Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Oct 2015
Nang tumibok itong abang puso ko,
Hindi napigilan ang labis na pagsusumamo.
Atat makilala ka mula Lunes hanggang Linggo.
Upang isakatuparan ang panliligaw ko.

Mga rosas kong dala-dala,
Ipinapahiwatig na ako'y may pagtangi na.
Tsokolateng galing pa sa ibang bansa,
Nagbabakasakaling maging tayo na.

O, kaylapad ng iyong mga ngiti.
Nasisilayan ko pati beloy mo sa pisngi.
Mariring ko na ba kahit na sandali,
Ang matamis **** 'Oo' o 'Hindi'.

Isang taon kitang niligawan.
Araw-araw akong nakikipagsuyuan
Linggo-linggo pang hatid-sundo kita sa daan.
Masiguro lamang ang iyong kaligtasan.

Subalit, mali ako. Maling-mali ako.
Ika'y nakipagmabutihan sa ibang kalahi ni Adan.
Ilang linggo lang na sayo'y nakipagligawan,
Ibinahagi mo agad ang tunay **** nararamdaman.


Pinaasa mo ako. Pinaasa-asa.
Porke't matangos ang ilong niya,
Makisig at artistahin ang mukha,
Nahulog ka na't sadyang malalim pa.

Sana hindi ako nagpakatanga.
Sa mga pinakita **** puro paasa.
Kung ang kapalit pala,
Ay damdaming kong sawi't magdurusa.
Eugene Aug 2017
"Hoy! Bata! Magpapakamatay ka ba?"

"Magpapakamatay ka nga e. Buhay nga naman o!"

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, bata? May maghahahanap ba sa iyo kapag nawala ka? May magluluksa ba sa bangkay mo kapag namatay ka?"

"Bata ka pa. Alam kong marami ka pang pangarap sa buhay mo. Kung may magulang ka pa at mga kapatid, sana naiisip mo rin sila. Sana mararamdaman mo rin ang mararamdaman nila kapag nalaman nilang magtatangka kang magpakamatay. Isipin mo bata."

"Kung desidido ka na at sa isip mo ay wala ng nagmamahal sa iyo, sige.. ituloy mo ang pagpapakamatay mo. Basta iyong pakatandaan na sa bawat yugto ng ating buhay, minsan lang tayo binigyan ng pagkakataong itama ang kung ano mang pagkakamaling nagawa natin. Wala tayong karapatang wakasan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Sige, bata. Mauna na ako. Advance rest in peace."

Dinig na dinig ko pa ang paghampas ng malalakas na alon sa baybayin nang mga sandaling iyon. Naalala ko pang nababasa na rin ang aking mukha sa bawat tubig-alat na dumadampi sa akin noong mga panahong tinangka kong magpakamatay.

Gusto kong wakasan ang aking buhay.
Gusto kong malunod.
Gusto kong tangayin ng mga alon ang aking katawan.
Gusto kong mapuno ng tubig-alat ang aking ilong at bunganga hanggang sa mawalan na ako ng hininga at unti-unting bumulusok pailalim sa kailaliman ng dagat.

Ngunit... ang salitang binitiwan ng isang taong iyon ang nagsilbing leksiyon sa akin na pahalagahan pa ang aking buhay at ang mga taong nagmahal sa akin.

"Kung desidido ka na at sa isip mo ay walang nagmamahal sa iyo, sige, ituloy mo ang pagpapakamatay mo. Basta iyong pakatandaan na sa bawat yugto ng ating buhay, minsan lang tayo binigyan ng pagkakataong itama ang kung ano mang pagkakamaling nagawa natin. Wala tayong karapatang wakasan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal."

Noon, akala ko ang pagpapakamatay ang solusyon upang takasan ko ang dagok sa aking buhay. Nawalan ako ng tunay na ina. Namatayan ako ng ama. Pinagmalupitan ako ng aking madrasta. Hindi ako minahal ng mga kapatid ko sa ama. Kaya naglayas ako at napadpad sa baybaying dagat at doon ay naisipan ko na lamang na magpatiwakal.

Nawalan man ako ng magulang pero alam kung may nagmamahal pa rin sa akin. Hindi ko sila kadugo pero lagi silang nariyan para palakasin ang loob ko. Sila ang mga tinatawag kong mga kaibigan.
Pagkatapos ng nangyari noong pagtatangka ko ay ipinagpatuloy ko ang aking buhay. Sa tulong ng aking mga kaibigan ay nagtagumpay akong maging masaya.

Hindi ako nag-iisa. Tinulungan din nila akong magbalik-loob sa Diyos. Ang mga nagawa nila ay isang napakalaking biyaya sa akin.

"Kung sa tingin mo ay hindi mo na kaya, magsabi ka lang. Kaming bahala sa iyo," naalala kong sabi ni Jem.

"Kaibigan mo kami. Huwag kang mahiyang magkuwento sa amin. Promise, makikinig kami," pag-aalo sa akin noon ni Jinky.

"Hindi lang ikaw ang may pinakamabigat na suliranin sa mundo, Igan. May mas mabigat pa sa pinagdaraanan mo. Tiwala lang na makakayanan mo ang lahat," kumpiyansa namang wika ni Kuya Ryan.

"Kalimutan mo ang mga bagay na nagpapadagdag lang ng kalungkutan diyan sa puso mo. Tandaan mo, ang Diyos ay laging nakaakbay sa iyo. Nandito ako. Narito kaming mga kaibigan mo. Tutulungan ka naming bumangon," nakangiting saad ni Charm.

"Huwag ka na ulit magtangkang magpakalunod sa dagat ha? Kapag ginawa mo ulit iyon, kami na ang lulunod sa iyo. Ha-ha. Biro lang. Lakasan mo ang loob mo. Hindi ka nag-iisa," ang loko-lokong wika ni Otep.

Sa tuwing maalala ko ang mga kataga at salitang galing sa mga tunay kong kaibigan, panatag palagi ang loob ko na hindi ko na uulitin ang nangyaring iyon sa buhay ko. Papahalagahan ko ang hiram na buhay na ipinagkaloob sa akin ng Maykapal. Gagawin ko ang lahat upang maging masaya.

Narito ako ngayon sa Manila Bay at naglalakad-lakad. Gusto ko lang sariwain ang mga alaalang naging tulay noon upang pahalagahan ang buhay ko ngayon. Hindi man lamang ako nakapagpasalamat sa taong sumaway sa akin noon. Kung may pagkakataong makita ko man siya ay taos-puso akong magpapasalamat sa kaniya.

Pinagmasdan ko ang karagatan. Wala pang isang minuto akong naroon ay may nahagip ng mga mata ako ang isang babae na dumaan sa harapan ko. Patungo siya sa mabatong bahagi. Tila wala siya sa kaniyang sarili.

Nilingon ko ang paligid. Wala man lamang nakapansin sa kaniya. At wala ngang masyadong tao na naroon nang mga oras na iyon.

Mukhang magpapakamatay yata siya. Alam ko ang eksenang ito. Kung dati ako ang nasa posisyon niya, ngayon naman ay ang babaeng ito. At dahil ayokong may mangyaring masama sa kaniya, ako naman ngayon ang gagawa ng paraan para matulungan siya.

"Miss, magpapakamatay ka ba?" hindi niya ako nilingon.

"Magpapakamatay ka nga. Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" lumingon siya sa akin at kitang-kita ko ang luhaan niyang mukha.

"Alam ba ng pamilya mo ang gagawin mo? Alam mo ba ang mararamdaman ng ina at ama mo kapag nawala ka? Sa tingin mo ba ay tama ang gagawin mo?" nakita kong napabuntong-hininga siya na tila nag-iisip sa mga ibinabatong tanong ko.

"Napagdaanan ko na rin iyan at diyan din mismo sa mga batong iyan ako dapat na magpapakamatay. Pero... hindi ko itinuloy. Alam mo ba kung bakit?" tumingin siya sa gawi ko at nagtama ang aming paningin. Parehong nangungusap.

"Ba-bakit?" nauutal niyang tanong sa akin.

"Bakit? Dahil wala tayong karapatang wakasan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Ang buhay natin ay mahalaga. Sana maisip mo iyon. Hindi pa huli ang lahat para itama ang mga bagay na sa tingin mo ay mali o nagawa mo. Hiram lamang ang buhay natin. Magtiwala ka, Miss. Mahal tayo ng Panginoon. Mahal niya ang buhay natin. At alam kong mahal mo rin ang buhay mo," iyon ang mga huling katagang binitiwan ko saka ako tumalikod sa kaniya.

Hindi pa man ako nakakahakbang ay narinig kong tinawag niya ako. At nang lumingon ako ay bigla na lamang niya akong niyakap.

**

Ang pangalan niya ay Yssa at siya lang naman ang babaeng tinulungan ko tatlong buwan na ang nakararaan. Siya lang naman ngayon ang kasintahan ko. Pareho kaming nagtangkang wakasan ang aming buhay, ngunit pareho din naming napagtantong hiram lamang ito at dapat na mahalin namin. Sinong mag-aakala na kami ang magkakatuluyan sa huli?
Daniel Abiad Dec 2014
Pisnging mapula
mapungay na mata

ako’y masaya sa tuwing ika’y nakikita
sabihin na nating ang ilong ko’y kawangis ng bawang
ang amoy ko pang tikbalang
at malaki ang aking baywang
ang pagmamahal mo parin ay kahit kaila’y ‘di nagkulang

Salamat sa pagtanggap sa’kin
Kahit minsa’y medyo mahangin
Kahit ngayo’y lagi nang nakasalamin
Pinagtitiisan mo pa rin

Sa kabila ng lahat ng kasalanan
Ang pagpapatawad mo’y tila walang hanggan


Kaya ngayong araw ng mga puso
Sana’y iyong magustuhan
Munting handog
ng matabang batang matagal ka nang hinahangaan

Nais ko sana’y ‘wag tayong mag away
Para naman ang araw na ito’y maging matiwasay
Mahal mo ata ako, at alam **** mahal rin kita
Kaya hayaan **** ang tulang ito’y ika’y mapasaya
Anna Jun 2012
crush kita, alam mo ba?
mapansin mo naman sana
gusto kitang yakapin
ayoko lang aminin

pasulpot sulpot ka lang
pagkausap ka laging ang oras ay kulang
pero sa bawat minuto ako'y nalilibang
hindi mo lang alam malapit ng mabuang

unang kita ako'y natulala
naglakas loob na ika'y makilala
minsan lang naging sigurado
sa desisyon kong to

buhok mo'y nakakabighani
mata mo'y napakabayani
ilong mo'y nakakaaning
ngiti mo'y parang bituing nagniningning

puso ko'y parang sasabog
pag ang fb chat ko'y tumunog
ako'y nanghihinayang
sa picture nating nasayang

isa lang ang gusto ko
ang masabi sayo lahat to
Kaede Feb 2019
Awm
Unom ka itom nga tuldok,
Nipilit sa lain laing parte sa akong lawas.
Dala ni ini atung mga kalipay,
Og mga kaguol para ingnung patas.

Ikaw ang itom nga tuldok,
Nga nagunitan sa akong kamot.
Usahay mubuhi kay nabatyag
Nimo akong dala nga kaalimoot.

Ikaw ang itom nga tuldok,
Nga uban permi sa akong kumagko.
Nagpamatood nga bisan asa ko maabot,
Ikaw ra gyud ako kuyug.

Ikaw ang itom nga tuldok,
Nga anaa dapit sa akong ilong.
Agi anan sa akong mga luha,
Ug magkaboang atung relasyon.

Ikaw ang itom nga tuldok,
Nga nagdumili mu biya.
Apan plinastik manang imoha,
Di ka kahibaw ug kanus-a ka mupahawa.

Ikaw ang itom nga tuldok,
Naglaroy laroy sa akong utok.
Manaog ka usahay sa liog,
Para ako matuok.

Ikaw ra gyud unta ang itom nga tuldok,
Nga grabeg pilit sa akong dughan.
Apan karon, gamay nalang nga tulod,
Para ikaw akong buhian.
This is my winning piece in Poetry Writing (Cebuano) during the 2nd Central Visayas Press Competition. This piece was the only piece choosen by the judge to win as champion in this category. Inspired by the person who always make my heart happy and flutter, Jobola.
Sa t'wing ika'y papalapit
Ilong ko'y umiinit
Please lang, kilikili mo'y **** ipit
Pahinge nga ako ng sipit
Ilong ko nalamang ang iiipit
Dahil pati mata ko'y namimilipit
Zeggie Cruz Sep 2015
Nandito ako sa kabilang panig
Nagaantay na muling marinig
ang mga tinig  na nawala
Sa ibabaw ng aking mundo at ng luha

Sa kabilang panig nagbibilang
ng mga araw sadyang kay tagal
muling pagkikita, nag-aabang
Muling pagsasama, nahihibang

Paano ba hahanapin ang kahapon
Naibaon sa sadlak ng alimuom
Dumidikit sa kailaliman ng ilong
Ang alaalang hindi maitapon

Parang labadang hindi tinuyo
ng sinag ng araw, nakulob
Sa loob ng damdamin
nagkukumahog

Naghihikahos, nabuburyong
Minsan pang ibalik, alaala
lagusan ng saya ata kaba
Kelan ka kaya makikita.
Jo Organiza May 23
Akong dila daw kay kusog mulabtik ug tam-is na mga pulong
Mukatay ug muginhawa pagawas sa akong ilong.
ay giatay ay nalang, kini diay kay sip-on.
My poems are not well-constructed jud pero I hope you like it, hehe.
Twitter:@JoRaika
Balak - A Bisaya Poem.
pc Jul 2018
mahal ko ---

nais kong isulat ang larawan mo.

ngunit papaano?

paanong mailalathala
gamit lamang ang mga salita
ang matayog **** ilong
at ngiti nang iyong mga mata;
ang baluktot ng iyong likod
at mga binti **** mahahaba?
AtMidCode Nov 2017
Sinabi ko naman sayo
Na may abandonment issues ako
Na dinaig pa ng pinandidirihan at kinatatakutan kong mga mahahabang bulate
Ang takot kong maiwan nalang basta basta

Para akong isang turistang naghahandang tumalon sa isang napakataas na bundok
Isa isang kinabit ang mga harness sa aking katawan
Maingat at ekspertong mga kamay ang siyang naninigurong ligtas ako sa gagawing pagsubok
Habang ako'y nanginginig at kinakabahan
Pinagpapawisan
Ang kamay, noo, paa, batok, likod, ilong at maging ang mga kili-kili
Malawak ang paligid at dapat ay maalwan ang paghinga
Ngunit ito'y tila kinakapos
Sige lang. Kaya ko to. Matatapos din to. Kasama naman kita, hindi ba?

Nagpaalala ang guide
Ngunit ako'y nag-aabang lang sa sinasabing signal
Tanda na magsisimula na ang pagbagsak

Ang lakas ng hangin
Hindi ba to makaaapekto mamaya sa amin?

Pinapwesto kami ng guide

'Pano kapag hindi ko kinaya?'

Nagbibilang na siya

'Matatapos ko ba?'

Ibaba na nila.

'Hindi na mahalaga. Kasama ko naman siya.'

Isa


Dalawa


Tat--

Teka. Teka. Asa'n ka na?
Eugene Aug 2017
Mata: Nakikita nila akong masaya kasi sa tuwing tititigan ako ay nangungusap na. Pero hindi nila alam na sa kasuluksulukan nito ay madilim na ang aking nakikita.

Ilong: Amoy na amoy ko pa ang masasayang alaala ng kaligayahang noon ay aking nadarama. Ngunit, ngayon ay unti-unti nang bumabara ang mga sakit at pighating dulot ng aking pagdurusa.

Tainga: Kay sarap pakinggan ang mga nanari-saring tiyempo, ritmo, at tonong iyong napapakinggan. Ikaw ay napapaindak pa at napapasayaw sa mga natamong kasiyahan. Subalit, binging-bingi ka na sa mga masasakit na salita sa iyo na tila wala ka ng kwenta.

Bibig: Puring-puri mo ang mga nagawa mo para sa kanila at doon ay napagtanto **** may saysay ang bawat **** ginagawa. Ngunit, pilit mo na lamang ikinukubli ang mga masasakit na katagang nais **** ipabatid sa kanila dahil alam **** kapag ikaw ang nagsalita, mali pa rin sa pagkakaunawa nila.
Manunula T Feb 2018
Maingay. Siksikan.
Mainit. Nakaiinip.
Nakipila. Naghintay.
Isa. Dalawa. Tatlong oras.
Reklamo nila. Reklamo ng lahat.
Nainip. Umupo. Nakitabi.
Nag-ingay nang nag-ingay.
Maraming nagsidatingan.
Kanya-kanyang kwento.
Nagkwentuhan.
Umambon. Umulan.
Payong. Binuksan.
Nakisilong. Pinayungan.
Nagkwentuhan. Nagtawanan.
Tarangkahan. Bumukas.
Tulakan. Umuulan.
Tulakan. Sigawan.
Tulakan. Siksikan.
Siksikan. Naapakan.
Tulakan. Walang makapitan.
Pinakapit. Kumapit.
Tapak. Hagdan.
Umakyat. Inalalayan.
Humakbang. Umusad.
Pinauna. Pinasalamatan.
Nagapasalamat. Nagkangitian.
Umakyat. Sinundan.
Di nahagilap. Tinunguhan.
Di nalaman. Kinalakhan.
Di nalaman. Pangalan.
Naaalala. Ngiti. Labi.
Matang singkit. Matangos na ilong
Berde ang bag. Pula ang damit.
Sumbrero'y itim. Ulong maliit.
Umupo. Hinanap.
Hinanap. Hinanap.
Di makita. Di mahagilap.
Tanging maalala. Pagtulong twina.
Nakababagot na pila. Siya nakita.
Mahabang oras nakasama.
Salamat. Pila.
Sandaling nakasama.
Alaala. Siksikang pila.
Sa unang kislap ng apoy
hanggang sa maliit na baga

ang usok na mula sa dulo ng
pangako, ikaw ang nasa isip ko

hinithit ko ang usok,
pumikit

ibinuga. lumabas sa labi sa ilong
ang pangako, naging usok
at upos.
Filipino panitikan tula musa pangako usok apoy pagbabalik
kingjay Jan 2019
Saglit lang nakatulog nang naulinigan
ang malakas na hilik
Isa, dalawa, tatlo hanggang treinta na segundo na tahimik
pagkatapos ay humagok
Isa, dalawa, tatlo hanggang lampas sa isang minuto muli'y nadingig

Gustong bumangon mula sa pagka-kalahating gising at tulog
Ngunit parang may pumipigil
Mga braso't binti ay pinapatungan ng sampung presyon at hulugbigat
Dalawang minuto na mahigit
Mapayapa na sa abang-aba na sandali

Nang tuluyan na nagising ay humagibis para pukawin
Walang hangin na sa ilong at bunganga niya'y lumalabas
Hinanapan ng pulso habang tumatangis
Kulay ube ang mga kuko,
maputla ang kutis
Ang birang na nalaglag sa loob ay isang papel

Hindi na ikinaumagahan, pintakasi ng lagim ay nagpahudyat
Kukunin ang laluluwa bago ang bukas
Nag-aagaw buhay na ama'y kailangan ng adya at di nagawa
Ulo'y nalungayngay
Sarili'y sinisisi

Buntunan ng sala ang kilos at gawa
Kumukudlit-kudlit na ipinaparatang
Kumakati-kati na ala-ala ay bumabagabag sa malabong konsensiya
Kaynipis ng hangin sa paligid
Kahit pa bentilador ay nakatutok sa magkabilang gilid
Nangangamba sa mga taong kasama sa silid
Naway tiyak nga ang aking lingid

Ngunit di nagsisinungaling ang mga senyales
Kahit na hindi na isulat pa sa papeles
Tiyak ang paghinga na may pagtitiis
Na tila inaagaw ang hangin na kay nipis

Pinarurusahan nga yata ako
Sapagkat sobrang nakalimot na nga ako
Maging sa pagkain nauuna ang subo ko
Kaysa pasasalamat at dalangin ko

Tiyak na nga, tiyak na nga...
Masakit ang ulo sa paghiga
Barado ang ilong magkabila
At pang amoy ko'y wala na nga

Ako ba ay makatatagal kaya?
Tanong sa isip na nawawala
Sa wasto dahil masakit na nga
Diyos ko bahala ka na nga!
'JGA

— The End —