Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pumanaw" poems
Ang tauhang ito ay kung lumisan sa mundo—mananatili na lamang ang mga salita, ngunit walang kahulugan ang buhay o hindi alam ang kahulugan ng buhay. 'Walang pag-iral ang tao sa lipunan hangga't 'di kailangan ng lipunan ang tao.' Ang bulong ng tauhan kasunod ang buntunghininga na nasa kawalan na. Tumigil lamang ang tauhan upang pagmasdan ang kumukurap-kurap na liwanag sa rurok ng poste. 'Kahit anong tatag at tibay nito, kung ang liwanag nito sa rurok ay pawala na—wala rin.' Ang bulong muli ng tauhan sa sarili. Biglang bumuhos ang lakas ng ulan habang pinagmamasdan ng tauhan ang poste. Sa lakas ng lagatik ng ulan, ngumiti lamang ang tauhan. Ngumiti lamang sa kabila ng buhos ng ulan sabay tumawa. Sa mga sandaling iyon nasa kawalan ang tauhan—nasa kawalan ng ngiti—nasa kawalan ng ulan. Umuwi lamang ng may ngiti ang tauhan sa kabila ng buhos ng ulan. Madilim at liblib ang kuwarto ng tauhan katulad na lamang ng damdamin at pag-iisip ng tauhan. Sa pagitan ng bintana't pinto. Kumuha ng lubid at upuan ang tauhan. Inilagay sa pagitan ng bintana't pinto ng liblib na kuwarto ang upuan. Tumungtong ang tauhan habang hawak ang lubid, itinali kung saan dapat itali. Itinali sa sarili—iginapos ang katapusan sa leeg—ipiniid ang mga mata. Tumalon na lamang ang tauhan sa upuan sa pagitan ng bintana't pintuan ng liblib na kuwarto. Pumanaw na lamang ang tauhan ng buhay, ngunit may taning. Sa ganoong paraan, nalaman ng buong lipunan na kabilang sa lipunan ang tauhan. Nalaman muli ng lipunan ang pag-iral ng tauhan, ngunit nang pumanaw na ito. Kabilang na muli ang tauhan sa lipunan, ngunit kabilang sa mga pumanaw.
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 10:59 AM UTC
Ang buhay, ngunit may taning

Continue reading...
5
Mga buto ay nagsilbing haligi sa binubuo niyang panaginip marupok ito at bibigay sa mahinang balakid Tahimik nang naunsyami Labing nakadikit, dila'y nakaipit Bigkasin ang salita sa simula niyang wika Sa letra na  naguguluhan din Papipiliting ibibigkas Takot ay bumubulusok sa inaping pangungusap Parang ilusyon, ang paggawa ay ang pagkaroon ng kahit maliit na kabuuan ng loob na hanap ay tagumpay Pero sa paglubog ng araw nagmistulang delusyon Ang mga paa habang humahakbang Panoorin hanggang sa pumanaw sa liwanag, may anino Tingnan ang lilim, lumalakad nang pa-urong Ganyan ang mundo Ikulong na at igapos Sa likod ng matiwasay na paggalaw ay may lihim na naka-agapay Ang maitim na misteryo na nakangiti Ulap na sumasayaw, bungad at gayak ng unang ngisi ng umaga Isabay ang halimuyak sa monasteryo ng prinsesang nagagalak Ang dalangin na nagawi sa hangin Kumpisal ng pag-ibig Kaluluwa ng kasiyahan ng musmusing pipit
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 9:26 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #2
Asa labas ng inyong bahay ako'y haharana Lumabas ang iyong angkan ikaw nalamang ang hinihintay halina Lumabas ka na diyan sa iyong bintana aking dalaga At pakinggan ng mabuti ang aking aawitin kong kanta Na naka paloob ang tamang sukat at tugma Itong pag ibig ayokong masayang at pumanaw Hindi naman sa nagmamadali at uhaw Sadyang binigay lang ang simpleng babaeng mamahalin ko sino pa ba iyon kundi ikaw Kaya't hindi na magpapaligoy pa dahil ayoko ng may kaagaw Ito na haharanahin na kita na masarap pakinggan Huwag kang umalis at makinig ka lamang Pasensya kahit sintunado ako Ang mahalaga ay payagan ako ng magulang mo at ikaw na maging tayo Marami na naka silay nagmumuka na akong tanga Itutuloy ko parin ang pag awit sa isang dalaga Siya lang naman kasi ang rason ng aking pag gising tuwing umaga Tatapusin ko ang pag harana Sa isang napaka marikit na salita Na tatatak sa utak nila Na aking sinta, mahal kita. Bawat sukat at tugma Ng aking kanta Ikaw ang aking inspirasyon na pinagmulan ng aking harana Na siya naman nagtulak sa akin gawan ng tono at musika Kaya pagdating ko sa dulo ng kanta Sa aking hinaharana hindi ka mapapahiya Dahil hindi ko sasayangin ang pagkakataon na magmahal ng katulad mo aking dalaga
0
Mar 30, 2020
Mar 30, 2020 at 4:44 AM UTC
Harana
I. Sa mura kong edad ulila na ako, Pumanaw ang aking ina sa pagkakaluwal ko. Ang aking ama ay nakakulong, Pagkat sa droga s'ya ay nalulong. II. Sa mura kong edad sinubok na ako ng buhay, Naranasan ko nang matulog sa lansangan, Habang walang kumot na nakadagan saking katawan. Tanging liwanag lang ng buwan ang nariyan upang ako'y gabayan. III. Sa mura kong edad natuto na akong mang-umit. Nilalaslas ko ang bag ng aleng sa braso ay nakasabit. Sabay tatakbo ng mabilis para makatakas, Sa mga parak na nais akong mabitbit. IV. Sa murang kong edad yosi na ang aking hinihithit, Umaaktong action star at sa pagitan pa ng daliri nakaipit. Ito nalang ang aking nagsisilbing pagkain, Dahil kagabi pa ako di nanginginain. V. Sa mura kong edad kinamuhuian ko na ang mundo, At ang lagi kong tanong: "Bakit ganito ang sinapit ko?!" Nanliliit na ang tingin ko sa sarili ko, At tila wala na atang patutunguhan ang buhay kong ito. VI. Sa mura kong edad naligaw na ang landas ko, At may inggit ako sa taong nagbabasa nito. At kung sasabihin n'yong malas kayo sa buhay niyo, Ano pa kaya ang mundong sinapit ko?
0
Aug 31, 2015
Aug 31, 2015 at 6:56 AM UTC
Ang Naligaw ng Landas
Kay sarap titigan ng langit, Habang unti-unting bumababa ang araw, Siya namang paglabas ng buwan, Kasama ang mga libo-libong bituin, Tuwing dumarating ang takipsilim, Ika'y aking naaalala, Ang mga matang kumikislap sa dilim, At ang iyong ngiting nakakahumaling, Ang takipsilim daw ang pagtatapos, Ng bawat araw na ating nalalasap, Sa t'wing tumutunog na ang batingaw, Isang araw nanaman ang pumanaw. Sa tuwing lumulubog ang araw, Ikaw ang aking natatanaw, Bawat araw ay ikaw, Ang aking iniisip.
0
Jun 2, 2016
Jun 2, 2016 at 9:52 PM UTC
Takipsilim♥
binuwag ng sariling bigat uusal ng dasal na ang tanging hiling ay pumanaw. Hindi ito ang buhay at hindi ito ang pamumuhay. Kung dito sa lupa ay aangat, anong wika ang isasalin sa laman kung pagal na? Turuan mo akong dumaan nang walang iniiwanang labi kundi misteryo na inimbak sa pagtiwalag sa bawat sandali. Sa ilalim ng bawat tulay na ginagawa ng winiwikang salita ay isang kontrata: hindi nang luluha pa at kung pumikit ay panibagong mundo ang tatambad. Sasalubungin ito sa pamamagitan ng isang paanyaya at kung makitang muli ay pakakawalan ang kapit sa sarili. Tatantusan ang bawat kinauupuan at itatala ang mga natutunan. Paham ang liham ng pagtitipon at kung hindi sinipot ay sadyang isang malaking kakulangan. Walang ibang transaksyon kundi ang palitan ng salitang maghuhugis-kamay, hahaplos sa bawat tigib na parte, ililikas ang katawang hapo sa paulit-ulit na katanungan nang pagiging mortal at lalakipan nang panibagong saysay. Umigkas palayo at bagtasin ang bagong mundo: ang tao kung ilalaan sa tao at pakikinggan ay bubuong muli ng katiyakang panandalian sa payak na panahon: hanggat tayo’y naglalakad pasulong, tayo’y gagawa’t gagawa ng tulay.
0
Jun 7, 2016
Jun 7, 2016 at 5:09 AM UTC
kay Maria
Bahagyang pumanaw na ang uhaw Sa mga bagay na nakakatunaw Sa mga bagay na tuluyang umaagaw Sa mga panahong tila naliligaw Dumating na yata ang hangganan At humarap na ng tuluyan Sa laban na laging iniiwasan Ng waring musmos na isipan Ngunit magtutungo ng mag isa Sa lugar na aking hinuhulma Sa bawat hakbang hindi lumilinga At sa harap ang tuon ng mga mata Sana'y huli na nga Sawa nang mag pa ika-ika Pagod nang tumingala At paulit-ulit na magsalita
0
Dec 23, 2022
Dec 23, 2022 at 7:19 AM UTC
Dalawampu at Siyam
Nadudual, nahihilo, walang gana kumain, walang gana gumalaw at gumawa ng pagbabago May motibo pero mabilis ding sumusuko nilalamig, nanginginig, nakatulala, kumukulo na ang sikmura Ibang-iba sa panlabas na anyong ipinapakita katahimikan, kasiyahan, kalituhan, sigaw ng pusong uhaw makakamit kaya lahat bago pumanaw? ika-29 ng Oktubre Nakaligtaan ang lihim na pagkakamali may oras pa bago maputulan ng tubig
0
Nov 29, 2022
Nov 29, 2022 at 10:00 PM UTC
Luha ng Ligaw na Kaluluwang Kailanma'y 'di Makikita (Filipino)
"Gather ye rosebuds while ye may,     Old Time is still a-flying;     And this same flower that smiles today     To-morrow will be dying. " Robert Herrick Ang buhay ng tao ay sadyang maiksi at walang tibay, katulad lang ito sa kastilyong buhangin na agad gumuguho sa hampas ng alon at ihip ng hangin. Kaya marapat lang na ito ay ating samantalahin habang may panahon pa, hindi dapat na masayang ang bawat sandali ‘pagkat hindi na ito muling magbabalik pa. Bakit ka nagsusumiksik sa isang tabi at nagmumukmok? Walang saysay ang maging malungkot sapagkat sandali lang itong ating buhay. Tumindig ka at gawin mo kung ano ang nararapat, piliin mo ang maging maligaya at kapakipakinabang. Tuklasin mo ang pilosopiya at kahulugan ng iyong sariling buhay nang hindi umaasa sa iba. Kumawala ka sa tanikala ng mga maling akala at walang kwentang panukala, ang mga patakaran ay mga paraan upang ang tao ay alipinin kaya hindi ito dapat na tanggapin. Maging hari ka at panginoon ng sarili **** buhay sa ganitong paraan ka lang magiging totoong hayahay. Huwag **** lingunin ng paulit-ulit ang kahapon dahil kahit anong gawin mo hindi na ito muling magbabalik pa, walang time machine na maghahatid saiyo pabalik sa nakaraan. Huwag mo rin masyadong tanawin ang malayong hinaharap pagkat baka nga hindi mo na makita ang bukas na iyong pinapangarap. Ang “ngayon” ang tanging panahon na iyong hawak at wala ka nang ibang mapanghahawakan pa. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon na parang ito na ang huling araw mo. Huwag kang makinig sa mga sinasabi ng iba sa halip ang puso mo ang iyong sundin at umasa ka na hindi ka nito kailanman ililigaw, gamitin mo ito na ilaw **** gabay. At huwag **** sayangin ang nalalabi **** panahon, umahon ka mula sa iyong pagkakabaon at magsimula ka. Katulad sa mabango at magandang bulaklak na iyong nakikita ang buhay **** tunay ngang maikli ay malalanta at mawawalan rin ng sigla kaya’t bago ka pumanaw gawin **** makasaysayan ang iyong bawat ngayon.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 10:19 PM UTC
Carpe Diem

14
Sira nanaman ang kalikasan Para sa makabagong kalakaran Gumanda nga ang larawan Magkukulang naman sa kasaganahan Matatandang puno at halaman Dapat nating alagaan , darating ang araw Wala nang proteksyon sa kapaligiran at, Tayo'y titingin muli sa nakaraan Kapag ako'y pumanaw , katawan ko'y tamnan Upang sa gayon ang aking bunga ay dapat pangalagaan Ngayon nasan na ang dignidad ng mga mamamayan na pinagpalit ang magandang larawan sa mga punong pinutol na kasama natin sa kaunlaran.
0
Jun 2, 2018
Jun 2, 2018 at 8:44 AM UTC
KKL
Bigkis ng nakaraang napagtanto, Kamalayang pawang kay gaan. Pero sa malay ba ng musmos na santo Kung panaginip ba or mapaglaro ang nagdaan. Hindi ko lubos iisipin kung mag-isa ang hangin Sa pagtulak ng mga batingaw, Bagkus umusbong na ang talinghaga't tingin Sa musmos na pumanaw na sa katotohanang pumukaw.
0
Jun 24, 2015
Jun 24, 2015 at 1:39 AM UTC
Nalipasan
Ang traffic na ito ay hatid sa inyo Ng mga walang kwentang T-M-O Mga driver na barako Mga motorsiklong biglang sisingit sa tabi mo Oh kala mo nakalusot ka Ikaw na hindi sumusunod sa batas ng kalsada Tumatawid kahit berde pa ang ilaw Gusto mo pa ata na maagang pumanaw Kayong mga nagbebenta sa tabi ng bangketa Naiintindihan namin na gusto nyo lamang kumita Pero sana maintindihan nyo din na nakakasagabal talaga Ang mga pwesto nyo halos sakop na ang daanan at eskinita Ganito na lang ba? May mababago pa kaya? Subukan nating umpisahan Sarali natin ay bigyan ng kaayusan
0
Sep 13, 2015
Sep 13, 2015 at 8:38 AM UTC
Trapik na naman!
Tadhana na ata mismo ang gumawa ng paraan Upang hindi na muling mailahad ang kwento Ng pagmamahalang nauwi lang sa hiwalayan Nais sanang mag balik tanaw; silipin kung paano pumanaw Ang pag-iibigan nating binawian ng buhay Tulad ng paglubog ng araw at pagsapit ng bukang liwayway, Nagbago hindi lamang ang mga kulay ng kalangitan; Mga pangako sa isa’t isa ay tuluyang napako Pag-ibig mo’y tuluyan ng naglaho At ang dating nagsisilbing mukha bagong pag-asa ay ‘di na makakamtan Dahil nag-iba at napalitan ito ng kahulugan magmula nang ika’y lumisan
0
Oct 18, 2019
Oct 18, 2019 at 12:23 AM UTC
Huling Pahina ng ating Kwento
Paano ko pa sasabihin kung kailangan ko ng limutin? Pati panahon na aking inaasahan, aking kalaban. Malayo ka. Malaya ka. Bakit hindi na lang ako? Siya ba ang itinadhana sa iyo? Masaya ako para sa iyo. Dalangin ko ang kaligayahan mo. Pero bakit hindi na lang ako? Mapait ang panlasa ko. Nasasaktan ang puso ko. Kalungkutan ang baon nito. Itatago at iingatan na lang mga ngiti mo. Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Alam ko, mag-aalala ka para sakin. Alam ko, malulungkot ka para sa atin. Huwag na. Ako na lang para sa ating dalawa kaya awat na. Huwag mo sanang isipin na isang kasalanan. Hindi ko rin naman malaman. Basta na lang naramdaman. Gusto ko namang iwasan. Gusto ko namang pigilan. Ano bang dahilan? Mayroon ka bang kasagutan? Paano, mauuna na ako sa katapusan. Tiyak ko, lubos ka niyang pahahalagahan. Nakikita ko naman ang inyong pagmamahalan. Mas madalas man na ako ang lisan at ang pag-ibig ko ay di suklian, marami na rin ang aking iniwan at tinalikuran. Nawa'y ang lahat ng ito ay di mo na maranasan. Kung maipapangako niya lang sana na di ka sasaktan at pababayaan. Oo, kusang-loob na bibitaw, kahit pa pumanaw. Alam ko, isa lang naman akong kaibigan. Hinahanap ko lang rin naman ang mga kasagutan. Parehas natin gustong maintidihan. Alam ko, ako'y iyong papakinggan. Tulad ko sayo, ikaw, ay aking kaibigan. Wag mo muna akong talikuran. Maari kayang dahan-dahan? Ngiti ka muna at ako'y pagbigyan. Hindi ka mawawala sa aking hiraya kahit papunta ka at mananatili sa piling niya. Kung bakit ba naman sa pagkakalayo nating dalawa kita unang minahal at ninais na makasama. Kung bakit ba naman sa iyong pananahimik natuto ang puso ko na umibig nang may pananabik. Ikaw naman ang mauna sa ating dalawa. Dito na lang muna ako, tatahan at magpapahinga. Maghihintay pa rin sayo at hindi susuko. Kapag dumating ang panahon na mangulila ang iyong puso, bumalik ka sakin na tumatakbo at nagmamadali. Sabay na tayong magsisimulang muli at iiwan itong ating dulo.
0
Jan 14, 2021
Jan 14, 2021 at 10:51 AM UTC
///

7
malayo ang 'yong tanaw nang ikaw ay pumanaw dumating ang tagginaw ng sumunod na araw
0
Oct 11, 2019
Oct 11, 2019 at 11:07 AM UTC
••••
Nakapagtataka, sa dinamidaming pagkakataon. Kung saan ako'y nagbunga, Ang bukod isip ay di naaayon. Sa tuwing bagkas ng mga labi mo'y pagkaralita. Bukod tanging Ako'y naalipusta. Hinanap ang pangangatwiran Kung bakit ika'y ganyan. Nasugatan, ngunit pinagbigyan ng tadhana'y biyaya. Pangangatwirang kusang loob, Kusang loob na pinagtatanggol Ng bulong ng aking kutob. Ako Ikaw Sino ba tayo sa mundong ito? Isip sana'y di pumanaw.
0
Apr 25, 2020
Apr 25, 2020 at 9:33 AM UTC
Pangangatwiran
SANA AY MAY ISANG ARAW NA IKA’Y AKING MATANAW AT SA IYO’Y ISISIGAW ANG LALIM NA SUMASAKLAW NG DAMDAMING NATUTUNAW AT PUSONG DI NADADALAW NA ANG PAG-IBIG KO’Y IKAW HANGGANG SA AKO’Y PUMANAW KUNG AKO MAN AY NAWALAY AT SA HANGIN AY SUMABAY PATUNGONG KABILANG BUHAY AKO’Y HINDI MALULUMBAY SA LAMIG AKO’Y AAKBAY AT SA DILIM AY HIHIMLAY ALAALA ANG SYANG GABAY SA AKING BIGONG TAGUMPAY MALI MAN ANG NAGING LANDAS NG PAG-IBIG NA TUMAKAS SA BUHAY KONG NAKALIPAS NAWALA MAN ANG AKING LAKAS AT ANG KULAY AY KUMUPAS NGUNIT ANG DAMDAMING WAGAS KAYLAN MA’Y DI MAGWAWAKAS KAHAPON, NGAYON AT BUKAS
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 9:46 PM UTC
PAG-IBIG