Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ekzentrique Aug 2022
Ilang buwan
Ilang taon
Gaanong panahon na ba
Ang lumipas
Simula noong
Huli akong sumulat?

Ilang buwan
Ilang taon
Gaanong panahon na ba
Ang nagdaan
Matapos ang gabing
Itinigil ang paglathala?

Ilang buwan
Ilang taon
Gaanong panahon na ba
Ang lumipas
Matapos maghilom
Ang pusong nawasak?

Ilang buwan
Ilang taon
Gaanong panahon na ba
Ang lumipas
Nang matapos ang luha
Sa pagpatak?

Dalawang buwan
Isang taon
Ganoong kahaba na
Ang panahon na lumipas
Itinigil ang pagtangis
Pagtanggap pala ang siyang lunas
Pag-ibig, Paghilom, Panahon
Ekzentrique Dec 2021
Madalas sumagi sa aking isip
Ang ideya na ako'y sumagi rin saiyo
Nagbabakasali na kahit sa isang ihip
Ay maalala mo rin ako

Subalit iyon ay malabo
Ika'y maraming binubusisi
Kaya rito lamang ako sa malayo, nagtatago
Nanininugho, humihikbi
Malapit na akong maging okay.
Pero hindi ibig sabihin non ay tuluyan nang mabubura aking nararamdaman. Sa susunod na makita kita, sana hindi na ako masaktan.

Tanggap ko na. Tinatanggap ko pa.
Noong gabing iyon tinaggap ko na.
Ekzentrique Nov 2021
Bakit kahit anong bigkas ko
Na ito na ang huling sulat ko para saiyo
Ay lagi't lagi rin namang susulat ng mga tula
Na ikaw ang paksa
Ekzentrique Mar 2021
Wala pa sa paaralan
Matunog na kaniyang pangalan
“Sarah.. Sarah..”
Anak ng isang mayaman

Dahil sa kaniyang ama
Marami siyang kaibigan
At dahil sa maraming pera
May mga taong nakamata sa kaniya

Ngunit ganoon ba talaga
Sa pera at pangalan bumabase ang mga tao
Kahit hindi pa nakikita
Kahit pa na ang destinasyon ay malayo
Ekzentrique Feb 2020
She was a gem
Concealed, hiding
Among the stones

Afraid of being played
Over
And over again

She's tired
Seeing herself on an endless loop
Of getting back to you

Her words now sting
Like a poison
Never meant to be drank

She's tired
Sitting idly, waiting for something
For love that's never coming

She'll soon stand up
Her legs numb, shaking
But hopefully will heal

Sooner she'll forget
How to get back
Into your arms

Closer, she'll forget
How your hands
Felt colliding with hers

She'll forget
How to put a smile
Upon the sight of you

Surely she'll forget
The utopia she created
When she found you

But she'll remember
One thing
The unbearable pain

And one day
She'll be standing
Holding another's hand
Para sayo.
Susulat ako.
Di na malalaman.
Natapos na ang walang hangganan.
Ekzentrique Feb 2020
Di pipigilan
ang puso
na tumangis

Ang luha
sa pagpatak
nang dahan-dahan

Ilalakad pa rin
ang mga nanginging na paa
kahit masakit

Imumulat ang mga mata
habang lumuluha
at tinitingnan ka papalayo

Bubuksan ang kamay
lalo na't hindi
na hawak ang iyong palad

Hahagkan ang hangin
sa pagbabakasakaling
ika'y babalik

Titingnan ka na lang
sa malayo
at ngingiti

Sa pagkakataong iyon
alam kong ika'y
masaya sa kanyang piling

Hindi na pipilitin
at alam kong
ika'y di para sakin

At lalaging sasabihin
na kung hindi lang din ikaw
ay huwag na lang

Sa muling pagtatagpo
sa huling pagkikita
sa huling hininga
ikaw...
Alam ko namang kasalanan ko ang lahat. Hindi mo deserve ang lalaking katulad ko. Tatanggapin ko na mas magiging masaya ka sa piling ng iba. Pakiusap. Ayaw ko na ulit na masaktan ka.
Ekzentrique Jan 2020
It was a hot Sunday afternoon on my way to the bus terminal
Wearing khaki shorts, white converse, and my favorite blue shirt
Walking under the scorching sun like some Quiapo criminal
Craving for ***** ice cream and buy one like the woman on red skirt

Tired, I arrived at the terminal and heard the conductor shout,
“Lucena, Lucena, Lucena,” so I ran and immediately went on
There were a couple chattering and beside them their kid, a scout
Vendors selling Chicharon and Espasol and then they were gone

I can see from my seat most of the bus’ eccentric passengers
One is a weary mother and her cherubic baby crying out loud
A busy businessman on a call, and another is a group of fashioners
But I thought these were all temporary, a transient crowd

So, I stared beyond the vast plains and the nature in disguise
None was ever permanent in this episode, my deep introspection
But one thing I know is certain as sure as the sun will rise
That is slowly I am nearing home, I’m sure of my destination
My journey en route home
Next page