Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sigawan" poems
Wala ba akong karapatan mapagod? Rinig na rinig ko ang hiyaw ng aking kaluluwa HIGA KA, HIGA KA, HIGA PIKIT KA, PIKIT KA, PIKIT IDLIP KA MUNA, KAIBIGAN Gustong-gusto ko, pero hindi pwede Dinadaan ko na lang sa tula ang kapaguran ko Dinadaan ko na lang sa tula ang sakit Dinadaan na lang sa biro at libog Sa halakhak at ngiti Sa mga sigawan at kwentuhan Sa kalungkutan at panloloko sa sarili Ito'y ang aking araw-araw HIGA KA, HIGA KA, HIGA PIKIT KA, PIKIT KA, PIKIT IDLIP KA MUNA, KAIBIGAN Kay sarap isipin Kay sakit marinig Pero sana'y makahiga, pikit, at idlip rin At kahit minsan sana'y Maramdaman ko ulit Ang tunay na kapayapaan
0
Sep 18, 2018
Sep 18, 2018 at 10:53 AM UTC
Kapaguran
042522 Sasapit na naman ang pinakahihintay na araw, At hindi ito mananatiling sagrado magpakailanman. Lahat ay mabibigyan ng patas na paghuhusga At mismong lipunan ang syang magpapasya. Naririnig ko na ang sigawan sa bawat dako ng gintong kompas Kung saan ang kanilang hiyawa'y pagkakawatak-watak. Iba't ibang ideolohiya sa demokratikong bansa Kailan nga ba matatamasa ang tunay na pagkakaisa? Sa bawat kulay na sinasabi nilang ito raw ang bukas Ay ito rin ang gumuguhit sa kasaysayang tayo na't makibaka. Kaya nga nating kulayan ang ating pagdikta Ngunit sa ganitong paraan nga lang ba tayo kakalma? Sa tuwing may mauupo sa trono na kataas-taasan, Paano nga ba ang ating pagtindig Para sa sinasabing mahal na bayan? Pilipinas nga ba ang ating pinipili? O kung saan lamang tayo kampante Habang nananatiling namamaypay At abala sa kabi-kabilang pag-uusig. Iniisip nating tayo'y tunay ngang nasa laylayan na, Ngunit ito nga ba ang kapeng gumigising Sa dugo nating makabayan? At sapat ba ang ating paghiyaw Na walang hinihinging basbas mula sa Itaas? Mga bibig natin, paminsan nga'y Puno lamang ng mga palatastas. Sapat ba na tayo-tayo na lamang Ang naghihilaan pababa't paitaas? Pagkat mismong pananampalataya'y Nadudungisan ng walang katapusang pagkawatak-watak. Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan -- Ikaw ang bansang hinirang ng Pagkataas-taasan. Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas -- Sana'y mapaninidigan kita't Hanggang sa huli'y maipaglaban Pagkat maging aking hininga'y Pansamantalata't pahiram lamang. At hindi ito lotto o binggo, Hindi tayo nagtataya nang kung sinu-sino. Ngunit kung sinuman Ang maging huling sigaw ng bawat Pilipino Sana tayo pa ri'y magkaisa Para sa dangal na nais nating isulong. Ating pagkatandaan na kahit noon pa ma'y May iisang hindi tayo tinalikuran, Iisang Pangalan na may hawak ng bawat kapalaran Higit pa sa bawat kulay na ating tinatayaan -- At Hesus ang Kanyang Ngalan! Bangon Pilipinas!
0
Apr 24, 2022
Apr 24, 2022 at 9:53 PM UTC
Pilipinas Kong Mahal

Continue reading...
50
sa may dagliang liko abot ng aking ligaw na sulyap ang sabungan. matatas ang kanyang ngalan. "Cockfighter's Rendezvous" kaunting lakad lamang pabalikwas sa MERALCO kung saan isang mahabang karagatan ng tao ang pilit na inaalon ng bayarin, kaltas sa sahod, bulag sa paroroonan. ayon sa mga akda ay mayroong Kristo sa sabungan. siya ang nangangasiwa sa aliwan ng mga drayber. ang matalas na tari ng kanilang hagikgikan ay lumulubog sa haba ng pantimpalak naroon daw si Kristo habang ang dagundong ng batingaw ay tulog sa tore. pitikan ng pitikan ng yosi kung saan na lamang maisipan ng pagod na kamay na may samyo ng dala nitong lansa, at matapos ay papasok ng muli sa simbahan kung saan kasabay ng pag-danak ng dugo ang pag-kubra ng nag-wagi. hawak ni Kristo ang patay na manok, nasusulat sa tari ang linya ng dugo. alam ko naroon si Kristo. hawak ni Kristo ang mga baryang kumakalansing. ilang pirasong pag-asa para sa pawisang drayber, para sa parokyanong lasinggero, para sa baguhan sa aliwan, para sa llamado. hawak ni Kristo ang lahat, at siya ang panuto sa pagsusulit ng ganid. pauwi na ako. wala na ang alingawngaw ng sigawan. Lunes nanaman at ramdam ng lahat ang bigat ng parating na mga araw.
0
Sep 19, 2015
Sep 19, 2015 at 12:59 AM UTC
Si Kristo Ay Nasa Sabungan
UWIAN: Unang hakbang pagpasok sa tarangkahan. Pangalawa, at tumingin sa daan. Pangatlo, at tumingala sa kalawakan. Saka naglakad pa ng isang daan at tatlumpung hakbang, Sa apat, hanggang lima narinig ko ang andar ng jeep ni Ama Sa anim hanggang pito narinig ko ang pagkukwenta ni Ana. Sa walo hanggang siyam nakita ko ang tongitsan ni Manang. Sa sampu hanggang labing-isa umiwas sa konstrukyon ni Saavedra. Sa labing-dalawa at hanggang labing- tatlo ay narinig ang sigawan nina Agnes at Cito. Sa bawat bahay, at taong nadadaanan Tanging pagkaway at ngiti lang ang nadadatnan. At ilan lang ito sa mga bagay na inuuwian. Nagpatuloy sa paglalakad hanggang umabot sa abandonadong bahay, Madilim man, at magulo sa loob. Ngunit amoy na amoy pa rin Ang buhay na puno ng sampaguita. Pumitas ako, inamoy pa ito, at nagbaon ng ilan nito. Ipinikit ang mata ko, at saka linanghap ang mabangong amoy nito. Saka naglakad pa at pumapasok sa aking tahanan.
0
May 22, 2015
May 22, 2015 at 4:14 AM UTC
UWIAN
Di ako umiiyak sa away o sigawan. Umiiyak ako sa labis na katahimikan. Sa mga panahong kailangan ko ng kasama Sa mga panahong pati sarili'y ayaw ko na. Mga kumukuliglig na huni at bulong. Mga inipit na hikbi at paghingi ng tulong. Lahat ‘yan ay naninirahan sa isipan. Lahat ‘yan ay mahirap takbuhan, mahirap takasan. Bumibilis na tibok ng puso, Malalamig na pawis na sa leeg ay namumuo Mga hiningang hinahabol ang takbo, Magang mga matang nagmamakaawang ang luha'y huminto. At unti-unti Hihimasin ang isip Mula labas palalim sa loob Unti-unti Pipigain ang puso Makirot sa una ngunit nakakamanhid rin pala kapag nasanay na. Hahalungkatin ang nakaraan, Nang dumilim ang kasalukuyan. Babasagin ang kasalukuyan, Nang mabaling ang tingin sa iba maliban sa harapan. "Huwag kang mag-isip." Ang abiso nila. Ngunit diba nila naisip Na tila ka na ring sinabihan na: "Huwag kang huminga kung ayaw mo na." "Huwag kang tumingin kung nahihirapan ka." "Huwag kang makaramdam kung nasasaktan ka." Huwag ka nalang mabuhay kung di mo na kaya." Oo, ayaw ko na. Lahat kinatatamaran pati paghinga. Bawat gabing inilaan sa iyak. Tila ang isip, pinipilit na mabiyak. Oo, nahihirapan na. Di maiwasang tumingin sa mga mata Ng iba't ibang taong may iba't ibang kwento. Ng iba't ibang ngiti sa kabila ng malungkot na mga anino. Oo, nasasaktan na. Mula sakit, gusto ko nang kumawala Mula sa kadenang mas malambot pa sa bakal Ngunit kung hawakan ka tila ka sinasakal. Oo, di ko na kaya. Sana nga tumigil na. Na bawat umaga nagdarasal akong gabi na At sa bawat gabi, nananalangin akong matapos na. Ang sinimulang buhay na inilaan sa iyak. Inilaan sa pag-iisip na sa bawat takbo tila ka winawasak. Bukas sa lahat ng bagay mabuti man o masama. Bukas rin sa posibilidad na ipagpatuloy pa o tapusin na. Ito. Ganito. Ganito kahirap, ganito kasakit. Ganito kasimple ang isang atake.
0
Apr 29, 2018
Apr 29, 2018 at 8:24 AM UTC
Atake

54
Tirik na tirik ang araw nang mga sandaling iyon. Nakatingin ka lamang sa isang direksyon. Hindi ka lumilingon. Ni ayaw **** tumingin sa kaliwa o sa kanan habang naglalakad. Lutang na lutang ang iyong isipan. Nakatingala ka pa sa nakasisilaw na kalangitan habang binabagtas ang bawat sementado at konkretong daan sa iyong harapan. Hindi mo rin pansin ang mga taong nakakasabay mo sa iyong harapan, likuran, at tagiliran. Wala ka na sa wisyo. Manhid. Walang pakiramdam. Hindi mo man lamang narinig ang sipol ng nakatokang alagad ng batas trapiko. Hindi mo rin naririnig ang mga sigawan ng mga taong sumisigaw sa iyo na tumigil ka sa paglalakad maging ang mga busina ng mga sasakyang iniiwasan kang mabangga. Nakatuon pa rin sa isang direksyon ang isipan at mga mata mo. Hindi mo na napansin ang isang itim na kotseng sumalubong sa iyo, Sa gitna ng kalsada, doon ay tumilapon ang iyong katawan. Tirik ang mata. Duguan ang noo at mukha. Bago ka panawan ng ulirat ay tumulo pa ang mga luha sa magkabilang pisngi mo at nag-usal ng mga kataga sa iyong isipan ng... "Mahal na mahal ko kayo, mga kapatid ko."
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 12:46 PM UTC
Tawiran
Napalitan na ng sigawan Na dati’y isang malakas na tawanan Nakaririnding bagsakan ng pintuan Na nagbibigay kaba sa’king kalooban Mabibigat na yabag ang bumabagtas paakyat at pababa ng hagdan Na tila nagpapahiwatig na may nangyaring sagutan, Nakakabinging katahimikan Na minsan ay hindi ko ginustong maranasan Walang katapusan na pagtatalo Palaging nakalingon sa nakaraan, hindi magawang kalimutan Ilang taon na ang lumipas ngunit palaging hinuhugot pabalik sa kasalukuyan, Palaging mayroong argumento Pero ano ba ang tunay na napapala? Sino ang nanalo at sino ang natatalo? Sino ang magdedetermina sa kanilang dalawa na tama na? Sino sa kanilang dalawa ang unang magtataas at magwawagayway ng kanilang puting bandera? Hindi lingid sa aking kaalaman na wala isang perpektong pamilya Hindi maiiwasan ang pagkakaroon nang hindi pagkakaintindihan Ngunit ang isang away at papatungan pa ng isang away, parang ibang usapan na yan. Kaya minsan- Mas pinipili ko na lamang ang mag-isa Magkulong maghapon at magdamag sa kwarto habang sa’king kama’y nakahiga Nakikinig sa mga luma’t bagong musika, o ‘di kaya naman nanunuod ng pelikula Sapagkat iyon ang mga oras nawawala ang aking pangamba Na baka mayroon sumabog na alitan sa pagitan ni ama’t-ina Tahan na tahanan, Napalitan na ng sigawan ang dating malalakas na tawanan Hindi na ikaw ang munting bahay na masaya kong inuuwian Punong-puno ka ng tensyon at ang enerhiya sa paligid mo’y hindi na kaaya-aya Ang tanawin sa iyong apat na sulok ay hindi na maganda Kung kaya’t tahan na tahanan, Parehas tayong umasa na ang lahat ay babalik sa dati nating nakasanayan
0
Sep 27, 2020
Sep 27, 2020 at 12:53 PM UTC
Tahan na Tahanan

32
Kaya palang palamigin ng salitang "nakakapagod na" ang samahang pinapainit ng araw - araw na pag kikita. Kaya palang palamigin ng salitang "nakakasawa na" ang samahang pinapainit ng maraming palitan ng salitang mahal kita. Kaya din palang palamigin ang samahang binalot ng mga yakap, kinandado ng mga halik, pinainit ng mga pag ikot sa kama at samahang matagal **** Pinaglaban, Pinaghirapan, at inalagaan ng isang salitang kahit kelan hindi sumagi sa iyong isip na bitawan. Kaya palang patamlayin ang relasyong wala kang ibang alam gawin kung hindi punuin ng mga tawanan, biruan at walang iyakan at sigawan. Kapag wala ng tamis, at puro na lang pait. madali na lang sabihin ang salitang, "Sandali lang, hindi pa pala ako handa". Ganon na lang ba kadaling masira, mawala, maglaho ng parang bula.                                            at isang gabi magigising ka                                                                     wala na sya.
0
May 22, 2018
May 22, 2018 at 5:29 AM UTC
12 years
Maingay. Siksikan. Mainit. Nakaiinip. Nakipila. Naghintay. Isa. Dalawa. Tatlong oras. Reklamo nila. Reklamo ng lahat. Nainip. Umupo. Nakitabi. Nag-ingay nang nag-ingay. Maraming nagsidatingan. Kanya-kanyang kwento. Nagkwentuhan. Umambon. Umulan. Payong. Binuksan. Nakisilong. Pinayungan. Nagkwentuhan. Nagtawanan. Tarangkahan. Bumukas. Tulakan. Umuulan. Tulakan. Sigawan. Tulakan. Siksikan. Siksikan. Naapakan. Tulakan. Walang makapitan. Pinakapit. Kumapit. Tapak. Hagdan. Umakyat. Inalalayan. Humakbang. Umusad. Pinauna. Pinasalamatan. Nagapasalamat. Nagkangitian. Umakyat. Sinundan. Di nahagilap. Tinunguhan. Di nalaman. Kinalakhan. Di nalaman. Pangalan. Naaalala. Ngiti. Labi. Matang singkit. Matangos na ilong Berde ang bag. Pula ang damit. Sumbrero'y itim. Ulong maliit. Umupo. Hinanap. Hinanap. Hinanap. Di makita. Di mahagilap. Tanging maalala. Pagtulong twina. Nakababagot na pila. Siya nakita. Mahabang oras nakasama. Salamat. Pila. Sandaling nakasama. Alaala. Siksikang pila.
0
Feb 18, 2018
Feb 18, 2018 at 10:55 AM UTC
Pila
Hayaan ipikit ang mata at matulog kana Ako ang magiging anghel dela gwardiya Sa iyong pagtulog hayaan ipahinga ang isip sa pag-alala Ako ang magiging bantay mo sa pagtulog habang tinititigan kita Hayaang mata ay ipahinga at managinip ng masaya Di man ako marunong kumanta upang ihele ka Ako naman ang magbabantay upang ang pagtulog ang mahimbing Habang tulog ka ako ang iyong mandirigmang ipaglalaban ang katahimikan Katahimikan dito sa mundong puro away at sigawan Matulog ka na...
0
Feb 13, 2020
Feb 13, 2020 at 12:51 AM UTC
Ihele