Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
MARGA May 9
minsan ko pang ibinulong sa hangin,
na sana'y tayo nalang dalawa.

ngunit masakit mang aminin,
tayo'y hindi makabubuti sa isa't isa.
Mary Lupague Apr 10
Heto na naman ako,

Nangangarap, umaasa, at nanaginip na maging tayo.

'Di ka mawalawala sa isipan ko,

Halos mapaos na ang boses ng aking puso sa kakasigaw ng pangalan mo.

Mapa mata man, ikaw ang hanap hanap palagi,

At ang pangalang palaging binigbigkas ng aking labi.

Pati boses mo nagmimistulang musika saaking tenga,

At mga ngiti at tawa mo ang nagiging rason kung bakit ako masaya.

Heto na naman ako,
Nasasaktan, lumuluha, at basag basag ang puso.

Di na kasi natuto.
Nagmahal parin ng tao na iba ang gusto.

Kasama mo ang taong nagpatibok sa'yong puso,

Habang ako nakatanaw sa taong mahal ko sa malayo.

Ang sakit makita kang masaya sa piling niya,

Pero kahit ano mang sakit 'yan, kung masaya ka ako rin ay masaya.

Heto na naman ako.

Pilit na nag momove on at pinipigilang lumuha dahil sayo.

Gabi-gabi nalang sinasalo ng aking unan ang isang balde kong mga luha.

Kahit ano kasing pigil ko sakanila, tumutulo parin ang mga walangya.

Pero sabi ko nga,
Kung masaya ka ako'y masaya.

Ang sakit lang pag nakikita kitang nasasaktan dahil sakanya

Umiiyak ka dahil may mahal siyang iba

Parehas pala tayo

May ibang mahal din mahal ko

Bakit kasi siya pa?

Nandito naman ako na gustong gusto ka.

Ba't di nalang ako?

Iingatan ko iyang puso mo.

Pero kahit anong gawin ko.

Siya parin ang nandiyan sa putang inang puso mo.

Ang malas natin noh?

Bakit kasi nagkagusto pa tayo sa isang tao na iba rin ang gusto.

Baka di na kita kayang hintayin.

Ang sakit lang kasi sa damdamin.

Ikaw lagi ang nasa isipan ko pati sa puso ko.

Pero ang nasa iyo ay ibang tao.

Sorry na kung nag eemote ako.

Wala naman akong karapatan na magalit sayo.

D mo naman kasi mapipilit puso mo na mahalin rin ako.

Kaya pasensya na, siguro titingin nalang ulit ako sa malayo.
MARGA Apr 1
do not expect me
to pay you back
a garden of sunflowers,
if you haven't
given me
a single seed
even just for once.
daily poems! ♡
MARGA Mar 22
some poetries
are not yet
conveyed into words;

they're still
felt by the heart,
and the mind
is still fathoming
those sentiments,
before finally
converting them
into words.
ㅡ take time to feel .
Pabalik balik ako
Nagiisip kung paano
Ilang araw na ang lumipas
Sa tuwing dilim ako kumukumpas

Mahal paano ko isusulat
Natatakot ako sapagkat
Baka magkulang ang mga salita
Baka hindi sumakto ang titik at letra

Susubukan ko
Kasi ayokong sumuko
Sa pagibig at pagtula
Kasi ikaw, ang ihaharap ko sa tala

Handa naman ako
Sabihin **** languyin ko ang dagat para sayo
Nilangoy ko na upang makarating sayo
Glen Castillo Feb 26
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved
Pag-ibig sa tatlong salita.DIYOS,BAYAN at IKAW
kha Feb 23
6th of december, 2018.

“Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.” Madalas kong naririnig ‘yan, palagay ko’y ikaw rin. Pero kung iisipin, napakarami nating mga taong natatagpuan na nakatakda ring umalis. Ang ilan ay babalik, ang ilan ay maglalaho na lang. Hindi ko alam kung saan ka riyan nabibilang. Walang pakiramdaman, walang pakialamanan, walang pakundangang naghahanap ng mga bagay para pilit kang makalimutan. Gigising ako nang nakangiti, masaya, at ang nasa isip ay
“kakalimutan na kita,” ngunit kahit kailan ay hindi ‘yan nagkatotoo. Ang pag-asang makaahon sa ‘yo ay palabo nang palabo. Sa bawat gabing nagdaan, napapatanong ako kung saan na naman ako nagkamali. Saan na naman ako nagkulang? Saan na naman ako kinapos? O baka naman sumobra? Paikot-ikot ang mga mata sa lugar kung saan tayo huling nagkita. Saan mo ako iniwan? Pareho tayo ng pinupuntahan, pero hindi ko na alam kung paano pa babalik. Hindi kita mahagilap; ang tanging palatandaan ko para makabalik ay hindi ko na mahagilap. Dahil naglaho ka sa isang iglap. Hindi ko na alam kung paano pa babalik. Dahil hindi pa kita nakikita.

Ilang eskinita lang naman ang pagitan nating dalawa. Nariyan ang mga tricycle para mahatid akong muli sa bahay ko. Nariyan ang mga dyip na pupwede kong masakyan para lang mapalayo sa ‘yo. Tayo’y palaging nasa ilalim ng parehong langit, aalis at uuwi sa iisang lugar ngunit hindi man lang kita makamit. Pareho ng sinasakyan, pareho ng mga dinadaanan. Iisa lang naman ang mga pinupuntahan natin, ngunit ang araw-araw kong biyahe ay naging ikaw na ang destinasyon. Nagbabakasakali lang naman akong baka matupad mo ang aking imahinasyong hindi ko na batid pa ang limitasyon. Sa bawat pag-alis ko ay nananalanging magkita tayo sa lalong madaling panahon.

Ngunit hindi ko pa rin alam kung paano babalik. Alam ko ang ruta, alam ko ang sasakyan. Ngunit ako mismo ang nagpupumigil. Dahil hindi mo ako tinutulak palayo. Hindi pa man tayo nagkikita, mas gugustuhin ko nang hilain mo ako paalis sa kung saan mo ako iniwan. O baka ang presensya mo lang ang hiling kong masilayan, para tuluyan na akong makalakad paalis sa piling mo. Hindi ko naman mapapantayan ang babaeng nagdala sa ‘yo sa tahanan mo— ni hindi ko nga alam kung paano umuwi sa dapat kong uwian. At sa bawat biyaheng sinusulong ko, hindi ko man lang naisip na baka mali ang daan na tinatahak ko. Iba pala ang langit na pinagmamasdan mo sa umaga, kahit ang mga bituing nais **** titigan sa gabi. Iba pala ang sinasakyan **** dyip sa bawat pag-uwi. Iba pala ang eskinitang napapadparan mo. Iba pala ang langit na sinisigawan mo ng pangalan niyang kaakibat na ng apilyedo mo. Iba pala ang inuuwian mo.

Pasensya na, tanga ang kasama mo. Mali, hindi mo pala ako “kasama” dahil kahit kailan ay hindi ka naman sumama. Hinayaan ko ang sariling maligaw sa mga mata mo. Hinayaan kong mawala ang isip sa mga salita **** nadadala ako sa ibang dimensyon ng mundo. Hinayaan kong magwala ang pusong binuhay mo— na bibitawan mo lang din pala, dahil masyado itong magulo. Ngayon lang ako nakalabas at hindi na muli pang magtatago, ngunit niligaw mo ako. Pasensya na, gagapangin ko pa ang sarili ko palayo sa ‘yo.

Hindi ko maintindihan kung paanong ako’y napadpad sa ‘yo kung hindi ko pa nasisilayan ang mga mata **** mapanlinlang, na kung saan ay nagpahatak pa rin ako— delikado, at muntik pa akong mabaldado. Huwag na sanang pahintulutan ng mundo na pagtagpuin pa tayo, dahil kung sakali ay baka hindi na ako umalis. At baka samahan pa kita kahit saan ka man papunta, kahit sa piling niya pa. At lalong hindi tayo isang halimbawa ng “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”. Inaantay ko pa lang ang matagpuan kita, upang makaalis na ako.
m.r.
Uanne Feb 19
puso ko'y lito
pati isip hibang at nagugulo
nais na lang maglaho
yakapin ako na parang tayo hanggang dulo.

hirap akong huminga
mata ko'y pupungas pungas pa
tanging kaba ang nadarama
yakapin ako ng ako'y tumahan na.

laman ko'y nanginginig
mga paa'y di makatindig
di makasabay sa himig
yakapin ako ng di na magligalig.

02.20.19
7:41am
namimiss ko na ang yakap mo.
Uanne Feb 19
i always believe in love
it's like I'm dancing with the stars above.
to love and be loved.
Leixia Feb 17
40
sa tunog ng tambol,
iyong hinawakan ang aking nanginginig na mga kamay
at sa gayo'y mapawi
ang damdaming puspos sa dalamhati

ang bawat pagtibok
aba'y mistulang pulso dala ng aking puso
kasing lakas ng pagkulog ng mga ulap
kasing tulin ng paruparong lumilibot sa hangin.
maligayang apatnapung araw ng pagmamahal, aking irog
Next page