Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sigwa" poems
Umaga na pala, Subalit tila umpisa pa lang ito ng dilim Dito sa bayan kong nasa sinapupunan ng mga sakim Pagpagan ang mga baro't saya habang hawak ang sedula Nilang mga uhaw sa tronong ipinangako sa kanila Naluklok na bagong puno,sa pagdaka’y nagpaulan Ng mga balang hindi man tingga ay tumatagos sa kaibuturan Sa dati niyang ka giyera na s'yang mga tunay na anak ng bayan Iginapos sila’t ipiniit sa sandipang karapatan Yaong mga bago niyang kawal ay matatayog pa sa kalabaw ‘Pagkat kasama niyang magkakamal ng salaping umaapaw Mag kaka-ututang labi ay iisa ang kaliskis at balagat Sila na mag kaibigang dila at ngipin sa pilak din mag-papangagat Habang ang mga dating sadyang tapat sa gampanin Ay mistulang mga bayani na lang sa hangin Ang pagka dalisay nila sa maka-kapwang  tungkulin Parang sa tubig na isulat at hindi na basahin Kawawang Sta. Teresita bayan kong dinusta Ng mga ganid sa kapangyarihan at mapang-alipusta Akong anak mo’y nasa daluyong ng kapanglawan Kabiyak mo sa balsang itinali sa nagluluksang pampang Kawawang Sta. Teresita ginahasa ng mga mapag-samantala Hinubaran ng dangal at piniringan ng telang mapula pa sa pula Binusalan ang bibig hanggang sigaw mo’y hindi na marinig Mga araw mo ngayo’y mamumugto sa haharapin **** pag-liligalig Tahan na Sta. Teresita,Tahan na, Bayan kong sakdal iniibig Matatapos din ang sigwa, Tutulay muli ang lunday sa sapa. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 2:01 PM UTC
Sta. Teresita
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamanin kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin. Ang salita nati’y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.
0
Oct 13, 2014
Oct 13, 2014 at 10:13 AM UTC
Sa Aking mga Kababata
Yakapin ang suliranin ng muling pakikibaka Bigat at layog ng bundok ay tiisin Sa tuktok ay maghiyaw nang pagka-alwan Sagot sa problema ay ang pangingibabaw sa bawat kapansanan Buhawing humihigop ng munsing na pananalig Madalian na hinihingi ang kapasiyahan Sa pinto ng paglalayag Isang pagsubok ang malakas na sigwa Sa paglisan ng araw sa kalangitan Sakripisyong di-maihahalintulad Saksi ang mga bakaw Tila pag-aasawa na nasa linya Ang pagsasarili nito noong lumayo sa tahanan Isinuko ang lahat nang bumukod Sa pinangakuang liyag nakagapos Bumago ang ihip ng Amihang hinahapo Meron kasal-kasalan Gantimpala ba ang matatanggap? Nauuri sa hunghang na ehemplo Sakim sa bagay na kinakaaliwan?
0
Dec 19, 2018
Dec 19, 2018 at 6:38 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #18
Sinubukan kong bihisan ng titik at tugma Ang ilang mga bagay-bagay na iiwan ko Sa'yo sa oras na pumailanlang na ang diwa Ng aking mga tula. Ngunit gaya ng dati, Unos na dumatal ang aking luha, linunod Nito ang mga kataga, muling nabalot ng Hiwaga ang bawat saknong na dapat sana'y Malaon nang yumabong sa iyong pang-unawa. Gayun pa man, manatili kang manampalataya Sa kahulugan ng kawalang kahulugan ng daigdig Na ito. At nawa, sa pagpagpag mo sa tarangkahan ng Kahapon, buong pagpupugay **** idambana Ang paulit-ulit ng siklo at sigwa ng ating pag-ibig.
0
Jan 27, 2014
Jan 27, 2014 at 4:35 PM UTC
Tag-araw
Bathala nga’y di nanghushusga Sa kawangis na nag – iba Mula ulo hanggang paa Lahat ginawa at pinagawa Matupad lamang ang sigaw ng diwa Nagsilabasan matatalas na dila Upang bigyan kami ng kakaibang mukha Bahagharing sa aming makikita Ito’y naging makulilim na sigwa Kami’y ginagawa nilang nakakatawa Kahit sakit na ang nagdudulot sa’ming sigla Mapagbigyan lamang ang kanilang tawa Ngunit ang kagustohang sinta Ay iyong ikinasasam’t pinagdadamut pa Nais lang naman pag – ibig at pag – aaruga Tanggap naming na walang magmamahal sa’min ng tama Wag lang ikumpara sa masahol na hayop sa gubat makikita Pantay na pagtingin kailan kaya ninyo ipapadama Ganito nga ba talaga ang gusto ni Bathala? Mababang tingin saaming ipinapakita Baluktot na paniniwala mayroon sila Siradong utak ay pagbuksan na sana Nang pagkakapantay ay Makita Ako at ikaw ay hinumal ng kamay ni Bathala Na walang pag-aalinlangang kasama
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 10:57 AM UTC
ASAL HAYOP
alam ko na sa simula, dambulahang pasakit naghihintay sa akin sa unang araw ng sigwa kalakip ang pagpapagal s'yang hampas ng kalbaryo doo'y hihimlay na lamang ako sa mundo ng kabagalan dahil alam ko na ang kahihinatnan tatagal lamang, oras ng wakas isang mahabang pagbabagtas s'yang aking mararanasan dahil pilay ang pugad naming kawan gapang, gapang, gapang lamang... hangga't may lupang matatapakan hangga't may krudong susunugin tanggap ko na ang lahat aabutan ko din sa huli, pagkagat ng dilim huwag ko na lamang intindihin upang maging manhid ang diwa pagdapo man ng pagkabalisa sakyan ko na lamang ito bahala na sa kinabukasan ko
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 10:07 PM UTC
HIMLAY
naglalaro ang maliliit na alon sa batuhan kasabay ay paulit-ulit na pagtalbog sa kalagitnaan tinatangay ng mapagbirong hangin hanggang sa ulap lumilikha ng kislap at palakpak naroon lang ang unos ang kinatatakutang delubyo sigwa pinagsamang ingay at katahimikan magkatipan bawat isa ay nagkakaisa paikot pabulusok ang mababangis na luha kanyang dinadala kasunod ay payapang umaga
0
Jul 28, 2020
Jul 28, 2020 at 11:35 PM UTC
Baha
Ang tanging bugso Na nakapagpakalma sa puso'y, ikaw. Katahimikang gumising sa damdamin, ikaw lang, mahal.
0
Sep 24, 2019
Sep 24, 2019 at 3:33 AM UTC
Sigwa
78 Ang ina ng pangunahing salarin Mangkukulam na maramdamin 79 Sa tindi ng kalungkutan Paghihiganti’y kagustuhan 80 Mga mamamayan siya’y minura Tinagurian pa siyang kasumpa-sumpa 81 Galit at lungkot Pighati at poot 82 Isang gabing may sigwa Katakut-takot na delubyo tinawag niya 83 Tubig, hangin, buhangin magkasahog Dumaluyong sa bayang ilulubog 84 At paggising ng bayan kinabukasan Tumambad kalunus-lunos na kasiraan. -06/27/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:45 PM UTC
Daragus 12 -Paghihiganti ng Ina-