Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
G A Lopez Apr 2020
Sino dito ang naniniwala sa pag-ibig?
Sino dito ang hindi na naniniwala sa pag-ibig?
Sino naman dito ang hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng pag-ibig?
Sino naman dito ang may alam ngunit hindi pa handa para sa pag-ibig?; alamin na natin

Hindi ito matatawag na pag-ibig kung ika'y inilalagay,
Sa pagsuway.
Hindi ito ang tamang pagmamahalan
'Pagkat ito ay makasariling desisyon at makasalanan.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang sa umpisa matamis
Ang tunay na pag-ibig ay nakapagtitiis
Ang tunay na pag-ibig ay nagsasakripisyo
Ang tunay na pag-ibig ay tumutupad ng pangako.

Ngayon kaibigan
Maaari mo na bang sagutan
Ang aking katanungan
Ang talata sa unahan
Ito po ang katuloy ng aking tulang pinamagatang " I. MATAPANG AT DUWAG: Ang Babae At Ang Lalake "
Suportahan po natin ang isa't isa HAHAHAHA
Leonoah Apr 2020
Pag-ibig St.

Alas nuebe na ng gabi at heto,
Nasa lansangan pa rin at naghihintay ng pag-usad ng trapiko.
Malamig na ang hangin at madilim na ang langit,
Pagal ang katawan kakaikot kung saan-saan at gusto ko na lamang makarating sa aking mahal na tahanan;
Pero ang dami kasing nag-uunahan,
Masyadong maingay at halos lahat ay handa nang magkasakitan-
Walang pasintabi at mayroong sumisingit,
Nananakit,
Sumisitsit,
O di kaya'y nagmumura na sa galit.

Ayan na nga,
Mag-aalas dyes na,
Pero, heto pa rin sa lansangan;
Sa parehong kalsada at parehong estado-
Naghihintay na umusad ang trapiko.
Sa liblib at masikip na kalyeng hindi gaanong pamilyar kaya naninibago-

Pag-ibig St.
patricia Mar 2020
Sa pagitan ng mga panahong hawak mo ang aking kamay at inialay mo ang iyong bisig upang maging tahanan ko, minahal kita.

Nang ilapat mo ang pangalan ko sa lirico ng isang awitin at ginawa itong atin, minahal kita.

Noong tinupad mo ang pangakong samahan akong panoorin ang paborito kong palabas sa sine, minahal kita.

Noong binago mo ang kulay ng pag-ibig at gawin itong bughaw, minahal kita.

Nang maging laman ako ng mga isinulat **** awitin, minahal kita.

At maging hanggang sa mga oras na tapos ka nang umibig, minahal pa rin kita.

-

Sa pagitan ng awang ng aking mga daliri, ramdam ko pa rin ang init ng kamay mo.

Tumitigil pa rin ako sa tuwing sumusulpot sa radyo ang awiting minarkahan na ng pagmamahal mo.

Nasa dulong bulsa ng pitaka ko ang tiketa ng bawat palabas na pinanood natin nang magkasama

At kahit pagkatapos ng lahat ng tula at kantang naging supling ng parehong pagmamahal at pighating dulot mo, bughaw pa rin ang kulay na idinikit ko sa pag-ibig.

Marahil hindi tagumpay ang sumalubong sa atin nang lumubog ang araw at mag-isa kong hinarap ang umaga, sapat na siguro ang mga naisulat na tula’t awitin upang maging pananda ng hindi natin pagsuko

At nais kong paniwalaan na sa pagitan ng mga linya at lirikong ito, minsang nanahan ang pag-ibig.

Buong pagkatao kong tinatanggap na ang pagmamahal ko na minsang naging rason mo ng pananatili ang mismong nagtulak sa’yong bumitaw.

Marahan mo sanang isara ang pinto sa’yong paglisan.

sa tangis at ligaya,
-P
gian Mar 2020
Heto na naman ang madaling araw
Walang kausap, walang natatanaw Paulit-ulit na ang aking mga sigaw,
At ang luhang galing sa aking mata'y umaapaw

Hindi ko alam ang aking gagawin
Para sabihin ang aking mga damdamin
Aking puso't isipan ba'y susundin?
Kahit masalimuot pa ang nakikitang pangitain

Pilit na pinapalakas ang angking kalooban
Para tuparin ang maaring nakalaan
Sa pag-iirog kong tagal ko nang inaasahan
Na ngayo'y pilit kong gustong maintindihan

Pero biglang nawasak ang puso
Biglang bumilis ang tibok ng aking pulso
Nang sinabi mo ang mga katagang mapanukso
Ang mga salitang sinabi mo nang walang tuso

"Lumayo ka" at lumayo nga akong nagdadalamhati
Ngayo'y hinahatid ka sa kanyang may ngiti
Kahit sobrang sakit na ang aking pighati
Magpapakalayo na lamang saiyong ikabubuti
Pusang Tahimik Mar 2020
Halika't dadalhin kita sa palasyo
Ipagbibihis kita't ipagluluto
Ang lahat ay tatalima sayo
Sapagkat ikaw ang reyna sa palasyo

Walang suliranin na darating sa atin
At ang lahat ay magiging atin
Ang lahat ay magagawa natin
Maging ang oras ay susunod sa akin

Lilikha ako ng maraming bituin
Ang lahat ng iyon ay kaya Kong bilangin
Madali kahit maging ang buhangin
Dahil hawak ko ang oras natin

Hindi ka luluha at masasaktan
Dahil tatangalin ko ang kamatayan
Hinding hindi kita pababayaan
Kahit magising pa sa katotohanan

Halika na at tayo na ay uuwi
Sa kaharian kong ako ang hari
Pangakong hindi ako hihikbi
Sa pagka gising ko sandali.

-JGA
leeannejjang Mar 2020
bibitaw ako sa unang araw ng marso.
hindi dahil sa hindi na kita mahal,
ito ay dahil napagod na ang puso ko
napagod na itong magantay sa iyo.

bibitaw ako sa una araw ng marso,
pakiramdam ko ako ay isa studyante magtatapos sa kolehiyo
pero dito ang istorya natin  na kahit kailan ay hindi na masisimulan ang tatapusin ko.

bibitaw ako sa unang araw ng marso,
madaming buwan ang lumipas,
kumapit ako sa pagasa mapapansin mo ako.
mga araw na hinintay ko ang mga sagot mo
mga araw na napuyat ako kakaisip sa iyo.

bibitaw ako sa unang araw ng marso
at ang araw na iyon ay ngayon.
Kenn Feb 2020
Isang babae ang kilala ko,
Napapagod pero hindi sumusuko.

Mga problema na nasa kaniyang puso
Matatag, matapang hanggang dulo.

Bawat araw niya ay hindi madali,
Kaya’t andito ako palagi.

Mga ala - ala kung saan sinulat ko ang

“Simula’t hanggat sa huli”

Na ang lahat ng ito ay simula pa lamang,
At ang pag - ibig ko sayo ay walang hahadlang.
Notes of K
Kenn Feb 2020
Sa bawat iyak sa sulok
Sa bawat tulo ng aking mga luha.

Ikaw ang nag - bigay ng lakas at saya sa aking buhay.

Mga bawat ala - ala na hindi maganda
Tinanggal mo gamit ang biyaya.

Sa bawat takot na mawala ka
Alam kong andito ka.

Andito sa tabi ko hanggang magpa kailan man.

Mga oras kung saan hinahanap hanap kita
Ika’y natagpuan sa loob ng aking puso

Tinitibok ang iyong pangalan.
Notes of K
Kenn Feb 2020
Di alam ang bawat sasabihin
Pero alam ang nararamdaman,

Mga bawat linya ng sulat
Ako ay basta basta namumulat,

Namumulat sa katotohonan
Hinding hindi kita bibitawan,

Hawak ang iyong mga kamay
Naka tingin sa iyong mga mata

At sasabihin,

Mahal kita.
Mahal kita.
Next page