Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"palapag" poems
#070716 #9:58PM #FarmElNido Nagmamasid siya't dinudungaw ang Gabi Kung may pahiwatig ba't titikom na ang bibig Ang Mambubuwal ng matabang na tubig. Nakakasilaw at nakakagulat Ang sining ng di kontroladong pagkuha ng larawan, Ang paglilok sa palapag ng nagtatalsikang bato, Tangay pati ang ayaw magpapitas na mga bulaklak. Tanging siya na lamang ang may kislap Pagkat kalahi niya'y kumupas nang sila'y mang-iwan. At sa pagpagaspas ng pakpak na may lihim, Tangan nya ang sariling may liwanag sa dilim.
0
Jul 9, 2016
Jul 9, 2016 at 12:39 AM UTC
The Last Firefly
Kalong ng kanyang ina ang isang labing anim na taong gulang na binatilyo. Basang-basa. Nangingitim ang mukha at di na humihinga. Patay na yata. Nakuryente siya habang ini-aakyat ang black and white na telebisyong kasasangla lang ng isang magsasakang magpapa-check-up sa PGH- sa ikalawang palapag ng kanilang 5 square meter na tahanan. May bagyo noon. Super. At umapaw ang ilog. Ang sabi sa radyo nakataas na ang signal no.3 sa buong Central Luzon. Nag-iisip pa rin siya (ang ina) habang binabagtas ng sinasakyan nilang rubber boat na kulay dilaw ang daan papuntang evacuation center. Hindi na niya nagawang magsuklay at mag-suot ng bra. Kalong niya ang kanyang binatilyong pangarap mag-aral sa Maynila- na kanya ngayong ipinagluluksa. Sa Maynila, sa isang pamantasang kulay langit ang pasukan at labasan, nagdiriwang ang mga paang patungo sa Robinsons. Alas dose. Cut ang klase. #WalangPasok.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:50 PM UTC
Tumanggi ang Inang Mailagay sa Bodybag ang Kanyang Anak, Kakalungin na Lang Daw Niya
#032816 Ikaw ang siyang umaga, Ikaw ang takipsilim at gabi. Lilihis man ang pagkatao, Ako'y saksi sa matamis **** mga ngiti. Nahilom na ang pusong tigang, Ang pusong niyupi't binulsa't itinapon. Pero ang pintig nito'y musika pa rin Sa alon at agos ng kahapon at ngayon. Ikaw ang alalay ng bagong umaga, Ang umaga mo nama'y iba At ang paggising ay kaylayo. Paulit-ulit man ang mensaheng hindi maisulat-sulat, Ni hindi maibig ng pusong may yurak. Hawak mo ang gitarang may ibang sinusuyo, Nagmimintis ang ngiting Kailan lamang sa akin ang agos. Pagkakataon, siya nga namang dibuho na lang Lanta na ng bulaklak sa disyertong palapag.
0
Mar 28, 2016
Mar 28, 2016 at 7:57 AM UTC
Goodmorning Awkward, Goodnight Awkward
#112715 #4:47PM May linyang pahalang at patayo, Ni hindi magpapatisod sa pising sinusuyo. Sila’y liliko sa bawat espayo, Bagkus Ako’y sa’yong puso ang tungo. Mag-aabang sa bawat palapag, Sana sa beranda’y, ikaw ang siyang umaga. Sana sa kusina’y maihain ang tama – Tamang timpla ng walang tagas na pagsinta. Isasantabi Ko ang mga butil na balakid, Hahaluin ang konkretong sabaw ay sirit ng pag-ibig. Papalitadahan natin ang kisameng may bituin, At doon tayo niningas ng panimulang may layunin. Irog, ang puso Ko’y nasa hulog at hinog, Kasingputi ng pinturang pantapal sa putikan **** suot. Nang minsang nilukot ang puso **** papel, Ni hindi ito nayuraka’t nalumot sa lente Kong nasa lebel. Hayaan **** iguhit Ko ang bukas, Nang pundasyo’y uugat sa bato’t di patutumba. Hubad at bitak-bitak ang luwad **** pagkatao, Kaya’t di hahayaang kontratahin ng iba. At sa akin sana’y magpaubaya ng “Oo” Nang maging ako na ang butihin **** Arkitekto.
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 3:48 AM UTC
Architect-Ligaw
111422 Namumuo ang pawis sa kanyang kamao Tila ba sapat na ang mga galos na kanyang natamo. At dali-dali nyang sinarhan ang silid Na walang ni isang palamuti ng kapaskuhan, “Nandito — nandito na ako sa ikatlong palapag,” Aniya sa kabilang linya. Kinuha niya ang lapis Buhat sa luma nyang aparador — Puno ng alikabok Na kahit ilang pagpag na’y Hindi naririndi sa pagbuga Ng umaalingasaw nitong karumihan. Naupo sya’t napapikit na lamang Inaalala ang bawat detalye Ang bawat katagang kanyang narinig Ang bawat imaheng nais nyang takasan. Nanginginig pa rin ang kanyang mga tuhod, At nangangalay ang kanyang mga kamay. Habang tumatagas ang pawis nyang Kulay itim sa malagim na gabi. Naghihintay ng sagot Sa mga katanungang saksakan ng ingay Sabayan pa ng sunod-sunod na putok Ng mga sumasalubong ng Bagong Taon. At sa kanyang di sinasadyang pagdungaw Sa bintanang walang kurtina’y Nabaling ang kanyang tingin Sa buwang napakaliwanag Tila ba may taglay itong kung anong elemento — “Mahiwaga,” wika nya. Ang mga larawan sa kanyang balintataw Ay unti-unting gumuho At napalitan ng imahe ng buwan . Akala nya’y makakatakas na siya sa liwanag nito, Akala nya’y ito na ang huling kathang Kanyang maililimbag sa kanyang kwento. Maya-maya pa’y sa dulo ng kanyang dila’y Hindi nya maipaliwanag Ang kung anong himig na kanyang sinasalaysay Na tila ba may boses na nag-uutos sa kanyang Bigkasin ang mga pangungusap Na hindi nya ninais na sambitin. Mahigpit ang pag-akap ng kanyang kamay Sa lapis na guguhit at tutuldok sana Sa kanyang masalimuot na nakaraan. At muli nyang pinagmasdan ang kalangitan Hindi na buhat sa sarili nyang bintana Pagkat hayag sa kanya maging ang mga bituin. Dahan-dahan nyang itinuro ang buwan Gamit ang lapis nyang hindi man lang natasaan — “Sayang, ngayon lang Kita nasilayan… Sayang, pagkat hanggang dito na lamang.”
0
Nov 15, 2022
Nov 15, 2022 at 11:11 AM UTC
Buwan ng Lagim

Continue reading...
53
Magandang gabi kamahalan Dito sa aking kinatatayuan sa baba ng labindalawang palapag ng hagdanan, Ikaw ang pinaka paborito kong pagmasdan, Saan man ang iyong pinagmulan, ikaw man ay lulan ng barkong hindi pangkaraniwan, hindi ko ikakaila na ikaw ang pinakamakinang sa lahat ng bituin sa kalangitan. Ikaw ang eba at ako ang adan ng makabagong kapaligiran Hayaan **** tuksuhin tayo ng berdeng kalikasan, Akitin ng mga huni ng ibon tungo sa sarili nating kaharian. Handa akong panagutan ang ating pag iibigan, hahamakin ang lahat maibigay lang ang iyong inaasam gagawin kong mundo ang dapat tao lang, baliin natin ang daan lumiko man tayo pakanan marating lang ang kabundukan patungo sa ating tutuluyan, Ikaw ang magsisilbing kanlungan, sa nakaraang minsang pinagdalamhatian. Ikaw ang magsisilbing lagusan, sa mga pintuang tinalikuran at pinaglaruan. Ikaw ang magsisilbing unan sa gabi ng kabilugan ng buwan. gagawin kong bintana ang iyong mga mata, tatahakin ang dilim, hinagpis, pagkapiit, itatakas kita.. itatakas kita sa mundong hindi lang ikaw ang bida, sasagipin kita sa paglubog ng barkong papaalis na, hahanapin kita, sisirin ko man ang kumunoy, languyin man ang lalim ng panaghoy.. hahanapin kita,... hanggang sa tayong dalawa nalang ang matira, sa mundong hindi ako mabubuhay kasama ka.
0
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 4:17 AM UTC
Prinsesa
Abalang-abala ka sa pakikipag-usap sa iyong kustomer at hindi mo na namalayang tumatakbo ang oras. Ang nasa isip mo lamang nang mga oras na iyon ay matapos mo ang iyong trabaho nang walang palya at walang ano mang iisipin pa. Nang iyong tanggalin ang headset ay doon mo lamang napansing ikaw na lamang pala ang nag-iisang ahente sa ikatlong palapag ng opisinang iyong pinapasukan sa isang call center. Tanging ang liwanag na lamang sa iyong station ang tanglaw nang mga oras na iyon. Kaya naman ay sinipat mo ang orasan sa iyong wrist watch at napagtantong isang oras na lamang at sarado na rin ang buong building at kailangan mo ng umuwi. Inayos mo na ang iyong mga gamit at siniguradong na-i-document mo nang maayos ang mga calls recordings mo. Nag-inat-inat ka pa muna bago mo pinatay ang monitor at CPU ng iyong kompyuter. Hinintay mo munang naka-shut down na ito bago ka tumayo. Nang tuluyan na nga itong namatay ay agad **** binitbit ang iyong back pack. Nang tatalikod ka na ay isang malamig na simoy ng hangin ang nanuot sa iyong balat. Sa iyong pagkakaalam ay sarado naman ang mga bintana sa opisinang iyon at sigurado kang pinapatay na rin ang aircon kapag isang tao o walang tao nang naiiwan roon. Ngunit, kakaibang lamig ang iyong naramdaman. Hindi lang iyon dahil isa, dalawa, at talong beses kang nakarinig na may nagtitipa sa keyboard. Halos lumabas na ang iyong mata sa takot pero nanatili ka pa ring matapang. Huminga ka muna nang malalim at agad nilingon ang kanina pang nagtitipang bagay sa iyong likuran. At doon ay lalo kang nanginig nang makita ng iyong dalawang mata ang biglang pagliwanag ng monitor at sunod-sunod na pagtitipa ng wala namang kamay na mga letra sa keyboard. Nang mag-flash sa screen ang mga letra ay doon ka na nagtatakbo palabas dahil nakasulat doon ang mga katagang TYPING KEYBOARD na may kasamang pigura ng duguang bungo.
0
Oct 28, 2018
Oct 28, 2018 at 10:24 PM UTC
Typing Keyboard

6
Kung mayroon akong pinakaayaw na almusal Iyon ay yung lulunukin kong katotohanan na lilipas ang bawat oras, papatak ang bawat segundo ng napakagulong buhay ko na wala ka. Sayang lang, Ang ganda kasi nung mga eksenang pinangarap ko Na buo na ang bahay na ang palapag ay tatlo, Pagpasok mo rito, ikaw ay nakaupo sa sala na binuo ng mga pangarap mo at oo. Nang hihinayang ako, paglulutuan sana kita tapos gigising ka sa umaga na may mainit na kape ka nang nakatimpla. Pero inabot na kasi tayo ng takipsilim Nagwakas ang mga pangarap na almusal nang magsimula ka nang maglihim Nang umalis ka na lang dahil hindi mo rin naman kayang magkwento at umamin Noong humingi ako ng ilang segundo ng katotohanan matapos ang ilang taon kong inakalang hinding-hindi ka magiging sinungaling. Alam ko balang araw, masaya kana sa iyong bagong kasama. Sa mga munting eksena na nag lalaro sa isip ko, gusto ko na yung eksenang masaya ka na lang sa iba. At balang araw hindi na tayo masusuka sa mapakla at mapait na almusal ng ating pag-ibig, salamat, totoo. Salamat sa hindi na manguyang pag-ibig mo.
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 11:34 AM UTC
U M A G A H A N