Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2017
Tama mali
Mali tama
Tama mali
Itong dalawang salita
Na paulit ulit binibigkas ng mga bibig ko
Ay ang salita na hindi ko maintindihan
Kaya nga siguro ang puso ko ngayon ay sugatan
Puso ko na walang pakialam
Nung una kang mahulog sakin
Puso kong tanga
Na huli na ako nung naisip ko na ika'y mahalaga
Puso ko na umaasa na mamahalin mo pa,
Puso mo na umasa dati at nasaktan dahil binalewala kita
Dahil sa puntong akala ko dati ay mali ay siya ko namang pinagsisihan ngayon
Sa puntong nahulog ka sakin pero binalewala ko
At ngayong wala ka na sa tabi ko
Ay nawala na ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Matalik na kaibigan
Lagi **** tatandaan
Handa kong talikuran ang lahat
Wag ka lang lumisan.
Dalawang magkaibigan
Na imposible na maging magkasintahan

Siguro nga tama na naging parte ka ng buhay ko
Pero akala ko mali na maging malapit tayo
Tama na naging malapit tayo sa isat isa
Mali na maging malapit ang puso nating dalawa
Tama na makilala kita
Mali na makilala mo siya
Tama, iiwanan ko ang lahat para sayo
Mali na iiwanan mo lang ako
Tama na minahal moko
Mali dahil hindi ko pinahalagahan ito
Tama na minahal kita
Pero hindi ko alam kung mali ba ang umaasa
Mali ba ang talikuran kita
Mali ba ang hayaan ko nalang kayong dalawa
Mali
Maling mali
Mali ang nagawa ko
Sobrang mali
Mahirap nang itama
Pinabayaan kita
Ngayon nasa kamay kana ng iba
VJ BRIONES
Written by
VJ BRIONES  20/M/Manila
(20/M/Manila)   
1.1k
 
Please log in to view and add comments on poems