Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"suporta" poems
Mag aaral ng mabuti para sa kinabukasan Hindi lang para sa sarili para na rin sa bayan Magandang trabaho at magandang pangalan Aking pamilya, saki'y inaasahan Lahat ay di kailanman sumapat Inuuna ang pamilya dahil yon ang dapat Ni hindi makuha ang suporta na nararapat Pamilya nga ba talaga itong maitatawag?
0
May 2, 2019
May 2, 2019 at 9:36 AM UTC
Tula ng Isang Breadwinner
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin, Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin. Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis. At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis. Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga? Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla. Sinisipat ang mga bulsang walang laman, Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan. May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig. Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit. Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa. Sila sana ang pinakamakapangyarihan Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan. Sila sana ang pinapalakpakan, Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan. Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema. Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din. Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila. Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag, Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita. Ano nga ba ang laban nila? Ano nga ba ang tagumpay na maituturing Sa labang tanong din ang katapusan? Samu't saring lahi na may iisang kalaban Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan? May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan. May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang. Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin, Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
0
May 28, 2021
May 28, 2021 at 3:19 AM UTC
Dextrose

Continue reading...
34
I. Ang bilis ng panahon! Parang kailan lang nagkakahiyaan pa noon. Pero tignan mo naman, Para na tayong magkakapatid magturingan ngayon. II. Sandalan ang isa't-isa 'pag may problema. 'Pag magkakasama oras ay hindi alintana. Ako 'yung taong mabilis pang-hinaan, Pero dahil sa inyo, natutunan kong lumaban. III. Ang bilis ng panahon! Hindi ko pansin na lumipas na pala ang apat na taon. At sa apat na taon na 'yun, naramdaman ko lahat ng emosyon: Saya, lungkot, takot, kaba, pagdurusa, kilig at matinding ligaya. IV. At kahit lumipas pa ang sunod na apat na taon (o higit pa) Sana 'wag kayong magbago, At ganun din ako. Kung paano ko kayo nakilala, sana 'yun pa rin kayo. V. Kung may mga problema kayo, pwede niyo akong lapitan. Basta wag lang tungkol sa Math at pera, may sakit ako niyan. Sabi nila hayskul ang pinakamasaya sa eskwela, Pero para sa akin, kolehiyo pa rin talaga! VI. Natutuwa ako dahil magtatapos tayo ng sama-sama, Kahit na 'yung iba, may alanganin pa. Kaya niyo 'yan, nasa inyo ang aming suporta! Kaya sa katapusan sana sabay-sabay tayong magma-martsa!
0
May 3, 2016
May 3, 2016 at 12:00 AM UTC
Ang Huling Martsa
Noong una hindi ko namalayan, hindi ko pinansin ang iyong presensya Na mismong dahilan, para iyong kagandahay aking di masilayan Di nag tagal ikaw ay sakin pinakilala, ngunit ipina-walang bahala dahil ikay kasamahan lamang Hanggang sa tinakdang tayoy lubos na mag kakilala At binigyan ng pagkakataon bilang maging aking kaibigan Nang nasundan ay aking nasaksihan, ang simpleng ngiti mo pala'y tuluyang nakakahawa Ako ay sumasaya tuwing sa akiy nasisilayan, ang isang ngiti mo pala'y nag dudulot ng kaligayan Sa araw araw na ikay aking kasama, ako ay nagbibiro upang aking masilayan Ngiti **** kay ganda pati na iyong mga mata, hinahanap-hanap sa tuwing ikay aking nakakasalamuha Di ko napapansin na akoy unti-unting nabubuo at sumasaya, sa mga oras na ikay aking napapatawa Hanggang sa isang araw biglang napagtantong kulang ako, kung walang ikaw sa buhay ko Nang pinagtagpong muli, biglang nagpahayag ng aking saloobin Hindi man masyadong napaghandaan, hindi rin inaasahan ang kinalabasan Napaka-saya lang, na nag simula ang lahat sa simpleng pag kakaibigan Lumala at tumibay ang nararamdaman, dahil sa suporta at pang-aasar ng mga kaibigan Ngunit noon din natin napag pasyahan na tayoy isang ganap na, na magkasintahan Ipinagpapasalamat sa DYOS ang lahat ng kinahinatnan Sa umpisa inisip na nag bibiro lamang, pero habang tumatagal napagtanto na ito ay hindi panandalian lang Dumating ang panahon na parehas nabibigatan, pero sa huli pinili parin lumaban Hanggang ngayon pinipili pa rin buwagin, ang lahat ng pader na puno ng hindi magandang isipin Noon ko napagtanto, na ang mga hiniling sa panginoon ay binigay at pinagkatiwala na sa akin. Pangako hindi mo na sasambitin sa iyong sarili na ikay nakahandusay muli, sapagkat ako mismo at ang aking mga kamay ay mag sisilbing nakaalalay sayo hanggang huli Mahal ko (loves ko) gusto kitang batiin ng maligayan kaarawan, palaging **** tatadaan na akoy laging nasa iyong likuran Makakaasa ka na hindi ka na muling maiiwan, at mula ngayon ang tangi **** mararamdaman ay ang mamahalin ka ng walang kasawaan.
0
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 3:25 PM UTC
A Gift

25
Sa isang hardin ako ay may namataan Isang dahong nakatungo at tila may dinaramdam Matagal kong pinagmasdan subalit di ko maunawaan Kaya naman nilapitan at nagsimula ng isang usapan…. Munting dahon, aking bungad, ikaw ata’y matamlay Sukli nya’y ngiting may  kahalong lumbay At napansin ko ang pighati sa kanyang mata Hanggang tuluyan nang umagos ang saganang mga luha… At sinambit nya… “Oh ang rosas na puno ng ganda Lahat sa kanya ay nahahalina Subaling akong palagi nyang kasama Ni minsan di nabigyan ng importansya" Dagdag nya... "Ako’y nanliliit sa aking sarili Lahat ng suporta, sa iba ay ibinahagi Kay rosas, kay tangkay, sila ay aking tinulungan Sa abot ng makakaya, sila ay aking dinamayan Subalit sa malakas na ihip ng hangin Dulot ng bagyong kayhirap pahupain Tila yata akoy’ nag-iisa at nalulugmok Ako ba’y pagkain lang ng uod na gutom?” Oh kaibigan, akin na lang nasambit Huwag kang bibitaw at higpitan ang yong kapit Ang mundo ay di perpekto, ang laban ay di patas Panalangin sa Taas, gawin **** sandata at lakas. Kung ikaw ay susuko, tagumpay ba'y makakamtan? Ang iyo bang paglisan ay kaligayahang inaasam? Tumayo ka nang matatag at sa buhay ay lumaban Ano ba't ang lumbay ay sadya ren paparam...
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 6:06 AM UTC
Ang Matamlay na Dahon
Librong matagal na binuksan sa madla, Ngayon ay ipipinid ko na, Maraming salamat sa pagbasa ng aking mga obra, Sa inyong aking mga taga suporta. Ngunit ngayong gabi wawakasan ko na, Hindi na kailanman masisilayan pangalan ng may akda, Hindi ko na kayang sumulat pa, Sapagkat kadilima'y tuloyan ng nakapasok sa puso ng manunula. Nahihirapan ilimbag itong huling tula, Kahit alam kong dito'y walang magbabasa, Ito na ang huling tulang aking isusulat, Paalam ito'y iaalay sa inyong lahat. 'Wag ka sanag tumigil sa paglikha, 'Wag **** hayaang mawala ang tinta ng iyong pluma, Gawin **** inspresyon ang pagsasara ng aking libro, Ipinapangako kong ako'y gagabay sa'yo. Hindi man kita lubosang kilala, Ngunit ibibigay ko sa iyo ang aking dugo upang ika'y makasulat pa, Maraming salamat, Ako'y magpapaalam na.
0
Jul 3, 2018
Jul 3, 2018 at 3:29 AM UTC
Isasarado Na
Masarap pakinggan Hiyaw nyo ng aming pangalan Pag suporta na kahit sino ay hindi mapapantayan Kami ay nagpapasalamat sa inyong lahat Sa lahat ng inyong sakripisyo't oras Sa aming pag usad Humihingi kami ng konting agwat Pagkat kami'y nagigipit Sa masikip na daan't hindi maka usad Sana kami ay intindihin Pagkat kami ay tao din Humihinga't may buhay rin
0
Jan 28, 2019
Jan 28, 2019 at 12:19 AM UTC
Artist
Hindi sa ayokong maging masaya Hindi sa ayokong makaahon sa lusak na iba ang nagdala Guni guni, pilit pinaniniwala ang sarili yan ang akala nila. May mabuti kang pamilya, ilang daang tropa magandang suporta Sabi ng lipunan, madali lang sumaya, gumalaw ka, sumayaw ka, sumulat ka ng kanta. Hindi nila wari lahat yan ay akin ng ginawa Depresyon ay hindi kathang isip. Minsan parang langgam kukurot sa iyong isipan, madalas sya ay halimaw, lalamunin ka sa madilim **** mga araw. paano paano yan ang tanong nila. mukha ka namang masaya, halakhak ang dala sa tuwing kasama ka nila. ngunit di nila alam, sa likod ng mga biro, ay lungkot ang pinagmulan sa likod ng mga tawa, ay mga sigaw "ang sakit sakit na!" sa likod ng mga talon at palakpak ay mga iyak na di maikubli ng aking kasaralinlan kung pwede lang kung maari lang araw araw hiling ko lang ay makaahon sa kalungkutan kung tatanungin ako ulit, wala kong kasagutan. Hindi sa ayoko ng kasagutan, hindi sa ayoko lunasan. Hindi ko lang talaga maahon ang sarili sa bangungot na patuloy sumisira ng aking laban. Wag nio ko husgahan, sinubukan ko, binigay ko ang kaya ko pero kapag nakikita ko na ang panalo bigla na lang ulit itong lalayo ngaunit hanggang andito ako, hanggat nakikipaglaban ako alam ko sa sarili ko may pag asa pa ako. at ikaw rin! alam kong malalim ang pinanggalingan alam kong ilang beses mo ding sinubukan alam kong palagay mo kamatayan na lang ang huling alas mo MALI Hindi ito ang magpapatumba sayo. Hindi ang halimaw na ito ang tatapos ng laban mo. Sa bawat pagdapa, sa bawat gasgas sa bawat pagsubok ng isa pa lahat yun napagtagumpayan mo na. kung hanggang kelan hindi ko alam ang mahalaga sa bawat araw na binibgyan ka ng pag asa andun ka buhay ka lumalaban ka. Walang tiyak ang bukas pero wag lang mag alala HINDI KA NAG IISA
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 4:58 PM UTC
HINDI KA NAG IISA

58
Kung maaari lamang maibalik ang oras, aking gagawin upang makatas. Babalik sa mga oras na ramdam ko ang inyong suporta, na ngayon ay tila nawawala na. Ayos lang naman kung hindi ako ang paborito, ang gusto ko lang ay maramdaman ang pagmamahal nyo. Masasakit na salita na akala nyo ay wala lang saakin, Iniiyakan at nananatili saaking isipin. Sana mapagtanto, na kaya ako nagbabago dahil sainyo.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:16 AM UTC
oras