Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Janica Katricia May 2020
Pinahid ang mga luha sa pisngi na
matagal na palang naipon
Sa kakahintay ng panahong
muling iiyak nang dahil sa iyo.
Pero bakit gano'n?
Nakaramdam ng ginhawa sa
bawat hakbang no'ng papalayo ka na?
after a long time this is just another piece i've wrote. this is for a person i've recently dated since, clearly, it's not working out.
Stephanie Jan 2020
Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala..

Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha,

Walang wala na kong malapitan,

Walang wala na kong makapitan,

Wala nang gustong makinig,

Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili.

Ikaw lang ang natatangi.

Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan.

Ganoon din ako..

Binitawan kita kapalit ng kasiyahan.

Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan.

Baligtad na ang mesa.

Nandito na ko.... muli.

Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel

Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita

Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan.

Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan.

Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan

Mapagbiro.

Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon

Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag

Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom

Hindi ako naniniwala sa swerte.

Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo.

Buti na lang mayroon akong babalikan.

Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan.

Matagal ang isang taon,

Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo

Binuo ko sila na parang mga bahagi ko

Akala ko ay tapos na...

Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala?

O mali.. baka wala talagang paglaya

Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa?

Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada,

Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap

Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian,

Nanaisin **** isara ang pahina..

Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata...

Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela.

Teka.. teka..

Buburahin ang ilang metapora.

Masyadong madrama.

Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita

Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat,

Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala

Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay...

Puno ng emosyon.

Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula.

Hindi bale.

Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula,

Hindi importante ang sukat at tugma,

Sa susunod na babasa ka ng tula,

Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda.

Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita,

Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
This is my another piece which is written in Filipino. And, it is a free verse poem.
zee Sep 2019
akin na lamang ikukubli
itong nadaramang 'di nagpapahuli
alam na sa sariling mali
dapat lang na ito'y itanggi
o, ang aking hiraya—
ikaw ay liligaya
sa piling ng iyong sinisinta
at ako'y
magiging malaya
at magiging masaya (na lamang)
para sa inyong dalawa
Moonchild Feb 2019
Pinalaya mo ako
Sa mundong inakala ko'y
Tahanan ko.

Pinakawalan mo ako
Sa mga kamay ****
Inirog ko.

Pinaubaya mo ako
Sa taong inakala ****
Mas mamahalin ko.
MM Oct 2018
Hindi ka bibiguin ng mga pakpak na ito
Itawid mo man ang sarili sa dagat at mga ulap
Hampasin man ng hangin at alon ang iyong mga bagwis
Ay hindi ito bibitaw at hindi papalya

Dadalhin ka pa sa kataas-taasan
Kung saan mas matatanaw ang asul na tubig
At mga berdeng lupain

Kung saan ang init na binibigay ng sinag ng araw ay mas matindi
Kung saan malaya ka

Kung saan sa wakas ay malaya ka na
President Snow Apr 2018
Kamusta ka na?
Masaya

Malaya na mula sa'yó
Suddenly, I realized that I'm okay this way
Anne Maureen B Apr 2018
Ang nilalaman nitong tula ay para sayo
Gusto ko na maging masaya kayo
Mahirap man para sa akin na tanggapin
Pero susubukan ko na kayanin

Andyan naman sila para tulungan ako
Hayaan mo at kakayanin ko
Hindi man ngayon
Pero baka sa darating na mga hapon

Sana maging masaya kayo
Para hindi ka na mahirapang tumayo
Kasi andyan na sya para buhatin ka
At sa mga problema hayaan mo sya na maging iyong kasangga
Para sa mga broken na  one sided dyann
HAN Oct 2017
"Mahal na mahal kita" yan  ang sabi mo ng minsang yakap mo ako.
Ako'y ngingiti ng malaki higit pa sa buwang naka ukit sa gabi.
Pero bat ganito ang nararamdaman ko?
May halong takot at pangamba.
Oo mahal kita, mahal na makal kita.
Ang kinakatakot ko ay ako ay masaya,
ngunit baka ako'y iwan mo rin at hayaang lumuha mag-isa.

Natatakot ako na tuwing tinititigan kita
na bukas ay wala ka na
o baka, baka may mahal ka ng iba.
Natatakot ako.
Bakit ganito? Pagmamahal na napalitan ng pangamba.
Pagmamahal na napalitan ng luha galing sa aking mga mata.
na sa tuwing yakap kita, ako'y nangangamba.
Ayoko na...
Gusto kitang yakapin at sabihing---
"Mahal wag mo akong iwan"
Ngunit sasabihin mo
"Mahal, ano nanaman ba yan?"

Akala mo biro-biruan lang
ang pag sabi ko nyan,
pero isang matinik na takot ang nararamdaman.
Na sa tuwing aalis ka baka hindi na bumalik pa.
Na sa tuwing hindi mo pag-yakap sa akin sa gabi
ako'y nag-aalala sa lipi.
Na sa tuwing paghalik mo sa aking labi
baka... baka unti-unti mo nang nararamdaman ang pighati.

Mahal, pasensya na
kung ganito ang aking nadarama
sa pang araw araw na kasama ka.
Mahal hindi ko rin alam kung bat ganto ang nadarama.
Kaya siguro... ika'y pinapalaya ko na.
Mahal na mahal kita...
Na kaya kitang palayain at ika'y maging masaya.
Hindi dahil sa may mahal ng iba.
Kundi ako'y na tatakot na.
Hindi ko alam ngunit
sa tuwing kapiling ka, ako'y hindi makahinga.
Puro pag-aalala ang nadarama.
Daladala sa mga minutong kasama ka
sa gabing malamig,
sa mga tanghaling mainit.
sa muling pag-luhat pag-iyak.
Sa pananabik sa iyong mga halik.

Ito lang ang kaya kong gawin para sayo't sa akin.
Ang hayaan kang maging masaya kapiling ang iba.
Dahil aking nadarama may mas mahigit pa.
Sa kaya kong alay sayo at ibigay
sa pusong na nanamlay
at nadudurog na kasing liit ng palay
At ang tanging kayang sabihin sa mga bagay na aking nagawang kamalia'y
Mayala ka na aking mahal,
Tandaan mo, ika'y aking mahal na mahal higit pa sa aking buhay.
Have you ever  really really loved someone that you can set them free?
Benji Apr 2017
Tuyo na ang iilang rosas,
Ngunit amoy paring sampagita.
Kasama ng pinggan sa mesa;
Na walang baso, tinidor, ni kutsara.

Habang pinalilibutan ng mga bubog,
At bawat piraso'y bumabaon sa aking pulso,
Ang pagdugo ay hindi mapigil
Na sumasabay sa  mabagal na musika.

Dati'y isa lamang itong bumbilya,
Subalit sa ngayon ay di' ko na muling mabuo,
Siyang mainit ang yakap sa gabi,
Ngayo'y tuluyan nang naglaho.
Benji Mar 2017
Kahel na pala ang langit.
Ang init, ayon, namumutawi.
Sa tabi ko'y radyong tumutugtog,
Sumasabay sa huni ng bentilador

Habang ang ulo'y sumasakit
Mga kanta'y puro tunog sawi,
Sa litrato mo, ako pari'y nahuhulog
Sa bawat laklak, sa bote ng matador.
Next page