Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kundiman" poems
Matulog ka hirang / at kata'y tutulak Sa landas ng gabing / humahalimuyak Doo'y tutuparin / ng ating pangarap Lahat ng pagsuyo't / pag-ibig na hanap Kata'y aaliwin / ng mga kundiman At patutulugin / ng hanging mahinay Pag-ibig ang ating / magiging himlayan Sa harap ng tala't / mga bulalakaw Sa landas ng tuwa / kata'y matutulog Lilipas ang hirap / lahat malilimot Lalaya ang diwa't / mga bungang-tulog Sa tulong ng gabing / lipos ng pag-irog Kata'y maglalampong / nang buong hinahon Wala ni sinuman / ang makatututol Huhuni't aawit / ang lahat ng ibon Titigil ang luhang / sa mata'y nanalong Lamang ang hangad ko'y / iyong mamalasin Ang aking pintuhong / hindi magmamaliw Sukat na sa akin / na iyong ibigin At kung ibigin ma'y / umibig ka giliw! Tena at humimbing / sa gabing tahimik Na nilalambungan / ng nunungong langit Mga puso'y sabay / na mananaginip Sa awit ng isang / hele ng pag-ibig
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 7:20 AM UTC
Hele ng Pag-ibig
Tulala sapagkat walang ginagawa, sa maghapong oras ay nagdaraan Tulala sapagkat napapagal, buong araw sa trabaho ay inilalaan Tulala sapagkat sawi, puso ay humahangos at puno ng pighati Tulala sapagkat nabigla, may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip, panahon na walang alintana Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na” Ang pagtingin sa kawalan ay para ring mahimbing na tulog sa gabi- Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin at itago ang labi At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw- Araw **** pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa para gunitain ang pag-ibig Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip, isip na puno ng ibang ligalig Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman Kung hindi man, ay para saan? Iwaglit na ang mga sapantaha, sapagkat ang tulang ito ay nagawa na Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila At hayaan **** ang isip ng isang tulala ay maglayag Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
0
Oct 18, 2017
Oct 18, 2017 at 3:18 PM UTC
Tula·Para·Sa·Mga·Tulala
Naaalala kita ngayon At nais sana kitang makausap Sa text o kaya naman ay magpapansin Sapagkat ngayo'y ako'y nakikinig ng kundiman Habang pinagmamasdan ang nalalaglag na kalachuchi Dito kung saan nakahimlay ang mga bayani At ang damuha'y lango sa alak..
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 2:49 AM UTC
sa fort santiago
Alam mo bang ikaw ang tanging nais ko? Hindi na ako hihiling pa... Bakit pa nga ba? Sinasabi **** hindi ka kaibig-ibig, Ngunit iba ang aking nakikita. Lahat ng lumalabas sa iyong bibig Ay aking tinatago Para pakinggan sa oras ng kalungkutan. Ang iyong mga ngiti, Hindi ko pagsasawaan. Kahit na ayaw **** tinititigan ka, Hindi ko mapigilan. Kay gandang pagmasdan Ng aking musang Handa kong ipaglaban.
0
Oct 6, 2014
Oct 6, 2014 at 6:56 AM UTC
Ang Aking Kundiman
Alam mo bang ikaw lang ang minahal ko nang ganito? Yung tipong pag nakikita kita, gagawin ko'y di mapagtanto Yung kahit anong hilingin mo'y mabibigay ko Yung naalala kita lagi kapag may kundiman sa radyo Sa kabila ng lahat, iniwan mo kong nag-iisa Nakakubli sa unan kong basa Ikaw ang naging buhay ngayo'y hirap nang huminga Hindi ko alam kung paano kakayanin ang sakit na iyong dinala Pero bakit ikaw pa rin ang laman ng aking mga panaginip? Hinahaplos mo raw ng iyong mga kamay ang aking mukha Parang awa mo na't lubayan mo na ang aking isip Ako'y nagdurusa pa rin sa labis na sakit na iyong dinala.
0
Oct 29, 2015
Oct 29, 2015 at 8:47 PM UTC
Para sa'yo sana
i Her Bayanihan entity, maketh me Muni-muni in the dusk Her Humaling for me is relishing, alleluia for her, wanderlust; I wilt court her mine soon, so she shalt knoweth all is bona fide I'll taketh her hand in courtship, pushing all the past hurt aside. ii I wilt Siping with her in the sugar, in the bowl she dip's her hand I'll dip mine finger's as well deep inside, inside her mind of tan; I'll draweth her name on cardboard, and use black marker to, Like bairn's in yard's, with relic yarn, I'll connect to mine muse. iii And thus to be fused, from ourn electrical sensual Spark's Naked in the world's view, just as actor's, playing the stage part; Though tis no script, this page is written by ourn amorous desire Indigenous bodie's, to light the torches, love HOTT, all sweet fire. iv Mango to be viscid, between me and her's succulent tang Her arm's wrapped around mine neck, not letting go, she hang's; She is Makisig in perfect perfection, wearing a domino mask Ballroom style, she driveth me wild, her love tis free, not a task. ©Brandon nagley ©Lonesome poet's poetry ©あある じぇえん
0
Aug 8, 2015
Aug 8, 2015 at 6:49 PM UTC
Kundiman ( love song) filipino tongue
072124 Iduduyan Kita sa kalawakan At aaliwin ng mga nagniningning na mga tala. Hahayaang marahang mapagmasdan Ang mga palamuting bunga ng Aking hininga. Aawitan Kita ng kundiman na hehele sa’yong pagtulog. At sa pagsilang ng panibagong Araw Ay hahagkan ka ng mga sinag Nito At lulusawin ang mga pangamba’t pag-aalinlangan. Ang mga pira-pirasong liham ng kasaysayan Ay nagmistulang mga tagubilin At ilaw sa’yong paglalakbay. Habang ang hantungan ng bawat Salita’y Ang puso **** patuloy Kong sinusuyo — Sinusuyo ng aking Katapatan at Kadakilaan. At habang ang mga matutulis na palaso’y Hindi magkamayaw sa pag-uunahan; Maging ang mga payasong nakapalibot sayo’y Nag-aabang lamang sa’yong kahinaan. Narito Ako — Narito, upang waksian ang bawat pagpapanggap Nang hindi ka na mahulog pa Sa mga patibong na iginagawad nila sa’yo Na tila ba totoong mga parangal. Bagamat naging isang pamilyar na tahanan Ang mundong iyong ginagalawa’y Hindi ito ang habambuhay na alay Ko sa’yo. Sa piling Ko’y magiging buo ka — At ang Aking pag-anyaya’y kusang loob. Sa piling Ko’y dito ka na mamahinga’t Ako ang maging Sandigan at Sandata. Ako ang Simula at ang Katapusan; At nasa Akin ang huling Salita. Magbalik ka na, anak — Magbalik sa yaman ng Pag-ibig Ko.
0
Jul 21, 2024
Jul 21, 2024 at 9:09 AM UTC
Turista
Mine lily of the valley, mine lotus of the unrestrained. Mine Senna alata, mine allay of human angst; Mine Kalinaw in mine Stygian juncture's, Mine Kaulayaw aloft the extraterrestrial Structures.                          Mine Paraluman that giveth me these word's to writeth, the one that bringeth me excite; In mine core thou art invited. Mine Kundiman by which I replay in this skull, Mine hand of time, mine angelic mind- That I do learn from. Mine Makisig precious stone, undug from the clay, Mine, all mine, I canst sayest it all day. Mine past, present, future; woman of now, forever's our's Mine Jane. O' how Dalisay, O' how Dalisay, doth ourn water run sparkling; Only because mine love, we sip it as queen and king. One time soon, to shareth wedded ring's, wherein the pain's of the now; art gone and unforseen. ©Brandon Nagley ©Lonesome poet's poetry' ©Earl jane sardua Nagley ( àgapi mou) dedicated
0
Jun 4, 2016
Jun 4, 2016 at 10:16 PM UTC
Mine lilly of the valley, mine lotus of the unrestrained
Hihilingin ko pa rin sa'yo Na yakapin mo ako pagtila Ng ulan. At muli akong aasa Na ang bahaghari ay tangan Mo pa rin sa'yong kamay, gaya Ng krayolang hawak ng paslit, Hulugway at sarikulay sa panahon Ng pag-ibig at pamamaalam. Hihilingin ko pa rin sa'yo Ang unang halik ng katiyakan, Sanlaksang pagluluksa man Ang ika'y pumainlanlang, aangkinin Ko pa rin ang mga tala. At muli ay aawitan kita ng kundiman, Kung hindi man ay iduduyan sa Kalawakan, kung paanong sa Pangako ay naging tapat, kung bakit Ikaw ang lahat, kung bakit ikaw ay Sapat.
0
May 19, 2017
May 19, 2017 at 11:15 AM UTC
Pagsalo sa Tala
sa paglikha ng tuwina kong katha madama mo din sana ang kakatwa ngunit nakasanayan ko nang pagtatwa hinggil sa himpilan ng tagong lubha naririnig kahit di man pakinggan nahihilig saglit kundi man tanggihan inaaliw pilit ang sarili sa kundiman bumibitiw singkit kong ngiti panandalian dahil sa dingding lang ang pagitan hilahil ng singsing dagliang pasakitan walang pasakalye kang papanigan humarang pa sa kalye silang marasigan sapagkat ang magtengang-kawali sa pangkat ay sadyang balewala rin kapit sa patalim talagang tatanggapin kahit pa maitim pawang palipad-hangin wala kasing malaking nakapupuwing ika nga nitong napipintong pagsalubong niyong yaong paimbulog na daluyong tila halinghing, pakiwaring may naduduling dagundong ng kulog kung maihahambing ang gulat na sumilay sa mga mata mo sa halip ang kalakip yaring halukipkip namulaga't humimlay di nais matamo yun bang sa kabila ng pagka tulog-mantika nakuha pang magbuhat ng silya-elektrika tagos sa buto ang hiwa ng pahiwatig halos tanto ang tugatog na matigatig may tainga ang lupa, may pakpak ang balita ganyan ko maikukumpara Ang Mala - Palara na sistema ng isang walang muwang na puwang pag sa sandaling mag-pasaring ang ingay ng kulay mala-abokado ang sapak' na mau-uLinigan mansanas sa pagkapula sa kabalintunaan! mga paksa na may pasak natutunghayan, tuwing ang kapas ay sawing masasaksihan " Ang dapat ay isang Wika sa Magandang ibubunga " pambihira naman ang mga dalahira , wari bagang mapupunong inuugatan ! Martes pakatapos ng Lunes ! Linggo lang ba ang pahinga ?
0
Jan 30, 2022
Jan 30, 2022 at 5:55 AM UTC
e s p a s y o
sa paglikha ng tuwina kong katha madama mo din sana ang kakatwa ngunit nakasanayan ko nang pagtatwa hinggil sa himpilan ng tagong lubha naririnig kahit di man pakinggan nahihilig saglit kundi man tanggihan inaaliw pilit ang sarili sa kundiman bumibitiw singkit kong ngiti panandalian dahil sa dingding lang ang pagitan hilahil ng singsing dagliang pasakitan walang pasakalye kang papanigan humarang pa sa kalye silang marasigan sapagkat ang magtengang-kawali sa pangkat ay sadyang balewala rin kapit sa patalim talagang tatanggapin kahit pa maitim pawang palipad-hangin wala kasing malaking nakapupuwing ika nga nitong napipintong pagsalubong niyong yaong paimbulog na daluyong tila halinghing, pakiwaring may naduduling dagundong ng kulog kung maihahambing ang gulat na sumilay sa mga mata mo sa halip ang kalakip yaring halukipkip namulaga't humimlay di nais matamo yun bang sa kabila ng pagka tulog-mantika nakuha pang magbuhat ng silya-elektrika tagos sa buto ang hiwa ng pahiwatig halos tanto ang tugatog na matigatig may tainga ang lupa, may pakpak ang balita ganyan ko maikukumpara Ang Mala - Palara na sistema ng isang walang muwang na puwang pag sa sandaling mag-pasaring ang ingay ng kulay mala-abokado ang sapak' na mau-uLinigan mansanas sa pagkapula sa kabalintunaan! mga paksa na may pasak natutunghayan, tuwing ang kapas ay sawing masasaksihan " Ang dapat ay isang Wika sa Magandang ibubunga " pambihira naman ang mga dalahira , wari bagang mapupunong inuugatan ! Martes pakatapos ng Lunes ! Linggo lang ba ang pahinga ?
Continue reading...
42
Kung puwede lamang / na siya'y limutin Di na sana noon pa'y / wala ng paggiliw Kung puwede nga lang / itago't ilihim Ang kanyang balaning / umakit sa akin Di sana tuyo na'ng / nunuyong damdamin At ang pagluhog ko'y / noon pa natigil Kung puwede lamang / na di maging dahil Ng kasawian ko / na siya'y ibigin Di sana tapos na / ang kundiman namin At lipas nang lahat / ang aking hilahil Kung puwede lamang / na siya'y limutin Ang sugat ng puso'y / ampat na marahil * Ang panandang / ay tanda ng sesura (caesura sa Ingles)
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 7:08 AM UTC
Kung Puwede Lamang
pangalan na wari'y awit, dalangin sa bawat sambit, ibinulong kay bathala sa himig, tadhana na tinugon ay dumating.
0
Sep 4, 2017
Sep 4, 2017 at 1:15 PM UTC
kundiman