Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2020
Kung maaari lamang maibalik ang oras,
aking gagawin upang makatas.
Babalik sa mga oras na ramdam ko ang inyong suporta,
na ngayon ay tila nawawala na.
Ayos lang naman kung hindi ako ang paborito,
ang gusto ko lang ay maramdaman ang pagmamahal nyo.
Masasakit na salita na akala nyo ay wala lang saakin,
Iniiyakan at nananatili saaking isipin.
Sana mapagtanto, na kaya ako nagbabago dahil sainyo.
Written by
Princesa Ligera
215
 
Please log in to view and add comments on poems