ang pusong binuhay mo— na bibitawan mo lang din pala, dahil masyado itong magulo. Ngayon lang ako nakalabas at hindi na muli pang magtatago, ngunit niligaw mo ako. Pasensya na, gagapangin ko pa ang sarili ko palayo sa ‘yo.

Hindi ko maintindihan kung paanong ako’y napadpad sa ‘yo kung hindi ko pa nasisilayan ang mga mata **** mapanlinlang, na kung saan ay nagpahatak pa rin ako— delikado, at muntik pa akong mabaldado. Huwag na sanang pahintulutan ng mundo na pagtagpuin pa tayo, dahil kung sakali ay baka hindi na ako umalis. At baka samahan pa kita kahit saan ka man papunta, kahit sa piling niya pa. At lalong hindi tayo isang halimbawa ng “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”. Inaantay ko pa lang ang matagpuan kita, upang makaalis na ako.
m.r.
AUGUST Sep 2018
Sa pagibig....

Pwede kang magdala, o ikaw ang dadalhin
Pwedeng kang paasa, o ikaw ang paasahin
Pwede kang manggamit, o ikaw ang gagamitin
Pwede kang mabigo, bago mo sya bigoin


Bago magmahal, dapat bang handa ka?
Na Bago ka masaktan, kailangan ng anestesia, ano para manhid muna?
At dapat bang may pamunas? Bago ka lumuha?
Ahh, Bago pala ang lahat, ano ba magiging luma?

At Ganon ba ngayon pagnagmahal?
Para manalo ang taya, dapat **** isugal!
Pano kung lahat mo na ginawa? Kulang parin
Di ba masakit?
Kung Alam na nating masikip sa damdamin, pinipilit pang pagkasyahin

Lahat naman talaga pwede diba?
Tulad ng sinabi ko sa unang stanza

Pwede kayong dalaway magkatuloyan
Pwede ding tuluyan kang iwanan
Pwede ka nyang maalala, pwede ding kalimutan
Pwede ka rin nyang paalalahanan na wag mo na syang ligawan
Pero laging pakatatandaan....
Lahat ay nagtatagumpay lang kung naiiwasan ang kabiguan

Pero ako, di parin ako matatakot magmahal
Kasi alam kong darating ang araw di magtatagal
Na ang natagpuan ko man di sakin itinadhana,
May itinadhana para sakin na di ko pa natatagpuan
Dun ako naniniwala,


Ang puso ko di parin nakasara
hinihintay lang kita aking sinta
Hanggan sa panahon na tayoy magkita
Lahat ng pagtingin ko sayo na

Ngunit ngayon, sa paglipas ng panahon
Ang anyo ng pagibig ay nagbago, Lasa nagkaroon
Noong nanliligaw sobrang sweet,Naging bitter ng nabasted
Meron pa ngang iba, iba iba ang tinitikman ng di mo nababatid

Parang sa kape din, noon stick to one lang ang timplahan
Ngayon naimbento na ang 3 in 1

Parang tema ng pelikula din, noon may happy ending
Ngayon dapat happy lang walang ending
Noon ang poreber pinaniniwalaan
Ngayon ang poreber, walang ganyan
Noon may pagibig na wagas
Ngayon ang pagibig nagwawakas

Kaya naaalala kita sa Noon at ngayon
Kasi,,,,
Noon, saksi ang langit,nagsumpaan tayo
Ngayon, dahil sa galit, sinusumpa mo na ako
Noon, ang nadarama natin masaya lang
Ngayon, ang nararamdaman natin masasayang lang
Noon, hawak hawak pa kita,Ngayon, bakit bumitaw ka na
Noon, andito ka pa, Ngayon, bakit anjan ka na

Di ko mawari ang pagibig kung itoy biyaya bakit masakit
kung gaano katamis noon, ngayon walang kasing pait
kung gano kainit noon, ngayon napakalamig
Kung gano ka kinikilig noon ,ngayon naging manhid

Kung gano tayo kalapit noon, malayong agwat ngayon
Kung gano tayo nagaalala noon, biglang nagkalimutan ngayon
Kung gano tayo kasaya noon, walang kasing lungkot ngayon
Pangako **** di ka magbabago noon, ngunit nagiba ka na pala ngayon

Kung Ano man ang meron noon, lahat yun nawala ngayon
Nexus Aug 2019
Salitang sayo ko narinig
Pero kung iisipin, napakarami nating pwedeng matatagpuan at masusumpungan pero bakit nga ba tayo pa ang naging mag kakaibigan


Tayo'y pinagtagpo lang pala
at hindi itinadhana
Tayong dalaway patuloy na umaasa
Ngunit ngayon sabay na nasasaktan at
nag hahanap ng pag asa

Ang salitang
SANA
ngayoy  kaakibat sa bawat buntong hininga
Sana naghintay lang ako,
Sana mas nagging matapang akong mahalin ka at
harapin ang bukas ng walang pag aalinlangan,
Sana ikay pinaghawakan at ipinaglaban sa
tadhanang naghahamon
at
sa pagkakataong hindi nakiki ayon

Ginamit kong salita ay parang kalasag
Bilang pansalag sa naka umang katotohanan.
Isinulat ko ito upang pagmukhain akong matapang
Na mistulang  lumalaban ng walang pag aalilangan.


Tangapin na natin
hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay sa atin ay naaayon
sa kung paano natin gusto
ito’y ating matatamo.

Kaya mahal paalam........
JOJO C PINCA Nov 2017
“Set wide the window. Let me drink the day.”
― Edith Wharton, Artemis to Actaeon and Other Verses

Matapang, sino ang tunay na matapang?
Yung siga ba sa kanto?
O yung pulis na marami nang na-tokhang?
Hindi kaya ang senador ng oposisyon
Na laging bumabanat sa administrasyon?
O baka naman yung mamang komentarista
Sa radyo at telebisyon?

Saludo ako sa mga sundalo’t pulis na
Nakipaglaban doon sa Marawi. Walang
Sindak ang mga bombero na sumusugod
Sa nagngangalit na dila ng apoy.
Hindi matatawaran ang kagitingin ng
Mga nagpapakasakit para sa kalayaan
At kapakanan ng inang bansa.

Pero may ibang anyo ang katapangan
Na mas malalim at kahanga-hanga.
Ang katatagan ng puso at isipan sa gitna
Ng dusa at malagim na paghihirap.
Ang hindi pagsuko ng kaluluwang hindi
Kayang ibilanggo ng takot at banta ng paghihirap.

Si William Ernest Henley ang bayani ng
Katapangan na tinutukoy ko s’ya ay di nalupig
Kailanman. Hindi s’ya sumuko sa siphayo ng kapalaran
Hanggang sa huling sandali.

Pagnilayan natin ang kanyang Invictus:

“Mula sa gabing bumabalot sa akin,”

May mga kawawang nilalang na walang umaga
Ang kanilang buhay puro gabing madilim
ang laging umiiral. Walang liwanag, walang bukang-liwayway.
Mula pagkabata hanggang pagtanda puro hinagpis at pait
Ang kanilang laging sinasapit.

“Kasingdilim ng hukay na malalim,”

Maraming bangin sa buhay ng mga kapos palad
Na nakabaon sa dusa at hilahil. Hindi nila ito ginusto
Hindi kailanman pinangarap kaya’t hindi nila ito
Kailanman matatanggap.

“Sa mga diyos, ako’y nagpapasalamat”

Ang mga kawawang mahihirap at mga mangmang
Sa kaalaman na laging salat sa mabuting paliwanag
Ay laging nagpapasalamat sa diyos. Salamat sa diyos……
Hahaha….. walang diyos mga hangal. Kung may diyos
Wala sanang kahirapan at kaapihan na umiiral.

“Sa kaluluwa kong hindi natitinag.”

Katawang lupa lang ang sumusuko
Ang kaluluwa at pusong matatag
Kailanman ay hindi ito magagapi.

“Nahuli man ng pangil ng kapalaran,”

Ang pangil ng malupit na kapalaran
Ay laging nakabaon sa leeg ng mga hampas-lupa
At mga walang makain sa araw-araw.
Pero hindi nito kayang sakmalin ang mayayaman at
Ang mga burgis. Bahag ang kanyang buntot
Sa harap ng mga panginoon.

“Kailanma’y di nangiwi o sumigaw.”

Kahit sumigaw ka at ngumawa nang husto
Walang tutulong sa’yo, walang makikinig
Dahil bingi ang mundo at bulag ang mata
Ng panginoong mapagpala.

“Sa mga pagkakataong ako’y binugbog,”

Paos ang tinig ng mga inang mapapait kung humikbi
Mga pinanawan ng pag-asa at ulirat dahil sa pag-iyak
Walang saysay ang sumigaw – nakaka-uhaw ang
Pag-iyak magmumukha ka lang uwak.

“Ulo ko’y duguan, ngunit ‘di yumukod.”

Bakit ka naman yuyukod sa putang-inang kapalaran
Na walang alam gawin kundi ang mang-dusta at mang-api.
‘Wag mo’ng sambahin ang isang bathalang walang-silbi,
Lumaban ka at ‘hwag magpadaig.

“Sa gitna ng poot at hinagpis”

Galit at lungkot ito ang kapiling lagi
Ng mga sawimpalad. Malayo sa masarap
Na kalagayan ng mga pinagpalang sagana
Sa karangyaan at kapangyarihan.

“At sa nangingilabot na lagim,”

Nagmistulang horror house ang buhay ng marami
Walang araw na hindi sakbibi ng lagim, walang oras
Na hindi gumagapang ang takot. Takot sa gutom, sakit,
At pagdarahop.

“Mga banta ng panahong darating,”

Bakit ang mga walang pera ang paboritong
Dalawin ng katakot-takot na kamalasan sa buhay?
Ganyan ba ang itinadhana ng diyos na mapagmahal
At maunawain? Nakakatawa diba?
Pero ito ang katotohanan ng buhay.

“Walang takot ang makikita sa ‘kin.”

Tama si Henley bakit mo kakatakutan ang lagim
Na hindi mo naman matatakasan? Mas mabuti
Kung harapin mo ito ng buong tapang at kalma.

“Kipot ng buhay, hindi na mahalaga,”

Para sa isang lugmok sa pagdurusa wala nang halaga
Ang anomang pag-uusig at kahatulan na nag-aantay.
Impeyerno? Putang ina sino’ng tinakot n’yo mga ulol.

“O ang dami ng naitalang parusa.”

Parusa, ang buong buhay ko ay isang parusa.
Ano pa ang aking kakatakutan na parusa?
Hindi naging maligaya ang buhay ko ano pa
Ang mas malalang parusa na gusto mo’ng ibigay?

“Panginoon ako ng aking tadhana,”

Oo ako lang ang diyos na gaganap sa aking
Malungkot na buhay. Walang bathala akong
Tatawagin at kikilalanin ‘pagkat wala silang pakialam sa’kin.

“Ang kapitan ng aking kaluluwa.”

Walang iba na magpapasya sa aking tadhana
Ako lang hanggang sa wakas ng aking hininga
Ang dapat na umiral.

Si Henley ang tunay na matapang dahil kahit
Pinutol na ang kanyang mga paa, sa gitna ng sakit
At matinding dusa hindi s’ya sumuko. Ang kanyang
Kaluluwa ay nanatiling nakatayo.
AUGUST Jan 2019
Ibubulong nalang sa hangin,ang bawat pagsumamo
Paano ba maipaparating, ang nadarama ng puso
lagi kitang inaalala malayo ka man sakin
Kelan ba tayo magkikita ang hangad nitong damdamin

Sa panaginip nalang makikita matutupad ang pangarap
Sa panaginip nalang ang pagsinta duun nalang magaganap
Mga pangako at sumpaan paano na matutupad
Walang kasiguraduhan kung saan ba mapapadpad

Tadhanang mapaglaro, magkalayo at di pinagtagpo
Ba't Sadyang mapagbiro kahit may lalim bawat pagsuyo
Dating hawak ang ‘yong kamay, ngayon sa guni guni
Buhat ng ikaw ay mawalay, nasisilayan sa muni muni

Sinagot ma’y marami paring Katanungan
Lahat ba ng tanong? wala pa ring kasagutan
Kung may dulo ang daan, Saan ba ang hantungan
Kung ito’y may hangganan, Ano ba ang pupuntahan

Sa kapalarang magkatugma, kahit na isa kang dayuhan
Ng pagmamahalang mahiwaga , na tayo ay nagkaunawaan
Tunay nga na ang pagibig may isang diwa
Tayo’y Itinadhana, Magkaiba man ang ating pananalita

Andito lang ako, Malayo parin ang distansya,
Naghihintay sayo, Malapit nang mapuno ang Pasensya
Dito sa kaganapang di mapapaliwanag ng sihensya
Kung ba't ikaw, ikaw ang hinahanap ng konsensya

Kahit wala ka.....

Di na makapaghintay sa panahon ng iyong pagbabalik
Pagkakataong tayo’y muling magkita, ako’y nananabik
Minsan pa sanay lumantay ang yakap mo’t mga halik
Nang sana ang sigaw ko’y tuluyan nang matahimik

*Para sa mahal kong si Reina
Ngunit sana maunawaan nya ang tula ko.
Ryan Joseph Aug 2019
Araw-araw nagtatanong sa sarili;
Sino ba ako para magmahal sa'yo?
May karapatan ba akong umagaw sa atens'yon mo?
Bakit ba ako ay nababaliw na sa'yo sobra?
Dahil ba sa'yong tunay na ganda?
Ganda na nakakaakit sa mata at hindi makapakali.

Subalit, bakit ba naman o kay lupit ng tadhana?
Na ipinagtagpo pa tayo,
Kung sa hulihan lang naman ay magsisisi at magdudurusa ng walang nakaka-alam.
36 Ang ikatlong pagsubok ay palamangan
Ng mga lamang-dagat na pahulihan

37 Paramihan sa tingin
Pabigatan sa timbangin

38 Ito ang pagsubok na itinadhana
Para sa magigng prinsipe sa tuwina

39 Sinasabing diwata’y tumutulong
Sa sinumang may pinkamaraming naikukulong

40 Sa kanilang lambat na inilalatag
Sa mga alon na sa dagat papag

41 Magsisimula ang hamon kapag umaga’y lumitaw
Magtatapos sa paglubog ng araw

42 Nang sabay-sabay bumalik ang tatlong lalaki
Si Agus ang may pinakamarami at mabigat na huli.

-06/24/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 147
XIII Jun 2015
Ang love story natin
Ay parang kwento ng theme songs ng JaDine
Di ka fan, di mo siguro maaappreciate
Pero kinakantahan tayo ni Nadine Lustre at James Reid

Ang daming tanong nung umpisa
Ang daming pagdududa
Game na ba? Ano na? Sure na ba?
Ang hiling ko, sige na

Para ngang isang pagsusulit
Bawal magbura, one seat apart, walang kopyahan,
Right minus wrong, kung di alam 'wag hulaan,
Kumpletuhin ang patlang, bawal ang tyambahan


Para ngang isang pagsusulit
Pinag-isipang mabuti

Hanggang sa sabi mo, "Oo na.". Yes!
Oh, wala ng bawian, mamatay man, period no erase!

Matapos no'n, nagdagsaan ang mga pagsubok
Katulad din naman sa kahit kaninong relasyon
Pero dahil naniwalang sayo'y may forever
Pareho tayong hindi sumu-render


Pagkat sayo natagpuan ang ipinagkait sa akin
At sakin mo naramdaman and di mo akalain
Ipaglalaban ko
Ipaglalaban mo


Wala na tayong ****, basta bahala na
Alam lang kasi natin mahal natin ang isa't isa
At kahit pa sabihin na, tayo'y di itinadhana
Na na na na na na na na na na na bahala na


Pero katulad din ng ibang relasyon
Lumalamig, parang kapeng napaglipasan ng panahon
Tumitigas, parang pandesal na naiwan sa kahon
Tila di na alam kung san tayo paroroon

Piniling lumayo
Ngunit pilitin man ay bumabalik sayo
Di matatago kahit magpanggap
Ang iyong yakap, ikaw, ang hanap-hanap


Ikaw ang hanap-hanap
Dahil ang puso'y nangangarap
Na magsasamang muli
Na may happy ending bandang huli


Pero di pa tapos
Ang kwento natin hindi pa tapos
Sana'y hindi pa tapos
At sana'y di na matapos

Tatlong kanta pa lang naman
No Erase, Bahala Na at Hanap-hanap
Sana ay kumanta pa sila
Sana ay marami pa

At sana, kahit gaano man karami
Masayang kanta ang maiwan sa huli
Yung may forever, may happy ending
Kaya sige, mag-duet pa kayo *JaDine
Inspired by JaDine's songs, written while listening to them.
To all JaDine music fans! JaDine FTW!!!
All lyrics excerpts are © from JaDine songs: No Erase, Bahala na & Hanap-hanap.
mikhachuuu Apr 2017
Minsan naiisip ko
Pano mo nga ba nabihag ang puso ko
Oo ako nga iyon
Ang nilalaman ng puso mo ngayon

Ewan ko kung bakit
Ewan ko kung bakit tayo'y pilit na pinaglalapit
Tas eto ako ngayon nahulog na
Nahulog na sa taong halos lahat ng ay humahanga

Oo ikaw nga yon,Minsan naiisip ko
Pano mo nga ba nabihag ang puso ko
Oo ako nga iyon
Ang nilalaman ng puso mo ngayon

Ewan ko kung bakit
Ewan ko kung bakit tayo'y pilit na pinaglalapit
Tas eto ako ngayon nahulog na
Nahulog na sa taong halos lahat ng ay humahanga

Oo ikaw nga yon,
Ikaw na ikaw, heartthrob ngayon
Mga babae sayo ay nagaabang
Pero kahit wala akong gusto sayo, ako parin ang lumamang

Noon, nirereto kita sa iba
Sa kanya, para kayo ay magkakilala
Naalala ko ang fc ko non
Pero angyare ngayon?

Oo unexpected talaga
Bat nga ba tayo ang itinadhana
Sana eto na nga ang huli,
ayoko na ng susunod pa muli

Noon, pagkakakilala ko sayo ay pafall, paasa
Pero nung lubusan kitang nakilala, hindi pala
Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana
Di natin inaasahan tayo din pala

Bago palang, dami ng nangyari
Nakagawa ng mga pangyayaring tama at mali
Ayoko na maulit ang mga nangyari noon
Mga nangyari noon na gusto ko ng itapon

Ang swerte ko kasi ako napili mo
Kahit nung simula, wala akong gusto sayo
Pero ngayon nahulog na ko
Hays, nahulog sa taong madaming nagkakagusto

Ikaw, ikaw na kaya?
Ikaw na kaya ang "Right One" ko?
Ako, ako na kaya?
Ako na kaya ang "Lucky Girl" sa buong mundo?
Swerte ko sayooo huhu <3
Mimi V Apr 2016
Alam kong mali ito
Kahit ang nasa itaas di sasang-ayon
Pero ano nga bang magagawa ko?
Pakiramdam ko’y lalong nahuhulog sayo.

Nung una at pangalawa di ako sigurado
Ngunit sa pangatlong beses?
Di ko na mawari ang nadarama
Pag-ibig ko sayo’y lalong lumalalim

Ang hirap! mali kasi talaga to,
minsan iniiwasan kitang kausapin, dumidistansya
Hindi dahil sa maygalit ako
Subalit yun lang ang paraan ko,

Paraan na mabawasan ang pagkahulog sayo
Minabuti kong di magpakita ng ilang araw’
“And it’s been weeks”
Subalit, lalo lang kitang namimiss.

Pag ika’y aking kaharap
Hindi ko alam ang sasabihin
Hindi ko alam saan ako mag uumpisa
Ni hindi nga makatingin ng deretso sayo

Oo! Single naman tayong pareho
Ngunit sa kabila ng lahat
Alam kong hindi pwedeng pilitin
Alam kong hindi ka itinadhana sa akin


Kung hindi lang ito mali
Bakit pa kita pakakawalan?
Bakit pa kita iiwasan?
Bakit ko pa patatagalin?

Ngunit may dahilan ang lahat
May ibang plano ang Diyos
Plano niya'y ikakabuti nating dalawa
Kaya di ako manghihinayang!

Dalangin ko sa maykapal
Maibsan ang aking nadarama
Pagkat tanging ito lamang ang solusyon,
Sa puso kong di na dapat  umaasa sayo.
Yes! be moving on #SlowlyMovingOn #NotAPoem #ItsHugot Teeeheee ^.^
kingjay Dec 2018
Ang panggagaway ay sinukat na plano
Nadinig ang umanas na demonyo
Marahil di itinadhana
Patawarin sana ang kaluluwa na binahiran ng tintang itim

Nanawagan sa iba't-ibang uri ng engkanto
Sila'y maging alipin
Lumagablab ang raya
Naupod parang sigaro ang katinuan
Walang sumansala sa hangad

Lumapit na  ang liyag
Tulala habang bumalisbis ang luha
Dinukot ang puso niya't nilunok
Mamamatay kung hindi maaangkin

Ang nag-udyok ay ang nilalaman ng diwa
para tumahi ng isang hiraya
Sapagkat di maipahayag nang harap harapan
kaya ang hinanakit ang naghari sa gitna ng pagsinta

Pinalipad gaya ng saranggola
Ang guryon ay mahigpit na tinalian
Sa kalaunan, napugto ang sinulid
Nakalaya sa pagkabigkis
Hindi ako magsisinungaling, marami na akong nakilalang kagaya mo.
Kaya laging nagtatanong mga kaibigan ko,
"ano ba espesyal sa taong 'to?"
Hindi ko rin masagot.
Ano nga bang meron sa'yo?

Saan ba ko nahulog,
Sa mga ngiti **** di ko malimutan, sa kamay **** hirap akong bitawan, o sa boses **** araw-araw kong gusto marinig?
Sa'yo.
Sa'yo mismo, ikaw ang sagot.

Ikaw ang sagot sa mga tanong ko.
ngunit mananatili na lang na kulang kulang at may patlang ang pag-ibig na ito.

Itinadhana tayong magkakilala ngunit hindi tayo itinadhana para sa isa't isa.

Pero baka bukas, magbago ang mga bagay bagay.
Baka bukas, mag-iba ang ihip ng hangin.
sana na bukas, pag mulat ng aking mga mata
katabi ka na.
sana bukas, pag mulat ng aking mga mata,
akin ka na.

dumaan ang ilang bukas, may mahal ka nang iba.
Crissel Famorcan Mar 2018
Isang taon ang muling lumipas,
Di ko na namamalayan ang pagtakbo ng oras,
Mahal,bagong taon na!
Nais ko lamang itanong—may pag-asa na kaya?
Ilang taon na rin akong nag-aantay ng sagot
Yung puso mo,ilang taon ko nang inaabot—
Ngunit hanggang ngayon,nanatiling mailap
Kelan ba babalik sa dati ang lahat?
Isa lang naman ang hiling ng pusong nalulumbay
Makasama kita habang buhay!
Tanda ko pa kung gaano tayo noon kalapit sa isa't-isa
Pero nagbago ang lahat ng mahulog ako sayo sinta,
Hindi ko sinasadyang mahalin ka—
Yan ang tangi kong nasambit
Ngunit di mo pinakinggan kahit na aking ipinilit,
Lumayo ka't iniwan akong nag-iisa
Sa gitna ng kawalan,iniwan **** nagdurusa
Kelan ka babalik?Hindi ko na kaya!
Pagkat sa bawat araw na magdaraan
Lumalalim ang pag-ibig na nararamdaman
Kahit na aking pigilan—
Mahal,Hindi ko matiis na wala ka!
Kahit na ba nasanay na sa pag-iisa
Ikaw pa rin ang hanap sa tuwina..

Isang taon akong nagtago ng nararamdaman
Ngunit tila habang buhay ang epekto ng iyong nalaman!
Ang nais ko lang naman,makapiling ka
Kahit na alam kong may mahal kang iba—
Oo,ako na yung Tng!
Masisisi mo ba ako?
Masama bang mahalin ang isang tulad mo?
Siguro nga tayo yung matatawag na "pinagtagpo ngunit di itinadhana"
Kaya siguro din,dapat na akong magpalaya,
Alam kong sa iba ka nakatadahana
Nagkamali lang si kupido sa pag-asinta ng kanyang pana
Kaya mahal, ang tanging hiling ko bago tuluyang umalis,
Maari bang ibalik yung "dating tayo"?
Bilang " magkaibigan!"— ano ano na namang iniisip mo!
Susubukan kong pigilan ang pusong makulit
At patawad mahal,sana'y di ka na galit... :)
George Andres Jun 2017
Sa susunod kong iibigin

Hindi ko nais ng mga larawan
Nakasabit sa mundo upang maarawan
Dahil hindi ito isang bulaklak sa halamanan
Tubig ang kailangan ng mga bakawan
At ang kuwadro ng bulalakaw ay sa kalangitan

Hindi ko nais ng mga larawan
Hindi mapurol ang lente ng aking mga mata
Upang palitan ang pagsulyap ko sa'yo ng isang shot ng camera
Nais kong tingnan ang mga labi mo't makita
Ang kurba nito't pula,
Taingang nag-iinit kung bibiruin kamo kita
Sa tuwing sasabihin kong ikaw ay maganda

Hindi ko nais malaman nila
Hindi sa inaangkin kong akin ka
Dahil ikaw ay sa mga tala, kailanma'y hindi ko pag-aari ka
Hindi ko nais malaman nila
Dahil ang nasa labas ay madalas ipinapakita lamang ay maganda
At ang larawan kung minsan ay imahe ng hindi totoo
Ng saglit na pagtipa kung 'aayon ba sila dito?'

Maikling pagtatagpong hindi itinadhana
Hindi ko nais na sa loob ng kwadrong ito ka maalala
May kwento ang bawat larawan
At madalas sa mga ito ay pulos pighati lamang

Hindi ko nais na umayon sa lipunan at kung ano ang kanyang idinidikta
Hindi ko nais dumating ang araw na tatanungin kita kung totoo ka ba
22 Isang araw na itinadhana
Nagtagpo si Ihib at si Pina

23 Nang sila’y pumaroon
Sa dalisdis ng bundok na iyon

24 Ang binata’y sa silangan
Ang dalaga’y sa kanluran

25 Inihanda ng lalaki ang bato
Inihasa ng babae ang palaso

26 Sabay nilang pinalipad
Sa inakalang ibong napadpad

27 At pagbulusok ng saranggola
Sa kinabagsakan nito’y dali-dali sila

28 Iyon ang unang pagkikita
Nina Ihib at Pina.

-07/08/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 160
Xian Obrero Mar 2020
Ano nga ba ang “IKAW” sa ako?
Ikaw ba ‘yung taong pag-aalayan ko?
—pag-aalayan ko ng saya, tuwa, oras,
puso at buhay ko?
O ikaw ba ‘yung taong magpapaluha,
maninira o guguho sa aking mundo?

Sino nga ba ang “IKAW” sa akin?
siguro ikaw na ‘yung matagal ko nang-
pinapanalangin,
siguro ikaw na ‘yung may mukha at
may mga matang mahinhin,
ikaw na siguro ang nakatakda kong
mahalin.

Teka lang, eh, “AKO”?
Ano nga ba ang “AKO” para sa’yo?
Siguro naman mayroong “AKO” diyan -
sa puso mo?
Siguro naman may “AKO” na siya ring
ipinagpanalangin mo?
Siguro naman may “AKO” rin diyan
sa buhay mo ?

May “IKAW” at “AKO”, ibig sabihin
– mayroong “TAYO”.
Ang mahalaga may “TAYO” kahit hindi ito klaro. Hindi man itinadhana, minsan pa ring
namuhay sa iisang mundo.
Hindi man pinagtagpo, magkarugtong
pa rin naman ang mga puso.
Atheidon Mar 2018
Hindi ang mga tala ang magdidikta ng ating kinabukasan,
Kundi ang mga puso na syang handang lumaban at manindigan--
Manindigan para sa mga bagay na hindi kayang hawakan ng ating mga palad.

Hayaan **** maranasan ng iyong puso ang malumbay at mawalay
Sa isang pamilyar na pakiramdam
Nang maunawaan mo ang kahalagahan ng isang bagay--
Bagay na katangi-tangi at panghabambuhay.

Hindi masusukat ng lahat ng mga bituin ang pagmamahal na kaya **** ialay;


   Sa bawat minutong inilalaan mo para sa taong ito,
   sa bawat text na kaagad ay nirereplyan mo,
   Sa bawat araw na ninanais **** siya ang kasama mo,
   Sa bawat pagkakataon na hindi mo pinapalagpas para siya ay makasama.

                                                               ­                                    Oras.

   Sa lahat ng pagkakataon na hindi ka nagreklamo sa pagiging late nya,
   Sa lahat ng pagkakataong minahal mo siya sa kabila nang pagiging magulo nya,
   Sa lahat ng pagkakataong ika’y natulugan sa telepono habang kausap mo siya dahil alam **** pagod sya,
    Sa lahat ng lakad na hindi niya nasipot dahil kailangan pala niyang mag-aral.

                                                               ­                                   Pag-Unawa.

   Sa pananatili mo sa kanyang tabi kapag siya ay nalulumbay,
   Sa pag alo mo sa kanya kapag siya’y nananangis,
   Sa pagngiti mo at ng iyong puso sa sa tuwing siya’y masaya,
   Sa pakikinig mo sa lahat ng kanyang hinanaing tuwing nagpupuyos ang kanyang damdamin.

                                                               ­                                   Pagdamay.

Higit sa mga rosas at tsokolate,
Ipinakita mo ang iyong pagmamahal.
Pinatunayan **** higit sa mga bagay na kayang hawakan ng ating palad,
May iba pa palang paraan ang pagmamahal.

Pagdamay. Pag-Unawa. Oras.
Ilan lamang yan sa mga kayang magdikta nang ating pagmamahal.
Kaya wag **** hayaang ang tadhana lamang ang magdikta nang inyong kinabukasan.

Higit sa tadhana ang inyong pagmamahalan.
Hindi kayo itinadhana lamang,

/ Pinili nyong magkatadhana. /
AgerMCab Jun 2019
Yung akala **** itinakda
Akala mo'y importante
Hindi naman permanente
Yung akala **** itinadhana
Wari mo'y mahalaga
Bakit naging pansamantala?
Hindi ba dapat ay pang habang buhay at hangang sa kabilang buhay?

Ang pagmamahal kapag nakatakda
Ang pag ibig kapag nakatadhana
Hindi  mababawasan
Hindi mawawala
Hindi na lamang akala
Hindi na rin pakiwari
Dahil hindi mangungupas
Lecius Dec 2020
(Tulang alay kay A k i n g  m a n l a l a y a g  🛶)

Kung may pag-kakataon lamang, na iatras ang kamay ng orasan, at iangkop ito sa aking kagustuhan, nais ko bumalik sa panahon na 'di kalayuan-- dalawang taon bago kasalukuyan.

Babalik lang ako sa araw na kung saan ako pa ang kasabay, sa bawat hakbang ng paa sa pag-lalakbay.
Pipigilin ko ang oras sa bawat segundo nitong pag-patak. Ititigil ko ito upang sariwain ang ala-alang ito, hanggang sa ito'y hindi ko na makalimutan.

Hindi ko na palalampasin ni sasayangin, lulubos-lubusin ko na dahil sa pagkakataong tumakbo muli ang oras, tatahakin na nito ang daan na kung saan, iba ang iyong kasabay sa pamhabangbuhay

Nais lamang sa muling pag-kakataon, makasama siya sa pag-lalakad patungong sakayan habang pinag-kwekwentuhan namin, ang mga kaganapan sa lumipas na mag-hapon.

Hindi ko ito gagawin upang baguhin ang mga bagay gaya ng karamihan. Gagawin ko ito dahil nais kitang muling makasama at masabi sa'yo na sa akin ay naging mahalaga ka. Na kahit kailan ay patuloy ka parin sa'king mahalaga kahit na hindi tayo ang itinadhana
MarieDee Nov 2019
Ang lungkot at pakiramdang kay pait,
pilit itinatago sa pagkibit balikat at ngiting pilit
Na sa kabila ng panandaliang sayang naidudulot
ng mga kasamang pumapawi ng iyong lungkot,
mga masasayang sandaling kasama ka'y hindi pa rin malimot

Ilan man ang nagtanong ng “KUMUSTA?”
Ilan man ang dumaan at nakilala,
Ikaw at ikaw pa rin ang siyang iniisip oh aking sinta.
Puso ko'y parang tinatarakan ng patalim
pag nakikita kang sa kanya'y may pagtinging malalim
mga matang panandaliang sumaya nang ikaw'y masilayan,
biglang napalitan ng bahagyang selos at kalungkutan.

NALULUNGKOT mang ngayon na hindi na ako ang sa iyo'y nagpapasaya,
na ang mga pangako mo noon na sa aki'y ipinadama,
ngayo’y iyo nang ibinibigay sa kanya,
patuloy pa ring iibigin ka, kahit sa iyong piling ako’y wala na.

At kung siya man ang sa iyo'y itinadhana,
ang tanging hangad ko lang ay makita kang MALIGAYA.
tagalog
Euphrosyne Feb 2020
Sa bawat sukat at tugma
Sa bawat tula kong hindi tumugma
Ang tayo'y hindi dapat itinadhana
Ngunit tayoy pinagtapo ni tadhana

Sa bawat oras na naiisip ka
Sa bawat paglinap ng tula
Na sayo lang naman ilalathala
Na ikaw lang laging laman ng mga masasayang tula

Sinta sana makuha mo lahat ng obra
Dahil walang ibang nanaising  pagbigyan nitong nilikha
Kundi ikaw lang at wala ng iba
alam kong huli na
Ngunit ipaglalaban parin kita

Sa mundong napupuno ng kalokohan
Pupunuin naten ng pagmamahalan
Piliin mo ako at papakita ko sayo
Kung ano ang ibig sabihin ng pagiibigan

Lubos akong nagpapasalamat
Sobrang maraming salamat
Kahit kay tadhana
Dahil nakilala ko ang isang uri ng dalagang katulad mo
Walang kupas
Walang kulang
Walang arte
Kaya nung nahulog saiyo
Wala akong laban sayo
Hinayaan nalang mahulog sayo
Dahil una palang ikaw na ang gusto.

Itong mga tula
Nagpapakita
Nagpapatunay na mahal kita
Salamat sinta, mahal kita.
Kilala mo na sarili mo o kailangan ko pang sabihin dito? Sige na para sayo to diane wala nang iba.
MM Oct 2018
Matagal ko nang napagtanto na hindi tayo itinadhana
At batid na sisikat at lulubog ang araw nang hindi tayo magkasama
Hindi kasabay ng bawat pagbilog ng buwan ang ating pagtanda
Pagkat ikaw at ako ay nagmahal at bigla,

Saka ka kumawala
JL Nov 2020
Para Sa Mga Umasa..... TAMA NA!!
By: Lovely Joy / September 2020

Ilang araw at buwan na rin ang dumaan
Mga araw na pinagdaanan at naranasan
Na nagbigay ng aral, pasakit, kalungkutan
Pero nangibabaw pa rin ang kasiyahan
Salamat sa alaala at nakaraan, kaibigan.

Kalahati ng aking tula'y naabot na rin
Ilang piyesa, ilang titik, ilang salita na ang nabitawan
Pakiramdam ko mauubusan na ako ng letra
Pero handa naman akong maubusan
Kung ang paglalaanan ng aking pagiging makata ay IKAW.

Naalala mo pa noong huling tinanong kita ng "Ayaw mo na maayos?"
Ni isang salita wala akong narinig mula sa'yo.
Sabi natin noon, laban lang tayo hanggang dulo
Siguro nga eto na yung dulo.
Siguro oras na... oras na...
Susubukan kong kalimutan ka na
Kahit sobrang sakit sa akin ang talikuran ka.
Bibitawan ko na ang natitirang "sana"
At pakakawalan ko na ang paniniwalang "baka.”

Dapat ko ng tanggapin na hindi tayo para sa isa’t-isa
Sabi nga sa isang kanta, pinagtagpo pero hindi itinadhana
Natatagpuan pero nakatakda ring umalis.
Merong babalik, at meron din na maglalaho na lang.
Oo nga't mahal kita..... mahal...pa... kita...
Mahal kita, pero siguro tama na.
Love your self. ♥♥♥
Gamaliel Jan 2021
///
Paano ko pa sasabihin kung kailangan ko ng limutin? Pati panahon na aking inaasahan, aking kalaban. Malayo ka. Malaya ka.

Bakit hindi na lang ako? Siya ba ang itinadhana sa iyo? Masaya ako para sa iyo. Dalangin ko ang kaligayahan mo. Pero bakit hindi na lang ako? Mapait ang panlasa ko. Nasasaktan ang puso ko. Kalungkutan ang baon nito. Itatago at iingatan na lang mga ngiti mo. Hindi ko na alam kung saan ako patungo.

Alam ko, mag-aalala ka para sakin. Alam ko, malulungkot ka para sa atin. Huwag na. Ako na lang para sa ating dalawa kaya awat na. Huwag mo sanang isipin na isang kasalanan. Hindi ko rin naman malaman. Basta na lang naramdaman. Gusto ko namang iwasan. Gusto ko namang pigilan. Ano bang dahilan? Mayroon ka bang kasagutan? Paano, mauuna na ako sa katapusan.

Tiyak ko, lubos ka niyang pahahalagahan. Nakikita ko naman ang inyong pagmamahalan. Mas madalas man na ako ang lisan at ang pag-ibig ko ay di suklian, marami na rin ang aking iniwan at tinalikuran. Nawa'y ang lahat ng ito ay di mo na maranasan. Kung maipapangako niya lang sana na di ka sasaktan at pababayaan. Oo, kusang-loob na bibitaw, kahit pa pumanaw.

Alam ko, isa lang naman akong kaibigan. Hinahanap ko lang rin naman ang mga kasagutan. Parehas natin gustong maintidihan. Alam ko, ako'y iyong papakinggan. Tulad ko sayo, ikaw, ay aking kaibigan. Wag mo muna akong talikuran. Maari kayang dahan-dahan? Ngiti ka muna at ako'y pagbigyan.

Hindi ka mawawala sa aking hiraya kahit papunta ka at mananatili sa piling niya. Kung bakit ba naman sa pagkakalayo nating dalawa kita unang minahal at ninais na makasama. Kung bakit ba naman sa iyong pananahimik natuto ang puso ko na umibig nang may pananabik.

Ikaw naman ang mauna sa ating dalawa. Dito na lang muna ako, tatahan at magpapahinga. Maghihintay pa rin sayo at hindi susuko. Kapag dumating ang panahon na mangulila ang iyong puso, bumalik ka sakin na tumatakbo at nagmamadali. Sabay na tayong magsisimulang muli at iiwan itong ating dulo.
Simula sa Dulo
Stephanie Jun 2018
Nasaan ang dulo ng walang hanggan
Hindi ko hinanap ngunit natagpuan
Nasaan ang pangakong binitawan
Ang daang madilim na iyong inilawan
Ikaw rin ang pumatay ng sindi
Sa mga tanong na ang sagot ay hindi
Ikaw ang aking inaasam na sana
Sana masilayan kita sa bawat umaga
Sana ikaw na lang, ngayon at bukas
Sana hindi nalang ito ang wakas
Nasaan ang dulo ng walang katapusang ligaya
Kapag ba naroon na sa puntong hindi na masaya
Bakit mo binago ang takbo ng tadhana
O siguro'y una palang, hindi na tayo ang itinadhana
Nasaan ka nga ba talaga?
Ibubulong nalang sa hangin ang iyong halaga
Ipipikit ang mata habang sinasambit ang isa pang sana
Sana'y bumalik ang kinang sa'yong mata, malaya ka na
Alam ko na kung nasaan ka ngunit bakit?
Pangako. Magkikita tayong muli sa langit.
Nang mabatid ang kinatatakutan
Galit bumalot sa maselang katauhan

Nais panghawakan inarugang puwesto
Dahil sa kagalakang naidulot nito

Kaya nang agawin ito sa tuwina
Binitiwan isang mapaminsalang sumpa

Mula sa lupain ng perpektong bulkan
Nagbadya ang galit sa kaloob-looban

Sa taon ng kabayo – tag-init, tagtuyo
Itinanim ang binhi ng panibugho

At sa muling pagyapak sa lupaing itinadhana
Iginawad sa tuwina ang halik ng sumpa

Para sa mga nais akong pabagsakin
Sila ay nararapat na aking singilin!

-11/13/2014
(Dumarao)
*My Cursed Poems Collection
My Poem No. 276
midnight Mar 2019
para sa'king sol,

ang nagsisilibing araw sa buhay ko,
para sa'yo itong tula,
hindi ko na papahabain pa
alam kong hindi tayo puwedeng magsabay
kaya't sa'ting paglayo sa isa't isa,
sana'y masaya ka,
at sa kabilang dulo ng mundo,
susubukan ko ring maging masaya
sa alaalang minsan tayong nagtagpo,
pero hindi talaga itinadhana

patuloy na nagmamahal,
luna
Glenda Lee Oct 2017
Napakasarap magmahal
lalo na sa taong akala **** makakasama
mo na habang buhay

Napakasarap magmahal
lalo na sa taong akala **** itinadhana sa'yo
at mamahalin ka ng lubos at tunay

Napakasarap magmahal
lalo na sa taong akala mo di ka iiwan
kasi sapat ka na para mundo niya'y
mabigyan ng kulay

Napakasarap magmahal
lalo na sa taong akala mo hindi ka matatakot
mabulag kasi siya yong magsisilbing
gabay at patnubay

Napakasarap magmahal
Lalo na kung ang lahat ng ito
ay naging totoo
at hindi lang humantong sa pala-palagay
Sa ‘twing mauuntog ako't magbabalik ang ulirat,
hahalikan ng oras sa pisngi
na parang pinapamukha na sa hindi mabilang na muli,

nag-iisa 'kong...

nangangarap ng dilat sa lumalangitngit na kama.
kumakain ng nilutong laing para sa dalawang sikmura.
naghahanap-buhay.
naghahanap ng buhay.

Hindi ako naghahangad ng labis.
ng titulo o karatulang nagsasabing itinadhana tayo
dahil hindi naman.
Hindi naman talaga sa bahagi ng mundo ko.

Pero,

natagpuan mo'ko,
nakasayaw sa Maginhawa,
naduraan ng iyong mga biglaang tula,
natitigan habang hinaharana mo,
napasaya sa mga munting biro,
nayakap habang nagpapaalaman.

hindi man sa habang panahon,
bagkus sa miminsang mahabang magdamag.
mga minsang hindi tayo saklaw ng oras.

At sa bahagi ng mundo ko,
iyon ay sapat na.

hinga
Naiproklama na
Ang mga pasok sa senado
At siyam sa kanila
Mga pambato ng Pangulo –

Poe, Legarda, Cayetano
Pimentel, Trillanes, Escudero
Villar, Angara, Aquino

Salamat sa Maykapal
Dahil karamihan ay dilaw
Halos lahat ay marangal
Lalabanan mga halimaw

Sa ating mga 9 na bida
Na sa senado itinadhana
Pangalagaan niyo po ang ating inang bansa.

-05/19/2013
(Dumarao)
*My Yellow Poems Collection…written on the day after the proclamation of senator winners
My Poem No. 205

— The End —