Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Maemae Tominio Sep 2016
SYA
Sa dami ng tao  na nabubuhay sa mundo,
Hindi lang isa o dalawa ang nakakaranas nito,
Mga tanong na animo'y basag na salamin na di na mabuo,
Walang ibang kayang sumagot kundi mismong puso mo.

Sinu ba naka imbento ng pagmamahal?
Bakit pag nasaktan, paglimot ay kaytagal,
Mga nakaraa'y gusto **** balikan,
Ngunit tadhana sayo'y gusto ng kalimutan.

Biktima ka na ba ng maling pagmamahal?
Yung tipong mahal mo sya, mahal ka nya ngunit bawal,
Mainit sa mata ng iba at hindi kaaya aya,
Ngunit para sa inyong dalawa'y pag sasama nyo'y anong kasing saya.

Agwat ba ng edad ay hindi alintana?
Sa paningin ba ng iba'y hindi maganda?
Mamahalin mo pa ba ang isang tulad nya?
Kahit ba ang edad mo'y doble sakanya?

Paanu ba masusukat ang pagmamahal sayo?
Sa tagal ba ng kanyang paghalik o pagsusundo sayo?
Sa rami ng okasyong nabibigay nyang regalo,
Dun mo ba makikita kung mahal kang totoo?

Paanu kung isang araw puso mo'y tumibok,
Sa taong di pa nakikita o nahahawakan kahit hibla ng buhok,
Mamahalin mo pa ba sya kahit sobrang lungkot,
Hindi nya magawang yakapin kapag ika'y nagmumukmok.

Mahirap talaga kapag ang mahal mo'y nasa malayo,
Lalo na kung umaasa kalang sa wifi ng kapitbahay nyo,
Na kapag mahina ang net , babagal din sayo,
Ngunit tinitiis ang lahat para sa mahal mo.

Paanu kung nalaman mo ang nakaraan nya?
Pagmamahal mo ba'y magbabago at mawawala,
Mga supling na nag aalaga sakanya,
Nagpasaya't nag aruga noong wala ka pa.

Iisipin mo pa ba ang nakaraan,?
Kung sa puso mo'y masaya ka sa kasalukuyan,
Mahirap man tanggapin sa unang nalaman,
Ngunit tinanggap mo parin sya sa kabila ng kanyang pinagdaanan.

Hindi pa ba napapagod ang iyong puso?
Sa nalaman mo'y bat hindi ka sumuko?
Ganito ba talaga kapag mahal **** totoo?
Tatanggapin lahat kahit komplikado.

Sa muli **** pagtanggap, may biglang nagparamdam,
Babaeng nakasama nya at gusto syang balikan,
Ikaw ba'y magpaparaya na at sya'y iwanan,
Na kahit labag sa loob mo'y iyong bibitawan.

Ngunit sa pag bitaw mo'y syang pag kapit sayo,
Mga paliwanag nya na nagpapatatag sa puso mo,
Pipiliin mo ba ang kasiyahan ng iba o kasiyahan nyo?
At tanggapin sya ulit at bumuo ng panibago.

Tadhana na ba talaga ang gumagawa para ika'y ilayo,
Nakaraan nya'y nagbalik na at may isa pang panibago,
Biyaya sa sinapupunan nya'y dugo't laman mo,
wala na bang magandang mangyayari sa relasyong to?

Mapapabuntong hininga ka nalang sa mga pangyayari,
Kailangan na ba tong itigil at hindi na maaari,
Kayrami ng rason para sa sarili mo naman ika'y makabawi,
Sa lahat ng luhang pumatak at pighati.

Panu kung ang mahal mo'y taglay lahat yan?
Dobleng edad, may mga anak, at meron pa sa tyan?
Tanga ka kapag hindi mo pa binitawan,
Nagmahal ka ng totoo kapag sya'y iyong pinag laban.

Ngunit hindi na susukat sa pananatili mo kung gaano sya kamahal,
Minsan gagawin **** bumitaw para sa katahimikan ,
Katahimikan ng puso nyo at ng nasasakupan,
Kailangan sumugal kahit na nasasaktan.

Alam **** darating ang panahon na maghihiwalay tayo,
Pero sana bumalik ka kapag puso mo'y tinitibok pariny ay ako,
Masakit man isipin na mag hihiwalay tayo,
Pero sana isipin mo na minahal kita ng totoo.

Yang katagang yan ang gusto kong sabihin sayo,
Ngunit takot ang dila ko na ipahayag ang mga ito,
Takot ako na masaktan ka sa paglayo ko
At takot ako na baka di matanggap ng puso ko.

Alam kong marami pang pag subok ang darating,
Alam kong panghihinaan ako ng loob kapag itoy dumating,
Sana gabayan mo ako sa anumang pag dedesisyon
Huwag kang titigil para bigyan ako ng leksyon.

Umiyak man tayo ng ilang beses,
nasaktan man tayo nag paulit ulit,
Marinig ko lang malalambing **** boses,
Sakit ng nadaramay ,saya ang pumalit.

Lagi **** tatandaan na mahal kita,
Mahal kita at tanggap ko kung anu ka,
Hindi importante kung ano ang nakaraang iyong nagawa,
Ang mahalaga ay ngayong masaya tayo sa isat isa.

Hindi ko man maramdaman ang init ng yakap mo,
Hindi ko man maramdaman ang dampi ng mga labi mo,
Maramdaman ko lang na nandyan ka lagi sa tabi ko,
Hindi ako mag sasawang unawain ka at magpaka totoo.

Balang araw magsasama tayo at sana ikaw na,
Kung hindi man ikaw, ang mahalaga tayoy naging masaya,
Hindi man matagal ngunit magsisilbi itong alaala,
Na dadalhin natin sa ating pagtanda.

#love
#sacrifice
Pluma Mar 2015
Kaya Mo Ba Akong Panagutan?



Nilason mo ako ng iyong mapanlinlang na balat-kayo.
Pinaniwala sa mga mapanuksong katagang pagbabago.
Hinayaan ko ang labi **** puno ng kasinungalingan,
Na dungisan ang aking minamahal na bayan.


Naging biktima ako sa kulungan **** puno ng promiso,
Isang harding pinamamahayan ng mga bulaklak galing sa impyerno.
Ako’y bingi’t takip-mata sa reyalidad ng iyong tunay na pagkatao.
Mistulang manikang salat sa kasarinlan; kumukubli, nagtatago.


Ginawa mo akong biktima ng iyong kasakiman!
Mga anak ko’y ginamit mo para sa iyong makasariling kaligayahan.

Isa kang malaking hipokrito sa sarili **** lipunan!
Labis na Kinasusuklaman, Higit na Kinamumuhian.
What if our country (Inang Bayan) could actually talk?
Glen Castillo Jul 2018
Balanseng pakikibaka,
Ito ang araw araw na ipinamulat sa akin
Ng pang araw araw ko ding pagtira
Sa mundong hindi naman timbang ang hustisya

Magkabilang panig na inaasahan ng lahat
Na sana'y magpantay ang timbangan
Ngunit ang katotohanan?
Likas nang mas mabigat ang kabila
Kaysa sa nasa kabila.

Lahat daw ay pantay pantay
Sabi ng matandang kasabihan
Ngunit para sa akin?
‘Yan ay isang malaking kalokohan

Wala pa namang naging malinaw na paliwanag
Sa uugod-ugod na paniniwalang iyan
Nakakapagod pantayin ang mga bagay-bagay.
Sa kadahilanang hindi naman pantay pantay ang layunin ng bawat nilalang

Sa lipunang,
Kailanma'y hindi na magiging patas
Sa mundong,
Kailanma'y hindi na bababa ang mga nawili na sa itaas,
Sa daigdig,
Na ang nasa ilalim ay lalo pang nadidiin

Paano pang mag-aabot ang langit at lupa
Kung mananatiling bakante ang gitna
Kung ang biktima ay lalong inaakusahan
At ang may sala ay patuloy na hinahangaan

O lupa kong hirang, o Inang kong Bayan
Tayo ba’y ang mga walang kapaguran panaginip?
Hanggang kailan tayo maaaring maidlip?
Tayo ba’y ang mga hindi natutulog na batis?
Hanggang saan tayo padadaluyin ng mga agos ng hinagpis?
Tayo ba'y ang mga sigaw
Sa kwebang walang alingawngaw?
Hanggang kailan tayo magtitiis
Sa 'di makatarungang ''Mga Bulong ng Hapis''.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Jose Remillan May 2016
44
Naihasik na ang luhang dugo
Sa tigang na lupa ng ating mga ninuno.
Mga alingawngaw na daing,
Mga daing ng gatilyo,

Sanlaksang katotohanan, kayo'y
Hindi mga bayani, bagkus mga
Biktima ng huling uwak ng
Takipsilim, unang kalapati ng

Bukangliwayway.

Sanlaksang katotohanan, kayo'y
Hindi mga bayani, bagkus mga
Moog sa pedestal ng idelohiya't
Pananampalataya ng digmaan.

Naihasik na ang luhang dugo
Sa tigang na lupa ng mga Pangako.
Euphoria Jan 2019
Sabi mo, "Biktima tayo ni tadhana"
Teka, hindi ko ata makuha
Tayo ba'y mga manika
Na sumusunod lang sa galaw ng kamay ni tadhana?

Tila sa gitna nag-umpisa,
Mali ang naging simula,
Minadali natin ang lahat
Kaya ngayo'y may mga pasa at sugat

Patawad ang sinabit
Bibig ko'y napuno ng pait
Akala ko'y iba na ang magiging dulo
Pero marahil nga, masyado tayong naging magulo

Mga puso'y hindi pa pala handa
Tila mga bata pa ring hindi nagtanda
Sa mga turo ni tadhana
Kaya ngayon nauwi na naman sa akala

Salamat na rin siguro
Dahil sa'yo napaalalahanan ako
Magpalaya upang makalaya,
Hilumin ang puso't hayaan ang sarili'y maging masaya
Para sayo na dumating sa hindi inaasahang pagkakataon, akala ko talaga'y ikaw na.
Kurtlopez May 2023
Bibilang ng lima
upang sarili'y mapakalma
sabay bugtong-hininga
mga luha'y nagsitulo na pala
dahil hindi na kinaya ang sakit na dala,

akala nila wala akong problema
akala ng iba ako ay masaya
akala nila wala akong iniinda
nasanay kasi silang lagi kang nakatawa
nasanay kasi silang lagi kang masaya
nasanay kasi sila na ganyan ka,


napakahirap na sitwasyon
hindi nila alam na saking pag ngiti
sa loob nito'y pighati
iniisip ng iba na nagbibiro lang ako
iniisip nila na hindi ito totoo
pero hindi nila alam unti-unti na akong pinapatay nito,

dinadaan ko nalang sa pagpapatawa
upang ang iba'y mapasaya
ngunit sakabilang banda
ay may salitang nag nanais na "ako naman sana."

nag tatago sa bawat ngiti sa labi ko
ang sandamakmak na problemang pasan-pasan ko
sakabila ng aking pagtawa
ay may lungkot na dinarama,

ginawa ko naman ang lahat,
ngunit bakit hindi parin sapat
hindi ba nila nakikita
o ayaw lang talaga nila bigyang halaga,

siguro nga talagang walang nagmamahal sakin
dahil walang umiintindi
sa aking pag inda
lunod na lunod na ako sa kalungkutan
labis-labis na akong nahihirapan,

puso ko'y hirap na
Ayoko ng magpanggap pa
magpanggap na masaya ako
sa harap ng iba
dahil ang totoo, halos 'di ko na kaya,

ako'y biktima ng sarili kong kalungkutan
biktima ng kahibangan
biktima ng kapighatian
biktima ng pusong mapanlinlang
at biktima ng isip na nais ng lumisan,

hindi ko na kilala kung sino ako,
hindi ko na kilala ang sarili ko
kailan ba ako makakatakas dito
sa higpit ng kadilimang
bumabalot sa isip ko

alam kong hindi ko na kaya
pero kakayanin ko pa
kakayanin kong muling
makatayo sa sarili kong mga paa
upang masolusyonan
ang aking problema

kakayanin kong lumaban
dahil ayaw kong maging talunan
at hinding hindi ako magiging talunan
kakayanin kong labanan ang lungkot
upang hindi na ako tuluyan nitong mabalot,

alam kong may kwenta
akong tao dito sa mundo.
alam kong may nagmamahal
pa sa akin ng totoo
alam kong ang Diyos ay
lagi kong kasama sa lahat ng dako
alam kong Sya ay laging nasa tabi ko
alam kong yayakapin
nya ako sa bawat pighating ito!

hindi ako magpapalamon sa aking depresyon
lalaban ako kahit problema'y
kasing lakas ng alon
lilipas din ang hapti ng kahapon
hindi man ngayon
ngunit darating ang bukas
at itong kalungkuta'y magwawakas.
Mahigit pitumpu't limang porsyento
Niyurak ng matinding alon
Walang awa ang haplos
Ang yapos na nakagigimbal
Kinitil hindi lamang ang buhay
Gayundin ang hanapbuhay.

Ni hindi masisid ang perlas
Na ngayong may takip sa ibabaw
Nabibilang ang lumalangoy
Kaawa-awang gambalain
At hablutin sa laot nang walang muang
Ngunit anong siyang magiging sapit?
Kung sila'y hahayaang hindi nakagapos?
At doon sa lambat ay patitiwarakin.

Tinaguriang "No Build Zone"
Ngunit naroon nakatirik ang bawat pundasyon
Walang opsyon, pagkat ang gobyerno
Kaytagal din nang pag-aksyon.

Mula sa libu-libong tirahan sa Tent City
Sila'y lilisan patungong Bunk House
Transitional Shelter kuno
Hanggang sa malipat
At magkaroon ng panibagong tirahan.

Doon sa Tacloban,
May dalawang daan at apatnapu't anim na tirahan
Bagkus ang nakalilim, apat na libong pamilya naman.

Salamat sa mga NGOs
Sa 9181 na Bunk House
Sa gobyernong dapat na kikilos
Kailan ba sisimulan ang pagbabago?

Walong libong pabahay raw ang ginagawa
167 bilyon ang budget,
Saan nga ba napunta?
Ito ba'y binulsa?

Comprehensive Rehabilitation Plan kung tinagurian
Kay bango ng ngalan
Bagkus umaalingasaw ang baho
Ang kasiraan, ang kawalan ng aksyon
Para sa bawat mamamayan.

Sa dakong Guian, Eastern Samar
Tatlong daang permanenteng pabahay raw
Ngunit ni isang pundasyon ng naturang pabahay
Tila naglaho pa rin ni Yolanda
At walang bakas na pasisimulan.

Sabi ni Pnoy, malinaw raw ang target
Pero hanggang target na mga lang ba?
Kailan ba sisimulan ang tuwid na daan?
Baka naman baku-bako na
Wala man lang pasabi sa kinauukulan.

Kung ang hustisya'y hindi matugunan
Sana ang kalamnan ng bawat biktima'y
Syang agapang mapunan
Kaawa-awa silang naghihikahos.

Ang laki ng tulong ng mga karatig-bansa
Ba't tila walang pakialam?
Kayong mga nasa trono,
Tayuan ang posisyon
At serbisyo'y gawin nang totoo.
#Pagbangon
renzo Sep 2020
Lantad 'sang digma, sakit laban sa masa.
Bungad sa madla, kalabang 'di makita.
Kailan ba bibisa? Babad sa pangamba,
Basag nang tiwala, saklolo pa'y wala?

Ang pobre'y pilit na tinatanikala,
Layang haring uri'y, 'di binabahala.
Mga biktima ay hindi inalintana.
Nakapagtataka ‘yong pangangasiwa!

Sino ba'ng salarin, sino ba'ng may lagda?
Ano ba'ng dahilan ng pamamayapa?
Corona bang sakit na nakahahawa?
O ang siyang Ulo na namamahala?

Lantad ang huwad nilang pakikisama,
Gobyerno'y siniwalat nitong pandemya,
Idilat ang mata, bibig ay ibuka.
Itanim 'tong aral na sana'y magbunga.
idilat ang mata, gising sa pagkabalisa. 'wag kang matakot magsalita, ikaw ang natitirang pag-asa.
Danica Nov 2017
Isang gabi ika'y narinig
hikbi **** ni isa'y walang nakaririnig
tila luha mo'y di nila batid
bawat pag susumamo'y tainga nila'y nakapinid

bawat umaga mo'y kawalan ng pag-asa
kitilin sariling buhay lagi mo nang panata
paanong nangyari ika'y nakaalpas
sa mga mata ng mga mapanirang nilalang

sinong lumapastangan sa bata **** isip?
sinong lumason, dahilan ng iyong paghihirap?
sinong may pakana? isigaw mo at ituro!
ilantad at iluluklok sa trono ng kamatayan!

maghanda sila sapagkat araw nila'y darating na
mapapawi na rin yaring luha sa iyong mga mata
pagbabayaran ang pagka ganid sa mura **** katawan
itatarak ang kutsilyo ng kasamaan, pabalik sa lugar
na kanilang pinagmulan.
Just want to dedicate this poem for those people who suffer trauma after being a victim of **** and any other crime, I hope and I pray that someday you'll find peace by forgiving yourself and start and get a new life.
JE Aug 2018
Lumayo kana sana,
Sa mundong ito Kalahati ng mga hiling sa tala,
Ay ang mawala ka
At ng sana'y makahanap na ng kapayapaan ang iyong nabiktima

Ikaw, ikaw yung tipong makasarili
Na kahit ano nalang ang iyong kinukuha, bale wala na kung anong possibleng mangyari
Biktima mo’y walang pili
Sa mga mata mo’y para kaming mga pera Naghihintay na magamit pambili

Ikaw yung tipong nakakadismaya
Isa kang bagay na walang ibang dala Kundi kapahamakan ng iba
At kalungkutan na habang buhay ay di mawawala

Bawat binitawang salita
May katumbas na kapalit ng iba
Bawat yakap nilang madarama
Isang bagay na naman ang mawawala

Halaman, aso, pusa, bata, matanda lahat ay walang kawala,
Lahat kami ay maaaring ma biktima
Sa inihandog **** mga parusa
Kahit ano pang kweba ang mapagtaguan sa mga kamay mo kami ay bihag pa

Ngayon, naranasan ko na ang mapalapit sayo
Ang landas natin ay pinagtagpo
Sa oras na di ko inaasahan
Pero bat kailangan mo pang idamay ang mundo ko
pat v Aug 2020
Ang nakaupong tiwali—
siya ang binoto ng masa.
Sa manggas ng kanyang barong,
panganib ng maralita

May kinang ang kan’yang ngiti
mapungay ang mga mata
Sa bawat pangakong lahad
ay pagsibol ng pag-asa.

Pag-asa na tayo'y ligtas
ay naging katakot-takot.
Para raw sa Inang Bayan,
peligro na nakabalot.

Ang salitang bulaklakin
ay daglian ding nalanta
kapalit ang pagtungayaw,
at banta ng direktiba.

Hindi natin inasahan—
bahid ng dugo sa daan.
Mga kamay, nahugasan
ngunit hindi ang lansangan.

Sa lapida nakaukit
ngalan ng mga biktima.
Sunod kayang tatahimik
ang silang may pinupuna?

Hapis ng inang nawalan,
“Crispin, Basilio, anak ko,”
oyayi ng Inang Bayan.
“Pasismo! Peligro rito!”
John AD Jun 2018
Lumalala nanaman ang aking isip , kakaisip,
Kailan ba ako matututong makisalamuha sa mga tao?
Palagi ko nalang sinisilip ,
Ang bawat laman ng kanilang mensahe habang humihigop sa isang baso

Ng kape na mainit,dagdag kaba sa sarili kong hindi ko maipinta
Sa sarili kong nagpapagaling pa,
Wala akong lagnat , Hindi nga lang marunong kumalma
Ang utak ko'y pagod na pagod na sa mga ideyang kakaiba at di ko alam kung san papunta

Ang isip ko na di ko mapakalma,
Nararamdaman ba nila , o patuloy paring humahalakhak
Sa kalagayan kong patay na patay na,
Kaya minsan ayaw ko ng kasama, di ko kasi maipaliwanag sa kanila na

Ako'y biktima lamang ng kalungkutan ,
Biktima ng nakaraan at kasalukuyan
May mga bagay lang talaga na madalas kong makalimutan,
madalas ding matandaan , (ako'y nagpapagaling pa at dahang-dahang nagpapakalma)
Tag-Ulan
Oh Papa Francisco, Supremo ng Simbahan
Ang iya pagtambong daw ano ka bulahan
Siya naghatag kalipay sa aton duog
Matapos ang makakulugmat nga bagyo kg linog
Gani sa una nga adlaw sg iya pagbisita
Bisan gab-i don madamo guihapon nakita
Nga mga Pilipino nga nagdulog sa iya alagyan
Agud siya sugaton kg amligan
Sa ikaduha nga adlaw sg iya pag-abot
Iya gin-akigan mga pulitiko nga kurakot
Iya ginpahanumdom ang pagtatap sa mga karnero
Iya ginlaygayan ang mga pamilya nga Pilipino
Sa ikatatlo nga adlaw niya sa pungsod
Iya ginpahagan-hagan ang mga nagakalisod
Iya ginbendisyunan mga biktima sg kalamidad
Iya ginhatagan puloy-an mga imol sa komunidad
Sa ikaapat nga adlaw niya diri sa aton nasyon
Iya ginpakigkita mga lideres sg iban nga relihiyon
Iya gin-ulu-ulo mga kabataaan nga nagpa-utwas
Iya ginpangamuyuan ang bilog nga Pilipinas
Gani sa ulihi nga adlaw sg iya pagkari
Madamo sa guihapon nagbantay sa iya diri
Sin-o bala ang magakalipat sa isa ka Santo Papa
Nga bisan may bagyo sa guihapon nagbisita
Bisan iban nga relihiyon sa iya nagsaludo
Kay iya ginpamatud-an nga siya para sa tawo
Matuod guid nga kay Hesukristo siya tiglawas
Salamat Papa Francisco sa kabalaka sa Pilipinas!

-01/21/2015
(Dumarao)
*Pope Francis Fever Collection
My Poem No. 321
Levin Antukin May 2020
balik-tanaw. limang taong gulang.
tapos na maghabulan, magtayaan.
pagod na ang lahat at ang natitira na lamang
ay magkwentuha't mag-asaran bago magsiuwian.

"wala mga daddy niyo sa daddy ko", sigaw ng aking kalaro,
"nagpapalipad siya ng mga eroplano".
manghang-mangha kami habang nagkukwento siya
at may hawak pang eroplanong papel.

"pero 'di papatalo si itay", sabi naman ng isa pa,
"sa Saudi siya nagtatrabaho kaya lagi akong may bagong laruan".
bilang ganoon pa kabata, 'di namin mapigilan mainggit.
sino ba namang hindi kung laruan ang binabanggit?

pinagyabang ko siyempre ang aking ama.
"pulis ang tatay ko". sabay humugis ng baril
gamit ang mga kamay.
basang-basa ang mga ito dahil sa pawis.
mga palad na makaraan ang isang dekada't kalahati
ay nalulunod na sa pagiging pasmado o marahil sa kaba
dahil sino ba'ng 'di matatakot sa pulis

ngayon?

nalaman namin na hindi nagpalipad ng eroplano
yaong daddy ng kalaro namin.
flight attendant siya. marangal na trabaho.
nagtrabaho nga sa Saudi ang itay ng kalaro pa naming isa
subalit kalaunang bumalik sa 'Pinas dahil pagod na.

kahit ano pa mang trabaho iyan o kung saan,
nakasisindak isiping nakatira ka sa iisang bubong
kasama ang isang mamamatay-tao.
ang malala ay isa siya noon sa mga pinaka-tinitingila ko.

tunay ngang mabilis ang pag-ikot ng mundo
kung ang nasa poder ay baluktot ang prinsipyo.
biktima tayong lahat na pumapailalim
sa mga nagmamataas na sakim at gahaman.
bakit magtataka sa kasulukuyan
kung mas masahol pa sa kriminal
ang puwersang kapulisan?
Eunoia Aug 2017
Iibahin ko muna ang pinapaksa ko ngayon
Ayoko muna bumatay sa naging biktima ng sitwasyon
Doon muna ko pupwesto sa kabilang dako
Kung saan naging dahilan ng pagluha mo

Una nagagalit ka sapagkat iniwan ka niya
Nagbago ka sapagkat sinaktan ka niya
Ngunit kasalanan ba ng mahal mo iyon?
Kung ang dating pagmamahal niya'y bigla na lang naglaho

Ang pagsusulit tuwing natatapos ang isang Markahan
Ay may pagpipiliang inilalaan  "A,B,C,D" Apat na letra, ngunit iisa lamang ang dapat bigyang halaga

Ngunit tandaan mo sa larangan ng pag ibig ay dalawa lamang ang makikita
Yun ay ang salitang
"Mahal ko pa"
"Hindi ko na Mahal"
Mahirap pumili, Mahirap sumugal
Sapagkat nakatayo ka sa gitna kung saan sinasabing
"Baka naman meron pa"
Pilipinas anong nangyayari sa'yo?
Ang dating bayan ng matatalino.
Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo.
Ginagawang biro pandemyang ito.

Huwag po sana tayong ningas-kugon.
Noong una lamang magaling ang pagtugon.
Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon.
Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon.

Hindi ninyo ba talaga alintana?
Ang sa ating lahat ay nagbabadya.
Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba.
Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima.

Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda.
Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa.
Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya.
Tumahan ka po sa bahay para sa kanila.

Tulungan po natin ang ating lingkod bayan.
Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan.
Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan.
Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan.

Huwag na po nating antayin lumalim.
Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim.
Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim.
Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim.

Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino.
Iyan ang lahi ko at lahi mo.
Diba likas sa atin ang pagiging matatalino.
Ngayon natin patunayan ito.

Sumunod na po tayo sa Gobyerno.
Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino.
Wag na pong lumabas ng bahay ninyo.
Kung di man lang importante ang rason nito.

Sumunod na po tayo, Please lang
Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG
Para kang latang nasipa, TANG TANG
Andyan na ang sundo mo, **** ****

Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal.
Para ang mga suwail tuluyang masakal.
Ang rason ay masarap ang bawal.
Kaya pati buhay ng iba ay isusugal.

Huwag na nating pabayaan, Inang bayan.
Matatalo lamang itong kalaban.
Kung tayong lahat ay magtutulungan.
Bagkus na magturuan at magsisihan.
Enero Diez y Siete, Dos mil Kinse
Kahit may bagyo, tumuloy sa Leyte
Unang tinungo lungsod ng Tacloban
Muling nilipad skull cap pagbukas ng pintuan
Talagang maulan at mahangin
Subalit milyong tao sumalubong parin
Kanyang idinaos Banal na Misa
Kasama ang mga biktima ni Yolanda
Huling tinungo ang pook ng Palo
Nananghalian sa tuluyan ng Arsobispo
Doon din nakasalo mga nasalanta ng Yolanda
Mas malapitang nakisalamuha sa kanya
Mga pinaslang ni Yolly puntod binasbasan
Iba pang kaawa-awa hinandugan ng tirahan
Suot ang dilaw na kapote
Biniyayaang material at ispiritwal ang Leyte.

-01/18/2015
(Dumarao)
*Pope Francis Fever Collection
My Poem No. 318
fe Dec 2019
Ako’y biktima ng tadhanang malupit,
Sa tindi ng hagupit di alam kung saan kakapit.
Minsan lang nabigo itong puso ko sa pag-ibig
Parang gumuho itong aking daigdig.

Nang dumating ka at nakilala,
Sugat sa puso’y  unti-unting nawawala.
Ano nga bang mayroon ka
At puso ko’y napapatalon sa tuwa?

Paglipas ng panahon, sa tagal ng ating pagsasama
Puso ko’y nakadama ng kakaiba
Pakiramdam ko’y ligtas ako sa tuwing kasama ka;
Pag-ibig na naman ba itong aking nadarama?

— The End —