Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"uminom" poems
Wednesday, February 28, 2018 5:43 PM Sa panahon ngayon uminom ka ng maraming salitang "mag ingat ka". Dahil sa mundong ginagalawan mo hindi ka sigurado. Hindi ka tiyak sa mga makakasalubong mo at lalong hindi ka tiyak sa seguridad mo. Tao ka lang at di imortal na may kapangyaring i time machine ang nakaraan, kung sakaling bawiin na ito. Hindi ka mutant na kayang patigilan ang mga taong may masamang balak sayo. At lalong hindi ka super hero para di tamaan ng mga balang hatid sayo ng mundo. Hindi ka si superman na may kakayahang hindi makaramdam ng sakit. Na kung sa panong paraan, hindi ko 'yon alam. Tama na ang pagpapanggap. Hindi kana tulad ng dating matibay. Kasi matibay ka lang. Hindi kana tulad ng dating malakas para sabihing kaya mo ang lahat. Kasi kinakaya mo lang. Para kang si joker na kahit nakasimangot may malaking ngiti parin sa labi. Pinapaalala ko lang sayo, hindi lahat ng tumatawa ay masaya. Hindi kana bata para sa tuwing iiyak ka ay may handang sumaklolo para pawiin ang lungkot mo. Hindi din mapa ang makakapagsabi ng lugar kung saan ka dapat magtungo, bagkos hanapin mo ito. Tulad ng isang batang nawawala, Sabik at handang tanawin ang bukas. Hindi para tumakas kung hindi para hanapin ang lugar na magpapasaya sayo. Hindi lahat ng tao ay totoo, iba ay balatkayo. Hindi ako sigurado sa paghakbang mo kasama ako ay hindi ko masusugatan ang mga paa mo. Kung ako ba ang makakapag pahilom ng sugatan **** pagkatao. Kasi tulad mo duguan din ako. Hindi ko 'yon masisigurado. Kaya uulitin ko sayo, Sa mundong ito, Inumin mo ang salitang "mag ingat ka".
0
May 9, 2018
May 9, 2018 at 8:26 AM UTC
Sana BIOGESIC lang ang katapat

Continue reading...
32
Kagaya ng tubig, aagos ang pag-ibig. Ang tubig na inihasik mo sa dagat Ay aanurin din papalayo sayo -- Papalayo ngunit sana'y papalapit ang takbo. Ilang beses ka mang magtaya Ay hindi mo matatantiya ang panahon At ang pagkakataong nasa kamay mo na, Ayan, biglang maglalaho at bubusina Ng "paalam, pagsinta." Ilang beses ka mang magtapon ng barya Aagos pa rin ang tubig At hahampas ng paulit-ulit sa sagradong buhangin. Mananatili sa ilalim ang bawat **** hiling Ang hiling na sana'y hindi ang alat ng dagat Ang dumampi sa nilihang lalamunan. Kumanlong ako sa mga butil ng buhangin Nang muli kong mapagmasdan Ang ilog, ang sapa, ang talon at ang dagat Na nasa iisang garapon. Uminom ako, at doon naglaho ang istorya Ako'y napukaw ng buhanging pambara.
0
May 30, 2017
May 30, 2017 at 9:18 AM UTC
Lagok
mas ayos na rin pa lang uminom ng malamig na kape hindi mag-aalala na mawawala ang init dahil hindi nga mainit. magtataka ka lang sa hindi magandang lasa sa pagkatunaw ng yelo. nagpapakita na lahat ng bagay na napapabayaan ay hindi maganda ang lasa parang tayong dalawa nakalimutan na kailangan pala habang mainit ay damhin o wag hayaang matunaw ang damdamin.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 5:10 AM UTC
malamig na kape
ang sarap uminom habang malamig ang panahon habang nakikinig sa mga huni ng mga ibon bumili ako ng isang bote ng alfonso lumipas ang ilang oras tinamaan na ako heto nanaman tayo naalala ko nanaman yung dating tayo ikaw nanaman pumapasok sa aking utak sarap na sarap ako sa paglaklak naubos ko na hanggang sa huling patak hindi pa din gumagaling yung puso kong wasak napaisip ako ano ba talaga meron sa alak nabaliktad na ata at alak na ang may balak pangalan mo na ang nababasa ko sa tatak walang tawad na iyak at walang humpay na mga sapak napapaisip kung hanggang alaala na lamang ba at umaasa na ikaw ay babalik pa at magigising ka at parang kinakausap ka ng alak na itigil na wag ka na umasa dahil kapag iyong binaliktad ang salitang alak kala mo totoo kala mo mapapasayo kala mo hanggang dulo wag ka maniwala sa maling akala -r.g.
0
Jul 29, 2017
Jul 29, 2017 at 11:23 AM UTC
ALAK O KALA?
Punasan ang luha sa iyong mukha, ika'y umapak sa lupa. Anak ng dukha, sa iyo ang bukas, ang kalayaan at pag-asa, sa kamay mo'y umaalab ang pag-ibig ng masa. Buksan ang bibig, uminom ng tubig, butas man ang pag-ibig, paghihilom ay darating, sa iyo ang kapayapaan, hawak mo ang sandata ng tapang. sa iyo ang kapangyarihan, hatak mo ang tanikalang di kailanman mangangalawang. Pagkahupa ng baha ay nasa iyong kamay at paa, ika'y lumakad, lumusong, lumikha. Anak ng hinirang na lupa, sa iyo ang kapatagan, karagatan, walang hanggang kalayaan, sa iyo ang kabundukan, kapuluan, wala nang hadlang sa iyong kaginhawaan at kinabukasan.
0
Sep 20, 2025
Sep 20, 2025 at 8:06 PM UTC
Trust The Protests
8 Isang bangka ang sumadsad Sa isla mga lalaki’y napadpad 9 Dalampasigan, kapatagan hinango Kabundukan, kakahuyan tinungo 10 Ilang gabi’t araw silang nanatili Nakapagtanim pa ng mga binhi 11 Saanmang bahagi ng isla pumaroon Mukhang sila lang ang naroroon 12 Oh anong saya at galak Nagtungga’t uminom pa ng alak 13 Dalawang ama at limang binatilyo Sila lang marahil ang mga tao 14 Animo’y paraiso na nilang itinuring Mga tulog nila’y mahihimbing. -07/22/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:03 PM UTC
Tumatarok 2 -Mga Manlalakbay-