Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tinginan" poems
Akala ko sa ibang dako ka na Mga tinginan nati’y tila balong malalim Pero nawawaglit sa tamang dako Kesa umistambay sa puso ng bawat isa. Sumasagwan ang puso ko Papalapit sa tunay na nagmamay-ari nito Ninakaw **** may pagpapa-ubaya Hindi ko makuha-kuha Pagkat minsan lang sumagwan paparito. Nais bawiin ang puso Pagkat ang sayo’y Kailanma’y hindi naging akin.
0
Jul 27, 2015
Jul 27, 2015 at 1:10 PM UTC
Tambay na Damdamin
Pangako. Sing lalim ng dagat ang pagiisip ng sandali Sa mga susunod na tinginan, Ngiti, Mo ang umaaya,maghintay,suungin ang mga alon ng pagsubok, Kasabay ng ibat ibang mandirigmang sumubok makuha ang perlas ng iyong karagatan, Natututo akong makidigma,kahit nagmamanhid na ang mga braso,lumaban,ako dahil mahal kita. Maghihintay ako Kahit ilang araw o buwan ang lumipas,wala ka sa tabi akoy narito palagi, ang makita kang masaya, Ang ngiti, sa yong mga labi ay sapat na upang akoy maghintay. Ang mga bulak **** kamay na nagaayang lumapit, saakin habang nakatitig ako sa bawat pagpikit, ng iyong mga mata na nagsasabing kumapit. Nagsisimula palang ang paglalakbay, Pagpasok, sa ibat ibang hamon mo, Pagsuko,takot? Hindi yan ang sagot sa tanong na inaantay,sa tanong na matagal ko ng hinihintay,ang sagot. Mangangako ako sayo pero mangako karin saken Pangakong hindi ako mananakit ,pero mangako kang hindi mo ako ipagpapalit. Pangako kong ang pagpili mo saken ay hindi mo pagsisisihan, atipangako **** hindi mo ko isasama sayong pagpipilian. Pangako kong hindi lahat ng oras mo ay aking kukunin,pero ipangako **** mag lalaan ka ng attention para saken. Pangako kong walang iba kungdi ikaw,at ipangako **** di ka bibitaw. Pangakong magiging importante ka para saken,pero ipangako **** hindi mo ako paaasahin. Na ang pangako ko ay hindi basta pangako,na ang pangako ko ay handang maglakbay, na maging alalay na laging nakasunod, Sa ikatakda na ikay maging handa, Maghihintay ako,pangako.
0
Mar 6, 2017
Mar 6, 2017 at 3:15 PM UTC
Digma

Continue reading...
24
Kinikilig pati ang mga butuin Sa saliw ng iyong boses na malambing Nakadungaw sa bintana kahit lahat sila'y nakahimbing May kaba sa damdamin Paano bukas lahat sila'y magagalit? Si ama , hahabulin ka ng itak Natawa na lamang Ang mga braso ko'y hinatak Naglapit ang mga muka Muntik ng atakihin sa kaba Ang puso ko ata ay nahulog Nang si bantay ay umalulong Dali-dali ay nagtago Tinginan nati'y di pa rin nagbabago "Kailangan ko nang bumalik sa silid." ang wika ko Sabay dagling humalik sa sinta ko -Tula VII, Margaret Austin Go
0
Nov 21, 2014
Nov 21, 2014 at 2:51 AM UTC
Tula VII
Saksi ang buwan at mga bitwin sa araw ng tayo'y nagkakilala. Bawa't kilos at galaw, at tinginan ng mga mata. Saksi ang bawa't taong nakapansin ng lambing ng pag-uusap at kay lagkit ng mga tingin. Saksi ang mga nanood sa entablado kung pano mo siya napatawa sa isang eksenang sa script eh wala. Saksi ang mga guro't ka-eskwela sa isang pag-kakaibigang puno ng kalokohan at saya. Saksi ang mga kasama't kaibigan kung paano nag-simula ang di-inaasahang pag-iibigan. Saksi ang mga kapamilya't ka-opisina ang isang pag-sasamang puno ng hirap at ligaya. Saksi sila ng mga away at tampuhan na pilit nating nilampasan. Saksi ang buong mundo sa lahat ng gulong nadaanan, pero isang Saksi ang gumawa ng paraan. Naging Saksi ang Diyos ng mga pangakong binitawan, na di kailanma'y maghihiwalay anoman ang pagdaraanan. Kaya’t narito akong muli para tumupad ng pangako. Na buong buhay kang pagsisilbihan, mamahalin at di kailanman pa’y susuko. - July 8, 2010
0
Jul 7, 2010
Jul 7, 2010 at 10:27 PM UTC
9th at 8
Ilan taon na din ang nakaraan Noong huli tayong nagmahalan. Mga batang sabik magmahalan Kahit ayaw ng magulang. Naaalala ko yung mga lihim natin Paghawak kamay sa silid aralan. Mga tinginan kasing tamis ng candy. Sulat na punong puno ng pagmamahalan. Ngunit kung gaano kabilis ang atin pagmamahalan, Ganoon din kabilis ang katapusan. Ilang taon na din ang nagdaan, Naaalala mo pa ba ang ating nakaraan? Sa ating muling pagkikita, Ang mga puso'y sugatan. Takot magmahal dahil sa sugat na Iniwan ng iba. Handa na ba tayong suungin ang Pag-iibigan naudlot? Handa na ba tayong ipaglaban ang pagmamahalan ito? Andito lang ako maghihintay sa sagot mo.
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 11:32 AM UTC
Handa
ALDUB, isang loveteam na hinahangaan ng sambayanan Lalaki, babae, o kung anumang kasarian man yan. Siguradong kikiligin ka sa tambalan ng banyan. Syempre ALDUB yan, sigaw ng taongbayan. Dalawang taong may pinag-aralan Naging isa sa EAT BULAGA; programa ng bayan. Walang halong kaartehan o kaplastikan ang pagtitinginan Inyo itong makikita sa kanilang mga tinginan. Si ALDEN na handang tumupad sa pangako, At si MAINE na handang maghintay sa mangingibig nito. Ang pag-iibigan nila minsan magulo, Pero madalas nagiging wasto. Mga mata nila'y nagtugma na, Ngunit kamay nila'y hindi pa naging isa. PLYWOOD, ALARM CLOCK, LONG TALBE Nidora, humarang sa kanila, Paglalapit nila'y naging HOPIA pa. Kailan kaya magiging isa ang mga ito? Kung ang layo nila'y magkabilang dulo ng mundo. Ang mga tao'y nagtatanong, Kailan nga ba ang tamang panahon? Ito'y huling hirit na ng mga tao. Lola Nidora tuluyang buksan ang iyong puso. Paglapitin landas ng dalawang ito. Upang ang mga tao'y kiligin mula BATANES hanggang JOLO.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 4:35 PM UTC
ALDUB
sabi nila na ang soulmate mo ay hindi darating sa buhay mo ng mapayapa. darating siyang may dalang rebolusyon sa kanyang bulsa at guguluhin niya ang buhay mo sa unang sandaling magkaka tinginan kayo. (jml)
0
Feb 5, 2017
Feb 5, 2017 at 9:21 PM UTC
ang tanga ko namang isipin na ikaw yun
himig ng 'yong boses tila sigaw ay kaligtasan di makakaila sating tinginan sa'yong mga mata'y nakikita ang hantungan tayo lang ang tanging may kaalaman kaya't ika'y hahanapin kahit saan sa kabilang ibayo man o bayan kahit saan ika'y susundan 'pagkat ikaw ang tanging tahanan aking tatawagin kailanman ang 'yong nagiisang pangalan kahit alin man ang pagdaanan ang mahalaga ay ika'y mahagkan kaya't aking irog, aking kasintahan ipapaalala sayo ang ating pagmamahalan lahat para sayo ay aking ilalaan pagkat ikaw ang tanging tahanan
0
Jul 7, 2019
Jul 7, 2019 at 6:31 AM UTC
tahanan
‘Yung kayang manindigan kahit dumating ang puntong nahihirapan. Umuunawa’t hindi basta nangiiwan. Nananatili sa mga araw na hindi magaan. Nananatili dahil alam na ‘yun ang kailangan at sa puso'y nagpapagaan. Na kung sakali man dumating ang mga panahong lilipas na ang kisap ng samahan —hahanap ng paraan upang maibalik ang kilig, ang dating tinginan, ang nawawalang lambingan. Marunong tumanggap ng pagkakamali. May panahon lagi para umintindi. Na sa oras na magpakumbaba ka’t magsisi, yayakapin ng katulad ng dati. Hindi agad umaalis, hindi nagpapadala sa galit, sumasagot sa’yong mga bakit. Higit sa lahat, siyang naaawat ng salitang patawad. Dahil nararapat ang pag-ibig na sigurado. Hindi umaatras, hindi tumatakas. Hindi nagdadalawang-isip kung aalis o mananatili. Ako, na ang tingin sa’yo, ay pag-ibig na kapili-pili
0
Dec 16, 2020
Dec 16, 2020 at 1:51 PM UTC
Ang pag-ibig na hindi nagdadalawang-isip.
Hindi ko rin alam. Kung bakit naguguluhan, kung bakit mas gusto ang pinaghihirapan. O mas gusto lang talaga mahirapan. Bawat tinginan na hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaka alam, nakakapansin, na meron talagang namamagitan sa atin. Isang napaka weirdong koneksyon na nagdudugtong sa mga isipan, iniisip pati ang pinaka malalim at ang pinaka sulok ng imahinasyon, kuha mo ako. At agad ay nakuha rin kita, hindi ko naman alam na pati pala ang puso ko nakuha mo na. O ako lang pala ang nakakaramdam, nakakaisip, nakakapansin, na ako lang pala ang nakakakita, nakakarinig, amoy ang bango ng iyong buhok sa t'wing bebeso o yayakap o lalapit upang tumabi, makipag-usap, oh sinta. Ganda ng iyong mga mata, chinita, halos hindi na ako makita kapag napapatawa, o hindi mo naman pala talaga ako nakikita sa paraan kung paano ko gustong makita mo ako? Oh sana, habang napapatawa kita, habang lumiliit ang iyong mata ay mas lumakas ang pandinig mo, na ikaw lang sinisigaw nito. Nitong puso ko.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:58 AM UTC
iyong mga mata