Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"binalewala" poems
Pagibig, kamusta? Ang tagal na natin hindi naguusap, sana okay ka lang at hindi nagdurusa. Papayag ka bang makipagkita? O nasaktan ka na ba ng sobra at hindi mo na kaya. Alam ko may pangako tayo sa isa't isa, at binalewala ko lang na parang basura! Patawarin mo ako at binitwan kita. Pero sa isang pagkakataon muli pwede ba tayong magkita? Kaya sa oras na ito, Ang tanong ko lang sa iyo ay kamusta? Alam ko ako ang may kasalanan nitong lahat! Pero aking sinta kailangan ko lng malaman okay ka pa ba na tayong maging dalawa? Meron ba akong second chance na makukuha? O ayaw mo na dahil hindi mo na kaya. Kaya pagibig kamusta? Sana okay ka lang at hindi nagdurusa...
0
Jul 31, 2019
Jul 31, 2019 at 10:01 AM UTC
Pagibig, kamusta?
Mahal Salamat, salamat sa mga araw na nakasama kita Salamat sa mga araw na naramdaman kong ako'y mahalaga Salamat sa mga araw na ako'y iyong napasaya Salamat dahil binigyan ako ng pagkakataon na makilala ka Mahal Alam kong hindi ako, yung taong makapag-wawasto sa'yo. Alam kong hindi sapat, ang mga bagay na nagawa ko Alam kong kailanman, hindi magkakaroon ng tayo Alam kong mali ako, masyado akong umasa sa mga salita mo Mahal Patawad kung umabot na sa puntong napagod na 'ko Patawad kung hindi ko na tinuloy ang paglaban at bumitaw na 'ko Patawad kung masyado akong naging mapaghangad sa pagmamahal mo. Patawad kung ika'y laging mali sa paningin ko. Mahal Sana lagi **** tatandaan, kung paano kita minahal. Sana lagi **** ingatan ang 'yong sarili, san man magpunta Sana sa mga panahong wala ako, ika'y maliwanagan na. Sana sa susunod na babaeng darating sa buhay mo, iyong pahalagahan na. Mahal Huwag kang mag-alala, kahit gaano pa man karami ang sakit na aking nadama Lagi ko parin ipagdarasal na sana ika'y maging masaya. Hindi ka pa man humihingi ng patawad, napatawad na kita Sa lahat ng aking pagsisikap na iyong binalewala. Mahal Wala akong ibang hihilingin sa maykapal kundi ang 'yong kaligtasan Wala akong ibang hahangarin kundi ika'y matauhan na Mahal na mahal kita, higit pa sa sobra. Mahal na mahal kita, pero siguro tama na.
0
Apr 20, 2019
Apr 20, 2019 at 7:07 AM UTC
MAHAL
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid, Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip. Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan, Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan. Ano ang pipiliin? Ano ang susundin? Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin? Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay, Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan. Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab, Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan. Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita, "Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita". Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan, Ang katotohanang wala kang paroroonan. Ikaw na ninais ang siyang iginapos, Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos. Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay, Aking tinalikuran pag-asang hinihintay. Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan, Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan. Subalit matapos ang gabi ng panaginip, Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit. Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula, Sa aking paglabas, kinatatakutan nila. Sa aking paglalakad sa mundong umiikot, Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot. Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid, Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig. "Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw, Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw. Nagpatiluhod at doon ay nagnilay, Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay. Isang katauhan ang nababalot sa liwanag, Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita". Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay, Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot, Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot. Supot na naglalaman ng buhanging Kristal, Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya. Kukunin ba kita at titikmang muli? Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit? Ano ang gagawin ng isipang sabog, Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?
0
Oct 26, 2018
Oct 26, 2018 at 8:57 AM UTC
Kristal

Continue reading...
48
Dumaan saglit sa bilihan ng damit Kahit sakto ang dala ay aking pinilit Pagkat pawis ay malala dahil mainit Sa pagkikitang ito lahat ay sulit. Sa harap ng salamin maiging sinipat Kung okay ang buhok at marapat Konting talsik ng pabango sa kwelyo Hindi muna ko maninigarilyo. Upang ako'y perpekto sa pagdating Lahat ay maayos sa iyong paningin, hinahanap hanap ang 'yong awitin Ng boses **** maliit ako'y bitin. Nagmamadali at baka mahuli Ayokong maghintay ka aking binibini Kahit hasel sa lahat basta dumating Sinira ang ipon para may pang sine. Kamusta ka na? Kumain ka na ba? Unti unting pinaplano ang sasabihin. Sa paglalakad ako'y napapaisip Ano ang uunahin, saan papupuntahin Sa di kalayuan aking nakita Maamo at maaliwalas **** mukha Sabay nagising sa katotohanan Sa noo ko ay biglang pinawisan. Nang biglang nauntog sa totoo Na ito ay panaginip lamang Hawak ang lakas ng loob Napalunok at parang.. Nabilaukan sa pagkakita Sa kamay **** may humawak Sa di bandang kalayuan Pumatak ang luha ng uwak At sabay bati ng kamusta Habang hagkan ka at yapos Ako ay kinakain ng sistema Ng matinding pagseselos At binalewala ang pagpapakilala Sa kasama mo'y ikaw'y hinayaan Sigaw ng puso'y nagaklas Batid na "Dapat ako ang nandiyan".
0
May 23, 2016
May 23, 2016 at 8:51 AM UTC
Hasel
Pumatak na naman ang ulan Sa taas ng bubungan Parang luha sa mga mata Kapag namimiss kita Ang daming patak ng ulang ito Milyon siguro ang bilang nito Parang listahan ng mga babaeng ito Na nagkakagusto din sa iyo Agos dito agos doon sa kanto Ang tubig ulan na ito Parang pag-asa ko sa iyo Tinangay na ng agos ng mundo Lumalabo ang salamin ko dahil sa hamog na ito Parang mata at puso mo Malabong makita ang tulad ko Lumalamig na din ang paligid ko Dulot ng lumalakas na ulang ito Parang yung damdamin ko Nanlalamig kakahintay sa iyo Pero alam ko na hihinto din ito Yung ulan sa labas ng bahay ko Parang damdamin ko sayo Kapag napagod hihinto pero hindi susuko Pag natapos ang isang malakas na ulan Ang lupa ay matutuyo dahandahan Parang pag tingin ko sa iyo Matutuyo kapag binalewala mo
0
Mar 18, 2017
Mar 18, 2017 at 3:46 AM UTC
ULAN
Alam mo ba? Mamahalin parin kita kasi naniniwala ako sa kasabihan ng mga matatanda, na mas mahalaga ang nararamdaman ng puso kaysa sa nakikita lang ng mga mata. Pero tangina ng tadhana, bakit ngayon pa? Kung kailan mahal na kita, ika'y lumisan pa. Sakit sa puso nung narinig ko mula sa iyong bibig na wala ng pag-asa. Isa lang naman ang aking dahilan kung bakit iniibig parin kita, yun ay kahit nakapikit ako kita kita. Oo kita kita, kita kita sa mga panaginip ko araw araw. Nangangarap sana hindi na magising pa, para araw araw kasama ka. Kasama kang matulog sa kama, kasama kang magpahinga galing eskwela. Kasama kang tumanda, kasama kang mamatay hanggang sa pagtanda. Kaya ayoko ng gumising pa. Ilang sampal na kaya ang aking natanggap para lang ako'y magising na? pero alam mo mas pinili ko paring huwag nalang idilat ang aking mata kahit ang buong diwa ko'y gising na kahit buong pisngi ko'y namamanhid na. kasi ayokong dumilat at masilayan kong wala ka, at mapagtanto ko paulit-ulit na panaginip lang pala. Pagtawanan nyo na ko't lahat lahat kasi nageffort ako sa wala, at wala ring pag-asa. Wala ng pagasang makasama pa kita, matulog sa kama kasama ka, kasamang magpahinga galing eskwela, kasama kang tumanda, kasama kang mamatay hanggang sa pagtanda, Wala ng pagasa na maging tayo pa. Talo na ako. Isa pa talo na ako. Kasi narinig ko na mismo sa iyong bibig yung salitang "ayoko". Ilang beses na kong naghayag ng pagibig ko na binalewala at sinayang kasi natatakot ako. natatakot ako. Natatakot na baka hindi mo mahalin ang katulad ko. Natatakot ako na baka hindi mahalin ng puso mo ang puso ko.
0
May 23, 2018
May 23, 2018 at 8:58 AM UTC
AYOKO

30
Habang ako'y lumalaki isang aral ang tumatak sa akin "Give your 101% sa lahat ng 'yong gagawin" Kaya sa bawat aktibidad ay binuhos ko ang lahat ng aking makakaya, Pati na rin sa pag-ibig ako'y nagmahal ng sobrang sobra. "Too much of something is bad" Yun nga ang sabi nila, Pero bat 'di 'to nanatili sa utak ko? Ganon ba 'ko nabulag sa pag-ngiti mo? Ano ba hinahabol ko dito,Kilig o saya? Bakit ang tanga tanga ko? Nung naghiwalay tayo'y pinangako ko sayo hihintayin ko ang araw na pwede kitang makasama, Pero bakit kita pinaasa? Naghanap ako ng iba at binalewala ang pangakong ginawa. At sa huli ako pa ang umiiyak, ako pa umaasa. Kung minahal nga kita ng sobra, ba't ko ginawa yun sayo? Sabi ako ng sabi sa iba " pre minahal ko siya ng sobra", pero totoo ba? Puro kasinungalingan lang ata laman ng lintik na bibig na to. May kahulugan ba ang "I love you" na sinasabi ko sa iyo? Bakit ang tanga tanga ko? Bakit ba ako gan'to? Pasensya na lang...Yun lang ang kaya kong sabihin na hindi kita niloloko. Malinaw na malinaw ang aking mga kamalian. Mas mabuti nga na di ako ang yong nakatuluyan. Sana makahanap ka ng iba na magiging totoo sayo...
0
Feb 16, 2020
Feb 16, 2020 at 10:20 AM UTC
Bakit ang tanga tanga ko?
013017 Gusto kong umiyak -- gusto kong ipasalo Sayo ang bawat luha, bawat luhang matagala nang gustong bumaha -- gustong bumaha at magpatangay Sayo. Sa bawat pagkakataong ibinubuhos Mo ang Iying presensya -- mga pagkakataong lumayo ako Sayo -- lumayo ako sa kabila ng pag-ibig **** pang-walang hanggan. Oo, oo at sigurado akong patuloy akong kakapit Sayo gaya noon -- noong unang beses kong pinanghawakan ang bawat pangako **** kailanma'y hindi pumalya. Mga pangakong akala ko noo'y hindi na mangyayari -- pagkat noo'y nagpatalo ako sa sarili kong panahon at binalewala ang oras **** mas mahalaga. Mahal Kita at walang katapusan ang alay Mo. Ni hindi ko kayang palitan o mapantayan o higitan ang pag-ibig Mo. Kailan Ka ba sumuko? Wala akong matandaan kahit ang tanda ko na -- kahit ang tanda ng orasan sa tabi ko. Napapagod ako, nanghihina ako at bumibigay ako pero kahit kailan, Ika'y patas -- patas ang pag-ibig Mo. Kanina ko pa gustong ituntong ang mga paa ko sa hagdan -- sa hagdang patungo Sayo. Na kahit di Kita masilayan ngayo'y aabangan Kita at hihintayin Kita. Gusto kong iluhod ang lahat, ilatag sa paanan Mo ang bawat sakit kasi hindi ko kayang mag-isa. At kung pupwede lang na bumaba Ka ngayon, kung pwede lang -- ay yayakapin Kita. Ama, kung ganito man ang tamang pagsambit ng Ngalan Mo; yakapin Mo ang anak **** lantang-lanta na't uhaw sa presensya Mo. Kung ganito ang paghihintay na kailangan kong maramdamang may mga bagay na hindi kayang ayusin, hihintayin pa rin Kita. Wala, wala na akong masasambit pa. Tinig Mo pa lang, kahit simpleng bulong lang, ako'y napaluluhod sa galak. Iiyak na naman ako at mismong sa harapan Mo, ibibigay ko ang lahat -- Sayo ang lahat, Ama. Sayo, oo Sayo.
0
Jan 30, 2017
Jan 30, 2017 at 7:46 AM UTC
Sayo Na

8
Sa aking pagising naalalang alala ka nalang pala. Di ko inakalang lahat ng mga iyon ay mapupunta sa wala. Na parang walang pakialam at binalewala. Sakit ang nadarama sa iyong pagkawala. At ngayo'y idadaan ang sakit sa isang malayang tula. Mas gugustuhin kong itula na lamang, 'tong mga nais sabihing nakakahadlang, Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya, Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila. Dahil sa takot na nadarama nitong puso kong maduwag. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako sa iyo mismo. Natatakot ako sa pag-ibig ko. Natatakot ako sa paglisan mo. Natatakot ako kasi hindi ito tama. Natatakot ako kasi tayo ay di tugma. Natatakot ako kasi, "Bakit nga ba?" Natatakot na lang ako bigla-bigla. Oo sasabihin ko nalang takot akong iwan mo ako. Kasi sa iyo ko lang nararamdaman ang importansya ko. At ngayo'y sa paglisan mo'y nararamdaman ko ulit. Ang pakiramdam kong noo'y piit. Ako'y nasanay na kasama ka, Sa lahat ng oras na walang makakasama, Sa lahat ng oras na walang makausap na iba, Tayong dalawa, nagbigay buhay sa isang makata. Akin ang ideya, sayo ang paraan, Ako'y napalapit na, kinahiligan, Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan, Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan. Ito ang isa sa aking mga katauhan, Makatang pagsusulat ay naging takbuhan, Pagsusulat ang ginawang libangan, Sa tula buhay ay ipinaloob, pati kasakitan.
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 11:53 PM UTC
"TAKOT AKONG IWAN MO KO"
Lapis at papel aking pinangsibat Pinangsibat sa mga taong ayaw mamulat Mamulat sa mga bagay na sa mali nasadlak Nasadlak ma'y pakay ng tinta kong mahatak Mahatak sa tama't puso'y bumusilak Bumusilak di ang anyong mapanindak Mapanindak kasamaa'y kinakalat Kinakalat sa buhay ng iba'y nangwawasak Nangwawasak ma'y handa ang aking sibat Sibat na letra'y sa pusong bato'y tatarak Tatarak ng marahan makikiusap Makikiusap sanang papel ko'y nayurak Nayurak binalewala't mga letra'y nakalat Nakalat sandatang higit pa sana sa sibat Sibat na tinta'y nagdulot nga ng napakalaking sugat Sugat sa puso ng may akda nitong sulat... Written: June 27, 2014 Mysterious Aries
0
Sep 16, 2015
Sep 16, 2015 at 3:54 AM UTC
Kabiguan Nang Manunulat
marahan **** binitawan— kamay ko'y tuluyan mo nang pinakawalan ako'y hinayaang mag-isa sa kalawakan; magpalutang-lutang sa dalampasigan iniwan na lang kahit wala pa sa dulo ng hangganan binalewala lahat ng pinagsamahan o, aking sinta bakit ba'y hinayaan **** mapunta sa piling ng iba ang 'yong pangarap—yung taong pinangakuan **** ibibigay mo ang lahat ngayo'y naglaho na lang na parang bula ikaw at mga pangako **** nauwi lang sa wala ano man ang nangyari, ikaw pa rin ang aking tinatangi patuloy pa ring nagbabaka sakali na baka sa panaginip, landas nati'y magtagpong muli
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:48 AM UTC
tinatang(g)i
Tama mali Mali tama Tama mali Itong dalawang salita Na paulit ulit binibigkas ng mga bibig ko Ay ang salita na hindi ko maintindihan Kaya nga siguro ang puso ko ngayon ay sugatan Puso ko na walang pakialam Nung una kang mahulog sakin Puso kong tanga Na huli na ako nung naisip ko na ika'y mahalaga Puso ko na umaasa na mamahalin mo pa, Puso mo na umasa dati at nasaktan dahil binalewala kita Dahil sa puntong akala ko dati ay mali ay siya ko namang pinagsisihan ngayon Sa puntong nahulog ka sakin pero binalewala ko At ngayong wala ka na sa tabi ko Ay nawala na ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Matalik na kaibigan Lagi **** tatandaan Handa kong talikuran ang lahat Wag ka lang lumisan. Dalawang magkaibigan Na imposible na maging magkasintahan Siguro nga tama na naging parte ka ng buhay ko Pero akala ko mali na maging malapit tayo Tama na naging malapit tayo sa isat isa Mali na maging malapit ang puso nating dalawa Tama na makilala kita Mali na makilala mo siya Tama, iiwanan ko ang lahat para sayo Mali na iiwanan mo lang ako Tama na minahal moko Mali dahil hindi ko pinahalagahan ito Tama na minahal kita Pero hindi ko alam kung mali ba ang umaasa Mali ba ang talikuran kita Mali ba ang hayaan ko nalang kayong dalawa Mali Maling mali Mali ang nagawa ko Sobrang mali Mahirap nang itama Pinabayaan kita Ngayon nasa kamay kana ng iba
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:19 PM UTC
tula ni VJ: "Mali"
I've tried to google you, pati na rin yahoo.. Pero bkit ako pinaasa,, At binalewala ni piccasa Kaya ngayon si gmail Nag-twitter na rin kay Instagram! At nag iwan ng katanungan... Pwde bng sa youtube na lang tayo magkita... Kasi mainit sa mata Kapag sa youjizz diba.... Pero alam muh ba fb? Sa dinamidame ng www Ayosdito,, as in sulit talaga Post! usap! deal! AyosDito Magkakaroon ka ng maraming FRIENDSTER!!! kaya hinde kta ipagpapalit khit na kay skype !
0
Feb 12, 2017
Feb 12, 2017 at 3:29 AM UTC
Dear **facebook** ,
Nasa gitna ka ng daan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Walang dalang payong o pangtalukbong. Alam mo ng darating pero iyo lamang hinayaan. Kaya naman hindi ka na nagdalawang-isip at ako'y ginawang hintayan. Dahil alam **** ako yung pinakamalapit. Sa bigat ng mga pasanin mo na aking binitbit. Ang tatanggap at yayakap sayo ng napakahigpit. Ikaw ay ginaw na ginaw kaya sumilong at nagpainit. Wala ka nang iba pa na pwedeng puntahan kundi sa akin. Sarili mo lang ang inisip mo na wag sanang mabasa. Binalewala mo ang weather forecast ni kuya kim. Inaakalang aabot ka sa bahay ng ligtas at hindi nababasa. Ganon lang naman ka-simple yung ideya diba? Ako yung boring na kwento at ikaw yung pinakamagandang bida. Nilimot na parang posporo na pagkatapos sindihan ay naging abo. Isa lang naman akong waiting shet sayo... Shet, mali! Waiting shed sa buhay **** parang bagyo sa sobrang labo.
0
Oct 1, 2016
Oct 1, 2016 at 8:20 PM UTC
low pressure ar―ay
Katoto Sa simula lang ang kasiyahan, At nauwi lang ito sa hindi pagpapansinan, Ilangan, dedmahan, at walang kibuan, Tila ang magandang samahan ay ating nalimutan. Ang araw ay lumipas man, Nakatagpo tayo ng kanya-kanyang kaibigan, Ngunit ang koneksyon ng ating samahan, Ay laging gugunitain at babalikan. Sa t’wing nakikitang nag kukulitan, Alaala noon ay nababalikan, Kung hindi ko lang sana inamin, Ganon pa rin ang ating pagtingin. Anong dapat kong gawin?, Upang ito ay aking lisanin?, Ang tunay kong damdamin, Na para sa’yo na binalewala mo rin. -
0
Sep 21, 2018
Sep 21, 2018 at 1:43 PM UTC
Katoto
noon, tayo ay nag mahalan bumuo tayo ng mga pangakong aking pinang hawakan gumawa tayo ng mga bagay na nag resulta ng sobrang kaligayahan ngayon, wala na; wala ng tayo kinalimutan at binalewala mo ang ating mga pangako pero sinta, ako'y hayaan mo tutuparin ko kung ano man ang ating na plano at sa hinaharap, patuloy kitang mamahalin ang ating sinimulan, itutuloy ko parin kahit ako nalang mag isa, at ikaw ay hindi na akin —g.l
0
Aug 16, 2020
Aug 16, 2020 at 5:30 AM UTC
ngayon, bukas, at sa habang buhay
Nung ika'y aking nakita, pakiramdam para sayo ay wala, Ngunit di nagtagal, Naglaro si kupido at tadhana. Pinana ng pana ni kupido at binaluktot ni tadhana landas nating dalawa Isang araw, nakita kita sa isang tabi, ika'y nilapitan at pinangiti, Hnaggang isang gabi, Puso'y di mapigilan, sinigaw sayo Mahal kita, aking sinta! Nung naging tayo. Walang umangal ng kung ano, Hanggang sa dumating ang araw na tayo'y pinaglayo. Hindi kinaya ang pagkukulang, kaya winakasan, sapagkat sandata ng kalawakan, oras at distansiya ating kinakalaban. Bakit kailangan ganito? Pero anu pa bang magagawa ko? Huli na lahat, para ipaglaban ko, pag-ibig na binalewala ko. Kasalanan ko, Pagdurusang dinaranas ko.
0
Dec 6, 2017
Dec 6, 2017 at 4:34 AM UTC
KASALANAN KO
"Magsimula tayong muli." Yun ang sabi niya, na parang kay dali lang ibalik lahat nang iniwala niya. Sa tagal niyang nawala hindi ko lubos maisip pang babalik siya na tila ba parang wala lang nangyari. Ang walang hiya, sasabihin na kasalanan ko din naman kung bakit siya nagdesisyon umalis para hanapin yung sarili niya at ayun hinayaan ko na. Hindi ako martir. Bingi na kasi siya sa mga pakiusap kong subukan namin ulit. Sa nagdaan na panahon na wala siya, pilit ko din inaayos yung lahat na binasag niya. Pilit pinagdikit ang natitirang bubog ng pagkatao ko na dinurog niya. Tinahi yung gutay gutay kong puso at pilit na ginamot hanggang sa maghilom. Ang pagmamahal na inapak apakan niya lang ng makapal niya na tsinelas ay pilit niyang pinapadampot sa akin na para bang gusto niyang ialay ko ulit sa kanya. Tatanggapin ko ba ang proposisyon niya? O baka naman nabagot lang siya kasi walang mapaglaruan na iba? Ang hirap sa kanya libre na nga binalewala niya pa. Sobra akong nagpakatanga sa kanya noon. Ngayon, kahit nasa harapan ko siya nagtatanong kung pwede pa ba? Nanumbalik man ang sakit ng nakaraan na dati pilit ko winawaglit. Nasabi ko na lang sa kanya. "Hinding hindi na ako magpapaloko ulit tama na siguro yung nagpakatanga, naging alipin, sumugal, nagmakaawa at kailanman hindi ako naging sapat sa maling tao at sa maling pag-ibig."
0
Jun 11, 2019
Jun 11, 2019 at 5:22 AM UTC
Tarantado
Ba't ganon pag pinili **** maging masaya. Sasabihin nila na parang lahat ay iyong binalewala. Pero pag pinili mo maging malungkot sasabihin naman nila paawa ka. Kasi sa mundong ito pag mali ka bawal mo nang itama. Kelangan mo nalang mabuhay at huminga pasanpasan ang ang mga kasalanan na hindi pwedeng bitawan. Habang naglalakad sa daan na  walang kataposan. Na kahit na ang kamatayan ang mag husga ang iyong kasalan parin kanilang maalala. Kahit isubuo mo ang pagbabago at kabutihan hinding hindi magiging matamis ang lasa ng mapait na katotoohanan. Isa kang makasalanan.
0
Aug 16, 2020
Aug 16, 2020 at 7:49 AM UTC
Walang liwanag sa dilim
mahal kita, sigurado akong mahal kita.. kahit sa pagkakataong nakakalimutan **** kailangan din kita, kahit sa mga panahong kaysa sa akin ay may pinili kang iba... mahal kita, sukdulan hanggang langit kumbaga, kaya noong unang beses mo akong binalewala, hindi ako nagtampo bagkus inintindi kita.. mahal kita, kung may sobra pa sa sobra.. kaya't sa paglisan mo ngayon ako'y nagtataka, tunay bang ako ang pinili nung pinili kita.. mahal kita, mga salitang laging sambit sayo ng aking mga labi, mahal kita, mga salitang dahil sa labis na pagmamahal sayo'y nakalimutan kong sabihin sa aking sarili.
0
Feb 1, 2020
Feb 1, 2020 at 7:42 AM UTC
mahal kita
Ako'y nagtataka Kung bakit nga ba? Nagtatanong kung bakit ika'y may kamukha Pero iyon ay aking binalewala! Lumipas ang mga araw, Ako'y nagbabalik tanaw Hinahanap hanap ka Pero hindi na kita nakita pa Simula nung malaman, Ang puso ay muling nabuksan! Dahil sa mapait na nakaraan.. Ng ako ay kanyang iwanan. Simula nung malaman.. Isang gabing napag isipan Itong pusong nagagalak sayo... O mahal na "destiny" ko.
0
Jun 5, 2020
Jun 5, 2020 at 10:58 AM UTC
Simula nung malaman