Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nanalangin" poems
Nang una kitang makita mahal na kita Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka na pa lang iba Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan Ako’y nanalangin na sana’y mahalin mo rin Upang di na masaktan ang puso kong nagmamahal din Alam kong Diyos ay mabait at aking hiling ay tupdin Kaya paggising sa umaga’y ikaw na aking katabi Ngunit isang araw nalaman mo Ang mahal mo ay may iba nang kasama Tumakbo ka at sa aki’y nagpunta Di alam ang gagawin Di rin alam ang sasabihin Sa aki’y panaginip lamang ang lahat ng nangyayari Ngunit paggising ko sinabi mo Mahal mo na ako at ako’y iyong-iyo sa buong buhay mo Ako’y nagulat sa iyong inasal Ngunit sa kabilang banda di mapapantayan ang sayang nadarama Pagka’t tayong dalawa ay iisa na
0
Aug 11, 2011
Aug 11, 2011 at 3:17 AM UTC
Pag-ibig ko sa'yo aking Kaibigan
Hating-gabi na mahal, ikaw ay nasaan? Naghihintay ako sa ating tarangkahan. Taimtim na nanalangin sa iyong kaligtasan, Gustong kitang masilayan kahit kabilugan ng buwan. Madaling araw na mahal, wala ka pa rin. Rinig na rinig ko na ang ungol sa labasan. Nagbabakasakaling aking masaksihan, Ang iyong pagdating mula sa gitna ng kagubatan. Hating-gabi na mahal, ako'y takot na takot na. Mababangis na hayop ay nagsimula ng naglipana. Ang ingay ng uwak ay kaliwa't kanang namumutiktik, Dinaig pa ang ingay sa piging ng isang bayan. Hating-gabi na mahal, nagmamakaawa akong umuwi ka na. Ako'y nag-iisa, walang kasama, at takot na takot pa. Nararamdaman kong may mga matang nakatingin, uhaw na uhaw sila. Sa bawat paghinga ko'y alam kong buhay ko ang kukunin nila. Hating-gabi na mahal, nabuwal na ang pintuan. Isang nilalang na may mahahabang kuko't matutulis na ngipin, Ang nakapasok na't naglalaway, gusto na akong lapain, Ngunit ako'y naging tulisan at hinarap ang kalaban. Hating-gabi na mahal, tulungan mo akong puksain. Ang halimaw sa bahay na handa akong patayin. Naging matapang ako kahit walang alam sa pakikipaglaban. Nakipagbuno, nakipagtagisan, at nakipagsaksakan. Hating-gabi na mahal, ako'y kanyang nahuli. Kinagat sa braso at kinalmot sa mukha ng walang pasabi. Sa malalaking kuko niya'y lakas ko'y napawi. Tumilamsik ang dugo, katawa'y nanghina, at ako'y nagapi. Hating-gabi na mahal, ako'y parang kinakatay na. Sa matutulis niyang ngipin, katawan ko'y pira-piraso na. Hanggang sa tumitibok kong puso'y binunot niya, At tuluyan na akong napapikit at nawalan ng hininga. Hating-gabi na mahal, nakauwi ka na ba?
0
Dec 4, 2015
Dec 4, 2015 at 4:29 PM UTC
Hating-Gabi
Hating-gabi na mahal, ikaw ay nasaan? Naghihintay ako sa ating tarangkahan. Taimtim na nanalangin sa iyong kaligtasan, Gustong kitang masilayan kahit kabilugan ng buwan. Madaling araw na mahal, wala ka pa rin. Rinig na rinig ko na ang ungol sa labasan. Nagbabakasakaling aking masaksihan, Ang iyong pagdating mula sa gitna ng kagubatan. Hating-gabi na mahal, ako'y takot na takot na. Mababangis na hayop ay nagsimula ng naglipana. Ang ingay ng uwak ay kaliwa't kanang namumutiktik, Dinaig pa ang ingay sa piging ng isang bayan. Hating-gabi na mahal, nagmamakaawa akong umuwi ka na. Ako'y nag-iisa, walang kasama, at takot na takot pa. Nararamdaman kong may mga matang nakatingin, uhaw na uhaw sila. Sa bawat paghinga ko'y alam kong buhay ko ang kukunin nila. Hating-gabi na mahal, nabuwal na ang pintuan. Isang nilalang na may mahahabang kuko't matutulis na ngipin, Ang nakapasok na't naglalaway, gusto na akong lapain, Ngunit ako'y naging tulisan at hinarap ang kalaban. Hating-gabi na mahal, tulungan mo akong puksain. Ang halimaw sa bahay na handa akong patayin. Naging matapang ako kahit walang alam sa pakikipaglaban. Nakipagbuno, nakipagtagisan, at nakipagsaksakan. Hating-gabi na mahal, ako'y kanyang nahuli. Kinagat sa braso at kinalmot sa mukha ng walang pasabi. Sa malalaking kuko niya'y lakas ko'y napawi. Tumilamsik ang dugo, katawa'y nanghina, at ako'y nagapi. Hating-gabi na mahal, ako'y parang kinakatay na. Sa matutulis niyang ngipin, katawan ko'y pira-piraso na. Hanggang sa tumitibok kong puso'y binunot niya, At tuluyan na akong napapikit at nawalan ng hininga. Hating-gabi na mahal, nakauwi ka na ba?
Continue reading...
33
Nakakapagod gumising sa umaga. Maliligo, magbibihis, magpapakain ng aso Pagkatapos ay papasok sa eskwelahan Nakakapagod pumasok sa eskwelahan. Paulit ulit ang ginagawa Nakatunganga sa pisara buong araw Pinoproblema na ang takdang aralin na gagawin mamaya. Nakakapagod gumawa ng takdang aralin. Lalo na pag nagsabay sabay ang mga **** Nagkahalohalo na ang mga presentasyon Hindi alam ang gagawin Nakakapagod ang buhay ko Alam ko bata pa lang ako, at ang mga problema ko ay tila maliit lamang sa mata ng nakatatanda Pero para sa akin, ito ay mahirap Halos wala ng oras para sa sarili Galing sa eskwela, darating sa bahay ng gabi Maglilinis ng bahay, pagkatapos any gagawa ng takdang aralin Matutulog, ng pagod na pagod na pagod. Sa gitna ng kaguluhan Nakita ko si Hesus Tumigil ako, lumuhod, at nanalangin Pagkatapos ay tila nawala ang hirap ko Para bang lahat ng dinadala ko ay inangat mula sa akin Sabi ko "Hesus, ikaw talaga ang number one sa buhay ko!" At napagtanto na kailanman, hinding hindi ko kakapaguran Ang Diyos.
0
Aug 12, 2014
Aug 12, 2014 at 8:40 AM UTC
Pagod
Minsan ako'y nanalangin, diwa ko'y nag-aalanganin. Di alam ang uunahin, di alam ang sasambitin. Gusto sanang alamin ano bang plano sa akin? Sana naman ako'y dinggin at wag nang pagisipin. Ang hirap kasing baybayin, lalo na kung hihimayin. Puso ko'y tila nakalambitin, nakalutang sa hangin. Pilit kong aalalahanin mga bilin mo sa akin. Mabigat man ang damdamin, alam kong andyan ka para ako'y yapusin.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 4:14 AM UTC
PANALANGIN
Sa taong ito, hindi naging madali ang lahat Maraming suliranin, magulong mundo, makalat. Milyun milyon ang mga nasawing buhay Nawalan ng trabaho't ikinabubuhay. Bilyon bilyong mga tao ang nagluksa Sa mga buhay na biglaang kinuha Mga taong namatay dahil sa pandemya May mga nasawi rin dahil sa kalamidad at trahedya. Hustisya! Iyan ang sigaw nila Kay hirap abutin ang hustisya lalo na kung ika'y isa lamang maralita Na walang kakapitan Kaya't walang kalaban laban. Lahat ay humagulgol, nasaktan, nasugatan, Ngunit nakayanan pa rin nating ngumiti habang ang kahirapan ay pasan. Nakaramdam tayo ng paghihinagpis at pangamba Na para bang hindi na matapos tapos itong nararanasan nating sakuna. Nais mo ng sumuko, Ngunit habang pinagmamasdan mo ang mga bagong bayani ng mundo, Lumalaban sila para sa ating kaayusan at kalusugan, Sa kabila ng pagod at hirap na kanilang pinapasan. Kaya't dali dali **** pinunasan ang iyong luha Nanalangin at nagtiwala ka sa Ama Sapagkat Siya lamang ang makakapaghilom sa lahat Magtiis lamang at sa Kaniya'y magtapat Marahan mo nang isara ang huling pahina ng libro Sa isang kwento sa taong ito Ipangako **** sa susunod na taon, Lalo ka pang magpapakatatag sa lahat ng darating sa buhay na mga hamon. Gayunpaman, taglayin mo pa rin ang pusong mapagpakumbaba Habaan pa ang pasensiya Magpasalamat sa Ama sapagkat hindi ka niya hinayaang mag-isa Palakpakan mo rin ang sarili mo sapagkat hindi ka sumuko.
0
Dec 31, 2020
Dec 31, 2020 at 7:45 AM UTC
2020
031717 Kanina, binibigyan kita Kaso ayaw mo kunin "Ang mahal naman," bulong mo "Manghihingi na lang ako mamaya" Nagtataka Ako sayo Kasi mahilig ka sa mamaya Pero alam ko, dyan sa "mamaya" mo Kakailangan mo rin ako. Umalis ka na At nanatili Akong nakatiwangwang Ahy oo nga pala, Dinaanan Ako ng kaibigan mo "Ang mahal, pero kailangan ko eh" sambit niya At inakap niya Ako At nagbigay siya. Nahuli ka sa klase Kasi sumama ka sa iba Nakalimutan mo ba? Exam ngayon diba? Magkatabi kayo ng kaibigan mo, At nakita Mo Ako kasama siya "Uyy, pahingi," bulong mo sabay turo sa  Akin "O, sa susunod bawal na manghingi ah" Wika niyang hindi nagdaramot. Tinitigan mo Ako Doon mo pinakilala ang yong sarili Narinig mo ang mga tanong At sa Akin mo ibinahagi ang lahat Sana ganito na lang tayo palagi. "Hindi ko to alam," nabasa Ko sa isip mo Napuno ka ng kaba kasi baka bumagsak ka Pero di ka nag-atubileng isuko sa Akin ang lahat. Bago pa man malaman ng iba'y Ako na ang unang nakaalam Ng mga sagot mo sa kanilang Nagpuno ng tanong sayong isipan. Kinabukasan ang araw ng muli nating pagkikita Alam kong kabado ka Pero naghanda ka pa rin. **Dahan-dahan **** inihatid ang iyong sarili** Sa harapan kung saan naging saksi ang lahat Hindi mo pa ako magawang tingnan Pumikit ka at nanalangin At sayong pagdilat Sayong pagtitig, ramdam ko ang iyong galak "Yes!" sigaw mo at doon ang unang yakap.
0
Mar 16, 2017
Mar 16, 2017 at 11:06 PM UTC
Ako, Ikaw at ang Unang Yakap (Papel sa Buhay Mo)
Sa simula't sapol, sa kuwento lamang ng matatanda, sa pelikula at mga takilya doon lamang ako nag-papaniwala. Talastas ng isipan, hindi ito makatotohanan. Ngunit sa likod ng aking isipan, naroon ang munting katanungan. Totoo nga ba o sadyang kathang isip lamang? Hindi nag-papaniwala, hanggang sa hindi ito nakikita. Pagkaka-tanda ko'y minsan akong humiling at matulin naman itong dumating. Hindi makapaniwala, halos nanlaki aking mga mata, isang diwata tugon na mula puso, di mawari, napalukso ito sa tuwa. Tila inagaw **** lahat ng liwanag at sa likuran mo'y napakalibot. Dumarating ka mula sa mga ulap at pagdaka'y isang binibini, tumambad at sa akin ay pumukaw. Tunay at totoo pala ang Diwata, at yun nga ay ikaw! Diwata ka sa aking paningin, ano pa ba ang aking hiling? Minsan ako nangarap at nanalangin, sana may enkantadang handang magpa-angkin. Nakakatunaw ka sa mata, pagkat walang kasing tulad ng iyong Ganda. Di masambitla, mga salita ko'y ayaw ngang lumabas sa kanilang mga lungga, kaya narito na muna ang aking tula. Ano pa't pupurihin na lamang muna kitang pansamantala, ililihim na muna ang mga kataga at sa aking mga mata ko na lamang muna mababasa. Diwata ka sa aking paningin. Pananambitam, dalangin at hiling na sa munti kong paraiso, sana'y doon mo piliing manahan, gawin **** iyong engkantadia at handang pasakop sa lahat ng iyong kagustuhan at nasa. ...Handang paalipin at magsilbi, basta't ikaw ang siyang laging aking kapiling...."
0
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 2:06 AM UTC
Diwata
sa buong buhay mo, ano ang pinaka gustong gusto mo? ako, simple lang. ang sikatan ng araw ng ikaw ang matatanaw at antayin ang paglubog ng buwan, nanalangin na muling kong tatanawin ang araw na ikaw ang kapiling.
0
Nov 29, 2018
Nov 29, 2018 at 10:23 AM UTC
payapang puso
Habang ang iba'y tulog tayo namay gising. Mata koy dilat at nanalangin sana'y ika'y maging akin Bago ipikit ang aking mga mata. Nais ko ilathala sa aking panaginip na gusto kita May mga salitang di kayang bitawan, Sa mga labi ito'y mahirap mailarawan, Kaba ng dibdib ang nangingibabaw, Sa sarili na puno ng alinlangan. Sa bawat saknong ng tula, Damdamin ay nailathala, Mga salitang hirap bigkasin, Sa taludtod ng tula nalang maihain. Sa pagsapit ng hating gabi, Kung di ito kayang masabi, Kahit sa hangin nalang maibulong, Ang mga salita ng damdaming nakakulong.
0
Mar 28, 2020
Mar 28, 2020 at 6:30 AM UTC
Hating Gabi
Lugod akong nagtitiwala Sa bawat yapak mo prinsesa Wari mo'y ulap sa iyo'y nakayakap Para sa pighati **** naranasan sa bawat pagsisikap Halik na tila'y simoy ng hangin sa bukang liwayway Sa pisngi mo'y dadampi na walang kapantay Pasakit ma'y puno sa nakaraa't kinabukasan Ako sayo'y kailanman di lilisan Umagang darating ma'y puno ng tagdilim Kalangitan ma'y maging kulimlim Sana'y wag na wag kang bibitiw Pagka't bawat pighati'y lilipas aking giliw Aking kama'y naririto Kung kailangan ma'y sambitin mo Dumaan ang panahon Sa anumang pagkakataon Sa isang tula ako'y nanalangin Dasal kong ito'y sana'y dinggin Sa iyo'y ipagkaloob nawa ng maykapal Kay gandang paraisong puno ng pagmamahal
0
Jul 31, 2022
Jul 31, 2022 at 7:19 PM UTC
Prinsesa