Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Stephanie Aug 2018
Para sa Pusong Iniwan
: A Spoken Word Poetry by Stephanie Dela Cruz

Umuulan na naman pala
Basa na naman ang kalsada
Malamig na naman ang dampi ng hanging nagmumula sa bukas na bintana
Gabi na rin pala, nalipasan na nang gutom,
Nakapatay ang ilaw sa kwarto, pero maya’t mayang binibisita ng liwanag ng kidlat
ang malungkot na gabi
Ang hirap pala ngumiti kung may luhang dumadampi sa mga pisngi
Nakakatawa kasi eh. Buti pa ang kidlat bumibisita
Buti pa ang kidlat, may hatid na liwanag, tapos yayakapin ka ng kakaibang lamig ng haplos ng hanging dala nito
Mabuti pa ang ulan, bumubuhos na parang malayang-malaya
Bumubuhos kasama ng mga luha
Bumubuhos kasama ng mga sakit na iniwan
Bumubuhos kasabay ng pagluha ng pusong iniwan.

Umaga na naman pala
Buti nalang nagising ng maaga
Haharap sa mesa, at kagaya ng nakasanayan, magtitimpla ng mainit na kape
Tatangkaing gisingin ang diwa, susubukang palitan ng init ang hatid na lamig ng gabi
Iba talaga ‘pag hinahatid ka ng sariling paghikbi sa kapayapaan ng mundo ng mga panaginip
Doon kung saan walang sakit, yung bang walang imposible
Heto na naman, panibagong araw
Araw-araw kong nasisilayan ang sigla ng sikat ng araw pero bakit dama pa rin yung dilim kinagabihan
Hindi pa rin matanaw ang liwanag
Tinangay mo kasi
Sinama mo sa pag-alis
Bakit naman kasi ang bilis? Hindi man lang ako nakapagpaalam

Tanghali na pala
Oras na ng kain.
At tulad ng dati, inaaya pa rin nila ko kumain
At tulad ng dati, tumatanggi pa rin
Kasi alam ko pupuntahan mo ko tapos sabay tayong kakain
Dun sa dati, sa paborito natin
Tanghalian na pala
Pero imbis na sa pagkain ay sa telepono ako nakatingin
Hindi man aminin pero sa loob loob ko’y naghihintay pa rin
Para sa iyong “kumain ka na ba?” o “Puntahan kita, kain tayo”
Hingang malalim, yung may kasamang matinding damdamin

Ilang tanghalian pa at malilimutan rin kita

Malilimutan ko rin yung ningning sa’yong mga mata kapag kausap kita
Yung mga biro **** corny pero tatawanan ko pa rin kasi habang binabanggit mo yun, natutuwa  ako
Natutuwa ako na kasama kita
Natutuwa ako na kausap kita
Natutuwa ako kasi akin ka
Natutuwa ako kasi ang cute mo, para kang batang masayahin
Natutuwa ako kasi magkasama tayo
Natutuwa ako kasi solo natin ang bawat sandali
Natutuwa ako kasi ikaw yan at mahal kita

Yun. Tumpak! Mahal pa rin kita.


Matagal na rin pala.
At hindi na tulad ng dati
Memoryado ko na lahat ng pasikot-sikot ng pagkatao mo
Ginawa kasi kitang mundo ko
Mahirap.
Masakit.
At para lang malaman mo, hindi kita kinabisado na tila mga salita sa paborito nating kanta para lang limutin
Mahirap.
Masakit.
Hindi naman kasi kita ginawang mundo para lang lisanin
Pero hindi naman talaga kita nilisan, mahal.
Ikaw yung nang-iwan
Ikaw yung sumuko
Ikaw yung bumitaw
At matagal na rin pala
Nung sinabi mo sakin na “Malaya ka na” alalang-ala ko pa. Yun yung panahon kung kalian ayaw kong lumaya. Ayaw kong lumaya sa pag-ibig mo. Gusto ko masintensyahan ng habang-buhay na pagkakulong dyan sa puso mo, sa buhay mo.

Pinilit ko kumapit pero kinalagan mo ako, pangako, pinilit ko pero pinalaya mo ako

Matagal na rin pala
Mahirap pa rin.
Masakit pa rin.
Ako nalang ang hinihintay. Siguro’y panahon na.
Para sarili ko naman yung palayain ko
Hindi naman siguro kailangang pilitin
Hindi naman kasi ganoon kadaling kalimutan ang isang taong naging parte na rin ng pagkatao ko
Pero para sa ikalalaya ng pusong iniwan
Para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan
Sisimulan ko na…..                makalimot.

Pero teka…


Umuulan na naman pala.
Wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala


Maaalala na naman kita.
I just have every pain and smiles enough to write this piece, not necessarily the experiences. Perhaps, with all my heart
Paulo May 2018
Naalala mo pa ba ung mga araw na una tayong nagkita?
Mga oras na ako ay galak at tuwang tuwa,
Pagkat ika'y nakilala't natagpuan sa oras na aking inaasahan
Mga panahong tayo pa ay nagkakahiyaan

Andyan yung unang punas sa mukha **** pawisan
Unang usap, unang ngiti at biglang nagkatitigan
Unang pagbabago ng aking nararamdaman
Unang paghatid at sambit ng "ingat ka dyan"

Lumipas ang mga araw ugali mo'y aking nakita
Lakwatsa doon, inom dito yaan ang aking nahinuha
Ngunit ikaw ay aking naintindihan,
Ang aking nasa isip ay malamang dulot ng  nakaraang hindi malimutan

Kaya naman gumawa ako ng paraan upang ika'y mapasaya
Sa kalagitnaan ng gabi ako'y nag atubiling ika'y puntahan
Kabog ng dibdib, lakas ng hangin at ulan ay di inalintana
Makita ko lang ung mga ngiti **** mahiwaga

Salamat sa mga oras na dumaan at ika'y nakilala
Batid kong madaming nagmamahal sayo,
Kaya naman aking pagtingin ay lumayo
At aking naintindihan na mas mabuti maging magkaibigan na lang tayo

Gusto ko lang lagi **** tatandaan,
Na wala man ako sa tabi mo lagi naman akong nasa likod mo,
Handang tumulong sa abot ng aking makakaya
Lalo na sa pamilya, kaibigan, eskwelehan ay may problema

Sana ngayon nasa mabuti kang lagay, Inday
Sana'y mga pangarap mo'y iyong makamtan
Sana'y wag ka na ulit lumuha sa daan
Sana'y pintuan ng iyong puso ay muling mabuksan
Sana'y mahanap na nya ang tamang Adan

Sana'y mahalin mo pang lalo ang 'yong mga magulang
Sana'y maging maayos na kayo at wala ng magkulang
Sana sa iyong pagbabalik ay masaya ka sa bagong aral na iyong napulot
Sana wag kang magbabago't wag makakalimot

Di nako aasang liliit ulit ang espasyo
Magbubukas ulit ang entablado
At makaka tapak sa inyong teritoryo
Kaya't ang aking tanging magagawa ko na lang ay isama ka sa mga dasal ko.
Katryna Jul 2018
May mga lugar tayo na mahirap sa atin ang balikan
Minsan malayo,
Minsan maulan,
Madalas walang oras.
Pero kailangan natin puntahan.

                 Ilan lang yan sa mga rason na mas gusto ko nalang isipin
                 Para madaling magdahilan.
                 Pero kapag puso ang tumawag,
                 Kalinga ang nangailangan
                 Pag unawa ang nais maging hantungan.

Iniisip ko,
Ano ba ang dahilan bakit mahirap balikan.
Binabalik ako sa katotohanang,
Wala na.

                                     Wala na ang tao sakin na madalas maghanap.
                                          Madalas mangamusta.
                                              Madalas­ magsabing magpataba ka.
      
                 Ang kahit kelan hindi ako tinuring na iba,
                 Kahit kailangan na.

                                          Marahil ito nga.

Dinadala ako sa ibang direksyon,
Sa ibang tahanan,
Sa tahananang walang ibang tao.
Sa tahanang hindi ko na maririnig ang tinig mo.
Hindi ko na mahahawakan ang malambot at mapagkalinga **** braso.
Wala na ang biro, tawa at masigla **** tinig na nagpapaingay ng paligid.

                                        Marahil ito nga,

Bumubungad sakin ang isang kahon ng alala
Na sa pag ihip na lang ng hangin ko maradarama.
At sa ganda na lang ng paglubog ng araw ko na lang makikita.

Ang mga tinago kong munting ala-ala
In loving memory of Mr. Wally Nocon, I know you know how much I miss you. Sana :) Nakakarating naman ung mga message ko diba?, sipag nga po ng messenger ko eh :)
Eugene Oct 2018
"Anak, ilang oras na lang, aakyat ka na sa entablado. Proud na proud ako sa iyo, anak" wika ng kaniyang ina habang inaayos ang suot niyang toga. Isang matamis na ngiti naman pinakawalan ng binata at niyakap nang mahigpit ang ina.

Ito na ang araw na pinakahihintay niya.

Ang araw na magtatapos na siya sa kolehiyo.

Ang araw na pinaka-pinanabikan niyang dumating sa buong buhay niya.

"Anak, mauna ka na muna roon sa unibersidad at ako ay susunod na lamang. May tatapusin lang ako rito sa ating tahanan. Hindi puwedeng hindi maganda ang iyong ina kapag akay-akay kitang nagma-martsa,"  Isang halik sa pisngi ang iginawad ng ina sa anak.

Lumipas pa ang dalawang oras, isa, at hanggang sa naging tatlumpung minuto na lamang ay hindi pa rin nakikita ng binata ang kaniyang ina. Kabadong-kabado na siya nang mga sandaling iyon.

"ROGEN! ROGEN!" sigaw ng isang tinig. Hinanap ni Rogen ang pinanggalingan ng tinig at doon ay nakita niya ang kaniyang matalik na kaibigang hingal na hingal na tumatakbo patungo sa kaniya.

"Bakit tila hapong-hapo ka, Arwan?" aniya.

"Ang--ina. Ang-- iyong ina! isinugod sa ospital ang iyong ina,"  agad namang kumaripas ng takbo si Rogen, suot-suot ang togang mayroon siya upang puntahan ang pinakamalapit na ospital sa kanilang bayan nang marinig ang tungkol sa ina.

Habang tinatakbo ang daan patungo ay hindi napigilan ni Rogen ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Nang marating ang ospital ay agad niyang pinuntahan ang information desk. Sinabi ng nars na nasa emergency room ang kaniyang pakay at hindi pa nakakalabas ang doktor.

Pinuntahan niya ang emergency room at doon ay natagpuan niya ang sariling kausap ang kaniyang amang matagal niyang hindi nakita.

"Rogen, anak," agad siyang niyakap nito. Hindi naman nakapagsalita si Rogen dahil ang puso at isipan niya ay nasa kaniyang ina.

"Anak, patawarin mo ako kung ngayon lamang ako nakauwi at hindi ko inasahang sa muling pagkikita namin ng iyong ina ay aatakihin siya ng kaniyang sakit sa puso," mulagat ang mga mata ni Rogen nang marinig ang salitang iyon. May sakit ang kaniyang ina at hindi niya alam? Inalalayan siya ng kaniyang ama na umupo at doon sinabi sa kaniya ang lahat.

"Anak, graduation mo ngayon. Kabilin-bilinan ng iyong ina kanina bago siya atakihin ng kaniyang sakit na kailangan **** daluhan ang pagtatapos mo. Wala man siya o nasa tabi mo man daw siya ay dapat personal **** abutin ang diploma mo at ang medalya **** apat na taong mo ring pinaghirapang makamit," patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ng kaniyang ama habang siya ay humahagulgol na. Ang medalyang iyon sana ang sorpresa niya sa kaniyang ina pero mukhang nalaman na rin niya pala ito.

"Mayroon ka na lamang sampung minuto upang bumalik sa unibersidad at kunin ang iyong medalya at diploma, anak. Ako na ang bahala sa iyong ina. Alam kong bibigyan pa siya ng Panginoong makita ang medalya at diploma mo. Tuparin mo ang bilin niya, Rogen."

Kahit mabigat sa kalooban ay pinahiran ni Rogen ang kaniyang mga luha at tumayo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginantihan niya ang yakap ng kaniyang ama at mabilis na tumakbo palabas sa ospital .

Sampung minuto na nang makalabas siya sa ospital.

Siyam na minuto nang pumara siya ng masasakyan at dali-daling sumakay dito.

Walong minuto nang magsimulang umandar ang dyip.

Pitong minuto nang biglang bumagal ang usad ng mga sasakyan.

Anim na minuto nang iabot ni Rogen ang bayad sa drayber at naghintay pa ng isang minuto.

Limang minuto at hindi na nakatiis si Rogen. Bumaba na ito ng dyip.

Apat na minuto na at hindi na niya ramdam ang init nang mga oras na iyon maging ang mga nakabibinging busina ng mga sasakyan sa kalsada.

Tatlong minuto na at nasa tapat na siya ng unibersidad. Ang lahat ay nasa loob na ng convention hall.

Dalawang minuto na at kailangan niyang magmadali dahil dinig na dinig na niya ang pagtawag sa mga apelyido ng magsisipagtapos na nagsisimula sa letrang "B".

Isang minuto na at sa wakas narating din niya ang convention hall. Tamang-tama lang dahil buong pangalan na niya ang tinawag ng EMCEE.

"Batobalani, Ujuy Rogen, MAGNA *** LAUDE!"

Basang-basa na ng mga luha ang togang suot ni Rogen nang mga sandaling iyon pero taas-noo pa rin siyang naglakad upang umakyat sa entablado. Nanalangin sa isipang sana ay huwag munang kunin ang kaniyang ina.

Nang makaakyat ay binati siya ng mga naroon at isinabit sa kaniya ang kaniyang medalya.

"Everyone, let us hear the message of success to our first ever Magna *** Laude of West Visayas University - College of Education, Rogen Ujuy Batobalani!"

"Isang maikling talumpati lamang po ang aking ibibigay sa kadahilanang hindi ko po nakasama ang aking ina rito sa entablado upang magsabit sa akin ng aking medalya. Nasa emergency room po siya ngayon at nag-aagaw buhay." muli na namang pumatak ang kaniyang mga luha.

"Sa aking ina, nais kong malaman mo na walang araw na hindi ko inihahandog ang mga gantimpalang nakamit ko sa unibersidad na ito. At itong medalyang ito at ang diplomang kukunin ko ay para sa iyo. Para sa walang sawang pag-suporta mo sa akin. Para sa araw-araw **** pagpapaalala sa akin na ang buhay ng isang tao ay parang isang mahabang tulay na may iba't ibang uri ng balakid sa daang kailangang suungin, at lagpasan ng may lakas ng loob, tiwala, at malakas na kapit sa ating Panginoon upang makita ang dulo nito. Walang hanggan ang aking pasasalamat sa iyo, mahal kong ina. Mahal na Panginoon, maraming salamat din po at nagkaroon ako ng isang inang katulad niyang mabait, maalalahanin, maalaga at mapagmahal. Alam Niyo po ang iniiyak ng aking puso at nawa ay Iyo po itong pakinggan."

Ang hindi alam ni Rogen, matapos ang maikling talumpating iyon ay siya namang pagtigil ng tibok ng puso ng kaniyang ina sa ospital.
Jor Sep 2016
I. Kilig
Unang kita ko palang sa'yo—
Gusto na kita maging parte ng buhay ko
Sinong hindi kikiligin sa tuwing
Ngumingiti ka rin,
Sa tuwing ngumingiti ako sa'yo.

II. Kaba
Sa tuwing kakausapin kita,
Nauutal ako.
Nagbubuhol-buhol ang mga salita—
Na enensayo ko pa kaninang umaga.
Kasi araw na ‘to ipagtatapat ko na—
Ang tunay kong nadarama.

III. Saya
Dahil sa wakas nasabi ko na!
Hindi ko akalain na pareho ating nadarama.
Sinong hindi sasaya?
Kapag nabigyan ka ng perbilehiyong—
Magkaroon ng “tayo” sa pagitan ng
Dating “ikaw” at “ako” lamang.

IV. Galak
Alam ng Diyos kung gaano nagagalak
Sa tuwing magtatagpo ang mga mata.
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Sa tuwing hahawakan ko ang kamay mo.
Sa tuwing magkausap tayo magdamag
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Nung simula kang maging parte ng mundo ko.

V. Inis
Naramdaman ko rin ang inis
Sa tuwing binabalewala mo ako,
Sa tuwing iba ang kasama mo,
At hindi ko namamalayang
Nagseselos na pala ako.

VI. Pangamba
Nangangamba ako,
Sa tuwing aalis ka ng walang permiso.
Sa tuwing hindi ko alam kung sino kasama mo.
Nangangamba ako,
Sa anong pwedeng gawin mo—
Sa tuwing nagkakaroon tayo ng pagtatalo.

VII. Takot
Takot ako na magsawa ka sa gaya ko.
Takot ako na baka makahanap ka ng iba
Yung kayang higitan ang isang tulad ko.
Takot na baka isang araw—
Hindi na ako ang iyong mahal mo.

VIII. Lungkot
Madalas malumbay na gabi ko.
Sabik na sabik ako —
Sa mga yakap mo,
Sa mga dampi ng mga halik mo,
Sa mga magagaan na haplos sa ulo ko.
At sa mga gabing natatakot ako.
Gusto ko lang na nandirito ka sa tabi ko.

IX. Pangungulila
Dumaraan ang mga araw, linggo at buwan
Na wala ka nang oras sa akin,
Gusto sana kitang puntahan
Ngunit alam kong—
Na mas importante ka pang gagawin.
Naiintindihan ko naman
Pero anong magagawa ko?
Nangungulila ako sa’yo.
VJ BRIONES Aug 2018
Tula: Takbo


Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit hindi ko alam ang lugar
Kahit walang kasiguraduhan
Kahit maligaw sa mga kantong nalampasan
Para lang matakasan ang lahat
O ang nakaraang gustong lipasan
Tatakbo ako ng malayo
Kahit sa kalsada ay mabangga, matumba pero sa huli ay tatayo pa din
Na may nakalagay na
bawal dumaan dito
Marami nang namatay dito
Hindi ako matatakot
Hindi ako hihinto
dahil Tatakbuhan ko ito



Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Para makadiskubre ng bagong daanan
Para may makitang mga bagong lugar na pwedeng nating puntahan
Kahit abutin pa ng magpakailanman
Abutin ng gabi
,madaling araw
,o kinabukasan pa yan
Tatakbo parin ako
Kahit Tulog na ang lahat
Nagpapahinga at nananaginip
Ng mga pekeng pantasya
at ako ay tumatakbo pa
Gising sa katotohanan at realidad
Hindi parin tumitigil
madadaanan ang mga nagtitinda
sa kalsada ng balot at iba pa
Dahil may gusto kong takasan
May gusto kong puntahan
Kaya ako tumatakbo


Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit mauhaw pa at matuyuaan
ng lalamunan
Hahanap ako ng tubig
Para mabigyan ng bagong sigla
At manatiling malakas
sa takbo ng buhay
Hindi ko ipapakita
na ako ay pagod na
Hinihingal
Hinahabol ang hininga
Hindi na ako magpapahinga
Iinom lang ako
at ipagpapatuloy ko ang aking takbo
Kahit mapuno pa ng pawis ang aking likuran
Mabasa ang aking buong kasuotan
Dahil tatakbo ako
Hindi ako hihinto
Hindi ako mapapagod
Hindi ako magpapahinga
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo


Ayoko nang tumakbo
Gusto ko nang magpahinga
Pagod na ako
Hihinto na ako
Dito lang nalang ako
At Haharapin
Hindi tatakasan
Hindi tatakbuhan
Dahil marami na akong nalampasan
na lugar
kalye,
Kanto,
Kalsada,
Nalampasang pagsubok,
problema,
Hamon,
Pagod,
Na aking hinarap sa aking pagtakbo
Hihinto
At
tatayo
at magiging handa
Para sa pagdating ng bagong simula
Handa na ako
Handa na ako
Hindi na ako tatakbo
Charm Yap Oct 2011
Lumilipas ang araw, dumarating ang gabi
Di ko namamalayang malapit na ang sandali;
Ang araw na malapit na ang pagdating
Sa pag-alis ko, saan kaya ako makakatating?

Malayo man, hindi ko pa alam kung saan dapat puntahan
Ang ninanais ko parang mailap na naman;
Gusto kong marinig kung ano ang desisyon
O kahit ano man ang kanilang opinyon.

Maaalala ko sila kahit saan pa ako mapunta
Sila yung mga taong nagpakita sa akin ng pagpapahalaga;
Hindi madaling kalimutan ang mga taong ganoon
Walang halong plastik ang pinakikita nila mula noon.

Malapit na.. kahit di ko pa iyon hintayin
Darating na yung panahon na ang isang lugar akin ng lilisanin;
Mga kasama, kaibigan, hindi ko makakalimutan
Isang muling pagpapaalam mula sa isang lilisan.
inggo Jan 2016
Pwede ba ako ang kumuha ng mga litrato mo?
Sa mga lugar na gustong gusto **** puntahan
Kung saan ang tanawin ay puno ng luntian
At sa mga bundok na nagtataasan
Pwede ba ako ang kumuha ng mga litrato mo?
Kapag hindi ka nakatingin
Kapag niyayakap mo ang hangin
Kapag naglalaro ka ng buhangin
Nais kong maalala mo ako
Na parte ako sa bawat pagngiti mo sa mga litrato
Sa pagpikit ng iyong mata
Sa pagdipa ng iyong kamay na para bang ika'y lumilipad na
Pwede ba ako ang kumuha ng mga litrato natin?
Maaari bang sabay natin yakapin ang hangin?
Hawak kamay sana tayong maglalaro ng buhangin
At ang mga mata mo ay sa akin na titingin
Nang minsang mawala ang kulay at sigla dahil sayong Paglisan.
Kalungkutang nadarama,hindi na ata mawawala.
Bakit kasi Mahal sa piling ko ay kailangan mo pang Lumisan?
Di bat nangako ka naman na saking tabi hindi Lilisan.
Ngunit bakit nagising na lang ako, ikaw pala ay hindi na masisilayan.
Pagmamahal mo ngayon ay nasaan,
Pangungulila sayong yakap at lambing sana ay Punan.
Pwede ba Mahal kahit minsan lang sa Panaginip
Ako naman ay Puntahan.
Kahit isang beses lang,Pakiusap aking Mahal.
Yakap mo muli ay nais maramdaman,nang aking Pangungulila ay Maibsan.
MackyColis Oct 2017
Ano bang merong sa iyo
at bakit hindi kitang kayang iwan
Sa tuwing ikaw ay may hiling,
ika'y pinagbibigyan

Madaming Gustong Sabihin
ngunit hindi alam kung pano sasabihin
Mga panahong kailangan ng sasandalan
Ikaw ang una kong naisip
ngunit napagtanto ko, ako pala'y iniiwasan

Dumaan ang ilang araw
Tayo'y di na nagpapasinan
Gusto sana kitang puntahan
kaso ako naman ay iiwasan

Hindi pa ba ko sapat?
Sapat na bigyan ng oras
Sapat na bigyan ng panahon
Sapat na bigyan ng pagmamahal?

Bakit ba nagkaganito, tanong sa sarili
Diba't ang saya saya natin noon?
Diba't nangako ka sakin na walang iwanan?
pero nasaan na yung pangako mo

Pangako **** tuluyan ng napako.
Balang araw
Ipapamukha ko sayo
na kaya ko na,
na kaya ko nang tumayo magisa
at kayo ko nang kalimutan ka
3rd tula ko toh, so learning pa lang ako hihihi please understand :) THANKS
Sa bawat destinasyong na aking na puntahan,
Di ko pa natagpuan ang lugar na maituturing ko na tahanan.

Tahanan,
Ito ba talaga ay isang lugar na kailangang nating tunguhan?
O ito'y nasa puso lamang, na ating mararamdaman.

Pero,
noong una kitang napagmasdan,
parang di na akong magsasawang ikaw ay tingnan.
bawat ngiting aking nakikita,
ay parang himig ng musika
sa aking dalawang tenga.
Parang ayaw ko nang mawala ka sa aking paningin,
kahit saan man tayo mapadpad ng hangin,
kahit saan man tayo paparating,
ayos lang, basta ikaw ay aking kapiling.

Kaya pala ngayon ko lang to naramdaman,
Kasi ikaw pala ang maituturing kong aking tahanan.
Ja Oct 2017
“Change is the only constant thing in this world.”
‘Yan ang sabi nila
Mula sa isang musmos na sanggol na noon ay gumapagang lamang
Ngayon ay lumalakad patungo sa landas na nais niyang puntahan
Papasok sa eskwelahan upang matuto
Tumatakbo at sumasabay sa karera ng buhay
Mga bagay na lumiliit at lumalaki
Mga gusaling nagsisitaasan
Mga paniniwalang binabago ng panahon
At mga damdamin na noo’y binubuo tayo
Ngayon nama’y nagpapaguho sa’ting mundo.
Oo, alam ko.
Alam nating lahat na walang hindi magbabago sa lugar na ‘to.
Maaring bukas ay masaya dahil andiyan siya
Andiyan sila
Makikinig siya
Makikinig sila
Ngunit sa susunod ay wala na
Mga pangakong binitawan
Nasaan na?
Napako na nga ba tulad ng iniisip at sinasabi nila?
Bukas makalawa maaring magbago ang ihip ng hangin
Hindi ko alam kung bukas ba ay ganoon pa rin
Maaring andiyan sila
Oo andiyan sila
Inuulit kong andiyan sila
Pero baka sa isang araw o isang buwan maaring sa isang taon  walang nakakaalam pagkurap ko ay maglaho na
Maglaho na parang bula
Na parang hindi sila nangakong parating makikinig
May dalawang klase ng pagbabago
Mga pagbabagong magpapatag sa’yo
Merong wawasakin ang buo **** pagkatao
Ngunit gagamutin mo ang iyong sarili
Tatayo ka gamit ang sarili **** paa
Dahil ikaw lang meron ka
Oo. Sarili mo lang ang meron ka
Kaya ikaw, oo ikaw.
Ihanda mo ang sarili mo sa pagbabago
Kagaya ko
Handa ako change
Pinaghandaan ko ‘to
Tinatanggap ko
Pero hindi ko sinabing hindi ako apektado.
inggo Apr 2017
Siguro ay hindi mo na ako kailangan
Unti unti mo na natatagpuan ang kasiyahan
Masama bang hilingin na sana magpatuloy ang iyong kalungkutan?
Nang sa gayon ay lagi mo pa rin ako lalapitan.

Ako muli sana ang magiging dahilan
Ng iyong pagngiti at kaunting tawanan
Ngunit akin namang maiintindihan
Kung unti unti mo na akong makakalimutan

Sana ay patuloy **** makamit ang tunay na kasiyahan
Ako ay nandito lang, palagi mo yan tatandaan
Tatawagin mo lng naman ang aking pangalan
Subukan kitang puntahan kahit saan pa yan
kahel Oct 2016
Nasa gitna ka ng daan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Walang dalang payong o pangtalukbong.
Alam mo ng darating pero iyo lamang hinayaan.
Kaya naman hindi ka na nagdalawang-isip at ako'y ginawang hintayan.

Dahil alam **** ako yung pinakamalapit.
Sa bigat ng mga pasanin mo na aking binitbit.
Ang tatanggap at yayakap sayo ng napakahigpit.
Ikaw ay ginaw na ginaw kaya sumilong at nagpainit.

Wala ka nang iba pa na pwedeng puntahan kundi sa akin.
Sarili mo lang ang inisip mo na wag sanang mabasa.
Binalewala mo ang weather forecast ni kuya kim.
Inaakalang aabot ka sa bahay ng ligtas at hindi nababasa.

Ganon lang naman ka-simple yung ideya diba?
Ako yung boring na kwento at ikaw yung pinakamagandang bida.
Nilimot na parang posporo na pagkatapos sindihan ay naging abo.
Isa lang naman akong waiting shet sayo...
Shet, mali! Waiting shed sa buhay **** parang bagyo sa sobrang labo.
Eugene Feb 2018
Kahit anong pilit kong kalimutan ka,
ang iyong mukha ay sumasagi pa rin sa tuwi-tuwina.
Kahit anong pilit kong alisin ka sa alaala,
ang iyong presensiya ay naroroon pa rin at ginugunita.

Mapaninindigan kong iwasan ka at hindi na Makita,
Mahihindian kong sumama sa barkada kung naroroon ka,
Ngunit bakit sa tuwing ako ay nag-iisa ay pinananabikan ka,
nagbabakasakaling ako ay mapansin, kumustahin at ngumiti ka.

Ganito na lamang ba palagi ang aking nararamdaman?
Sa tuwing sasapit ang Pebrero, manghihina na naman ang aking katawan?
Babalik na naman ang kahapon nating mga nagdaan
at ipapaalala nito sa akin ang pag-ibig nating wala palang hangganan?

Tititigan ko na naman ang mga magsing-irog sa kalsada.
Maiinggit ang puso ko sa kasiyahan ng kani-kanilang mga mata.
Magpupuyat na naman ako sa kakaisip kung bakit ako ay nag-iisa,
Hahanap-hanapin ang dahilan kung bakit tayong dalawa ay nagkalayo na.

Gustong isigaw ng isip ko na nakalimutan na kita
at burang-bura ka na sa aking masasayang alaala.
Ngunit, bakit sa tuwing Araw ng mga Puso ay nagpapakita ka?
Bumibilis ang tibok nitong puso kapag ikaw ay napapangiti pa.

Pilitin ko mang iwaksi ka sa aking isipan,
Sunugin ko man ang mga alaala ng ating nakaraan,
O hindi puntahan ang mga dati nating tagpuan,
Pagmamahal ko sa iyo ay uusbong at hindi ka kakalimutan!
Patricia Balanga Jan 2018
Kung alam mo lang
Na ikaw ang dahilan
Sa bawat ngiti
Kung alam mo lang
Ang tuwa at kulay na ibinibigay mo sa aking buhay
Kung alam mo lang
Kung gaano mo ako pinasaya
Kung alam mo lang
Kung gaano ako kasaya kapag nakikita ka
Kung alam mo lang
Kung gaano ako kasaya
Kapag kausap at kasama ka

Kung alam mo lang
Na ikaw rin ang dahilan
Kung bakit may mga luhang dumaloy
Kung alam mo lang
Kung gaano rin kalungkot
ang makita kang malungkot
Kung alam mo lang
Kung gaano kita gustong damayan
Sa bawat pagsubok na pinagdaanan mo
Kung alam mo lang
Kung gaano kita gustong puntahan
Nang sinabi **** malungkot ka

Kung alam mo lang
Ang bilang ng mga gabing sinakripisyo para makausap ka
Pero sasabihin ko sayo na hindi ko iyon pinagsisihan
Kung alam mo lang din
Kung gaano ako natataranta kapag nandiyan ka
Kung alam mo lang
Ang mga tanong na nais itanong sa’yo
“Naiisip mo ba ako?”
Kung alam mo lang
Kung gaano kakulang ang tulang ito
Para masabi sa iyo ang damdamin ko
Pero…
Gusto kong malaman mo
Kung ilang beses ka iniisip at naaalala: Palagi
Sa mga nakaraan akoy madalas nasasaktan at madalas maiwan.
Pilit hinahanap kung ang Mali ko ay nasaan!
Kasi sa aking Pag kakaalam ginawa ko naman ang lahat para sila sa ako ay wag ng iwan.
Ngunit Tadhana ay mapag-linlang,sa una ka lang Pasisiyahin at sa dulo ikaw naman ay sasaktan.
Ngunit Pananaw ko'y nagbago ng makilala ko ang isang Tulad mo,na sa simula palang bumihag na sa Puso ko.
Ang saya lang ng minsang mapansin Mo,
Hangang sa hindi nakatiis nagparamdam na ang Torpeng Tulad ko.
Anong Tuwa at tawa nating Dalawa na sa pag amin ko Sayo,Tinawanan mo lang ako,
Na sa pag aakalang Pinag titripan lang Kita.
Sino ba naman kasi ang maniniwala kung sa paraan ng Panliligaw ko gamitin ko pa ang Paperang Camera para mapansin mo.
Napa OO kita kinilig na sana ako, kaso laro lang Pala.sayang talaga!
Tumagal pa ang usapan hangang sa tayo'y nagkakapalagayan na.
Naku kunting Bola na lang mapapa OO na talaga kita,Seryoso na.
Sobrang sana'y ko na ata sa presensya mo na di mabubuo ang araw ko kung wala ang mensahe mo sa Inbox ko.
Kulitan,tawanan at sabay magpapalitan ng kalokohan.
Nasa Punto na rin ako,na hinihintay ang pag dating mo.
Para tuparin yung mga plinanong bagay na tayo lang ang may alam.
Puntahan ang simbahan na kung saan pinangarap kong marating muli kasama ang isang Ikaw.
Akyatin ang mga bundok na ang kasabay sa paglalakbay ay Ikaw.
Pagmasdan ang papalubog na araw ,sa gilid ng karagatan na ang katabi sa buhanginan ay Ikaw.
O kaya mahiga sa buhanginan at sabay pagmasdan ang bilog at liwanag ng buwan.
Lahat na yata ng Pinaplano ko ay Ikaw ang kasama ko pati sa pagtahak sa kinabukasan Ikaw ang nakikitang kasabay ko.
Siguro hindi pa man sa ngayon pero darating din tayo sa Dulo na merong Ikaw at Ako.
"
Christien Ramos May 2020
Kumusta?
Hangad kong nasa mabuting kalagayan ka.
Ilang linggo ko nang hindi nasisilayan ang mga ngiti mo;
na kahit bihira,
nakahahawa.
Matagal-tagal na rin noong huli kong narinig
ang ‘yong mga halakhak;
na kahit mahina,
dama ko ang ligaya.
Maging ang katahimikan mo’y
hindi ko pa rin limot
Hindi nakasasawa ang hindi mo pagpansin sa akin.
Huwag ka mag-alala,
hindi ko minamasama ang mga pagsasawalang-kibo.
Sariwa pa rin ang mga pagkakataong lumagpas ka sa harapan ko
Sa katunayan, gabi-gabi kong ipinagdarasal na darating din ang araw na lilingunin mo ako.
At ngayon ngang ‘di tayo nagkikita’t nag-uusap
Yayakapin ko ito bilang paghahanda.

Hindi ba’t pamilyar ka naman sa mga taong sinusungkit ang mga bituin at buwan?
Pagkatapos ay iaalok sa kanilang mga kasintahan
Na para bang mga prutas na hinintay nilang mamunga sa kanilang mga bakuran.
May kakilala ka nga yatang tumawid daw sa maraming ilog at umakyat ng pagkakatayog na mga kabundukan
Sinaluhan sa hapunan ang mga diwata’t
Pumaslang ng mga halimaw kinabukasan;
upang siya’y puntahan.
Marahil ay narinig mo nang may minsang pumasan ng daigdig para sa kaniyang nobya
Ngunit sa huli’y hindi naisakatuparan.
Umasa ang nobya.
Umiyak ang nobya.
Ang nobya marahil ang pumasan sa halip na siya
May isa nga sigurong nagmalaki na bubuo raw ng pira-pirasong ikaw
Na tila kontrolado niya ang mga piyesa ng buhay mo.
Pamilyar, hindi ba?
Ngunit,


hindi ganito.
Hindi ganito ang aking paano.

Oo. Naiintindihan kong ang ilan sa mga ito ay idyoma o eksaherasyon lamang
Pero nangangamba ako na baka pagod ka na;
Na baka nabibingi na ang iyong mga tainga
Sa paulit-ulit na pangangako;
Na kahit ang talulot ng mga mabubulaklak na salitang ‘to ay
tuyo na.
kahihintay sa tapat at sa tunay.

Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta, hindi.

Hindi ko masusungkit ang mga bituin at buwan
pero handa akong samahan kang panuorin sila.
Hindi ko kayang sa isang araw ay tumawid sa maraming ilog at umakyat ng kabundukan
pero ituturing kong mahalaga ang bawat oras na kasama ka
Aking pagtatrabahuhang makarating sa araw na palagi kitang kasama sa hapunan
at sabay nating papaslangin ang mga pangamba sa umaga.
Hindi ang daigdig; ngunit
Pakakawalan ko ang mga pasan-pasan kong takot;
Kawalan ng tiwala sa sarili;
Ang inggit.
Hindi ito pagbabanta, sinta.
Pero ipanganganak ang mga araw
Na aasa ka;
Na iiyak ka.
Subalit, wala itong kakambal na paglisan.

Uulitin ko.

Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta,
Hindi

kita iiwan.

Ganito ko marahil sasabihin sa'yong gusto kita
Pakapakinggan mo sana.
---
I miss you, mei ;(
kahel May 2017
Masisisi mo ba ko?
Na bote nanaman ang kaagapay ngayong gabi
Na sa bawat pag-lunok ay naaalala ang tamis ng iyong mga labi

Masisisi mo ba ko?
Na hanggang ngayon di ko pa din maipaliwanag
Kung bakit naligaw tayo sa dapat nating puntahan

Masisisi mo ba ko?
Na sa bawat tawag na matatanggap
Tawa **** nakakairita pa din ang inaasam madinig

Masisisi mo ba ko?
Na sa dami-dami ng mga kwentong nabasa at narinig
Ikaw lang ang kapani-paniwala at uulit-ulitin

Masisisi mo ba ko?
Na ikaw pa din ang pinapangarap ko
Kahit gising na gising na sa katotohanan

Masisisi mo ba ko?
Na ikaw pa din ang paboritong rason
Sa tuwing pagtitripan ako ng mga alaala

Nauubusan na ko ng palusot
Masisisi mo ba ko?
Masisisi mo ba ko na sinisisi kita
Kung bakit tayo nagkasalisi ng landas
Oo sinisisi kita: sa mga nangyari;
Sa takot,
Sa kirot,
Sa lungkot,
Sa bangungot,
Kaya 'to, para sayo ang huling ikot.
Sinisisi kita, dahil mahal pa din kita.
13lueCLOUD Oct 2017
Ba't ang sarap masaktan?
'Yung tipong, alam **** masakit pero binabalik-balikan.
'Yung hindi naman dapat,
Pero nakailan na akong apat.

Tuwing siya'y pumapasok sa isip ko,
Gusto kong puntahan ang profile niya; oo
Gaga ako dahil sinasaktan ko ang sarili ko
Kahit alam kong mapapa-aray ako sa kirot

Paano eh,
Siya ang nagpasaya sayo noon eh.
Ayon, gusto ko bigla siyang makilala.
Anong klaseng babae ba siya?
Paano ka ba niya napamahal sa kanya?
Mga tanong ganon ay nais kong sagutin
Kahit ng mga kaibigan mo, pwede na rin.

Mga litrato nang inyong mga alaala,
Sayo ay wala na.
Pero sa kanya, wala na rin ba?
O mahal ka pa niya?

Napapasobra na ata ako
Dahil kahit mga pag-uusap ninyo noon,
Gusto kong mabasa ngayon;
Magkatulad kaya kayo noon sa ngayong tayo?

Alam kong wala nang kayo
At ngayon ay may tayo,
Ngunit ako'y patawarin mo, mahal
Hindi ko mapigilan ang nais kahit bawal.

Hindi ko rin maintindihan
Kung bakit masarap masaktan.
A Filipino poem expressing the author's continuing jealousy of their lover's ex.
Nexus Aug 2019
Pagdating ko pa lang
Akoy agad ng tinangihan
Maka ilang ulit pinagpasahan
Isa, dalawa  hangang lima
Hangang akoy nag kaisip na.

Sa aking kamusmusang balot
Ng hirap at kalungkutan,
Sa mulat kong kaisipan akoy naiwanan
Kamusmusang nawala
Napalitan ng trabahong pang matanda

Kaya kung minsann para bang may mga karayum na tumutusok saking dib dib
Mga ala alang mahirap balikan
Karanasang hindi makalimutan
At tanging alaala na lang ang natitirang katibayan sa hirap na pinagdaanan

Ang mundung ito’y malawak
Napakaraming tanong na hawak
Tanong na nagtagal na,
Tanong na wala pang kasagutan
At saan nga ba ako magsisisi
Ang hindi pag hanap sa katanungan?
O
ang hindi pag harap sa naka umang na kasagutan?

Lumalalim na ang usapan
At baka mamaya buong buhay na ni eric ang ating pag usapan.

Kaya………..

Umpisahan  natin sa simula
Sa paraan kung paano tayo  nagkaplaitan ng unang salita,
Sa lugar kung saan
Tayo unang nagkita,
At kung kelan natin natutunan pahalagahaan ang isat-isa.

Kwentuhang walang patid mula sa nakaraan at  karanasan
Mga tawanang mistulang
Walang katapusan
Kahit na abutin ng kalhating buwan ang message ko bago mo ma replyan

Sabi nila,kapag nahanap
Mo na daw ang tunay na pag-ibig
Ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa.
Kaya't langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin Ng kusa

Minsan akoy nagtakat
Nagtanong
Saang sulok ng langit kaya ikaw naroroon?

Malapit ka kaya sa araw?
Na mahirap puntahan at matanaw?

O marahil nasa tabi ka lang ng buwan, na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay iyong  mimasdan.

Pero maaari ding ika'y kapiling ng mga bituin na napakaraming nais mang angkin.


San kita makikita?

Sa mga panahong hindi pa
tayo muling nagtatagpo,
O
Sa mga panahong ikaw sakin ay napakalayo

Kaya kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may sabwatan
Sa pag iibigang ito
Matagal na pala kita dapat niligawan

Dahil Bumaliktad man ang mundo,
Mawala man ang lahat sa tabi mo, Mamamahlin kita  na kayang
Ihinto ang oras,
Para lamang maibigay sa iyo at maipamalas.

Upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ng tadhana
Akoy magiging mabuting kabiyak at kapag nasisilayan kay magagalak at sisikaping kayang ibigay ano mang  hilingin at kailanganin

Kayat sa wakas eto na.

Dumating na ang inaasam na pagkakataon
Puso ko'y tinatambol
At tiyan koy ina alon
at tadhana'y tila naghamon

Isang importanteng okasyon
Ang magaganap
Ngayong bakasyon
Na magiging okasyon
Ninyo taon taon
Dalawang taong nag mamahalan
Pag iisahin ng may kapal
Mag pakailanman
Eugene Mar 2018
Summer na naman!
Sa baybaying madalas nating puntahan,
ay naroroon ang mga bahagi ng ating nakaraan,
at mga karanasang hinding-hindi ko makakalimutan.

Ilang taon na ba
nang muli tayong magkita?
Ilang pangangamusta na ba
ang nagdaan nang tayo ay nagkamustahan?

Naalala mo pa ba
nang sa baybayin ay minsan kang nagpunta?
Nawala ka!
At ako ay talagang iyong pinag-alala.

Hinanap kita sa kung saan,
ngunit anino mo ay ayaw magpakita.
Sa pagod ko ay sa baybayin ako dinala ng aking mga paa.
At natagpuan kitang hinahabol-habol ang alon na masayang-masaya.

Napapangiti na lamang ako kapag ika'y naalala.
Kaya heto ako ngayon, sa baybayin ay hinihintay ka,
Upang muling buuin ang panibagong alaala,
Hanggang sa dumating ang takdang panahon na ikaw at ako ay magiging isa na.
Lecius Jan 2021
Sa pag-iwan ng araw sa alapaap,
Magiging asul ang pinamumugaran ng mga ulap,
Uusbong ang buwan na matingkad.
Sundalo ng alitaptap mag-sisilabasan,
Gayon 'din mga bituwin na walang kabilangan.

Subalit sa patuloy na pag-lalim ng gabi,
Mga ala-ala'y sa isip humahabi,
Nais n'ya muling tanawin ko ang kahapong tapat,
Eksaktong oras ng ika'y nakasama sa tabing dagat.
Ipinapaala n'ya mga saglit ng segundong sapat,

Hindi ba't napakaganda niya titigan,
Walang dahilan upang sawaing masdan,
Makailang palit man ang panahon,
Sigurado mula sa nag-daang hapon,
Patungo sa kasulukuyang linalakaran,
Hanggang sa aapakan na kinabukasan,
S'yang kariktan n'ya'y walang kapantayan,
Kahit buwan na s'yang naturingan ng karamihan,
Na pinakamaganda sa kalawakan.

Ika nga sabi ng karamihan,
Kapag sinisinta'y s'yang kasamahan,
Gaano man kaganda pasyalan,
Ito ma'y paboritong puntahan,
Hindi na ito ang iyong titigan,
Kundi doon na sa babaing balak mo pakasalan.
𝙰𝚗𝚗𝚎 Feb 2018
Madaming daan
Hindi alam kung saan magsisimula
Madaming pagpipilian
Hindi alam kung bakit nag-aalangan
Sa kung anong dapat puntahan

Kaliwa?
Kanan?
Diretso?
Atras?

May mga pagpipilian pero hindi malaman
Tutuloy ba?
Titigil ba?
Susundin ba ang puso?
O ang nararapat?
Lecius Jan 2021
Yapos parin ako ng ala-ala ng isang madilim na hapon; tulala sa durungawan ng paborito nating kainan, at namamangha sa rumaragasang ulan.

Lubhang napakalamig ng hangin. Katawan ko na'y giniginaw subalit ayaw pa lisanin kan'yang upuan. Na para bang may hinihintay na biglang lumitaw mula sa kawalan.

Nag-babakasakali na ika'y mapadaan, huminto sa aking harapan. Mapakinggan muli mula sa bigat ng pag-patak ng ulan ang iyong tinig-- nais muling boses mo aking marinig.

Ngunit sa mga sandaling ito, habang lumalakas ang buhos ng ulan, malabo na nga kitang tuluyang mahagkan; sumilong kana sa panibagong kainan, na kung saan bago mo na paboritong puntahan-- kasama mo yong kasintahan.
fallacies Oct 2018
gusto kong tumakbo,
papunta sa direksyon mo;
at yakapin ka nang mahigpit,
yakapin ka ng pagkatodo-todo

gusto kong lumayo,
sa lahat nang ito;
at tumungo sa iyo
kung saan presko,
ang hanging hininga ko;
pagka't nasa piling mo

gusto kitang makita,
kung alam mo lang sana,
kung gano kalungkot ang buhay;
nang sa piling ko'y wala ka

gusto kitang puntahan;
gusto kitang kantahan;
gusto kitang halikan;
gusto kitang balikan

ayoko nang umalis;
ayoko nang saktan ka;
ayoko nang mainis;
ayoko nang iwan ka

kung alam mo lang kung gaano ko,
gustong tumakbo papalayo dito;
tumakbo papunta sa iyo,
mararamdaman mo ng todo-todo,
ang pagmamahal na bumubugso,
sa aking tumitibok na puso

gusto kong tumakbo
at sabihin sayo,
Liane, mahal kita
walang halong biro;
pawang lahat ng sinabi ko
sila ay totoo

— The End —