Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nangingibabaw" poems
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ganda Buwan at araw ang ating saksi Ikaw ang dulo, gitna at panimula Sa maamong mukha at maaliwalas na umaga Walang katulad boses **** humuhuni sa tuwa Bakas man ang pagod sa mga mata Nangingibabaw ang ganda at kapayapaan Sa mga dahon na sumasayaw; Sumasabay din ang bawat galaw Nais kapang makilala Gaya ng kalikasan Unti-unting matutuklasan Pag-ibig na gustong maasam Dagat na walang katapusan Sa init man o lamig Ikaw lang ang sasamahan Walang hirap basta’t magkakasama Anumang daan nais kong malagpasan Sa’yo ang direkyson, saan man patungo Gusto kong manatili Sulitin ang lahat Bago ang araw ay sumapit Gaya ng kalikasan Nandoon ang nais makita Magsasama hanggang langit Kay gandang pagmasdan Mga puno’t halaman Hindi ko alam kung hanggang kalian Wala sanang unos o kalamidad Gaya mo ay kalikasan Nais protektahan Nais alagaan
0
May 23, 2018
May 23, 2018 at 8:50 AM UTC
Ikaw at ang kalikasan
Nakakubling Lungkot Sa Puso Pilitin ko mang itago ang nararamdaman kong saya, Nangingibabaw pa rin nang malaki ang nakakubling pangungulila. Kahit sumilay man ang mga ngiti sa aking mukha, Nakikita pa rin sa aking mga mata ang labis na pag-aalala. Ano mang pilit kong magpakatatag at huwag pansinin ang bawat sumbat, Muli pa ring nadarama sa puso ang pighati, pait, pagtitiis at sakit. Naitatago man ng aking mga ngiti ang lahat ng pagdurusa't bigat, Dadaloy pa rin ang mga luha at muling maaalala ang nakaraang mabibigat na habagat. Kahit anong iwas ko, tinatangay pa rin ako ng isipan kung kamustahin sila. Hindi ko kayang magsinungaling dahil sa puso ko ay mahal na mahal ko sila. Ipagsawalang-bahala man ang bawat mga letrang nasa mensahe nila, Mabubuo pa rin ito at mararamdaman ko ang nakaukit na mga salitang hinihintay ng puso sa tuwi-tuwina. Sana ang lahat ng mga letrang naging salita ay totoo. Sana ang lahat ng mga katagang nababasa ko ay galing sa kanilang mga puso. Sana ang lahat ng mga litratong nakikita ko ay tunay at totoong-totoo. At sana... mapanghawakan ng puso ko ang katotohanang hindi ko kayang mawalay pagkat sila ay naging bahagi ng bawat nakakubling lungkot sa aking puso.
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 12:49 AM UTC
Nakakubling Lungkot Sa Puso
Kumalat ang silahis Aranya sa kublihan ng mga nasaktan nang labis Sa liblib na bukirin nakatira ang anak-pawis Ang tikap sa kapilya ay ang espasyo sa karimlan Maringal ang alab sa dagat Animo'y mga hiyas sa pananaw Bermillong agwa ay nangingibabaw nang isinaboy ang mga pilak sa Pasipiko Anupat may respirasyon nauudlot naman ang siklo Sa pagbabalik-tanaw ay sumiyok humahangos nang dumating sa koro Tugtugin ng patibulo Sa wakas, ilalagyan ng balsamo Epidemya ng hapis kahit inosente ay pintasan Lumaylay nang mahilo Natangay ng takot at dumapa nang napasuko Lumaho ang pagkakataon na sana'y makakapagpasya Kung alin ang dapat at tama Sa sulok ay nanahimik Umaasang mabawi ang panahon yaon Ngayon saan pupunta
0
Dec 21, 2018
Dec 21, 2018 at 5:13 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #21
Kay tamis ng iyong ngiti Sadyang kay ganda ng iyong labi Ika'y lubos na nakakahumalig Sayo ako'y tunay na umiibig Mata mo'y kumikinang na parang bituin Ikaw ang anghel ng aking panalangin Regalo ka ng Diyos aking sinta Sayo ang puso ko'y napapakanta Kislap ng iyong mata saakin ay nagpapatunaw Pagmamahal ko sayo'y lubos na nangingibabaw Ika'y rosas sa hardin ng Diyos Tatawirin ka sa kahit anong unos Mahal ko, bahaghari ka sa pagdaan ng ulan Kasing ganda ng pagsikat ng araw sa silangan Pagmamahal ko sayo'y inspirasyon sa aking Buhay Tayong dalawa'y kailanma'y di mawawalay
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 10:42 AM UTC
Aking Iniibig
Takot ako. Takot akong muling umibig Takot sa salitang mahal kita Takot sa pagasang “tayo” Dahil nangingibabaw parin Ang mga damdaming para sa kanya Tanong sa sariling “Magmamahal ba ako ng iba?” Takot makasakit sapagkat alam kong Ikaw pa rin ang mahal ko Takot magmahal ng iba Dahil alam kong ikaw pa rin ang nasa puso Takot dahil sarili ko’y di ko mapapatawad Kung makasakit man ako ng iba. Takot dahil hindi na ako marunong magmahal Magmahal ng iba Dahil ibinigay ko sayo ang lahat Takot na ako tumingin sa iba Kaya’t sa hangga’t andito ka sa puso ko Hindi ako maghahanap ng iba Dahil takot ako makasakit Takot ako manggamit Takot ako pumeke ng nararamdaman Dahil alam kong ikaw parin ang aking, Minamahal. Para sa sarili ko, Patawad, Dahil nagmahal ako Ng taong nagmamahal naman ng iba.
0
Sep 29, 2020
Sep 29, 2020 at 6:14 AM UTC
“Takot”
"sumulat ng mga "paano kung" sa buhay ng isang tao may mga pag-ikot o pagbabago sa mga konklusyon sansaglit nguni't mahaba nung nilikha may mga tainga sa mundong ito, nag nagkukusang-loob bukas and mga palad at bukas ang mga labi akong tatanggapin nangingibabaw sa kanilang isipan ang pagbating ito: "Maligayang pagdating, Makata, Sabihin mo sa amin..." welcome poet, tell us.... Translated-for me by Sally, who welcomes everyone... Just an an excerpt from http://hellopoetry.com/poem/615068/where-has-writing-gotten-me/
0
Mar 1, 2014
Mar 1, 2014 at 9:14 AM UTC
welcome poet, tell us...."Maligayang pagdating, Makata, Sabihin mo sa amin..."
Dilaw na sinag ang bumungad sa aking kamalayan Habang sumasayaw ang ulap sa bintana Umaawit ang electric fan kasabay ng mga mumunting ingay sa labas ng kwarto Kailngan maghanda dahil ngayon ay mas espesyal pa sa nagbabagang balita sa radyo. Almusal ligo toothbrush bihis na daig pa ang artista sa telebisyon Beso beso, kamayan, tawanan, yakapan, galak, sa mga taong namiss mo noon Preparado ang lahat, nakisama ang panahon Kakausapin ko si Ama na may buong buong desisyon Naguumapaw sa saya na may kasamang kaba Asan na pala sila? Anong oras na ba? Hanggang sa nagsimulang umawit ang mga anghel Isa isang lumakad ang saksi na may kanya kanyang papel Hakbang pakaliwa, hakbang pakanan, onti na lang malapit na Hanggang sa matunton ko ang harapan, naku eto na, kumapit ka Tila nanahimik ang paligid, nakatuon lahat sa nagiisang pintuan Hanggang sa bumukas at lumantad ang nagiisang kasagutan Liwanag. Oo sya ang aking liwanag. Dahan dahan papalapit, upang akoy mapanatag Kislap ang nangingibabaw sa buong kaharian Untiunting pagpatak ng luha sa galak namasdan Napakagandang nilalang, ang nagiisang dahilan Kung may araw sa umaga, sa gabi sya ang buwan Pagkahawak ko sa kamay sabay hinagkan Ngayon naririto kana hindi kana papakawalan Susumpa na animoy umaawit sa pinakamasayang pagkakataon Pagkakataon na tila munting bata na naglalaro sa papalakas na ambon Anong oras na? Alam kong alam mo na Kung paglagay sa tahimik ang tawag dun, ang sagot isigaw mo na Dahil bukas ay di na ko mangangarap pa Bagkus ang bawat bukas ang hanganan para mahalin kita Oras na ang nagbilang para mahanap natin ang isat-isa At kung nagsimula man ang bilang sa isa, magtatapos ang lahat sa labi-ng-dalawa Written: 08/01/2014
0
Aug 3, 2017
Aug 3, 2017 at 8:30 PM UTC
Anong oras na?

Continue reading...
33
Sinasaktan ka lang n'ya. At hindi sa paraan ng salita. Pisikal. Sinasaktan ka lang n'ya. At masakit na hindi ka n'ya sinasaktan sa paraang alam kong mas masakit, damdamin. Dahil kahit ano pang sabihin ng iba na mas masakit masaktan ang damdamin kaysa pisikal, ay mas gugustuhin kong umiyak ka dahil minura o sinisi, kaysa sakal sa leeg at sugat sa labi. Masakit, kung iisipin ang suntok sa mukha, o harangan ang paghinga sa pamamagitan ng unan. Masakit, na sa lahat ng sasaktan ay ikaw pa. Prinsesa, inalagaan ng ilang taon bilang kaibigan upang makita lamang ang mga pasa sa braso, sugat sa puso, mukhang maamo na nilamon ng pait. Pero nakaka ngiti pa rin sa akin na para bang walang nangyari. Higpit ng yakap na para bang walang sakit na iniinda. Tawa na kay lakas na wari mo'y hindi umiyak kagabi. Gabi-gabi kong iniisip kung anong ginagawa mo, hindi, kung anong ginagawa n'ya sayo. Dahil bukod sa saya na naibibigay n'ya sa bawat halik, o yakap, o talik ay mas nangingibabaw ang sakit mula sa suntok, sampal at sigaw. Pero sa sulok ng aking utak ay mas mapapasaya kita. Oo, naisip ko na ito dati, at mas iniisip pa ngayon. Alam ko namang malabo ang mga pangyayari dati pero mas lumilinaw na ngayon. Sa mga panaginip lang dati nangyayari, isasabuhay na ngayon. Mahal kita at hindi ka dapat mapa sa kanya. Dahil una pa lamang kitang nakita , ay akin ka na.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:54 AM UTC
276
Tahimik na tubig na laging kinukutaw Waring pinupuno hanggang sa umapaw Ang kung dilim ay nangingibabaw Magtakang papatayin ko ang aking ilaw Lumulubog sa maalon na panahon Nasasawi sa bawat pagkakataon Wagi sa araw ay hindi lagi ganoon Sa pagsapit ng gabi luray kung magkataon Sa pisi ay sagabal ang tingin Sa kapayapaan sarili'y binibitin Sa taga na walang sawang aaliwin Naglalaro kaya hindi puputulin Saksi sa paglubog ang araw at buwan Sa mga matang lubos nang natuyuan Itatago ang musmos ng tuluyan At ilalabas ang isang makapangyarihan Ang malamig na walang inaasahan At hindi mag-iinit sa bawat kinabukasan Ang bawat sugat ay tinutuluyan Gaya ng tahimik na tubig sa dalampasigan JGA
0
Dec 27, 2021
Dec 27, 2021 at 9:49 PM UTC
Tubig
Nangingibabaw ang amoy ng kape sa paligid, Pati kamay ng orasan ay naririnig. Mababawi pa ba ng katahimikan Ang mga nasayang na sandali?
0
Dec 14, 2015
Dec 14, 2015 at 7:17 PM UTC
Lipas
Masaya ako nasa pagmulat ng aking mga mata ay mensahe mo agad ang aking makikita Hindi namn nabago dahil simula umpisa ay binabati mo na ako ng "magandang umaga", " kumusta ang tulog mo"? "Kumain kana ba"?Hindi bat masarap sa feeling? Nasa bawat palitan ng ating mga mensahe ay kinakailangan ng paggalang animoy bumabalik sa nakaraan. Parang Lola't lolo mo lang na nangangaral sayo tuwing ikay sasagot ng pabalang. At kapag nawala ang "po" at "opo" sa mga pangungusap na ating binibitawan ay siguradong away na ang labanan, tampuhan, at suyuan. Bakit hindi ka nag "oopo"? Bakit walang "po"? Galit kaba? Ano bang ginawa ko sayo? Mga palitan ng salita na hindi natin sigurado kung may patutunguhan paba. Naalala ko pa nga nung gabing hindi ka nagrereply sa mga message ko. At mga ilang minuto, hindi ako nakuntento sa tagal ng reply mo. Napa-call na ako, baka bukod sa busy ka e baka may kausap ka ng iba. Para ba akong nahihibang parang sirang plakang hindi ko maintindihan, at hindi ako matatahimik hanggat diko alam ang dahilan ng ilang minutong iyong pananahan hanggang umabot ng ilang oras ay hindi parin nagnonotif... Ang pangalan mo sa phone ko. Hindi na ako nag-atubili hinawakan ko na ang aking telepono, tinawagan kita at naka-ilang miss call ako sayo pero tanging ring lang yung naririnig ko. Hinayaan ko lang ang sarili ko sa panonood sa yt ng mga palabas na nakakatawa. Tulad na lang ng mga prank na walang kwenta. Yung tipong matatawa ka na lng sa kanila. Matatawa ka na lng kasi kahit anong paglimot ang gawin mo ay maiisip mo parin kung bakit wala pa siyang reply sa mga text at calls mo. Sayang naman yung unli call and text na pinaload ko, kung hindi mo rin sasagutin mga tawag at text ko. Hanggang sa umabot na ang umaga, heto ako't mulat parin ang mga mata. Hindi ako dinalaw ng antok dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala. At ngayon ko lang narealize na alas otso palang pala kagabi e tulog kana.
0
Mar 21, 2021
Mar 21, 2021 at 8:15 PM UTC
"Tulog"

15
022325 Papuri at Pagsamba — ‘Yan ang alay ko Sa’yo aking Ama. Dalisay ang ‘Yong Pagsinta, Balewala ang lahat ng mga nagniningning Sa kalangitan, maging sa buong kalawakan. Ikaw ang Hari at nag-iisa Ka, Wala Kang katulad, Walang kapantay — Ni walang kalaban Pagkat siya’y Iyong tinapakan na, Ginapi ng Iyong kapangyarihan. Ikaw ang nangingibabaw, Sa puso kong walang ibang hangad Kundi ang Iyong presensya, Ang Iyong kagandahang Balang araw ay masasaksihan ko rin. Kusa Mo akong binabago Maging ang bawat tibok ng puso ko. Damdamin ko’y higit na sa mundo, At wala akong ibang nasilayang Mas maliwanag pa Sa’yo. Ang linaw ng Iyong intensyon, Hindi Mo itinago ang Pag-ibig Mo. Na kahit saang lupalop ng mundo, Nahahanap Mo ang puso ko At nakikita Kita — Nang napakaganda. Kakaibang pakiramdam Na hindi ko naranasan sa iba. Sinasamahan Mo ako, Sinasabayan. Pero nauuna ang Iyong mga hakbang, Ang mga yapak **** Kapayapaan ang hain sa aking pagkauhaw. At Hindi Mo ako binibitawan. Ikaw ang Aking Ama, At ako ang Iyong anak dahil kay Kristo Hesus, Ang yakap Mo’y sapat sa bawat araw, Ang mga Salita Mo’y lakas ko sa maghapon. Akala ko nga noon, Sa’yo akong uuwi At Ikaw ang magiging pahinga ko. Pero kahit pala wala pa ako Sa Tahanang sinasabi Mo, Ay nandito Ka na sa akin. Ginawa **** Tahanan ang puso ko, Na dati ang mundo lamang ang laman. Hindi ka lang isang bisita, Nanirahan ka pa sa Akin Na noong una’y hindi ko maintindihan. At sobra-sobra ang binago Mo Sa loob kong inaanay at inaalikabukan. Wala na akong nagawa pa, Bumitaw na ako sa mundo, At sinalo Mo ako. Ikaw na ang bahala sa buhay ko. Sa’yo na ‘‘to at sa’yo na ako.
0
Feb 23, 2025
Feb 23, 2025 at 5:25 AM UTC
Himlay

58
Dati ako'y nagagalak sa dilim–tahimik at payapa. Nakakaramdam na ako'y malaya. Sa paglipas ng panahon, nagbago na ang aking pananaw. Hindi na tuwa, kundi takot na ang nangingibabaw. Sa pagsapit ng dilim, heto nanaman. Nangangamba sa mga munting tinig na umaalingawngaw. Pagdurusang walang makarinig kahit gaano kalakas ang iyong sigaw.
0
Aug 26, 2019
Aug 26, 2019 at 10:47 AM UTC
Dilim
if everything is true I don't want to wake up If everything is just nonsense, I want to wake up, I don't want to get hurt by anything, But I hope when I wake up, I will be with the right person for me The right time To make me happy. Even if I tell you that I want you Even if I tell you that I love you Even if I want to be with you Even if it's just for a moment If every moment is forever I will be hurt Because everything will be gone I will still never forget you. If the day comes All that will be thrown away And gone away Like lightning along with what I feel for you But here I am in reality, "me" I wasn't born to be a princess But I'm full of dreams With My father dominates. If forgetting is a medicine To break up with failure I promise I won't let you down Because I know I'm with an impossible person. If I love you Whatever it takes To be with you As far as I can go All I can do To love you If there is no way to get in love If there’s nothing to fall in love If our love story is over If all that's left is love To set you free For a new chapter To live and be happy again I love you but I am only this way Only up to this point My love was only this way Only up to that point ************************* "𝕂𝕦𝕟𝕘 𝕄𝕒𝕙𝕒𝕝 𝕂𝕚𝕥𝕒 ℍ𝕒𝕟𝕘𝕘𝕒𝕟𝕘 𝔻𝕠𝕠𝕟 ℕ𝕒𝕝𝕒𝕟𝕘 𝕐𝕠𝕟" kung totoo man ang lahat ayoko nang magising Kung kalokohan lang ang lahat, Gusto kong gumising, Ayokong masaktan ng kahit ano, pero sana pag gising ko, Makakasama ko ang tamang tao para sa akin ang tamang pagkakataon para maging masaya ako. Kahit sabihin ko sayo na gusto kita kahit sabihin ko sayo na mahal kita Kahit gusto kong makasama ka kahit saglit Kung ang bawat sandali ay habang buhay akong masasaktan Dahil mawawala ang lahat Hindi parin kita makakalimutan. Kung darating ang araw Lahat yan ay itatapon parang kidlat kasabay ng nararamdaman ko sayo pero heto ako sa realidad na ako, "ako" Hindi man ako pinanganak para maging isang prinsesa ngunit ako ay puno ng mga pangarap Sa aking ama ang nangingibabaw. Kung ang paglimot ay isang gamot para makipaghiwalay sa kabiguan Pangako hindi kita bibiguin dahil alam kong nasa isang imposibleng tao ako. Kung mahal man kita Kung ano man ang kaya marating Para makasama ka Kung hanggang saan lang Ang kaya kong maabot Para mahalin ka Kung wala ng daan para sa umibig Kung nagtatapos na ang kwentong pag ibig Kung ang natitirang pag ibig nalang Ay ang palayain ka Para sa panibagong kabanata Upang mabuhay at maging masaya ulit Mahal kita pero Hanggang dito nalang Hanggang doon nalang yon.
0
Apr 18, 2025
Apr 18, 2025 at 2:15 PM UTC
"If I Love You But Only This Way" (Tagalog Version)

94
Ilang taon na rin ang nakalipas, Mula noong una kong masilayan; Ang kislap ng iyong mga mata, Nangingibabaw sa mga ilaw sa daan. Naaalala ko pa lahat - Puno ng kaligayahan, kapayapaan. At ngayon, ikaw at ako. Tila hindi na magkatagpo. Sana hindi matangay ng pagbugso, Itong dinadala ng aking puso.
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 2:48 PM UTC
Session Road.
Isang gabi Isang ala-ala Dalawang salita Hindi alintana Sa larawang nag paalam Sa umagang nangingibabaw Sa labi kong nanginginig Sa iyong tinig na nag paalam Ilang beses maghihintay Sa tapat **** salita Sa bawat tingin Di nag lalambing Dalawang bwan’ tula Sa gabi’y pinaubaya
0
Sep 14, 2020
Sep 14, 2020 at 11:59 AM UTC
Nag Iisang Tula
patak ng ulan sumasabay sa ihip ng hangin panahon na hindi mo inaasahan mga pangyayaring bigla na lang dumarating sa ulap na nangingiusap ang tanging alam ay kung ano ang laman ng nararamdaman puso ba ang paiiralin o ang utak na nangingibabaw mga pinagdaanan **** karanasan ito ba ay magsisilbing liwanag sa kalagitnaan ng dilim? o hanggang dito na lang ba sa paghahanap ng kapalaran sa buhay, na parang kay tagal mo man itong inaasam-asam na makamit muli tagumpay ang matitikman sa mga labing nag uuumapaw sa kasiyahan at sa busilak **** puso na kay lambot pa ng isang monay na hindi mapapantayan ng kung ano mang yaman na hindi matutumbasan ng kung ano-anong bagay ikaw ay bukid tanging yaman tapat at totoo sa sariling bayan huwag **** kalilimutan ang iyong kinagisnan
0
Oct 8, 2018
Oct 8, 2018 at 7:02 PM UTC
ang iyong kinagisnan
Ikaw'y matalik kong kaibigan Bawat kilos mo'y aking nalalaman Kahit na ito'y tungkol sa kanya Asahan **** narito ako't sumusuporta Sa kanya'y napalapit nang husto Aakalaing kayo na ng lahat ng tao Bawat kilos niya'y sinasabayan at nagmamanman Hanggang sa kanya'y may ibang nararamdaman Ngunit habang tumatagal ay lalong pinasisidhi Na ang pag-ibig niya'y iyong minimithi Ngunit pagseselos ngayo'y nangingibabaw Dahil sa kakaiba **** kilos at galaw Kahit na siya'y tila may iba ng mahal Eto ka pa rin, sa kanya'y patuloy na nagmamahal Kahit na ito'y masakit sa iyo Eto ka't nakangiti at tila nagbabalat-kayo
0
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:20 AM UTC
Pag-ibig ng aking kaibigan
Ito ay sana. Sana nandito ka sa aking tabi para marinig mo ang mga pahina sa aking boses na nangingibabaw. Mga letra sa mga sumusunod na bukas. Oo may bukas pang pahintuin ang mga sandaling kay tagal kang hinintay. Sa mga umaasa pa na may tayo pa. Kahit sandali lang, alam kong may oras na tumatakbo sa isipan mo, at yun ay maging tayo o hindi. Sana naging mainap ako sa ating dalawa. Sana nilubos lubos ko ang mga sandaling kapiling ka. At sana hindi ako maubusan ng mga sana. Subalit hanggang dito na lang ang ating paglalakbay.
0
Jul 10, 2023
Jul 10, 2023 at 6:34 AM UTC
Maraming dahilan kung bakit may pag-asang lumigaya sa piling mo